Nov 15, 2012

Samu't Saring Kwento 16: photoshoot

Tuwing sasapit ang mga buwan palapit sa pasko, tiyak na ang pagkakasakit ko ng ubo, sipon, o di kaya naman ay combo- ubo+sipon=trangkaso. Ewan ko ba. Iniisip ko nga kung may time ba na nakalimutan kong sasapit na pala ang birthday ni Bosing kaya parang parati akong pinapaalalahanan na malapit na ang pasko. 

Anyway, dahil sa pagkakasakit ko, marami akong nabinbing trabaho. Ewan ko ba. Tuwing susubukan kong magtrabaho, lalong gumagrabe ang sakit ko. Pag inaaya naman akong lumabas ng mga kaibigan ko, parang himalang gumagaling ang sakit ko. Minsan naisip ko, may sayad na ata ako o talagang nagiinarte na lang ako. Pero feeling ko talaga genuine naman yung sakit ko.. promise.
___________________

Isa sa mga trip namin ng mga barkada ko, bukod sa paglamon, ay ang magphotoshoot. Wala ata akong matandaang lakad namin na hindi prepared ang barkadang magpapicture. 

maraming kulang

Out of town - photoshoot
Party - photoshoot
Special Occasions -photoshoot
Tambay sa bahay -photoshoot

Minsan nga, kahit sa cr may photoshoot din. Hehe. Nitong huling photoshoot namin, siyempre pinagtripan nanaman ako. Game naman ako. Maganda naman ang previews sa camera kaso nung inupload na sa facebook, may mali. 
Hanapin ang mali

Kaya pala ngiting-ngiti yung isa sa mga pinaggagagawa sa akin. Yung ibang pics, halos lantad na ang "kinabukasan" ko. Hayup. I love my friends. Kahit minsan, isinusumpa ko sila kay satanas! Bwahahahahaha.
____________________

Ngayong magaling na ako, balik eskwela, trabaho at blog nanaman. Masarap magpahinga pero mas masarap maging busy. Lalalalalalalalalalalalalalala....lalalalalalalala.

Kumusta mga parekoy? :)

28 comments:

  1. Buti magaling kana parekoy. Pagpasko palapit pala ang pasok tumatalab ang sumpa ng pagkakasakit sayo. Sakin naman twing birthday ko. lol Bat walang post ng cr pic photoshop. lol Buti naman at nag-uodate kana ng blog mo. Misyu parekoy.lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. *update... Dami kong maling spelling. Tagalog na nga. lol

      Delete
    2. misyu too. hehe. namiss ko nga magblog eh.

      Delete
  2. naiinitan kaya kelangan bukas para makalanghap ng sariwang hangin :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibon mang may layang lumipad! Kulungin mo at umiiyak! Ganun lang? bwahahaha

      Delete
  3. baka kailangan lang mahanginan kaya bukas ang fly.

    ReplyDelete
  4. Dala lang siguro yan ng hanging amihan parekoy. pagaling ka :D

    nga pala, grab your award on my blog. see u der!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahoy! kumusta parekoy? dadalaw ako sayo ammaya. 95% magaling na :)

      Delete
  5. nyahaha ikaw na ang nag photoshoot na bukas ang zipper :) ayan buti magaling ka na, baka kasi dahil sa mainit na umaga at biglang lamig na gabi. ber months na kasi :)

    ReplyDelete
  6. hahaha..natawa ako sa picture mong may aninong satanas sa likod.. kuletz lang...hehehe

    buti magaling kana... magiging busy kna ulit at puede na ulit gumala..hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman pwedeng gumala kasi madaming naiwang trabaho. :(

      Delete
  7. At sabay pa ata tayong nagkasakit! Hehe. Welcum back tol! Ah yeah!

    ReplyDelete
  8. Dude your fly is open haha! Get well parekoy! Napasaglit lang kahit medyo busy hehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nainitan daw eh. kailangan ng fresh air. hehe

      Delete
  9. hehe, buti ok ka na.
    pumo-photoshoot lang wagas... hehe

    ReplyDelete
  10. Hindi nga kaya psychological lang sakit mo, chos! Buti magaling ka na..

    Kami rin kaya adik sa photoshoot.. Anong mali dun sa pic, di ko gets, or di ko makita..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat pala nagbasa muna ako ng comments, haha, okay na, alam ko na!

      Delete
  11. haha buti hindi ka nakatayo kundi baka mas halata ang kinabukasan mong tinatanaw na nila :p

    ReplyDelete
  12. hinanap ko pa talaga ang mali tapos di ko mahanap yun pala may nagpapahangin lang hahaha

    buti naman magaling ka na. take care always! hihi

    ReplyDelete
  13. sino bang may ayaw sa photoshoot?!adik din ako jan eh..

    ok lang yan kung bukas zipper.. sinilip kong mabuti wala nmn akong nakita eh..hehehe...

    ReplyDelete
  14. ser, mukhang busy na masyado a. wala akong nakikitang bagong post :) nakakamiss :)

    ReplyDelete
  15. good to hear that your okay!

    Wishing you a joyous holiday season and smashing new year!

    ReplyDelete
  16. Miss na kita parekoy T.T Kamusta ka na?

    Belated Merry Christmas & Happy New Year!

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!