Jan 10, 2013

Nganga

Happy New Year sa lahat. Heto nanaman ako, parang singaw. Lilitaw na lang bigla ng walang pasabi. haha. Anyway, kasisimula pa lang ng taon, inatake nanaman ako... ng katamaran.

1. Nag-umpisa ako mag-jogging last sunday para mabawasan ang fats sa katawan. By Tuesday night, wala na. Sabi nila kasi pwedeng mag cheat day, a.k.a. kumain ng marami, kung special occasions like birthdays. Marami akong kilala. Ika-limang araw pa lang ng diet, dalawa na ang kilala kong nagbirthday. Kumusta naman yun? Magbabawas na talaga ako... ng kaibigan! bwahaha.
2. I decided to use the journal na isa sa mga iniregalo sa akin last Christmas. First time to use it today. I have listed 5 important things to do... wala pang nagagawa kahit isa. Inuna ko pa magblog. Procrastination is the devil.
3. Thesis. Graduation Application. OJT. Nganga. Gagraduate nga ba ako?

Bawasan ang negative thoughts. Think positive. Andami kong nabinbing plano. Tatapusin ko lahat yun para makagawa na ako ng mga susunod na plano. Ang astig pa naman ng mga naiisip kong gawin para sa taong ito. Excited na ako.

Sa lahat ng naka-miss, I miss you too. Isang malaking mwaaaaah! Ayos.