Sep 21, 2009

observe and report

masiyado akong nawili sa pagbabasa ng ibang blogs kaya di ko napansin na isang linggo na palang walang bago sa blog ko. nakakalibang naman kasi. iba't-iba ang style ng mga bloggero para ma-hook ang mga mambabasa nila. merong maangas na style, merong nakakatawa, meron din naman gumamit ng mga stick pigures at sangkatutak na litrato. dahil jan, napag-isipan kong gumawa ng listahan ng mga cute, fresh, or bulok na mga istyle sa mundo ng blogosphere. walang mapipikon ah. just remember, "bato-bato sa langit, ang tamaan, sorry!" haha

1. kapag may bagong post ang isang bloggero, asahan mo na maglilibot na yan sa sandamakmak na blogs para mag-promote. magko-komento sa entries at magsusulat sa chatbox ng "i smiled at you, please smile back" (uuuy, nakarelate:P). daig pa si john lloyd sa pagpromote ng pelikula. at dahil may bago akong entry, abangan niyo na ako sa mga blogs niyo. for details and schedule, log on to www.borednightcrawler.blogspot.com or see posters and print ads for details.


2. wala na talagang libre ngayon, kahit dito sa mundo ng blog. kahit nga ang pagpapa-link ngayon ay exchange deal ang kalakaran. "i'll link u if u link me!" o ha! wais!

3. kapag walang pumapansin sayo, mang-away ka ng sikat na blogger. wag mong tigilan hanggang mabanas at mag-post siya sa sarili niyang blog ng pagka-irita sayo. instant exposure yan. humanda ka nga lang sa hate mails na darating sayo. good publicity or bad publicity is still publicity, ika nga sa showbiz.

4. sex sells. mag-post ka ng kahit ano basta may picture ng babaeng naka two-piece at nakataas ang kili-kili, tiyak na patok yan. am i right or are u wrong?

5. sa bandang huli, kahit anong pakulo o pa-cute na style ang gamitin mo, it all boils down to content. nakapag-pangiti ka ba ng sumilip sa blog mo? nakapag-palaganap ka ba ng kamulatan sa mga taong naguguluhan? nakapagpa-libog(excuse the term) ka ba sa mga tagong manyak? o nakapag-bahagi ka ba ng sarili mo sa iyong publiko? i guess what i'm trying to say is serve your purpose. kung entertainment blog ka, be updated sa bagong music, movie, at chismis. kung inspirational blog ang meron ka, preach what you practice. kung maka-mundong blog ang trip mo, keep it dirty man! at kung personal na blog ang sa'yo, eh di ibuyanyang mo na lahat! wahaha. at dahil personal na blog ang akin, i'll give you something personal... lapit na bday ko :P

33 comments:

  1. uy, 17 minutes ago pa lng...

    i smiled at u, please smile back .hahaha... my mga ganon pa pala un.. ill try it nxt tym. :)

    ReplyDelete
  2. Dalawa lang daw talaga ang purpose ng pagsusulat ito ay;

    1.makapagbigay ng aliw
    2.at makapagbigay ng impormasyon.

    Dapat nasa dalawang iyan ang purpose kung bakit ka nagsusulat (o nagboblog)

    Subalit kung mailalagay ang dalawang yan sa sinusulat mo,then itoy isang magandang o makabuluhang sulatin pero kung wala dyan sa dalawa ito'y walang saysay na sulatin.

    Tama ang mga naisulat mo pre!

    ReplyDelete
  3. Kelan, cia happy birthday salamat sa paggawi sa dampa ko...Godbless

    ReplyDelete
  4. hahahaha oo nga ano pansin ko din yan! Swak na swak ang 1-4!

    ReplyDelete
  5. Sus, sinabi mo pa. Minsan nga mukhang di makapaghintay, nag-leave ng message: I added u already, add me too!!! Ay naku, da more di ko i-add.. Inis eh..

    ReplyDelete
  6. nyuahaha

    lolz naalala ko yung mga malaysian na bumibisita sa blog ko parang adik lang :P

    hahaha

    anyway salamat sa pagdaan sir at sa pagcomment sa aking post I hope you got alot of tips from it :)

    btw i already replied on your comment you can check it here: http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/09/top-10-pinoy-men-fashion-wreckers.html

    happy birthday in advance kelan nga ba? :)

    ReplyDelete
  7. May ganun? hahaha

    Ano ba yang San Mig light na yan? Magkano ba ang binayad sayo niyan? Akala ko ba personal blog ito, bakit may advertisement? hehe Walang pikonan..LMAO

    ReplyDelete
  8. May mga puntos ka don NC.

    Siguro yong iba gusto lang magpapansin dahil walang pumapansin.

    Sabi nga ng isang blogger, hindi ito basurahan (blogsphere), kaya hindi ka dapat nagtatapon ng basura dito.

    Kaniya kaniyang trip, swerte mo pag may pumansin o sumakay sa trip mo.

    ReplyDelete
  9. So true! Well, kanya kanya nga lang daw ng pakulo yan hahaha. ;d


    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    ReplyDelete
  10. So true! Well, kanya kanya nga lang daw ng pakulo yan hahaha. ;D Lapit na pala birthday moh?!Happy B-day ah. hehe


    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    ReplyDelete
  11. @che haha ayos.

    @drake naks. golden rule?

    @seauest salamat sa pagdalaw :P

    @noreen haha pansin mo rin?

    @ilocana ang puso mo. relax. hehe

    ReplyDelete
  12. @nash ayos. basta lapit na. abangan... hehe

    @ruel hoy parekoy. hindi mo b alam? endoreser ako ng sanmig? haha

    @solo salamat. how totpul :P

    ReplyDelete
  13. kakaiba rin ang atake mo bro ah..

    syangapala, wala akong bagong blog na ipropromote pero, im here just to simply "smile back at u", hehe :)..thanks for being around..

    in the light of your post, yeah, u got a genuine point..and keen observation at that..

    blogging, certainly is more than than..its a friendship/relationship

    jolly bday :)

    ReplyDelete
  14. ay di mo sinali yong noon lang sya naligaw sa blog mo tapos humuhiling na iboto sya sa contest na sinalihan nya, anu bale! ang epal nya, di mo pa nga sya kilala, paano mo sya iboboto...tama ba ako 'egan...hehe

    anyways..try mo ang larong "hanging buko" wag mo lang isali ang mga pustiso ang 'ipin kasi baka maiwan sa buko nyahaha.

    TY sa comment and dalaw.

    Ok, ang blog mo..kwelang basahim.

    ReplyDelete
  15. hanak ng siopao na bading! Meron ka na pala bagong post! Akala ko nilayasan mo ang blog mo pre ahahaha...Oh ano naman itong patama mo sa mga blogista! Sige gagawan ka namin ng hate mails ahahaha...

    P.S. Bagay ba bagong attire ko ngaun? Atsaka ano gimik mo this bday mo sa blogosphere?

    ReplyDelete
  16. @aj parekoy. ayos ka na? maraming salamat sa maagang pagbati :P

    @katherine oo nga no? haha.

    @kablogie haha. magagawa ko ba naman sa inyo yun? siguradong mamimiss niyo ako. hehe. wala akong gimik sa blog ko nun, busy ako sa mga party. woohoo. haha.nakatakot hitsura mo parekoy, takot ako. hehe

    ReplyDelete
  17. guilty ako sa ilang sinabi mo hahaa!...ang sa akin lang, everybody else is doing it so why cant i? :D

    nway, kailan ba b-day mo? patoma ka naman jan!

    ReplyDelete
  18. Naks... Couldn't agree more!
    Galing!

    Nga pala, kaninong blog yung may mga stik pigures? Hehehe.

    Anyway... "i smiled at you, please smile back"

    ReplyDelete
  19. Hahahahhahha dami kong kilala sa mga nabanggit mo ah... hahahahaha... tagay na! kaso mukhang ubos n ata laman ng bote mo eh... eto pa isa oh... jijijijijiji

    ReplyDelete
  20. @vonfire lapit na parekoy... ilang tulog nlng :P

    @timberboy secret. hulaan mo. haha. nakangiti na rin ako, kita pa gilagid.

    @xprosaic meron pa naman parekoy. pabili ako para sa inyo

    ReplyDelete
  21. ^
    ^ ^
    ^ ^ ^
    ^ ^ ^ ^
    ^ ^ ^ ^ ^ ANO DAW?
    ^ ^
    ^ ^
    ^ ^
    ^ ^

    ReplyDelete
  22. Ang sabi nya ang fugi fugi mo daw sa pektyur mo ahahaha

    ReplyDelete
  23. @kablogie at kailan ka pa naging intsik? haha...

    ReplyDelete
  24. amp amp amp daan lang napakagat :P

    ReplyDelete
  25. may avid fans kapang japan ba yun o chinese..he he he

    ReplyDelete
  26. @nash ano kinagat mo? haha. salamat parekoy.

    @everlito di ko nga din alam eh. di ko maintindihan parekoy :P

    ReplyDelete
  27. sumisilip lang ulit kung anong bago, kaso tulad mo rin pala ako,hahaha, wala pa...

    pero wagka, napatawa ako dun sa intsik koment, hahaha! gets mo ba, hahha..

    ReplyDelete
  28. @ilocana i'll be posting soon :P di ko maintindihan yung sabi dun. translate mo nga. hehe

    ReplyDelete
  29. Ahahhahahaha... yan may bote pa... jijijijiji naku wag ka masyado maniwala dun sa intsik niyiyinyang ka yan yun.. jowk... jijijijiji...

    ReplyDelete
  30. napansin ko yung "exchange link deal" na diskarte gawain ng mga blogger na puro ads ang blog, tapos yung mga blogposts kinopya lang...
    he he he, sabi nila monetizing daw yun...

    ReplyDelete
  31. translate ba kamo? sige try ko, heto with intsik accent ha,,," Hi, ako intsik chu nga, ako basa blok mo, ganda ha,, tayo link oke,,oh, hapi biltday, wag dami ikaw inom kasi ikaw lasing." hehehehe, teka, ako yata nalasing, hik,hik...

    ReplyDelete
  32. @xprosaic ihetchu. wahaha.

    @yodz oo nga. pansin ko rin yun parekoy

    @ilocana haha. ayos. galing intsik accent :P

    ReplyDelete
  33. super true...


    oh yeah hahaha i link even though that person doesn't link back hahahhaa. d ako haggler e hahahahhahaha. pag trip ko e di trip ko hahahhaha

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!