Feb 23, 2012

big mouth

I feel so bad.

sabi ko dun sa tao, "kailangan umattend ka bukas kundi ibabagsak kita sa evaluation."

then, i receive this message... "kuya, unfortunately di ako makakapunta. wala kase kaming pera e. wala nga kami makain sa bahay, literally. haha. kanina nga pamasahe lang ang dala ko. i hope you understand. kahit ibagsak niyo na lang po ako. sorry po ulit."

I knew I didn't mean to be insensitive but this feeling s*cks. Me and my big mouth.




Dec 25, 2011

Christmas 2011

A year ago, a big part of what made my Christmas special was... well, the feast. There were ham, quezo de bola(did i spell it correctly?), lechon, cake, wine, and other food that lasted for days. It was perfect. Hours ago, we had Adobo and Ham. One look at the dining table and I said, "recession?" That got us laughing... why? We had a lot on our fridge and those were all that was served on our table. Funny. A year ago, I would have freaked out at the sight of an almost bare Christmas dining table. Now, it didn't matter. What mattered most was being in the presence of the people I love. It was more than what any kind of feast can ever do for me. I must really be a grown up now.

Being the insomniac that I am, I was the last one to surrender to my dreams. I was able to watch sex in the city 2 on cable 'coz there was nothing good at that time of the night(defensive?). I was amazed at how Carry Bradshaw was able to write at a record pace. Then, I realized that the reason for that was because she stuck to what she knew best... dating. If I were to follow that idea, I should just rename this blog to foodnetwork.com as food is my absolute obsession. Bad idea.

I should be sleeping now. I have a reunion and a date to attend tomorrow and a lot more shenanigans on the coming days. We should really consider starting Christmas parties and reunions in October.

Merry Christmas to all of you. Enjoy the rest of the holiday season. :)

Nov 13, 2011

Concert

And I....eyai... Will Always Love you... hohohohoahhh... I will always love you.... ohhhhhh

Utang na luob. Ilang araw ng nagkoconcert ang kapitbahay. Perwisyo sa trabaho at pahinga. Gusto ko nang ipabarangay kaso sabi dito sa bahay, pakisamahan ko na lang. Grabe, sobrang pakikisama na nga. Sila ata ang walang konsepto nun eh. Haayy.

Anyway, speaking of concert, I watched Vice Ganda's concert here in the province. Everyone was excited, puno ang venue. Siyempre, front row kami... dahil sa complimentary ticket! haha. May kasamang free dinner kaya dumating kami ng mas maaga. Pagdating ng venue, wow. Ang tabang ng pagkain. Hindi na nga masarap, parang takot na takot pa silang maubusan ng supply sa sobrang tipid ng portions. I would have been dismayed pero pinaalala ko sa sarili ko... "complimentary lang ang ticket mo. wag magreklamo!" Ok fine. Diretso na sa concert. Hiyawan pagkalabas ni Vice. Konting patawa lang, benta na. Kaso habang pagitna na ang performance nila sa panglalait portion, it struck me. Napanuod ko na to dati. Same old routine from Showtime promo. As in binalikan ko pa talaga yung video sa youtube to confirm. Ayun na nga, halos walang binago. Haayyy. Hindi ko naman sinasabing hindi sila nakakatawa pero sana nag-effort man lang na mag-isip ng bagong material. Pagkatapos ng concert, hati ang mga tao. nabwisit ang mga taong nag-ipon at nagbayad ng ticket, at sobrang tuwa naman ng mga may complimentary tickets! Sabagay, sino ba naman ang matutuwang magbayad ng P2500 para lang panuorin ang palabas na pwede mo naman palang panuorin sa youtube ng libre?

Through the fire, through whatever come what maaaaaaaaaaayyyyy... For a chance of loving you I'd take it AAAAAAAALLLLLLLLLLLLL the way! Naku... ayaw talagang paawat ng kapitbahay!

Nov 2, 2011

The Horror

Katatapos lang ng ilang oras ng trabaho. Pagod at hindi makatulog. Sa totoo lang, walang kinalaman ang trabaho sa pagod. In fact, I enjoy doing my job(well... most of the time). Nakakapagod kasi instant reunion nanaman kanina at bilang isa sa mga nakatatandang pinsan ay kinailangan kong maging tagabantay ng mga bulilit kong pinsan. Hindi naman ako nagkocomplain. In fact, I enjoy being around little kids which is why I came up with the conclusion that when time comes, I'll enjoy fatherhood. Anyway, as I was saying, I enjoy being around them pero ayaw ko yung pagod after. haha. I know it doesn't make much sense so just humor me, ok? Madaling araw na kaya.

Nung bata ako, parati akong natatakot manuod ng palabas sa telebisyon tuwing sasapit ang mga araw ng patay. Paano ba namang hindi ka matatakot kung ang mga palabas sa tv ay mga Shake,Rattle&Role movies nung time na nakakatakot pa talaga ang franchise na yan (lalo na yung episode ni manilyn reynes na ihahain siyang putahe ng mga aswang para sa fiesta nila). Siyempre tuwing Sabado, hindi magpapatalo ang Magandang Gabi Bayan na kung first time mong panuorin yun ay para ka lang nanunuod ng Verum Est o Nginiig(Solid Kapamilya?). Anyway, fast forward ngayon, hindi naman na ako natatakot sa mga ganyan. In fact, nakahiligan ko nang magmovie marathon kasama ng mga pinsan o friends ng mga horror movies. Ang nakakalungkot lang ay pagbukas mo ng tv, puro patayan ang ibabalita sayo. Parang balik ang paranoia ko nung bata pa ako. Hindi na nga lang mga kwento sa pelikula ang kinatatakutan ko kundi mga kwento sa balita. Mas nakakatakot ang horror ng tunay na buhay.

PS. kumusta naman ang paggamit ko ng "in fact" sa post na to? I need new phrases.

Oct 29, 2011

samu't saring kwento 8: Masaya

Masaya lang ako. Problems are nothing when you have friends who are with you through the good, the bad, and the worst. If I'm being narcissistic, I'd say that they're lucky to have me. If I were to be honest, I think I'm the lucky one.
_______________

Noon, kain kahit saan.
Ngayon, kung saan-saan na lang kumakain.
Noon, nagtitipid para may pang-gimik.
Ngayon, nagtitipid para may panggastos.

Totoo nga pala talaga ang sinasabi nila... matututo kang magtipid kapag ikaw na mismo ang kumakayod para sa sarili mong pera. At totoo rin na mas masarap gastusin ang perang pinagpaguran kesa perang inabot lang sayo. Isa na lang siguro ang mas sasarap pa dun... kapag nasabi mo na sa nanay mo na, "ma, ako naman ang bahala sayo."
_______________

Sino ba ang hindi nakararanas ng problema? Wala. Kaya kung nagtataka ka kung bakit may taong malungkot at may taong masaya, isa lang ang sagot diyan... may mga taong dinadaanan lang ang problema at may mga taong tumatambay sa problema. Are you willing to admit defeat? or... Are you willing to say, "Bring it on!" The choice is yours...