Oct 8, 2012

Busy lang talaga.

Sobrang busy ng nightcrawler. Parang gusto ko na ngang palitan iyong header ko from "Stories from a bored nightcrawler" to "Stories from a stressed nightcrawler." Ito... Ito ang salarin!


Sa mga nakatira sa Pangasinan, may chance na makikita niyo ako sa tv dahil eere daw ito sa isang regional channel. Naku po. Goodluck sa akin. Di ko na sasabihin kung kelan. Minsan lang to kaya sana wag ako magkalat.

Bukod pa diyan, I'm still busy with my thesis(chapters 1,2, and 3), ojt, PR event, and work. Kumusta naman daw yun? Sabi nga ng ilang friends ko I'm on their suicide watch! My goodness. Tatapusin ko lang tong dalawang linggo... konti na lang makakahinga na ako.

PS. Yup. Nightcrawler's name is Lou. And yup... ganyan na ako kalaki. Uunahan ko na kayo bago niyo ako laitin. Ay, bawal niyo na pala ako laitin! Ayon sa ipinasang cybercrime act, pwede ko kayo idemanda at ipakulong ng up to 12 years kapag nilait niyo ako. bwahahaha.


26 comments:

  1. Ahahaha! The first person who will benefit from the RA 10175! hahahaha! Ironic, blogger pa talaga ang naging beneficiary. hahaha!

    Isipin mo no, majority ng nag approve ng bill ay mga nilalang galing sa television. And look at you now, isa ka na ring TV Personality! hahaha! Are you going to stoop down to the level of Sen. Tito Sotto? Huwag naman! hahaha!

    At mukhang hindi ka na rin bored. Well, you asked for it. Hehehehe! Hello Lou! i hope you finish your thesis and all the other stuff you need to do.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for the kind words mr. tripster. And I still think that Senato Sotto is an a**. Never will I stoop down on his level. Haayy. May listahan na ako ng mga senador na hindi ko iboboto sa susunod na eleksyon.

      Delete
  2. HAHAHA! see you sa pangasinan! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sure. sabihan mo lang ako. see you soon. :)

      Delete
  3. wohoy! ikaw na ang tv personality! pa-autograph naman! san ba mapapanuod yang palabas na yan?

    yan ah, puro positive pards! hindi mo naman siguro ako kakasuhan. lol.

    ReplyDelete
  4. wow ha ,,, kaw na makikita sa tv at pa autograph ha .... ang payat mo kaya! ang payat mo sobra!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. bawal din ang sarcastic. may provision dun na pwede ko rin ikaso sayo! bwahaha

      Delete
  5. Ahahaha!

    Alam ko naman na hindi ko mapapanood yan sa local channels dito, kaya abangan na lang kita sa youtube parekoy nyeheheh!

    ReplyDelete
  6. ang pogi pala ni nightcrawler a.k.a Lou hehehe...baka madaig mo na nyan si JLC ah... sa pangasinan lang ba mapapanood yan wala bang live via sattelite dito sa manila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku... dito lang sa probinsya! hehe. naku... idol ko yang si John Lloyd! Sana mahanap ko na rin yung Basha ko. :)

      Delete
  7. galing naman.... sana makarating sa youtube para mapanood ^^ Goodluck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Highly unlikely. :) Thank you po. :)

      Delete
  8. hongbusy-busy langs!

    Okay, uuwi ako sa pangasinan at mag-aabangs sa local tv. charowts. hehehehe

    ReplyDelete
  9. naks!!! di ka na ma-reach! galing! ehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. I'm still the same humble, kind, generous, friendly, talented, and handsome nightcrawler! bwahaha. baka tamaan ako ng kidlat sa mga praise release ko sa sarili ko.

      Delete
  10. Huwaw artista kana? Tagal mo nagbusybusyhan parekoy. Hindi ka mukhang stressed sa picture... pogi oh :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha. salamat sa papuri. hindi po ako artista. slight lang! bwahaha. joke. malapit na akong hindi maging busy. konti nalang. haaayyy. andami mo nang nasulat. grabe naman iyan! matagal-tagal nanaman ako magbaback-read niyan! hehe :)

      Delete
  11. wow celebrity ka pala bored, este stressed nightcrawler! panuood naman kami nyan! :) kaya mo yang stress na yan, mag stresstabs lang! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. pinagiisipan ko pa! makabili nga ng isang timbang stresstabs!

      Delete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!