Sep 30, 2009

give me sunshine

I’m back. Mahigit isang linggo din ako nanahimik at namahinga sa mundo ng pagba-blog. Ang gulo kasi ng isip ko. Minsan nga nagdududa pa ako kung may makikita pa bang utak sa pagitan ng aking mga tenga. Sa mga oras na ganito ko inaalala ang isang sikat na linya sa pelikula, “it’s like the wind. I can’t see it, but I can feel it.” O diba? Ayos!


Bago ako magkuwento ng mga bagay-bagay, meron lamang akong gustong linawin. Hindi ako emo, hindi patapon ang buhay ko(atleast not totally) at wala akong suicidal tendencies. Nagkataon lang na nang magsimula akong mag-blog ay tapat naman sa bahagi ng buhay ko na pinaka-masalimuot(di ako emo, pramis!). at dahil jan, scrap ko muna ang usual na “I hate the world” posts. Instead, this entry would focus more on the brighter side of things. The positive in the negative.


Negative:

Nasanay kami ng ate ko na steady lang sa bahay. We got too comfortable na di namin napansin na nagmumukha na palang palengke ang bahay. Sa lahat pa naman ng ayaw ni mama ay iyong maruming bahay kaya ayun, napagalitan(understatement) kami. Para kaming mga batang paslit na nahuling nangungupit.

Positive:

Spotless na po ang bahay namin, lalo na ang kusina na pinagmulan ng outburst ni mama. Kahit si mickeymouse ay mahihiyang tumambay dun eh. Wag ka lang titingin sa kuwarto ko, ibang usapan na yun.


Negative:

Last week, nag-away kami ni kuya. It was a pretty stupid fight from two emotionally wrecked people. Stressed si kuya sa board exams at ako naman, emotionally disturbed. Eh itong si kuya ay makulit at gustong mag-usisa at ako naman ay ayaw magsabi ng details kasi ako yung klase ng tao na hindi magsasalita kung talagang ayaw. Ayun, minura ako. I felt it was uncalled for kaya uminit din ulo ko.

Positive:

Naintindihan ni kuya na hindi lahat ng bagay ay naayon sakanya. Importanteng malaman ng isang tao kung kelan dapat at hindi dapat maki-alam sa buhay ng isang tao. Expectator lang ang papel natin sa circus na buhay ng bawat isa at hindi tayo ang magdedesisyon kung kailan nila gustong tumawid sa alambre at baka ma-kain pa sila ng leon.


Negative:

I was devastated nang malaman ko ang mga epekto ng bagyo sa iba’t ibang parte ng bansa. Marami ang namatay at maraming nasirang mga kabahayan at kabuhayan. Ang iba pa nga ay hindi pa nahahanap. My sympathy, prayers and condolences goes to the victims of this tragic incident.

Positive:

Kung meron man magandang naidulot ang sakunang ito, iyon ay ang pagkakaisa ng bawat Pilipino sa panahong ito. Ramdam natin ang suporta ng gobiyerno, kilalang personalidad, at kahit ang mga simpleng mamayan. Kahit nga ang mga pa-cute na mga presidentiables ay umeepal na. well, wala naman tayo sa posisyon para tumanggi sa tulong kaya salamat na rin.


Negative:

Heto na ang pinaka-asar sa lahat. Sa bawat makakakita sa akin ngayon, halos isa lang ang sinasabi nila, “papayat ka na, tumataba ka na eh, pero guwapo pa rin.” Ano yun, paconsuelo? Hay, sino ba kasi ang nagpa-uso ng mga skinny jeans na yan at mga hapit na t-shirts? At sino rin ba ang nagsabi na pag-payat ka eh mas maayos kang tignan? Hindi lahat ng payat ay masaya at hindi lahat ng “healthy” ay nagaambisyong pumayat! Basta ang importante, gusto mo ang sarili mo. Be comfortable in your own skin. Pero dahil masikip na mga pantalon ko, babawas na ako ng timbang. Babay muna sa jollibee!

Positive:

Atleast, kahit nilalait na mataba, pogi pa rin! Wahaha. Masaklap naman kung mataba ka na nga, pangit ka pa. haha. Biro lang. meron pa namang inner beauty, don’t worry.


O hayan ah. Siguro naman bawi na ako sa mahigit isang linggo kong pagiging missing in action. Salamat sa muling pakikinig sa akin mga parekoy. Isang linggo na lang, di na ako bata. Haha.

14 comments:

  1. wala namang masama sa pagiging emo dahil lahat naman tayo ay may side na ganun otherwise frigid ka na.

    im trying to figure out ang pic mo sa post na to at para nga talagang pumayat ka...pero guapo pa rin naman! :D

    ReplyDelete
  2. onga salamat sa mga tumulong... just like what i said in my blog, they took the necessary actions kaso na-delay dahil mas malakas si ondoy sa kanila... aun... pero happy ako na nagtulungan mga tao.

    sa pagpapapayat... ako naman e super kelangan magpapayat kasi ung heart ko humina ... i have to lose some lbs. i'm doin this for my health kasi it really runs in my family ung mga heart problems. urkk... namotivate ako nung nag-test kami sa gym kung fit ba ako o hindi kasi i do believe sa sinabi mo na hindi lahat ng payat healthy at hindi lahat ng mataba e sinaksak na ng mga diseases... naman pero damn, 3-5mins. sa treadmill umakyat ng 190 ung heartrate ko. kamusta naman? dba haha aun... ingat lage... following u :)

    ReplyDelete
  3. @vonfire asus... salamat naman at sinakyan mo ang pagiging narcissist ko. haha

    @traveliztera naku po. exercise tayo parati para lakas resistensiya at iwas sa sakit. :P

    ReplyDelete
  4. Heto ba ang epekto ng matagal na nawala sa blogsphere...emotic mode ahahaha...haba ng kwento mo ah! kuha lang ako chippy at sarsi kakaririn ko ito! ahahaha

    ReplyDelete
  5. parekoy, Emo ka din pala..sorry to hear that..maglinis ka kasi sa bahay mo..at maging close ka kasi sa kuya mo..

    alam mo tama ka..merong mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin pwedeng sabihin kahit ninu man..pareho kayo ng younger bro ko, kahit anong gawin ko hindi pa rin magsasalita..kahit na nakikita kung umiiyak..

    ReplyDelete
  6. @kablogie patawa ka naman parekoy. maiksi pa nga yan eh. hehe. penge ako chips.

    @ruel di naman parekoy. nga pala... lahat ng mga bunso ay may special powers kaya walang panama ang mga kuya. wahahaha.

    ReplyDelete
  7. Chubby people are happy people.
    Kaya ayos lang yan.
    Tsaka mas masarap kayakap at ka-- ehem... "Moments" ang medyo malaman. Rawrrrrrr... Hehe.

    ReplyDelete
  8. tama yan, pag may nega, e may poso..este pasitib. balanse lang ang haybu naten.

    sana makarecover agad tayo sa sakuna.

    tungkol sa pagpapayat, madaling solusyunan yan. ang kapangitan, kay belo pumunta!mabuhay ang mga pogi, apir!haha xD

    ReplyDelete
  9. @timberboy naku po... sinisira mo ang malinis kong isip. wahaha.

    @manikreigun haha. tama parekoy. apir tayo. ikasama mo :P ayos

    ReplyDelete
  10. @timberboy naku po... sinisira mo ang malinis kong isip. wahaha.

    @manikreigun haha. tama parekoy. apir tayo. ikasama mo :P ayos

    ReplyDelete
  11. ganun ba talaga yun? hahahaha...

    ReplyDelete
  12. masaklap nga talaga ang mataba na, pangit pa. wahaha. jowk lang. baka ako na ang tumaba. hehe

    ReplyDelete
  13. @tim ganun talaga. ayos :P

    @carlopaolo haha. sabi sa akin, ok lang na mataba coz there's more of you to love. o ha, bumabanat! wapak! haha

    ReplyDelete
  14. GOOD MORNING MR. NIGHCRAWLER. Siguro tulog ka ngayon kasi umaga na. lol.
    Salamat sa pagdalaw sa aking parokya sa blogosperyo.

    “it’s like the wind. I can’t see it, but I can feel it.” -- ohlala! galing yan sa favorite movie ko na sa palagay ko ay favorite movie mo rin -- "a walk to remember."

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!