Sep 7, 2009

BIETNAM!!!


sa mga pans at mahilig makinig ng radyo, malamang ay alam niyo na ito. BIETNAM

sa mga nabu-buwisit sa buhay, sa kapit-bahay na maingay, sa kaibigang may mabahong hininga, sa nakatabing passenger sa mrt na ayaw umaming umutot kahit nadinig mo, sa asong tahol ng tahol, BIETNAM!

sa nangholdap kay nanay, sa kalaguyo ni tatay, sa tsismosang yaya at sa drayber-loverboy niya, sa mandarayang tindera at sa landlady na bungangera, malutong na BIETNAM!

sa pulis na bundat, kay mayor na corrupt, sa masungit na waiter at kunsintidor na manager, sa sinehang sira ang aircon at may malagkit na floor, BIETNAM kayong lahat!

sa mang-aagaw ng parking space, sa kaklaseng sipsip kay sir, sa nagpakalat ng sexvideos at sa mga pulitikong sobrang magpa-pogi, tumino kayo ah... BIETNAM!

sa mga hindi na makapag-timpi, sa gusto ng magmura, isigaw niyo.. wag lang gagamit ng badwords. maki-BIETNAM na...

25 comments:

  1. hindi ako makarelate!
    hahahahaha
    salamat pala sa pakikiramay...
    napadaan lang din..
    balik ka ha..
    balik din ako dito
    lolzz

    ReplyDelete
  2. @yanah haha. iyong vietnam, sounds like iyong murang parating ginagamit..

    @thedong kulang pa ata sa expression eh. haha.

    ReplyDelete
  3. Vietnam na night crawler..hahaha.

    Bago ba ito sa mga kaberks?

    Kawawang bansang Vietnam, naisahan na naman ng mga NoyPi.

    Paghusayin mo pa, ang pagsusulat ay nandiyan lamang sa tabi-tabi.

    May ibubuga ka pa..samahan mo pa ng apoy.

    ReplyDelete
  4. @jkulisap haha. salamat kahit na nagamit sa akin ang vietnam! bisita ka ulit para ikaw naman ang ma-vietnam! haha

    ReplyDelete
  5. Vietnam?Bakit parang sobrang bad ang symbol? tanong lang..hwag mo akong vietnamin..hehe

    anyways, salamat sa dalaw mo sa aking pahina..hope to see u more open..teka nga pala, nahihiya mang sabihin pero kailangan mong bisitahin ulit ang page ko para ibuto mo ang entry ko sa PEBA 2009..hehe

    ReplyDelete
  6. vietnam?
    hindi ko makuha parekoy..
    pero since nasabi mo na,
    mura pala ang VIETNAM, sige kapag may nagsabi sa akin, mumurahin ko ng malutong na shetmoooo! shetkaaaa! o taekaa.. lols

    ReplyDelete
  7. parang galit? :((

    tnx for dropping by in my page...

    add kita sa blog list ko...

    have a nice day!

    ReplyDelete
  8. biyatkong naman ang tawag ko dyan...:)

    salamat sa pagbisita sa pamatay homesex! este! homesick pala.

    ReplyDelete
  9. Naks! may pait oh... jejejejjejeje... Salamat pala sa pagbisita at sa pagfollow sa blog ko... kaw din followed you! jejejejjeje

    ReplyDelete
  10. @Ruel pasensiya na. para mas ma-emphasize iyong point. hehe. bisitahin ko ulit blog mo para maboto ka. balik ka ulit para di kita ma-vietnam! haha

    @Kosa mura iyan ng mga gustong magmura pero nahihiya. haha. kaya talasan ang pandinig, baka minumura ka na pala. haha

    @Bhing it's more of frustrations sa buhay than anger. salamat sa suporta. dahil jan, hindi ka mavi-vietnam. haha

    @Ever madaming versions. hehe. naku, baka madumihan ang inosente kong pagiisip. hehe. salamat.

    @xprosaic di kasi ako sanay magmura kaya dapat minsanan lang para one time big-time. haha. salamat din sa suporta. dahil jan, wala kang vietnam :)

    ReplyDelete
  11. nakngVIETNAM un pla ibig sabihin nun...hahahah..

    ReplyDelete
  12. sige sabihin ko sa rep ng Smart at Nikon na inaway ko "VIETNAM!"

    hahaha..

    ReplyDelete
  13. @Kablogie ngayon alam mo na. di mo alam, minura ka na pala! haha

    @AC very good. baka sabihan ka naman ng taiwan. haha. ani kaya ibig sabihin nun?

    ReplyDelete
  14. hehe--fresh na fresh ang blog na to ha----good luck man---just keep blogging and you'll eventually learn the ropes....

    ReplyDelete
  15. ayus!
    pag ako gusto magmura na pakyeme, sinasabi ko na lang
    "inamo, mother!"

    haha

    ReplyDelete
  16. napadaan lang galing sa blog ni timberboy..
    Naks hindi ka naman galit nyan..haha

    ReplyDelete
  17. @pusanggala haha. salamat. gala ka ulit dito ah.

    @reigun wow, pakyeme ka pa sa lagay na yun ah

    @mokong i wouldn't say galit... frustrated is the better term.

    ReplyDelete
  18. vietnam... (scratch head)

    clueless ako sorry :P

    ReplyDelete
  19. "Ramdam kita! "lolz. =D Ayus tong post moh ah..At least dika naglabas ng bad words. hahaah =D

    Summer
    A Writers Den
    Brown Mestizo

    ReplyDelete
  20. ano po ba yung vietman? ehehehehe.. bakit vietnam tawag dun? ehehehe.. sori.. nacurious lang kuya.. :)

    ReplyDelete
  21. eto totoong mura sa vietnam...

    cho chet
    con mei a me
    con mei a mi di.

    sabihin mo sa kausap mong babaeng vietnamese, kundi sampal ang abot mo...

    kung si makisig ay mag BLENTUNGAN NA, ikaw naman ay BIETNAMAN NA...pero i love vietnam girls...

    ReplyDelete
  22. @scofieldjr. naks naman. pero siyempre mas magaganda pa rin ang dalagang pilipina, hindi ba? :P

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!