Nov 15, 2012

Samu't Saring Kwento 16: photoshoot

Tuwing sasapit ang mga buwan palapit sa pasko, tiyak na ang pagkakasakit ko ng ubo, sipon, o di kaya naman ay combo- ubo+sipon=trangkaso. Ewan ko ba. Iniisip ko nga kung may time ba na nakalimutan kong sasapit na pala ang birthday ni Bosing kaya parang parati akong pinapaalalahanan na malapit na ang pasko. 

Anyway, dahil sa pagkakasakit ko, marami akong nabinbing trabaho. Ewan ko ba. Tuwing susubukan kong magtrabaho, lalong gumagrabe ang sakit ko. Pag inaaya naman akong lumabas ng mga kaibigan ko, parang himalang gumagaling ang sakit ko. Minsan naisip ko, may sayad na ata ako o talagang nagiinarte na lang ako. Pero feeling ko talaga genuine naman yung sakit ko.. promise.
___________________

Isa sa mga trip namin ng mga barkada ko, bukod sa paglamon, ay ang magphotoshoot. Wala ata akong matandaang lakad namin na hindi prepared ang barkadang magpapicture. 

maraming kulang

Out of town - photoshoot
Party - photoshoot
Special Occasions -photoshoot
Tambay sa bahay -photoshoot

Minsan nga, kahit sa cr may photoshoot din. Hehe. Nitong huling photoshoot namin, siyempre pinagtripan nanaman ako. Game naman ako. Maganda naman ang previews sa camera kaso nung inupload na sa facebook, may mali. 
Hanapin ang mali

Kaya pala ngiting-ngiti yung isa sa mga pinaggagagawa sa akin. Yung ibang pics, halos lantad na ang "kinabukasan" ko. Hayup. I love my friends. Kahit minsan, isinusumpa ko sila kay satanas! Bwahahahahaha.
____________________

Ngayong magaling na ako, balik eskwela, trabaho at blog nanaman. Masarap magpahinga pero mas masarap maging busy. Lalalalalalalalalalalalalalala....lalalalalalalala.

Kumusta mga parekoy? :)

Oct 26, 2012

Pareng Archie :P

okay. hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto. pagkabasa ko kasi sa award, ang sabi, "The award recognizes new and upcoming bloggers..." teka lang. new and upcoming blogger? ako? 3 years sa blogging community tapos new and upcomming? at hindi pa nakontento... heto pa, "...with less than 200 followers..." ay grabe makapang-lait itong archieviner na ito! Ang sama talaga ng ugali netong baguhang to. dapat dito, bino-boycott ang blog eh.

Pero dahil binigay na rin lang at hindi masama ang ugali ko... sasagutan ko na rin lang. kahit masama sa loob ko. Haaayy.


In order to accept this prestigious award, one must abide by the list of rules which are: 
1. Each person must list 11 things about themselves. 
2. Answer the 11 questions that the tagger has set for you PLUS you must create 11 questions of your own for the 11 people you will nominate with this award. 
3. Choose up to 11 bloggers linking them to your post. 
4. Go to their page and inform them of the nomination 
5. Absolutely NO tags back. Remember to ONLY tag bloggers with less than 200 followers. 

11 Things About Me

1. Frustrated writer ako. May nobela akong nasulat kaso ayaw ko pang ipakita sa iba hanggat hindi ako satisfied. May mga napost akong short stories pero iba para sa akin ang nobela. Feeling ko kasi lalaitin lang. Ayokong mapahiya kapag nabasa ni Sidney Sheldon ang una kong libro. Padalhan ko siya ng kopya sa langit. 

2. Frustrated Singer ako. Maganda ang boses ko. I swear.

3. Sa mga taga-Baguio, baka napakinggan niyo na ang boses ko sa radyo. Sa mga taga-Pangasinan, baka nakita niyo na ako sa tv. May isang beses na nakita ako sa Mel and Joey at Rated K pero parehas na dumaan lang ako kaya hindi counted iyon. hehe.

4. I hate politics. Marami ang nagsasabi sa akin na pwede akong pulitiko kasi gusto kong tumulong sa kapwa. Kaso... first hand kong nakita kung gaano karumi sa pulitika. Di bale... hindi naman kailangan ng posisyon sa gobiyerno para tumulong. Malinis pa ang konsensiya ko.

5. Mahilig ako manuod ng mga pelikula. Minsan, naglaro kami nung barkada ko sa phone niya nung scratch and guess... huhulaan mo yung pelikula or character sa pelikula gamit lang ang isang picture ng eksena sa movie. I swear... halos nasagot ko lahat. Bilib nga sila sa akin eh. Kung meron lang sigurong game show na puro trivia sa movies lang ang  kailagan, baka milyonaryo na ako.

6. Mahilig ako magbasa ng suspense-thriller na novels. Favorite ko si Sidney Sheldon, Joy Fielding and recently, I discovered Fern Michaels. Pero siyempre, may mga favorites din ako from other genres like Mitch Albom and Bob Ong.

7. I spend at least 6 hours a night on my laptop. Paano ba naman, I work, edit videos, write articles, do projects, and blog. Goodbye 20/20 vision. 

8.  Varied din ang taste ko sa tv shows. Favorite ko ang Friends, Boy Meets World at How I Met Your Mother, pero gusto ko rin ang Alias at Fringe. Paborito ko rin ang Avatar: the Legend of Aang at The Legend of Korra. Recently, nadagdag sa listahan ang The Walking Dead at Modern Family. Hindi ko lang talaga na-gets yung Breaking Bad. 

9. Matipid ako sa sarili ko pero magastos ako sa mga kaibigan ko.

10. Halos wala ng laman ang ATM ko. (see number 9)

11. Mahilig akong matulog! Alam na ng mga friends ko kapag ang tagal kong magreply o di sumasagot sa mga tawag. Parating nagha-hibernate.

At heto naman ang mga tanong galing sa Sadistang si Archieviner...

1. What is your most-liked entry in your blog?
-Talagang hinanap ko pa. Kung sa views- ito yun(2200 views) Kontrobersyal to kasi may naoffend ako. pinalitan ko tuloy title. haha. Kung sa comments- ito yata. Basta. ang hirap kaya maghanap. Magback-read ka na lang. More than 100 posts pa lang naman :)

2.What is the secret behind your blog name?
-I was bored and insomniac nung simulan ko ang blog na to. Ngayon, hindi na ako bored pero insomniac pa rin. 

3. If you have one question to any blogger, what is it?
-Bakit ang epal mo? At dahil di mo tinanong kung kaninong blogger ko itatanong, hindi ko na sasabihin kung sino. hehe.

4. What do you wish you had more time for?
-Mag-sulat. Sana, mabigyan ako ng time na mapagtuunan ng pansin iyong pagsusulat ko. Gusto ko pang matuto at magsulat ng magsulat.

5. How old did you wish you were?
- Sana 19 na lang ako ulit. I think I skipped this part of my life kasi sobra akong depressed. I have isolated myself from my friends and family. Sayang ang ilang buwang pagmumukmok. 

6. What do you enjoy doing when you're bored?
-Read books. Watch movies. Write. Eat Food. Boring Ako.

7. What's the most daring thing you've done?
- Pwede bang second most daring na lang? Hindi ko pwede i-share yung most eh. When I was 6 or 7, natuto akong magbike without training wheels. Sa sobrang feeling ko na expert na ako, pumunta ako sa tukotok ng isang bridge para magbike pababa kaso may nakasalubong akong jeep. Nabangga ako. Pero ayos lang. Buhay pa naman ako at ang pakiramdam ko nun, buhay na buhay ako. :)

8. Would you rather be rich and unhappy, or poor and happy?
- Yung totoo? I'd rather be rich and unhappy. At least, I'd be unhappy in style. Bwahahaha. Ewan. mahirap to.

9.Who would you die for?
- My mom. No questions asked.

10. What would be your legacy?
- Gusto kong maging mahilig ang mga kabataang pinoy sa pagbabasa... at ang isa sa mga dahilan ng pagiging interesado nila sa pagbabasa ay ang mga librong nagawa ko. Ikasasaya ko talaga yun. 

11. Describe Archieviner in one word.
- Masipag?!!?

At dahil mas mabait ako (di tulad ng isang CPA na OFW diyan!), hindi ko na kayo pahihirapan. Hindi na ako magtatag... pero dahil magco-comment rin lang kayo... magtatanong na rin ako. 

Sino ang mas POGI?


Borednightcrawler?

bwahahaha. Peace tayo pareng Archie. :P



Oct 10, 2012

Birthday Boy's guide to eating dimsum

Kahit na gaano pa ako ka-busy... still found a way to celebrate my 23rd birthday. Very low-key, intimate dinner with my family.

At dahil gusto ko may matutunan kayo sa akin, ishe-share ko sa inyo ang blogger's way of eating dimsum!


 1. Umorder.

 2. Kuha. Mas sosyal tignan pag naka-chopsticks.

 3. Mix sauce. Kunwari kapapansin lang na pinipicturan.

 4. Take a bite. Take note: bite lang. Wag magmukhang patay-gutom. Magpaka-sosyal kahit sa picture lang.

 5. Take another bite. Kahit na kayang lunukin ang dimsum ng minsanan, pigilin ang sarili. Bukod sa kailangan ng poise, kailangan ding patagalin ang pagkain para hindi paalisin sa mamahaling restawran.

 6. Smile for the camera. Steady lang para hindi mahulog ang kinakain. Sayang. Mahal.

 7. Matagal pa ba? Kontrolin pa ang facial muscles habang humahanap ng matinong angulo ang kumukuha ng pictures.

 8. Kapag nakuha na ang desired pictures... magpakatotoo na. Isang lagok. Solve.

 9. Isa pa!

 10. Then Smile. Be proud. 

Happy 23rd birthday to me! 

Oct 8, 2012

Busy lang talaga.

Sobrang busy ng nightcrawler. Parang gusto ko na ngang palitan iyong header ko from "Stories from a bored nightcrawler" to "Stories from a stressed nightcrawler." Ito... Ito ang salarin!


Sa mga nakatira sa Pangasinan, may chance na makikita niyo ako sa tv dahil eere daw ito sa isang regional channel. Naku po. Goodluck sa akin. Di ko na sasabihin kung kelan. Minsan lang to kaya sana wag ako magkalat.

Bukod pa diyan, I'm still busy with my thesis(chapters 1,2, and 3), ojt, PR event, and work. Kumusta naman daw yun? Sabi nga ng ilang friends ko I'm on their suicide watch! My goodness. Tatapusin ko lang tong dalawang linggo... konti na lang makakahinga na ako.

PS. Yup. Nightcrawler's name is Lou. And yup... ganyan na ako kalaki. Uunahan ko na kayo bago niyo ako laitin. Ay, bawal niyo na pala ako laitin! Ayon sa ipinasang cybercrime act, pwede ko kayo idemanda at ipakulong ng up to 12 years kapag nilait niyo ako. bwahahaha.


Sep 23, 2012

Samu't Saring Kwento 15: Baguio

Pagsakay ko ng van, may umupo sa bandang harapan na magkuya.

"kuya, bili ako ng makakain natin."
"O sige. Punta ka dun sa tabing tindahan. Bili ka kahit ano." Sabay abot ng 50 pesos.
"Sige kuya. Balik ako agad. I love you."

"Kuya, anong gusto mo dito sa dalawa?"
"Kahit ano na lang."
"Ito na lang kuya. Di ba favorite mo to? Hati na lang tayo."

"Kuya, malapit na ba tayo?"
"Medyo malayo pa ading. Bakit?"
"Gisingin mo ako pag andun na tayo ha? Goodnight." Sabay halik sa pisngi.

This is unfair! Pahingi ng baby brother!
________________

Lumabas kami ng mga kaibigan para magdinner. Isa dun, kaibigan lang talaga pero nililink sa akin.
Habang kumakain...

"Kuya, nakilala mo na ba boyfriend ni ate?"
"Hindi pa nga. Hon(tawag ko sa friend na nililink sakin), pakilala mo sa akin."
"Dadaan daw siya dito mamaya."

Pagkakilala kay boyfriend...
"Kuya, wag kang magalala, lamang ka naman dun."
"Asus."
"Oo promise! Lamang lang siya sayo ng isang paligo..." sumasama sa pageant ang mokong "... pero lamang ka naman sa height!"
"Di nga?"
"Oo. Saka sa Tiyan. Saka sa baba. Pag tag-gutom, pwede nating isigang iyan!"
"Buset!"

Haha. Nakakatuwa na nakakabanas kapag kasama ang barkada.
________________

22 Things to do while I'm 22 Update

Number 9 : Meet at least 2 bloggers in person

Bilang paakyat ako ng Baguio to see some old friends at paakyat ng Baguio si pareng Asiong to start working, napagpasyahan naming magkita. Konting kwentuhan lang sana kung saan namin iwawala si pareng Denggoy sa aming hometown pero, SURPRISE! Umakyat din pala si pareng Denggoy! Napaaga tuloy ang meet-up. After dinner sa 50's diner, inuman sa... saan na nga ba ulit yun? Di ko na matandaan sa kalilipat namin. hehe. At konting paglalandi ni pareng Asiong sa receptionist ng hotel, naghiwa-hiwalay na kami. Kung nagtataka kayo kung bakit walang pictures, bigla daw nacamera-shy ang dalawa. Iyong isa, photographer at iyong isa may dalang digicam... camera-shy? haha. Di bale. Kapag sa hometown ko na, kailangan may pics. See you again soon. Sa mga ibang bloggers na malapit lang sa Dagupan, open din po ang invitation sa inyo. :)

Nga pala. Fail ang attempt ko na humiga sa gitna ng Session Road. Akalain mo ba namang sumabay pa ang ulan sa pagakyat ko. Ayoko naman magmukhang basang sisiw. Next Time na lang. :)




Sep 21, 2012

Sama ka sa Baguio

Sa wakas! Makakabalik na rin ako sa Baguio!
Opo...
Matapos akong konsensiyahin ng katakut-takot ng ilang mga kaibigan, makakabonding ko na ulit sila sa Baguio!
At dahil diyan, iiwan ko lahat ng stress at mageenjoy lang ako.
Kung meron man sa inyo na nasa Baguio, kitakits.

PS. Hindi ako uuwi hanggat hindi ako nakakahiga sa gitna ng Session Road! Wish me luck :)

Sep 18, 2012

Ang Paglaya

"Gaano mo ako kamahal?" tanong ni Francis sa kanyang asawa.

"Unang tingin ko pa lang sayo, iba na ang naramdaman ko. Alam ko magiging parte ka ng buhay ko. Hindi ko alam kung ganun ka rin sa akin pero alam ko, dun pa lang, nagkaroon ka na ng puwang sa puso ko."

"Alam mo ba na matapos kitang ihatid nung unang date natin, hindi agad ako umalis. Andun lang ako sa labas ng gate. Mahigit isang oras."

"Ha? Akala ko umalis ka pagkasara ko ng gate. Anong ginawa mo dun?"

"Tumingin lang ako sa langit. Nagpasalamat. Antagal kong naghintay ng isang taong gaya mo..."

"Gaya ko?"

"Gaya mo. Maganda. Mabait. Mapagbigay sa kapwa. Nangako ako sa Kanya na ibigay ka lamang Niya sa akin, araw-araw kitang paliligayahin... na mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko. Dininig Niya ang panalangin ko, sinagot mo naman ako kinabukasan."

"Ang talino mo kasi... sa Kanya ka pa humingi ng pabor."

" ... "

"Naalala mo nung nagpropose ako sayo? Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Parang nabuo ang puso ko nang tanggapin mo ang singsing. Walang paglagyan ang saya ko nun... parang lahat perpekto. Maganda ang kalangitan. Maganda ang musika. Maganda ang pangyayari. Napakaganda mo sa suot mong pulang bestida."

"Naalala mo pa ang lahat ng iyon?" hindi na mapigil ni Karen ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga pisngi.

"Oo naman. Doon nakumpleto ang buhay ko. Doon nagsimula ang pangarap ko na kasama ka."

Sa pagkakataong ito, napahagulgol si Karen. Halos masabi na niya ang kanyang pinakatatagong sikreto nang muling magsalita si Francis.

"Naalala mo nung araw ng kasal natin? Tayong dalawa lang, kasama sina Stephen at Jeline. Pinanindigan kita kahit pa ayaw sayo ng mga magulang ko...

"Francis..."

"...kasi ganun kita kamahal. Ganun kita kamahal na kaya kong ipagpalit ang pamilya ko sayo."

"Francis... napakabuti mo sa akin... Patawarin mo ako."

"Patawarin? Bakit?"

"Hindi ako naging mabuting asawa sayo. Bago man lang ako mamatay, gusto kong ipagtapat sayo ang lahat."

Tahimik na lang si Francis... tila inuudyukan ang asawa na ipagpatuloy ang sasabihin.

"Totoong minahal kita. Maniwala ka. Pero natangay ako... Naalala mo nung kausap mo ang abogado mo anim na buwan na ang nakakaraan? Narinig ko ang buong usapan niyo. Paano mo nagawa sa akin iyon? Ibibigay mo ang lahat ng kayamanan mo sa mga bahay-ampunan pero ni isang kusing, wala kang iiwan sa akin? Sabi mo mahal mo ako pero bakit ganun? Kung may mangyaring masama sayo... wala akong makukuha kahit piso? Bakit? Bakit?!"

Hindi makapagsalita sa Francis. Walang bakas ng kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha pero patuloy ang pag-agos ng kanyang luha.

"Nagalit ako sayo noon. Sa sobrang galit ko noon, sinubukan kitang lasunin. Narinig mo ba? Nilason kita. Pero mabait pa rin ang Diyos sayo. Walang nangyaring masama sayo... at ako naman ang pinarusahan ngayon. Ilang sandali na lang ang natitira sa buhay ko. Hindi ba nakakatawa iyon? "

" ... "

"Nang magsimula ang malubhang sakit ko... Nang mga unang linggo ko dito sa ospital, gusto kong sumabog. Gusto kong patuloy na magalit sayo pero hindi ko magawa. Parati kang andiyan. Walang araw na hindi mo ako dinalaw. Kahit na sinisigawan kita, tinititigan mo lang ako at hinahayang sumigaw ng sumigaw. Hindi mo ako iniwan. Napakabuti mo. Alam ko na hindi ako nararapat sa pagmamahal mo pero nagpapasalamat ako at hindi ka nagbago sa akin. Patawarin mo ako Francis. Francis?"

Hindi na nakayanan pa ni Francis... bigla siyang tumayo at nagmamadaling umalis ng kuwarto. Hindi niya mapigilan ang mga luhang kumakawala sa kaniyang mga mata. Habang naglalakad siya pababa ng ospital, halos lahat ng mga mata ay nakamasid sa kanya.... mga matang nakikisimpatya at nakaka-intindi. Isa... Dalawa... Sampung hakbang mula sa gusali ng ospital, bigla siyang napahinto. Ilang sandali pa, hindi na niya talaga napigilan... unti-unti, palakas ng palakas, pinakawalan niya ang iniimpit na tawa.

"Ikaw na rin ang may sabi, matalino ako. Kaya ako ang nakatayo ngayon, at ikaw ang nabubulok diyan."

Hindi na muling lumingon si Francis.

Sep 17, 2012

Samu't Saring Kwento 14: WOWOW


Natatawa lang ako dun sa last post ko.

Halata kung sinu-sino ang:
1) Mahilig magskip-read. Binasa lang iyong unang paragraph tapos naki-happy birthday Kevin din. Haha.
2) Tamad magbasa ng mahabang posts. Iyong ibang napapadaan, diretso sa mga mas maikling post. Sayang siguro ang oras... pwede pang magpromote sa ibang blogs. hehe
3) Talagang nagbabasa. Nakakatuwa lang lalo na pag totoong nagustuhan ang istorya. Ang hirap kaya mag-isip.

Wala naman akong masamang ibig sabihin niyan. Ang sa akin lang... andito ka na rin lang, basahin mo na. Wala namang bayad. :)

_____________

Totoo na talaga. Na-hack nga iyong yahoo account ko. Lahat ng important files ko, di ko ma-access. Gamit ko pa naman iyon sa maraming bagay -sa trabaho, sa pagaaral, sa pakikipag-usap, at sa pakikipag-landi. Haayy... Kaya mga parekoy, tandaan:

1) Hirapan at habaan ang password. Iyong tipong mahaba at mahirap na hindi kayang hulaan ng iba at hindi mo makakalimutan basta-basta. Wag shushunga-shunga.
2) Huwag ipagkalat ang password. Kahit pa si girlpren ang nagtanong, wag ibibigay. Pag nagpumilit, gumawa ka ng second account. hehe

Nakakalungkot lang. Matagal na sa akin ang account na iyan. In fact, ito ang pinaka-una kong ginawang email account nung first year high school ako. Ganyan ako eh... kahit maliit na bagay, nilalagyan ko ng sentimental value.
_____________

Speaking of sentimental value, kumusta naman ang ilang pagbabago sa blog ko. Una, tinanggal ko iyong automatic music player. Dalawang taon din sa blog ko iyon ha. Pangalawa, iyong banner photo ko. Sa mga kakulitan ko mula simula, ngayon niyo lang nakitang nagbago ang banner na iyan. Medyo asiwa pa ako... Ang baboy ko lang. haha.

May mga mangilan-ngilan mang pagbabago- ang music player, header, kahit iyong timbang ko; may isang bagay na hindi pa rin nagbabago at hindi ko matanggal. Hanggang ngayon, puyat pa rin ako. Insomniac since 2001(kasalanan ng WOWOW!).

Sep 15, 2012

Anak ng tinapa!

Birthday nanaman ni pareng Kevin. Bilang napakabait niyang kaibigan, nais kong handugan siya ng kakaibang regalo. Isang video tape na naglalaman ng pagbati mula sa kanyang pamilya at iba pa naming barkada. At dahil ako ang may pakana, ako dapat ang bida.

"Pareng Kevin, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Napakabait mo at..." bigla akong napatigil sa kalabog na narinig sa labas. Surpresa dapat ito kaya minabuti kong magtago sa likod ng kabinet.

May pumasok sa loob ng silid. Hindi lang isa kung ang mga yabag ang pagbabasehan. Hindi ako mapakali... Bukod sa prof kong naka-uwi na sa kanila, ako lang ang may susi sa kwartong iyon ng eskwelahan. Sino kaya ang mga ito? Hindi naglaon, umalis din ang mga pumasok sa kwarto. Nakapagtataka...

Lumabas ako mula sa kintataguan ko. Ano kaya ang pinagusapan ng mga iyon? Doon ko napansin na naiwan ko pala ang videocam ko sa may lamesa at patuloy ang pagrecord nito. Sinilip ko...

"Pareng Kevin, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Napakabait mo at..."
" ... "
"Sigurado ka bang walang makakarinig sa atin dito?"
"Oo. Asar. Ang sabi sa akin andito pa si Kevin. Mag-isa at nagaayos ng gamit."
"Teka, nagtext si Titus. Nasa bilyaran daw ulit ang kumag."
"Gagong Kevin yun. Sa wakas... makakabawi na rin ako sa kanya. Patay siya sa akin."
"Tara na. Naghihintay na daw sa atin si Titus sa may labasan. Tambangan na natin siya dun sa bilyaran. Wala pa masyadong tao dun ng ganitong oras."

Kevin. Bilyaran. Bigla akong kinilabutan.

"The number you dialed is out of coverage area..."
"Asar! Bakit kasi hindi pa bumili ng bagong cellphone si Kevin eh."

"Hello pareng Roger! Nasaan ka?"
"Kasama ko si Dee. Ihahatid ko na siya sa kanila. Bakit?"
"Pauwiin mo muna siya mag-isa tol. Emergency lang. Kailangan kita ngayon na mismo."
"Ha? Bakit nga?"
"Basta hihintayin kita sa tindahan ni Aleng Fifi."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Hindi maganda ang kutob ko. Iilan lang ang may pangalang Kevin sa paaralan namin at paborito nitong tambayan ang bilyaran. Sino kaya ang mga taong ito at bakit gusto nilang saktan si Kevin? Ang alam ko'y walang kaaway ito bilang masayahin at palakaibigan ito. Maliban na lang kung... Anak ng tinapa. Hindi kaya kasama sila sa mga listahan ng mga natalo ni Kevin sa bilyaran? Madalas nakikipagpustahan ang mokong na iyon sa kung sinu-sino. Palibhasa, walang makatalo sa kaniya sa bilyaran. Ang masama pa, ilang beses na rin siyang napaaway sa mga talunang "nadaya" daw nito. Sana mali ang iniisip ko. Pagdating ko kina aling Fifi, nakita ko ang dalawang lalaking nakunan ko sa video na nagaantay sa labas ng bilayaran. Naunahan ako. Kailangan ko na ng tulong...

"Hello police department..."

Bigla akong hindi makapagsalita. Si Kevin... Isinakay ng sapilitan sa puting sasakyan. Kalma lang. Hinga.

"Hello pulis. May irereport po akong..."

Anak ng tinapa! Battery Empty. Kumaliwa na ang sasakyan at hindi ko nakuha ang plate number ng sasakyan. Kalma lang. Hinga.

"Buknoy!"
"Roger! Huwag ka nang bumaba diyan sa motor. May hahabulin tayo. Dali!"
"Teka lang. Sino bang hinahabol natin?"
"Si Kevin. Tinangay ng dalawang lalaki. Bilis. Liko ka sa kaliwa."
"&^*% Buknoy! Wala ako sa mood sa mga trip mong ganyan ah!"
"Hindi ako nagbibiro. Basta direstso ka lang."

Hindi naglaon, naabutan rin namin ang puting sasakyan.

"Iyan na iyon... Huwag kang magpahalata. Distansya tayo ng kaunti."
"Sigurado ka bang sila iyan?"
"Oo."

Ilang kanto rin ang nilikuan nito bago tumigil sa isang garahe. Unang lumabas ang drayber ng sasakyan. Lumingon-lingon sa paligid. Nang masiguro nitong walang ibang tao sa paligid, pinalabas niya ang mga tao sa sasakyan. Lumabas ang dalawang lalaki na nakunan ko sa video at kasunod nila si pareng Kevin. Nakapiring.

"Anong gagawin natin?"
"Nasaan ang cellphone mo? Kailangan nating tumawag sa pulis."
"Pinahiram ko kay Dee. Nasira kasi cellphone niya eh."
"Anak ng... Walang kwenta ang mga cellphone na iyan!!!"
"Ano na ang gagawin natin?"
"Hindi nating pwedeng pabayaan si Kevin. Tatlo silang may hawak sa kanya. Kaya natin sila. Walang atrasan."

Pumasok ang mga lalaki sa loob ng bahay. Pumulot ako ng malaking bato. Hindi ako sanay makipagbasag-ulo pero hindi namin pwedeng pabayaan si Kevin. Nang malapit na kami sa pinto, biglang nagliwanag ang buong kabahayan! Marami ang nagsisigawan! Ano na ang nangyayari? Napatakbo kami ni Roger at nang buksan namin ang pintuan...

"Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday... Happy Birthday to you..."

Halos mawalan ako ng malay. Nakita ko ang mga lalaking dumakip kay Kevin na nakikipagtawanan sa kaniya. Ang mga ibang tao sa loob ay pawang pamilar ang pagmumukha... Tama. Madalas ko silang makita sa bilyaran.

"Hoy Buknoy! Roger! Anong ginagawa niyo dito?"
"Ah.. Eh..."
"Nasabihan ba kayo ng mga ito? Walanghiya... kinabahan ako kanina. Halos maihi ako sa pantalon ko. Iba talaga magbigay-pugay ang grupo ng mga tambay sa bilyaran. Surprise party daw para sa hari! Haha."

Biglang lumapit ang mga "kidnapers."
"Sabi ko sayo Kevin eh. Makakabawi din ako sayo. Pamatay ba ang surpresa namin sa HARI?"
"Ulol! Haha. Mga kaibigan ko nga pala. Si Roger at Buknoy."
"Buti nakapunta kayo mga tol. Kain lang kayo ah."
"Sa-Salamat."

Nakakahiya. Muntik pa ako tumawag ng pulis. Buti na lang puro walang kwenta mga cellphone namin. Haaay. Naghanap muna ako ng banyo bago kumain. Andito na rin lang ako, itinuloy ko na iyong video ko. Maayos pa naman ang hitsura ko... Hindi nagsisinungaling ang salamin.

"Pareng Kevin, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Napakabait mo at..."

Bigla akong napahinto. May papasok ng banyo. Nakakahiya kung maabutan nila akong nagrerecord ng video kaya pumasok muna ako ng cubicle.

"Sigurado kang walang tao?"
"Oo. Wala pang pumapasok dito."

Sila ulit?

"Tuloy pa rin tayo mamaya. Walang magsususpetsya."
"Nakahanda na lahat ng gamit natin."
"Mabuti. Magpasarap ka na ngayon Kevin. Pagkatapos nito, patay ka sakin."

Anak ng tinapa!

Sep 14, 2012

For Gigi

Last night was our last bonding together. It was the first time that I was able to walk him outside the house because he doesn't want being dragged around on a leash. I was so proud. Somehow, maybe he knew it would be our last moment together and he wanted to please me one last time. He was more obedient than usual and more affectionate than I remembered.

I was about to take him out this morning when I saw him dangling from the other dog's leash. They had a fight and somehow the leashes got stuck on his neck. I couldn't even look at him directly. I wanted to blame everyone but I knew I was just as guilty for his untimely demise. He was the sweetest, most loyal, and most protective dog I've ever had... and I just lost him. I am so sorry. I wish we had more time together. Goodbye my friend. I'm missing you already.  

Sep 6, 2012

Samu't Saring Kwento 13: Sa totoo lang

Pagkabukas ko ng yahoo account ko, ito ang tumambad sa akin:


From Japan? Teka... Pilit ko talagang inalala. Nanggaling ba ako ng Japan kagabi? Bakit ang bilis ko namang nakabalik? Hindi talaga eh. Bakit at paano na-access ang account ko sa Japan?

Mga posibleng rason:
1) May naka-away akong Hapon at gustong maghanap ng pwedeng i-blackmail laban sa akin gamit ang account ko.
2) May nang-trip lang at nagtype ng random na email address at password(ang galing naman ng ******)
3) Nanggaling talaga ako ng Japan kagabi at di ko maalala ang mga pangyayari(parang Hangover lang)

Napa-isip ako kung papalitan ko ang password ko. Ayoko nung una kaso naalala ko... may press release pala ako na wala akong malaswang video at litrato. P*kening. Palit agad ng password. Okey na. My reputation is intact. Again, I repeat... wala po talaga akong malalaswang picture at video. Promise. Hehe.
__________________

Siguro naman pamilyar tayong lahat sa kaguluhang kinsasangkutan ni Senator Tito Sotto. Bilang isang blogger, nakakainsulto nang sabihin niyang hindi niya kokopyahin ang gawa ng isang blogger dahil sa blogger nga lang ito. Matapos ang ilang araw, umamin ang kanyang chief of staff na ginamit nga nila ang laman ng apat na blogs upang isama sa speech ng senador. Isang pagpapakumbaba ang inaasahan ng mga bloggers pero isang letter of apology na mapang-mata ang kanilang natanggap.

Matapos sabihing naging biktima siya ng Cyber Bullying ng dahil sa pangyayari, muli siyang nagtalumpati. Pero teka lang, muling umalma ang mga tao sa hindi maipagkakamaling muling pangongopya ng Senador ng kanyang talumpati... ngayon naman mula kay Robert Kennedy. "Hindi ko kinopya iyan... Bakit, marunong ba siyang magtagalog?"


Hindi ko alam kung nananadya siya o talagang obobs lang talaga. Nakakalungkot na ang isang Senador ng bansa ay walang konsepto ng Plagiarism... isang bagay na pinagsusumikapang pagaralan at iwasan ng milyon-milyong tao sa mundo. 

He stole. He lied. He's arrogant. Bakit ganun? Kung kailan retired na siya sa pagiging komedyante, ngayon pa siya pinagtatawanan. Nga pala, kinuha ko sa Inquirer.net ang pagkukumpara ng speech ni Sotto at Kenedy. O di ba? Hindi naman mahirap kilalanin ang gawa ng iba. 
____________________

22 Things to do while I'm 22 Update

number 14: Not lie for 1 whole week

Ito na siguro ang isa sa pinaka-mahirap gawin sa listahan. Paano mo sasagutin ang mga tanong na:

Maayos ba ang hitsura ko ngayon? - kahit araw-araw siyang pangit
May pag-asa kaya kaming magkatuluyan? - kahit may girlfriend yung gusto niya
Papasa pa kaya ako? - walang milagro!

Buti nairaos. Hindi nga ako naging sinungaling, naging snob naman ako sa kaiiwas sa mga tanong nila. Ngayon pwede na ulit... Kumusta na kayo mga naggwagwapuhan at naggagandahang mga nilalang ng Blogging community?


Sep 5, 2012

3 years of Boredom

It's official. Tatlong taon na ang lumipas mula nung una akong magpost ng entry dito sa aking blog. Wow. Tatlong taon. Kung baby lang ang blog ko, malamang nagsasalita na iyan. Kung girlfriend, baka engaged na kami. Kung asawa, malamang divorced na kami. hehe.

Binalikan ko iyong pinaka-una kong post... Nakakatawa lang. Heto ang pahapyaw:

1. I'm not inspiring at all. If anything, i am a bit on the rough edge. hindi lang halata 'cause i have a unique way of carrying myself. so if that's what you're looking for, find it somewhere else.
2. I don't have naked pics or vids of myself... yet. haha, just teasin'. I'm not that bored!
3. I'm an insomniac so expect that most of the updates will occur during night time or early morning. 

Tatlong taon matapos kong isulat iyan, hindi pa rin naman pala ako masyadong nagbago. Una, hindi pa rin ako inspiring. Kung meron mang mangilan-ngilang nabola, tsamba lang yun. Pangalawa, wala pa rin akong mga hubad na litrato o mga video na malaswa... wala pa!(sana huwag lumabas) Pangatlo, Insomniac pa rin ako! Certified Zombie.

Sa lahat ng mga natuwa, nakitawa, naki-iyak, at... sige na nga, mga na-inspire, maraming salamat sa tatlong taon ninyong pagsubaybay sa buhay ng puyat na nightcrawler. 

Sa lahat ng mga bagong kaibigan, ka-blogger, ka-usyoso, at mga parekoy, sana'y mas matagal pa ang pagsamahan natin at mas sipagin pa tayo sa pag-update ng ating mga blogs.

Sa lahat ng mga nabanas, nainis, at nakornihan, ayos lang. Kanya-kanyang trip lang iyan.

Sa lahat ng mga tuwang-tuwa sa kababasa pero di naman nagapaparamdam... huy! Mag-comment ka naman. Walang bayad. Promise. 

Happy 3rd Year Anniversary to my virtual home - stories from a bored nightcrawler

cheers

Sep 3, 2012

Samu't Saring Kwento 12: Ang writer

Nakahiligan kong mag-regalo ng libro sa mga kaibigan tuwing birthday nila. Bakit? Dalawa lang naman ang rason....

Una, mahilig akong magbasa ng libro. Alam ko marami ang nagkaroon ng phobia sa mga libro dahil sa mga pesteng teachers na akala mo ay nangangain ng estudyante pag hindi sila nakapagbasa ng reading assignment, pero hindi pa naman huli para baguhin yun. Katulong sina Maxwell, Albom, Fyfield at Grisham, iniisa-isa ko silang ginagamot sa kanilang karamdaman. Kapag malala ng konti... si Sidney Sheldon na ang kailangan.

Pangalawa... dahil gusto kong tumawa. Parati kong inaabangan ang mga reaksyon nila pagka-bigay ko ng libro. Merong:

Uhhhmmm... Salamat?! - Confused
Salamat lang ah. Salamat talaga!!! - Naasar
Thank you po. I really like it... - Ayaw talaga pero nahihiyang sabihin...
Thanks. You'll get yours sa birthday mo. - Nananakot. Babawian ako sa birthday ko.

at ang pinaka gusto ko sa lahat...

Wow! Thanks. Thank you so much. - Tuwang-tuwa... hindi dahil sa nagustuhan ang bigay na libro kundi dahil sa ako lang ang nagbigay sa kanila ng regalo aside from nanay at tatay nila. hehe.

Sana mas marami pang magkagustong magbasa. Hindi lang naman sina Sheldon at Fyfield ang magaling magsulat... kahit mismo dito sa atin ay marami rin. Andiyan sina Lualhati Bautista, Ricky Lee, Nick Jaoquin, Bob Ong at ang isang writer na kilala niyo sa bansag na borednightcrawler. Walang basagan ng trip.
___________________

Diet mode nanaman ulit. Kailangang apurahin dahil malapit na ang deadline ng listahan ko. Dahil diyan, pagsasabayin ko... 1 month jogging at 1 week vegetarian meals starting tomorrow. I need a miracle.


Aug 31, 2012

Karamay

.ako pagod na Pagod .ko katawan ang bumigay ng malapit at gawain Andaming .ako mapatawa lang para tanga magmukhang rin handa kundi ,kaluoban magandang mga may lang hindi na kaibigan mga akong mayroon at ako nagpapasalamat ito panahong mga Sa

.ulit ko pagbablog ang ata napapadalas ,talaga ko sasabihin ang ituloy ko bago ,lang ko Pansin .lang na Buti .pagbablog ang lungkot at pagod ng talaga nakakawala kong napatunayan ,taon na nakalipas mga Sa .inyo sa epekto ang din ganun Sana .sabihin talagang ko gusto sa tayo Balik

.ngayon nagbablog muling ako kaya sabihin ako talaga gusto may ,lang totoo Sa .karamay ng naman lang ko gusto pero maiinis kayong sana Huwag .huli sa ko pagsisihan baka ay ito ng lahat nasabi ko hindi kapag at ko utak ng kasi na sakit Ang .talaga na Heto ?ba hindi karamay ng ko gusto nga ko Sabi .mo ulo ang din sumakit na sabihin ibig ,ito parteng sa ka umabot Kapag .salamat Maraming .mo sinayang ang din minuto Limang .ako lang mapatawa ,tanga magmukhang ring handa ,world blogging sa dito kaibigan mga ang kahit ...eh ba nga na Sabi .ka matuluyan baka ...na tama O .Hehe

Aug 30, 2012

Samu't Saring Kwento 11: Zombie

Hindi ko alam kung bakit sa sobrang tipid ko ay malaki pa rin ang nababawas sa savings ko. Simula kasi ng magpart-time job ako a year ago, hindi na ako humihingi ng pang-gastos ko. Biglang may nagtext...

"uhmm..."
"yes?"
"alam ko may utang pa ako sayo pero magbabakasakali lang ako... mapapahiram mo ba ako ulit?"

Alam na. Nawala sa isip ko. Andami palang may utang sa akin. Matapos ang mahaba-habang kalkulasyon, mahigit 12,000 pesos pala ang pera kong napautang! Oh my gulay. Bakit ba kasi malambot ang puso ko sa mga nangangailangan? Medyo matagal-tagal na rin ang iba dun ah. Grabe. Ako na ang may ginintuang puso... pwede kayang isanla

Sadly, hindi ko siya pinautang. Meron ba akong pera? Meron. Kaso, tiwala naman yata ang naubos.
__________________

Sobra akong stressed nitong mga nakaraang linggo. Stressed sa eskwela, sa trabaho, sa mga problema. Kung meron mang isang bagay na nakakapag-relax sa akin ngayon, ito ay Milk Tea. Opo. Milk Tea. Masarap. Masustansya. Mahal.


Minsan, sa sobrang tagal ng mga hinihintay ko, naka-order ako ng dalawang extra large at isang small na milk tea. Nasira ang tiyan ko kinagabihan. hehe. Eh ano? Kung yung iba nga eh dinadaan sa alak at sigarilyo ang pagrerelax, eh di hamak na mas maayos pa ang paraan ko hindi ba? Free Wifi pa. hehe. Kaya kung mapadaan kayo sa mga milk tea shops dito sa may amin, hanapin niyo lang ako at sabihan ng, "Tama na yan. Ang baboy mo na kaya!" Pasuntok muna saka kita ililibre ng milk tea. Ayos?
__________________

22 Things to do while I'm 22 Update

number 12: Stay awake for 25 hours straight

Hindi ko alam kung bakit nasama pa to sa listahan. Sa totoo lang, ang record ko talaga ng pinaka-mahabang oras na walang tulugan ay 46 hours. Kaya itong challenge na ito... chiken! Bwahahahahahahhahahaha. This is my 26th hour. Strong. Astig. Zombie. 

3 Down. 19 Left. 41 Days to finish. Good luck to me. Hayahay!

Aug 28, 2012

Samu't Saring Kwento 10: Ayos!

I just counted. I now have more than 100 posts since I started blogging... 102 to be exact. Looking at that number, I'm realizing things...

1)  Ang tamad ko palang mag-blog. May mga buwan na wala akong entries at yung iba, pa-utot na entries lang. Haay...

2) Ang lakas maka-emo ng mga nauna kong mga entries. Kung saka-sakaling may naligaw ditong suicidal, malamang natuluyan na yun pagkabasa ng mga posts ko.(wala naman sana)

3) Masarap magbasa ng mga nakakataba ng pusong mga comments. May mga mangilan-ngilang epal pero ayos lang din. Sa sobrang taba na ng puso ko, kasya kayo lahat, kahit mga balahura. hehe.

4) Ilang beses na pala ako nangakong magbabago na ng pananaw sa buhay at mas magiging positive. Ewan ko ba. Bakit naman kasi andaming nagkalat na kampon ng masasamang elemento? pero, pangako na talaga... mas aayusin ko na ang buhay ko. Promise! Ulit!

5) I survived! Marami na akong mga kasabayang bloggers na huminto na sa pagbablog. Nawalan ng gana? Inspirasyon? Aaminin ko, naranasan ko na rin ang mga yan pero heto't pabalik-balik ako. Parang singaw lang. hehe.

Sa iba, wala lang siguro ang numerong iyan pero para sa akin, kasabay ng paglaki ng numerong iyan ang paghubog ng pagkatao ko sa nakalipas na tatlong taon. Minsan masaya. Minsan malungkot. Minsan wala lang. Kahit ano pa man, tuloy-tuloy pa rin tayo. Sabay kayo ha? Iisa lang naman ang komunidad natin eh... komunidad ng mga pogi at maganda! Haha.

Next week, opisyal na 3rd year anniversary na ng blog ko. Ayos!
__________________

22 things to do while I'm 22 Update

number 20: Start my own business/Get a part time job

Isa sa mga hindi alam ng marami ay bukod sa pagiging estudyante ko sa umaga, isa din akong teacher sa gabi! O ha? estudyante na, teacher pa. Anong klaseng teacher? Teacher po ako ng English online. Opo. Online. Sa mga napagsasabihan ko ng raket na to, marami sa kanila ang nagsasabi na madali lang to gawin! Excuse me po!!

Madali bang ngumiti sa estudyante kahit na sa totoo ay bwisit na bwisit ka na?
Madali bang magpasensya sa mga estudyanteng mahilig magtantrums habang nagkaklase?
Madali bang pigilin ang tawag ng kalikasan habang nakikipagbolahan ka sa estudyante?
Madali bang pigilin ang mga estudyanteng kinikilig sa kanilang mga guro?

Hindi di ba? Kailangan ng matinding pasensya, pang-unawa, talino, at kakaibang charms para makatagal. Haay. Buti na lang meron ako lahat niyan. hehe. Pero lahat ng iyan kaya mong tiisin kapag nasahuran ka ng maayos at masabihan ng, "I don't want to reserve any other teacher. You're my favorite. You're the best." 

O di ba? Kumita ka na, nabola ka pa!


Hard at work.

Aug 26, 2012

Samu't Saring Kwento 9: Hampaslupa

We were asked to do mock posters for different products. Napunta sa akin ang Adidas. Adidas... Hmmmm... For some odd reason, I have never own Adidas shoes before. Mas masarap kasi atang kainin kesa suotin!(tatawa ang mga jologs) hehe. Siyempre, kailangang mag-isip ng magandang tagline na kokompetensya sa kasalukuyang tagline ng Adidas- Impossible is Nothing. Yun lang pala eh. Chicken.

Adidas- Masarap Kainin pero Mas Masarap Suotin(tawa ulit mga ka-jologs)
Adidas- because your family's feet deserve the best(ang corny)
Adidas- you'll never take them off(...)
Adidas- deep down your SOLE, you know it's right(I know. I'm brilliant. hehe)

pero ang nagwagi...


adidas "Don't get left behind." Sakto. Simple. Bilib. Kung sosyal na DSLR sana ang gamit ko at hindi pipityuging digicam na hiniram ko rin lang, mas maayos sana. haha. dakilang hampsalupa. Sinong pwedeng mag-sponsor?!
_________________

22 things to do while I'm still 22 Update

number 2: Be friends with somebody I don't like.

Everyone, meet Dandy. After I transfered, he was the first person to approach me and be nice to me. He was a loner... later I found out it wasn't by choice. He is hyper, like a 2 year old child given 2 boxes of chocolates. Galawgaw. And he is admittedly quite irreseponsible(parang ako lang. hehe).


For some reason, he always followed me around and wanted to be in the same group as I am. Naasar nga ako eh. One day, he reached out to me in the cafeteria and told me to order anything. "Bakit?" sabi ko na medyo nagtataka. "Birthday ko kasi eh... siyempre ittreat ko kaibigan ko." Oh fudge. Feeling ko ang sama kong tao. I thought he just wanted attention... when in fact he just wanted a friend.


 I became nicer to him after that. Madalas ko siyang napagsasabihan kaya kahit kuya ang tawag niya sa akin, feeling ko tatay niya ako. Obviously, and unfotunately(hehe), magkaibigan na kami. :)

Aug 25, 2012

Hindi siya Bobo

"Wag na wag kang magpapakita sa akin hangga't hindi ka humihingi ng sorry. Wag ka na magproduction"

Bigla kaming napahinto. Si program head at si SP.

Umiiyak na nagkulong sa kwarto si SP. Nakisimpatya kami dahil napahiya siya sa maraming tao.

"Ikaw ba naman ang tawaging puro katawan lang at walang laman ang utak sa harapan ng maraming tao, hindi ka ba mapapahiya? Okay lang sana kung kaming dalawa lang kaso sobra na siya... Ayoko na. Aalis na lang ako."

Ang totoo, may kasalanan rin naman siya kaso hindi nga naman tama na ipahiya siya sa maraming tao. Kanya-kanya dapat kami sa aming segment pero dahil isang grupo na rin lang kami, nagambag-ambag kami ng oras at resources para matulungan siya. Pinatahan namin siya. Tinulungan makipag-usap sa mga contacts. Tinulungan sa production. Pagkatapos ng shoot, bigla siyang nawala. Nagtext...

"Salamat sa tulong ninyo guys. Babawi ako sa inyo bukas, promise!"

Nagkatinginan kami. Halos hindi makapag-salita.

"Umalis na siya?"
"Umuwi?"
"Sinong mageedit ng segment niya?"
"Talent ko pa dapat siya sa segment ko ah."
"Wala naman siyang iniwang script."
"Sinong magvo-voice over?"
"Hindi pa ako tapos sa segment ko."
"Inuna pa kasi natin siya."

Hindi niya lang minsan ginawa to. Hihingan ka ng tulong, aabushin ka pa. Hihingan mo ng tulong, ni hindi magreply o sagutin man lang ang tawag.

Kinabukasan... pumunta siya ng meeting. Nakangiti. Walang paki. Tapos ang segment niya samantalang karamihan sa amin ang hindi pa.

Mali ang program head namin. Hindi siya bobo. Sinungaling... Manggagamit... pero hindi bobo.


Aug 22, 2012

Masakit ka sa bumbunan!


Nung una sabi mo crush mo ako
Tapos bigla ka umiwas
Naging friends tayo ulit
Kilig-kilig
Tapos, sabi mo may gusto kang iba
Awkward moments...
Walang pansinan
tapos... magpaparamdam ka nanaman?!

Ano ba talagang gusto mo sa akin? Nakaka-asar ka na ah!
Kapag ako hindi nakapagtimpi...


Hahalikan na talaga kita!

Aug 18, 2012

Simpleng Tao Lang

Simple lang naman talaga akong tao kahit madalas ako masabihang konyo dahil sa pananalita ko.

Remember: Madalas na sosyal ang tingin sayo ng mga tao kapag magaling ka magsalita ng Ingles. Kapag may slight American accent ka pa, ikaw na talaga.

Pero ganunpaman, hindi naman talaga ako sosyal. Madalas kapag nagagawi kami ng mga kaibigan o di kaya naman ay mga bagong kakilala sa 7-11, nawiwirduhan sila sa akin. Habang sila ay busy sa pagdampot ng mga mamahaling tsitsirya at inumin, ako sa istante ng mga babasahin pumupunta. Opo. Jologs kung jologs pero trip ko po talagang magbasa ng mga mumurahing JOKE BOOKS.

Isipin mo, sa halagang bente pesos, makakabasa ka ng mga istorya, anecdota, ideya, at mga pangyayaring huhubog sa kakayahan mong maging kritikal sa pagiisip. Hindi critical thinking ha? Sasayad ang utak mo.

Halimbawa:

Guro: Juan, pumunta ka dito sa harap at basahin mo ang ginawa mong essay. Dapat hindi bababa sa 1000 salita yan ha kundi may minus ang grade mo.
Juan: Opo ma'am. Sa katunayan, dinagdagan ko pa at ginawang 2000 salita ang ginawa kong essay.
Guro: (tuwang-tuwa si titser) Aba, magaling. Sige nga Juan. Basahin mo na.
Juan: Ang pamagat po ng aking tula ay Muning.

Muning

Ako ay may alaga. Muning ang pangalan niya. Kagabi ay bigla siyang nawala. Hinanap ko siya. Muning... Muning... Muning-ning... Muning... Muning... Muning... Muning... Muning... Muning...Muning...Muning...(2000x)

Hahaha. Lakas lang ng tawa ko diyan. Heto pa:

Knock2x
Whose there?
Nanay mo...
Nanay mo who?
Tarantado ka Pedro! Nanay mo to. Buksan mo tong pinto!


Bwahahaha. At ang pinakamabenta sa akin:

Tatlong Presidente ng Pilipinas, hinahabol ng killer. Napapadpad sa madilim na basement ang tatlong Presidente at nakakita ng tatlong sako na siya nilang ginamit upang magtago.

Killer: Nasaan na kaya yung mga yun. (Biglang tingin sa sako). Hmmmmmm. Sipain ko kaya tong sako?
Gloria: (Pagkasipa) Meow. Meow.
Killer: Ano ba yan. Pusa lang pala. Ito kayang isa?
Fidel: (Pagkasipa) Aw. Aw.
Killer: Ay aso lang pala!
Erap: Naku lagot... ako na susunod.
Killer: Ito kayang isa pang sako?
Erap: (Pagkasipa) ... ... ... ...
Killer: *sipa lang ng sipa
Erap: Ano ba? Wala talagang tunog. Sako ng patatas kaya ako!


Hahaha. Corny na kung corny pero mabenta talaga sa akin ang mga ganyang patawa. Kung sino man ang nagsabing hindi nabibili ang kaligayahan, malamang hindi pa siya nagagawi ng 7-11. Bente pesos lang, happy na ako. :)

*disclaimer: This entry is not paid for by 7-11 or the publishing company of the joke book. :)



Aug 11, 2012

Ang Bakasyon

5th straight day na walang pasok and I am going out of my mind. Anybody who has sense would have used the time off doing something productive but I guess tinangay na rin ng baha ang lahat ng sense sa katawan ko. I barely even made it out of my room... 

Note to parents: Huwag palalagyan ng internet connection ang mga kuwarto ng anak. 

Since I spent all of my time surfing the internet, I was able to experience a lot of, uhm... things. First, Facebook. I haven't spent so much time on facebook than I did this past week. and so, weird observations and events kept on coming:

a) People like to get noticed on facebook. Kapag walang nagla-like sa status nila, sila mismo ang nagla-like. Kapag wala ring nagko-comment, sila rin lang ang nagko-comment. I don't know which is more sad... no one liking and commenting on your status or begging to get them. 

b) A friend accidentally sent me a private message. I knew it wasn't for me kasi di ko alam yung pinagsasabi niya. And the weird thing is, his message made it seem like he was gay. If he is, I feel sorry for him. It must be real tough to hide and to wonder if his family and friends would accept him. I just wish he knew it doesn't matter to me. Should I tell him or wait for him to fess up?

c) It's not that smart to accept friend requests of aunts and uncles. Makita lang ang picture mong may hawak na sanmig light, lasenggo na? Hindi ba pwedeng nauhaw lang? 

d) Naka timeline na ako! No choice. Tama ba naman yun? 

Bukod sa malapit ko ng maging kamukha si Mark Zuckerberg, nanuod din ako ng mga sangkaterbang movies at series. 

Habang nasa hiatus mode pa ang mga inaabangan kong series na Fringe, How I Met Your Mother, The Walking Dead, New Girl, at Glee... I found a new series.

The Legend of Korra

This is the sequel to one of(if not only) my all-time favorite cartoon series, Avatar: The Legend of Aang. I was skeptical at first. Na-trauma na yata ako sa movie version ni M.NightShyamalan na The Last Airbender kaya ayokong panuorin tong next chapter but thankfully, it wasn't anywhere near as bad as the movie version of the Legend of Aang. The story revolves around the new avatar, Korra, who is in training to master her airbending skills to fulfill her destiny as the "ambassador" of balance and peace. This series is more adult-ish than its predecessor but it has enough moments that would really please fans of the original avatar. Mas maraming action scenes at mas may emphasis sa love story ng bagong avatar. All in all, while the legend of Aang is still superior in storyline, I think the Legend of Korra is a worthy sequel. Can't wait for next season.

Sa movies naman, I liked Conviction the most. It's a story about Betty Anne Waters' decades-long journey to free her wrongly-accused brother of murder. 
Conviction (Hillary Swank and Sam Rockwell)

It was based on a true story. Hillary Swank's character had to put aside everything- her marriage, kids, work, just so that she can put herself through law school and find enough evidence to prove her brother's innocence. I don't know why but while watching the film, I can't stop comparing it to Erin Brockovich. Both movies are true to life, have the same mood and both characters were faced with terrible circumstances and were able to rise above those situations. While Erin Brockovich is better in story flow, Conviction had just as strong performances. Sam Rockwell is surprisingly good in this film and Hillary Swank once again proved that she is a top-caliber actress. Too bad hindi masyado naghi-hit ang mga pelikula niya lately. May balat kaya sa pwet?

Back to normal na ulit. Nagpakita na si Haring araw kanina at tiyak balik hectic nanaman ang mga tao pagdating ng Lunes. As much as I enjoyed the vacation, I can't wait to complain about being busy again. Be Contented. Be Happy. Be Safe.