From Japan? Teka... Pilit ko talagang inalala. Nanggaling ba ako ng Japan kagabi? Bakit ang bilis ko namang nakabalik? Hindi talaga eh. Bakit at paano na-access ang account ko sa Japan?
Mga posibleng rason:
1) May naka-away akong Hapon at gustong maghanap ng pwedeng i-blackmail laban sa akin gamit ang account ko.
2) May nang-trip lang at nagtype ng random na email address at password(ang galing naman ng ******)
3) Nanggaling talaga ako ng Japan kagabi at di ko maalala ang mga pangyayari(parang Hangover lang)
Napa-isip ako kung papalitan ko ang password ko. Ayoko nung una kaso naalala ko... may press release pala ako na wala akong malaswang video at litrato. P*kening. Palit agad ng password. Okey na. My reputation is intact. Again, I repeat... wala po talaga akong malalaswang picture at video. Promise. Hehe.
__________________
Siguro naman pamilyar tayong lahat sa kaguluhang kinsasangkutan ni Senator Tito Sotto. Bilang isang blogger, nakakainsulto nang sabihin niyang hindi niya kokopyahin ang gawa ng isang blogger dahil sa blogger nga lang ito. Matapos ang ilang araw, umamin ang kanyang chief of staff na ginamit nga nila ang laman ng apat na blogs upang isama sa speech ng senador. Isang pagpapakumbaba ang inaasahan ng mga bloggers pero isang letter of apology na mapang-mata ang kanilang natanggap.
Matapos sabihing naging biktima siya ng Cyber Bullying ng dahil sa pangyayari, muli siyang nagtalumpati. Pero teka lang, muling umalma ang mga tao sa hindi maipagkakamaling muling pangongopya ng Senador ng kanyang talumpati... ngayon naman mula kay Robert Kennedy. "Hindi ko kinopya iyan... Bakit, marunong ba siyang magtagalog?"
Hindi ko alam kung nananadya siya o talagang obobs lang talaga. Nakakalungkot na ang isang Senador ng bansa ay walang konsepto ng Plagiarism... isang bagay na pinagsusumikapang pagaralan at iwasan ng milyon-milyong tao sa mundo.
He stole. He lied. He's arrogant. Bakit ganun? Kung kailan retired na siya sa pagiging komedyante, ngayon pa siya pinagtatawanan. Nga pala, kinuha ko sa Inquirer.net ang pagkukumpara ng speech ni Sotto at Kenedy. O di ba? Hindi naman mahirap kilalanin ang gawa ng iba.
____________________22 Things to do while I'm 22 Update
number 14: Not lie for 1 whole week
Ito na siguro ang isa sa pinaka-mahirap gawin sa listahan. Paano mo sasagutin ang mga tanong na:
Maayos ba ang hitsura ko ngayon? - kahit araw-araw siyang pangit
May pag-asa kaya kaming magkatuluyan? - kahit may girlfriend yung gusto niya
Papasa pa kaya ako? - walang milagro!
Buti nairaos. Hindi nga ako naging sinungaling, naging snob naman ako sa kaiiwas sa mga tanong nila. Ngayon pwede na ulit... Kumusta na kayo mga naggwagwapuhan at naggagandahang mga nilalang ng Blogging community?
pareng zombz [zombie]! pansin ko lang na lagi kang online ng ganitong oras ah.
ReplyDelete- pag sinabi mo kasing may R18 vids ka eh siguradong ihahack yang account mo. kaya kung ako sayo, burahin mo na yang mga angle shots ng toot mo. lol.
- wala akong masabi dyan kay tito sotto. [face palm!]
- congrats for not lying the whole week! tapos na ba? tatanong ko sana kung gano ako kapogi? lol ulet.
haba ng comment pasensya na. pag pumunta ako sa pangasinan, yung milk tea ah! tnx! XD
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHi, first time ko din dito. Wow, it was nice knowing someone from Dagupan or Pangasinan. I was born in Dagupan and attended college in Dagupan but i live in Calasiao which is subrang lapit lang. Matagal ko na ring pangarap makameet ng bloggers nearby and yes we can photowalk one of these days or maybe go on an adventure nearby. How can i get in touch with you?
ReplyDeletei didnt know na taga pangasinan ka (based from the comment above).
ReplyDeleteHala, baka nga galing kang japan
12,446 unread messages??? ang konti lang. for sure walang spam dun. hehe.
ReplyDelete1.5 hour lang ang biyahe pa-pangasinan sa'min. sama ko sa gala! haha
pagod na pagod nako kay sotto. :(
ReplyDeleteNapansin ko rin ang 12,446 unread emails ni jr-2pak. lols. Ano ba yang sotto nayan? Salamat sa blog mo naintindihan ko na ang sotto issue na yan. :P
ReplyDeleteFeeling ko nakarating ka nga sa japan, char. andameng messages sa inbox mo!! e bahala na si tito sotto sa buhay nya.. napagtagumpayan mo ang 1 week na no-lies, congrats!
ReplyDeleteHaha ako eto, pogi pa din :)
ReplyDeleteAng saya naman ng not lie for a week, ma try ko nga din yan :)
Irita si Sen Sotto, palala ng palala ang pinag gagagawa nya no?
Ang daming email! Baka si Pikachu o Hello Kitty ang nag try mag login sa email mo :)
Wahaha, baka glitch lang ng Yahoo yan... may lumalabas din na ganyan sa yahoo account ko minsan pero ignore na lang ehehe :D
ReplyDelete@Tito Sotto, naku ewan, ang gulo nya... hirap magkumento lolols :D
galing ka ng japan magkasama pa nga tayo hahahaha :)
ReplyDelete@gord haha. parati talaga akong online ng mga hating gabi kasi insomniac ako. parati akong puyat kaa ganun. Saka wala akong malaswang material sa yahoo. hehe
ReplyDelete@Asiong O malapit lang pala tayo parekoy. Nakikinita ko na... magkakaruon na rin ako ng mga matinong litrato. hehe. I'll message you in your blog.
@khantotantra born and raised. :)
@denggoy oo naman. Sama ka. cameraman natin si asiong. :)
@archieviner iyan talagang si Sotto. Andami na kayang bloggers sa Pilipinas. Bawas boto din yan sa kanya. bwahahaha.
@joanne feeling ko nga din eh. siguro andami kong nakaing sushi at takuyaki. sarap.
ReplyDelete@zaizai oo. subukan mo. kaso minsan nakakapang-init ng ulo ang hindi magsinungaling. baka magka-migraine ka bigla. hehe
@fiel-kun feeling ko nga rin glitch lang pero mas magandang explanation siguro kung talagang nakarating ako ng Japan. hehe
@kulapitot naku... ganun ba? wala akong maalala eh. kwentuhan mo ako. saan sa japan tayo pumunta? hehe.
Tara punta tau Japan sama ka alis ako by December kung matutuloy hehe...
ReplyDeleteKay Sotto? Uhmmm...natawa na lang ako nung sinabi mong kung kelan xa pa-retire na bilang komedyante saka nmn a pinagtatawanan hehe...
About sa vid, hindi namn ako bigtime laitero slight lang haha...yung plan na collab natin anyare? LOL
hi, email moko dito para makuha ko contact details mo tas meet tayo para planuhin natin yung gala natin with denggoy. asibokak@gmail.com
ReplyDeletesee you soon!
ito maganda hahaha (feeling lang)
ReplyDeleteoo nanggaling ka dun, pumunta tayo dun!! hehe
@jag saka na ako sasama sayo sa Japan kapag kasing-yaman na kita. grabe. pabakasyon-bakasyon nalang sa Japan. Gusto ko rin pumunta diyan lalo na sa Kyoto at Osaka. Saka, huwag kang magalala. matutuloy ang collaboration natin. hehe. Pagpraktisin mo muna ako at baka mabokya ako kapag ginamitan mo na ako ng pagpito mo.
ReplyDelete@asiong32 I'll contact you. See you soon.
@jessica Naku. kasama ka din pala. May natago ka ba diyang pictures para naman mapatunayan ko sa mga friends ko na naggaling ako ng Japan? hehe.
tagapangasinan ka pala kuya? nice kababayan! anyway..kaloka naman yang spam na yan. galing ka daw ng japan?wahaha kulit. no comment din ako kay sotto. talaga bang di ka nagsinungaling for one week?congrats!=D
ReplyDeleteSh*t... may kaaway kang hapon.. hahahaha.. pero hmmm.. baka malay mo pilipino lang yun na nakatira sa japan.. baka naman kase may syinota kang nag-haponesa or something.. whatever.. masakit sa noo isipin... pero buti na lang at nagpalit ka na ng password.. tungkol naman kay sotto.. totoo lang.. kung wala naman ako mapapala.. wala na lang akong paki... at sa iyong 1 week na hindi pagsisinungaling.. NICE ONE!!! COngrats at mukha namang nagawa mo ng maayos ang challenge mo sa sarili mo!
ReplyDeleteNgayon ulit nakatambay sa blog mo! Good to be back! Hehehe...
ReplyDeleteOk, let's begin....
Lecheng mga hackers yan. Baka sakali lang ha, may nakita ka bang email galing sa isang kaibigan mo na may sinasabing link about work, money, travel, etc.? If you clicked that, probably that was their hook to access your account there in Japan.
They would use your account to infiltrate other emails or use your email for a scam. Yung mga email na dumadating na mayroon daw na i-forward sa bank account mo na pera from Seychelles o isang kakilala mo na stranded sa Cayman Islands na kailangan ng emergency money. And just think SEYCHELLES and CAYMAN ISLANDS, mga lugar na kung saan sarado kandado ang mga bank accounts from international authorities. I think not even the INterpol can hold them.
O baka naman napa sobra ka ng alkohol, at sa isang gabi nag apply ka magjapayuki. Ayun, overnight, you were shifted there but you pissed off some yakuza who, instead of killing you, just sent you back home, and now they're messing up with your email. Di ba? Puede.
At dahil nakapag Japayuki ka ng hindi mo alam, masasabi mo ba talaga na wala kang malaswang pictures o videos? hahaha!
As for Sotto, clearly he's being incoherent and stupid. Tapos ang mga buwakanang speechwriters at staff niya, mga naturingang galing sa mga University of Big Time Conyos, Sosyalan de Manila University, at kung ano pang may pangalan ng isang santong unibersidad, mga iskolar PERO KULANG SA IMAGINATION AT CREATIVITY. Ano ba ang master nila sa course nila COPY/PASTE? T*ngna dis naman oh! bobonic people!
And if the honourable gentleman from Eat Bulaga thinks that he can get away this time by trying to be witty, he's making a big mistake. I would like to use the word of Sen. Santiago- FUNGUS FACE, ANONYMOUS INSECT, A LOWER-LIFE FORM.
And as for your endeavor to remain true- OMISSION OF TRUTH IS ALSO A LIE. Fail! hahaha! Truth hurts talaga. Sometimes people would just want you to keep on living a lie because the lie is acceptable, even if it's at the expense of your mental sanity and righteous living.
Yun lang!
@superjaid wow. andami palang pangasinense na bloggers. apir tayo diyan :)
ReplyDelete@milkshake baka nga may nakarelasyon akong haponesa. naku. sana marunong magenglish para magkaintindhian kami. hehe
@mr.tripster best in comment ka talaga pareng tripster. pero sorry to disappoint you but in my own universe, omission of truth is only considered a form of a lie if the matter in question is used in court proceedings. Kaya para sa akin, hindi ako nagsinungaling ng isang linggo! bwahaha. mag-agree ka!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletemas katawa-tawa si sotto for defending a very obvious mistake.
ReplyDeleteanyway, hmmm mahirap nga talaga if u keep track of what you say and and do and determine if it's a lie or not. pero i think, if for one day, you decide not to lie again and not give a time limit to do it..and ..call upon the heavens to help you with it...it will eventually become a habit, then a virtue..then a part of you :) God bless. Phil.4:13
about the mail, skeeereeeee blah--- i have all my work stuff in my email, if nahacksh un ...em dead. -_- anyway, i wish a cyber superman will put an end too this hacking..
Be careful... I also have my work stuff in my email kaya nagpanic din ako. May sira na talaga account ko kaya gumawa na ako. Make a copy of all of your files just in case.
Delete