Sep 17, 2012

Samu't Saring Kwento 14: WOWOW


Natatawa lang ako dun sa last post ko.

Halata kung sinu-sino ang:
1) Mahilig magskip-read. Binasa lang iyong unang paragraph tapos naki-happy birthday Kevin din. Haha.
2) Tamad magbasa ng mahabang posts. Iyong ibang napapadaan, diretso sa mga mas maikling post. Sayang siguro ang oras... pwede pang magpromote sa ibang blogs. hehe
3) Talagang nagbabasa. Nakakatuwa lang lalo na pag totoong nagustuhan ang istorya. Ang hirap kaya mag-isip.

Wala naman akong masamang ibig sabihin niyan. Ang sa akin lang... andito ka na rin lang, basahin mo na. Wala namang bayad. :)

_____________

Totoo na talaga. Na-hack nga iyong yahoo account ko. Lahat ng important files ko, di ko ma-access. Gamit ko pa naman iyon sa maraming bagay -sa trabaho, sa pagaaral, sa pakikipag-usap, at sa pakikipag-landi. Haayy... Kaya mga parekoy, tandaan:

1) Hirapan at habaan ang password. Iyong tipong mahaba at mahirap na hindi kayang hulaan ng iba at hindi mo makakalimutan basta-basta. Wag shushunga-shunga.
2) Huwag ipagkalat ang password. Kahit pa si girlpren ang nagtanong, wag ibibigay. Pag nagpumilit, gumawa ka ng second account. hehe

Nakakalungkot lang. Matagal na sa akin ang account na iyan. In fact, ito ang pinaka-una kong ginawang email account nung first year high school ako. Ganyan ako eh... kahit maliit na bagay, nilalagyan ko ng sentimental value.
_____________

Speaking of sentimental value, kumusta naman ang ilang pagbabago sa blog ko. Una, tinanggal ko iyong automatic music player. Dalawang taon din sa blog ko iyon ha. Pangalawa, iyong banner photo ko. Sa mga kakulitan ko mula simula, ngayon niyo lang nakitang nagbago ang banner na iyan. Medyo asiwa pa ako... Ang baboy ko lang. haha.

May mga mangilan-ngilan mang pagbabago- ang music player, header, kahit iyong timbang ko; may isang bagay na hindi pa rin nagbabago at hindi ko matanggal. Hanggang ngayon, puyat pa rin ako. Insomniac since 2001(kasalanan ng WOWOW!).

32 comments:

  1. aamin na ko, tamad ako magbasa ng mahabang post..kaya ayoko rin magpost ng mahaba kasehodang mangbitin ako haha.. pero minsan pag may topak nagbabasa ako kahit mahaba..
    nakakasama naman ng loob ang pagkawala ng yahoo account mo..kung ako siguro yan iiyak na ko hehe..
    parang may hawig ka kay baron geisler sa pagkakaside view mo jan sa header mo ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku... may mga nakapagsabi sa akin niyan. Nakakabanas. Sa ilang photos daw eh kahawig ko nga siya. Pero... sigurado ka bang hindi si John Lloyd ang kamukha ko? Feeling ko talga siya ang kamukha ko eh. hehe

      Delete
    2. hmmmmm...try mong humarap para magkaalaman..kapag kamuka mo talaga si JLC mamahalin na kita haha..

      Delete
  2. Payo tol pag gagawa ng password, gawin mo siyang combination ng capital & small letters, numbers, at kahit isang symbol. Mas secure pag ganun.

    Parang may artista dun sa bagong banner. Wee. Napangiti siya. Si Baron pa rin ang tinutukoy ko! Haha. Sa Mines View yan di'ba?

    Insomiac rules! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka pa! Si John Lloyd ang kamukha ko! Si John Lloyd! bwahaha. Yup. Sa Mines View yan. Adopted son ako ng Baguio eh. hehe

      Delete
  3. emerged... napaisip ako.... ako ba yung nag-skip read? at bumalik talaga ako sa past post mo. lols. ako na ang makakalimutin minsan.

    feeling ko yung sa yahoomail, madaling mahijack. Natatandaan ko kasi dati yung isang yahoomail ko nagsend ng message sa isa ko pang yahoomail. tengene.

    pero sabi nila constant password change at hirapan ang password ang solusyon. Yung password na 20 characters... lols, ewan ko lang kung mahulaan agads

    ReplyDelete
    Replies
    1. tengene talaga. Try ko naman ang gmail... mukhang wala masyadong nagrereklamo dun eh. Saka ang hirap na ng password ko... mahigit ten characters. hehe

      Delete
  4. Yahoo account, gamit sa paglalandi :D natawa naman ako dun :D pero natamaan ako dun sa tamad magbasa ha :) oo tamad tlga ako magbasa minsan ng mahahabang post kahit libre pa:)minsan kasi sandaling oras lang ako sa blog at singit lang sa oras ng trabaho..pero kapag ako nag-comment ng maiksi lang at off topic pa, ibig sabihin non ay "kamusta? napadaan lang" :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga. Virtual na rin ang paglalandi ngayon. hehe.

      Delete
  5. minsan kahit mahaba yung post, nakakaengganyo siya basahin kapag maganda yung title. lalo na kung may halong kamanyakan. haha. joke lang.

    buti ka pa si baron kamukha mo. ako andami nagsasabi na si chuck perez kamukha ko. di ko lang alam kung naging kamukha ko siya nung nagsimula na siyang mag-adik. ako ang bagwis. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahaha. for some reason, naalala ko si chuck perez! ang saklap naman ng mga kamukha natin. Isang manyakis at isang adik? Hindi kaya masamang pangitain ito?

      Delete
  6. Huhu... kala ko totoo talaga yun. di naman ako nagskip read promise T.T . Di lang siguro ako marunong tumingin ng fiction? lol Sa bagyo ba yang pic mo sa banner mo? Dapat din haluan mo nang caps lock at numbers ang password mo :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Hindi sa bagyo iyan... sa Baguio! bwahahaha. Alam ko hindi ka skip reader ng mahahabang post kasi ikaw ang hari ng mahahabang post (at hindi rin ako nagsskip read ha)

      Delete
    2. hahaha.. ako na nga. bumabagyo kasi dito kaya bagyo nasabi ko. lol

      Delete
  7. yung last post mo, hindi ako nagcomment kahit apat na beses ako nag attempt na basahin. haha. kasi hindi ko kaya ang ganun kahaba. haras na haras ako kahapon sa mga ginawa sa buhay.

    mas gusto ko ang layout at mga shiz ng blog mo ngayon. mas masarap sa magaan sa mata :)

    at syempre, alam kong insomiac ka. pero ang lungkot nun a. since 2001. masarap matulog ng regular.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah... Bata pa lang ako, insomniac na ako. Kasalanan iyan ng channel na Wowow dati. First time ko kasi makapanuod ng softcore porn kaya ayun... hinintay ko kahit madaling araw.

      Delete
  8. ayan binasa ko..pede ka pa po mag paexam..hehehe

    ReplyDelete
  9. pano po ba mag lagay ng automatic music player??

    hehehello sa'yo..napadaan here ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Check mo lang po sa layout mo. May mga features dun na pwede mong ilagay sa blog mo. Marami pong music sites na pwede niyong icheck... hanapin natin kay manong google. hehe. Salamat sa pagdaan. :)

      Delete
  10. Di ko alam kung magi-guilty ba ako or not sa unang paragraph :D

    Aww, sayang yung yahoo account mo. Antique na yun ah! at dahil jan bigla kong chinek ung first and oldest email ko sa yahoo. ayun buhay pa naman sya, and wow 10 yrs old na sya (going 11 yrs sa January 2013)ahahaha! alagang alaga ko pa pati mga old spammy emails... kaktamad mag bura lols :D

    yung new banner mo ang una kong napansin dun sa previous post mo hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nga eh... antique na nga. asar lang. Oo nga. ikaw unang nakapansin ng banner ko. ikaw ang unang nakapnsin ng kapogian ko sa banner ko. hehe. baka tamaan na ako ng kidlat.

      Delete
    2. ahahahaha! uu nga eh, ang lakas ng thunderstorm dito kaninang hapon :)

      Delete
  11. Nice banner you have here...sa Mines View yan right? So nainis ang bata dahil nakahalatang maraming skip readers? LOL...

    Same here matagal na din ang yahoo account ko HS pa ako and thank God buhay pa rin upto now... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup. Mines View. Hindi naman ako nainis.. basta ang masasabi ko lang, tama ka. bata pa ako. ahahaha.

      Delete
  12. Ngayon pa lang ako nagbabalik kaya di ko pa nabasa ang prev post mo, hehe! Uy, kahawig mo si john lloyd sa header! wahaha.. mapagbigyan lang kita, hehe.. sayang ang yahoo acct, kaya madalas ako magpalit ng password e.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku... Buti na lang. May nagsabi rin g totoo. Tama naman ako di ba? Kamukha ko talaga si John Lloyd? hehe. Dahil diyan, libre kita pag nagkita tayo. :)

      Delete
    2. Talaga? Siguro hindi ka makikipagkita para walang librehang maganap, hahaha

      Delete
    3. haha. pag napadpad ako ng manila or somewhere near, manlilibre ako :)

      Delete
  13. Ouch. Hehehe. Panu kung nabasa naman pero wala lang makoment, speechless lang. Ganun ako minsan. Nakikibasa pero minsan di na nag-iiwan ng komento. Haha.

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!