Oct 26, 2012

Pareng Archie :P

okay. hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto. pagkabasa ko kasi sa award, ang sabi, "The award recognizes new and upcoming bloggers..." teka lang. new and upcoming blogger? ako? 3 years sa blogging community tapos new and upcomming? at hindi pa nakontento... heto pa, "...with less than 200 followers..." ay grabe makapang-lait itong archieviner na ito! Ang sama talaga ng ugali netong baguhang to. dapat dito, bino-boycott ang blog eh.

Pero dahil binigay na rin lang at hindi masama ang ugali ko... sasagutan ko na rin lang. kahit masama sa loob ko. Haaayy.


In order to accept this prestigious award, one must abide by the list of rules which are: 
1. Each person must list 11 things about themselves. 
2. Answer the 11 questions that the tagger has set for you PLUS you must create 11 questions of your own for the 11 people you will nominate with this award. 
3. Choose up to 11 bloggers linking them to your post. 
4. Go to their page and inform them of the nomination 
5. Absolutely NO tags back. Remember to ONLY tag bloggers with less than 200 followers. 

11 Things About Me

1. Frustrated writer ako. May nobela akong nasulat kaso ayaw ko pang ipakita sa iba hanggat hindi ako satisfied. May mga napost akong short stories pero iba para sa akin ang nobela. Feeling ko kasi lalaitin lang. Ayokong mapahiya kapag nabasa ni Sidney Sheldon ang una kong libro. Padalhan ko siya ng kopya sa langit. 

2. Frustrated Singer ako. Maganda ang boses ko. I swear.

3. Sa mga taga-Baguio, baka napakinggan niyo na ang boses ko sa radyo. Sa mga taga-Pangasinan, baka nakita niyo na ako sa tv. May isang beses na nakita ako sa Mel and Joey at Rated K pero parehas na dumaan lang ako kaya hindi counted iyon. hehe.

4. I hate politics. Marami ang nagsasabi sa akin na pwede akong pulitiko kasi gusto kong tumulong sa kapwa. Kaso... first hand kong nakita kung gaano karumi sa pulitika. Di bale... hindi naman kailangan ng posisyon sa gobiyerno para tumulong. Malinis pa ang konsensiya ko.

5. Mahilig ako manuod ng mga pelikula. Minsan, naglaro kami nung barkada ko sa phone niya nung scratch and guess... huhulaan mo yung pelikula or character sa pelikula gamit lang ang isang picture ng eksena sa movie. I swear... halos nasagot ko lahat. Bilib nga sila sa akin eh. Kung meron lang sigurong game show na puro trivia sa movies lang ang  kailagan, baka milyonaryo na ako.

6. Mahilig ako magbasa ng suspense-thriller na novels. Favorite ko si Sidney Sheldon, Joy Fielding and recently, I discovered Fern Michaels. Pero siyempre, may mga favorites din ako from other genres like Mitch Albom and Bob Ong.

7. I spend at least 6 hours a night on my laptop. Paano ba naman, I work, edit videos, write articles, do projects, and blog. Goodbye 20/20 vision. 

8.  Varied din ang taste ko sa tv shows. Favorite ko ang Friends, Boy Meets World at How I Met Your Mother, pero gusto ko rin ang Alias at Fringe. Paborito ko rin ang Avatar: the Legend of Aang at The Legend of Korra. Recently, nadagdag sa listahan ang The Walking Dead at Modern Family. Hindi ko lang talaga na-gets yung Breaking Bad. 

9. Matipid ako sa sarili ko pero magastos ako sa mga kaibigan ko.

10. Halos wala ng laman ang ATM ko. (see number 9)

11. Mahilig akong matulog! Alam na ng mga friends ko kapag ang tagal kong magreply o di sumasagot sa mga tawag. Parating nagha-hibernate.

At heto naman ang mga tanong galing sa Sadistang si Archieviner...

1. What is your most-liked entry in your blog?
-Talagang hinanap ko pa. Kung sa views- ito yun(2200 views) Kontrobersyal to kasi may naoffend ako. pinalitan ko tuloy title. haha. Kung sa comments- ito yata. Basta. ang hirap kaya maghanap. Magback-read ka na lang. More than 100 posts pa lang naman :)

2.What is the secret behind your blog name?
-I was bored and insomniac nung simulan ko ang blog na to. Ngayon, hindi na ako bored pero insomniac pa rin. 

3. If you have one question to any blogger, what is it?
-Bakit ang epal mo? At dahil di mo tinanong kung kaninong blogger ko itatanong, hindi ko na sasabihin kung sino. hehe.

4. What do you wish you had more time for?
-Mag-sulat. Sana, mabigyan ako ng time na mapagtuunan ng pansin iyong pagsusulat ko. Gusto ko pang matuto at magsulat ng magsulat.

5. How old did you wish you were?
- Sana 19 na lang ako ulit. I think I skipped this part of my life kasi sobra akong depressed. I have isolated myself from my friends and family. Sayang ang ilang buwang pagmumukmok. 

6. What do you enjoy doing when you're bored?
-Read books. Watch movies. Write. Eat Food. Boring Ako.

7. What's the most daring thing you've done?
- Pwede bang second most daring na lang? Hindi ko pwede i-share yung most eh. When I was 6 or 7, natuto akong magbike without training wheels. Sa sobrang feeling ko na expert na ako, pumunta ako sa tukotok ng isang bridge para magbike pababa kaso may nakasalubong akong jeep. Nabangga ako. Pero ayos lang. Buhay pa naman ako at ang pakiramdam ko nun, buhay na buhay ako. :)

8. Would you rather be rich and unhappy, or poor and happy?
- Yung totoo? I'd rather be rich and unhappy. At least, I'd be unhappy in style. Bwahahaha. Ewan. mahirap to.

9.Who would you die for?
- My mom. No questions asked.

10. What would be your legacy?
- Gusto kong maging mahilig ang mga kabataang pinoy sa pagbabasa... at ang isa sa mga dahilan ng pagiging interesado nila sa pagbabasa ay ang mga librong nagawa ko. Ikasasaya ko talaga yun. 

11. Describe Archieviner in one word.
- Masipag?!!?

At dahil mas mabait ako (di tulad ng isang CPA na OFW diyan!), hindi ko na kayo pahihirapan. Hindi na ako magtatag... pero dahil magco-comment rin lang kayo... magtatanong na rin ako. 

Sino ang mas POGI?


Borednightcrawler?

bwahahaha. Peace tayo pareng Archie. :P



36 comments:

  1. Wahahaha! At talagang matindi naging galit mo kay Archieviner? Sino nga ba mas pogi? Ahm.. basta pareho kayong pogi, haha!

    Insomniac ka pero mahilig kang matulog? Ang gulo! Di ba friends na tayo, pagkagastusan mo rin ako! Chos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. dahil 4 or 5am na ako nakakatulog, ang gising ko ay 1 or 2pm kaya madalas akong hindi makontak :P

      Delete
  2. naaliw ako sa chain post na to at dami ring nalaman tungkol sa yo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga sir Bino. Andami kong nakitang nakatag dito. hehe.

      Delete
  3. Hahahha... natawa ako dito pareng nightcrawler. Talaga kinupentensya mo ko. Pacnsya na di ako nagbabasa ng instruction. ang alam ko lang e atleast 200 followers.

    Nacurious ako sa most daring mo. At ikaw na ang artista na nasa tv at radio. Pero kahit ganun mas gwapo ako sayo. dyuk :P

    btw kaya pala inunfollowed mo ko. lol :P Peace!

    Masipag ba ko? bakit may ?!?! parang di convincing.

    Teka patas tayo sa vote na mas gwapo.

    Ang busy mo ngayon pero thanks sinagutan mo ang tanong ko. T.T

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga para magkaalaman na kung sino talaga ang mas pogi sa atin. hehe.Naku.. hindi ko pwedeng i-share ang most daring ko pareng archie kasi baka mawalan ako ng career at dignidad! bwahahaha.

      Delete
  4. Kala ko ikaw yung nag unfollowed.. di ka nga pala nagfofollowed :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe! Talagang memorized kung sino ang mga nagunfollowed? haha. baka alam mo lahat ng profile? hehe. ikaw na. you already. :P

      Delete
  5. Ay gusto ko rin si Sidney Sheldon akala ko nga noon babae sya eh LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. at sayo ko lang nalaman ser glenn na lalaki pala si sidney. haha

      Delete
    2. @glentot hindi ka nagiisa. Akala ko din nung una, babae siya! haha

      Delete
    3. Mabuti naman at may naitulong ang comment ko hahaha

      Delete
  6. sympre sympre sympre ako ... wala sa nabnggit hahaha

    ReplyDelete
  7. dun sa kuripot sa sarili at galante sa kaibigan, naku.... dapat minsan love yourself din at nibibigyan mo ng giftsung ang sarili. Dapats balanse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron din naman kaso hindi talaga ako sobrang maluho sa sarili. ang ginagastusan ko lang libro at pagkain. hehe

      Delete
  8. wahaha, tamang kulet lang tong pagsagot ni pareng night crawler. dami kong tawa XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow. nadagdagan ang talent ko. pwede na rin akong clown at stand-up comedian? haha. :P

      Delete
  9. Bietnam sa last part! Haha. Piz! XD

    Pede maging pwen mo, para masustentohan mo naman ako. Lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure. kaso, kailangan mong magsubmit ng:
      1. Birth Certificate
      2. NBI Clearance
      3. 1 2x2 picture & 1 whole body
      4. 1000-word essay on why we should be friends
      5. Final Interview

      hehe

      Delete
  10. uy pwede din tayo maging friends... hihihi... (baka maghirap ka niyan).... wuy dami ko natutunan sayo, hilig mo pla talaga magbasa. sana ako din.. hihi :D

    ps: reply sa comment mo, sana nga na-meet mo sa personal pinsan ni jennifer... hihi, gusto ka din niya mameet :D dibale next time! perfect time :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup. yun ang bisyo ko maliban sa pagkain. hehe. naku... aabangan ko yan. pakisabi sa pinsan ni jennifer, "see you soon." :)

      Delete
  11. oi friend sarap mo palang maging friend..hehe

    dahil ililibre ako ni archieviner paguwi nya sya ang mas gwapo..pero pwede pa rin naman magbago ang desisyon ko kung mas bongga ang libre mo saken chos!

    goodluck sa nobela mo..sana ma-publish na :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. Siya na lang pala. makikijoin ako sa libre. pag taopos na, ako na ulit ang mas pogi. hehe

      Delete
  12. dahil mas magastos ka sa kaibigan, kesa sa sarili mo...ikaw ang mas pogi para sa akin! :)


    ReplyDelete
  13. hahah parehas tayo ng taste sa TV Viewing.. hahaha,,... pero more on animes din ako.. :)

    ReplyDelete
  14. @zaizai you are so honest. hehe

    @kikomaxxx pinapanuod ko ngayon yung ninku. search mo sa google. dali.

    ReplyDelete
  15. "Bakit ang epal mo?"- lol dami ko tawa.

    napaWOW naman ako don sa 10th question answer mo ser, nainspired sagad sa buto tama sa akin.

    at dahil parehas kayo ni archieviner may bayag kung managalog, parehas kayong pogi sa akin. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. ganun? sige na nga. pwede na ring tie kami.

      ang astig lang siguro kung makaiwan talaga ako ng ganyang legacy. Hindi naman masama para naman may konting break ang mga kabataan sa facebook, dota, at x-box.

      Delete
  16. At bakit mo naman namiss ang pagkanta ko? Matagal ko ng inilibing ang pagkanta LOL...medyo naghibernate ako dito kasi nagkasakit ako kaya la akong gana mag blog :(

    Ako nga inawardan nito buti na lang binawi kasi more than 200+ na followers ko hehe...tamad kasi ako sumagot ng mga tanong haha!

    May utang ka pa sa amin-----> ang pagkanta sa amin! Pasko nmn na eh kaya pagbigyan mo na ang mga fans mo haha!Daliiii gawa ka na ng vid haha!

    Sino mas pogi? Kailangan pa bang i-memorize yan? Siyempre AKO! Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku pareng jag... kumusta ka na? bakit naman kung kelan nagpapalaki ka ng katawan at saka ka naman naging sakitin? hehe. bad talaga yang si pareng archie.

      ay naku... nagpapraktis na ako. hindi lang pagkanta ang gagawin ko. pasabog to pareng jag. hindi mo to kakayanin. hehe. pero baka in a few months time pa para naman makapagprepare ako... physically and emotionally. hehe.

      ikaw? pogi? sige na nga. mana ka sa akin eh.

      Delete
  17. Parekoy, alam ko busy ka ngayon... ask ko lang muna ang iyong postal address :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na ako busy! yehey! hindi na ako busy for 1 week lang. hahaha. Gusto ko yung pinakamagandang postcard ha? at may kasamang chocolates with almonds. hihi.

      Delete
  18. I guess i have enough of you..lol with this post! ikaw na talga nag pogi! hahahaha!

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!