Sep 3, 2012

Samu't Saring Kwento 12: Ang writer

Nakahiligan kong mag-regalo ng libro sa mga kaibigan tuwing birthday nila. Bakit? Dalawa lang naman ang rason....

Una, mahilig akong magbasa ng libro. Alam ko marami ang nagkaroon ng phobia sa mga libro dahil sa mga pesteng teachers na akala mo ay nangangain ng estudyante pag hindi sila nakapagbasa ng reading assignment, pero hindi pa naman huli para baguhin yun. Katulong sina Maxwell, Albom, Fyfield at Grisham, iniisa-isa ko silang ginagamot sa kanilang karamdaman. Kapag malala ng konti... si Sidney Sheldon na ang kailangan.

Pangalawa... dahil gusto kong tumawa. Parati kong inaabangan ang mga reaksyon nila pagka-bigay ko ng libro. Merong:

Uhhhmmm... Salamat?! - Confused
Salamat lang ah. Salamat talaga!!! - Naasar
Thank you po. I really like it... - Ayaw talaga pero nahihiyang sabihin...
Thanks. You'll get yours sa birthday mo. - Nananakot. Babawian ako sa birthday ko.

at ang pinaka gusto ko sa lahat...

Wow! Thanks. Thank you so much. - Tuwang-tuwa... hindi dahil sa nagustuhan ang bigay na libro kundi dahil sa ako lang ang nagbigay sa kanila ng regalo aside from nanay at tatay nila. hehe.

Sana mas marami pang magkagustong magbasa. Hindi lang naman sina Sheldon at Fyfield ang magaling magsulat... kahit mismo dito sa atin ay marami rin. Andiyan sina Lualhati Bautista, Ricky Lee, Nick Jaoquin, Bob Ong at ang isang writer na kilala niyo sa bansag na borednightcrawler. Walang basagan ng trip.
___________________

Diet mode nanaman ulit. Kailangang apurahin dahil malapit na ang deadline ng listahan ko. Dahil diyan, pagsasabayin ko... 1 month jogging at 1 week vegetarian meals starting tomorrow. I need a miracle.


21 comments:

  1. nakalimutan mo pa ang isang walang kuwentang blogger, si NoBenta! hehehe. abangan mo ang pinapangarap niyang sariling libro!

    musta parekoy?!javascript:void(0)

    ReplyDelete
  2. ako bigyan mo ng libro! kelangan namin ng panggatong!

    goodluck sa diet mo pards! minus extra rice din dapat. XD

    ReplyDelete
  3. @Nobenta Ayos naman. Long time no talk ah. Nice to be back parekoy. :)

    @gord yun lang. ang hirap ng walang rice. Milagro nga talaga ang kailangan ko. At excuse me... hindi pinaggagatong ang mga regalo kong libro. pwedeng pamaypay pero hindi pwedeng panggatong! hehe.

    ReplyDelete
  4. masaya ang magbasa ng libro. lalo na talagalogs, pero pag-inglis, minsan nakaka-nosebleeds!

    ReplyDelete
  5. mahilig din akong magbasa pero hindi pa ko umaabot sa level nina sheldon..hanggang bob ong at bo shanchez lang muna ko.. so pwede ko bang i-expect sa birthday ko may regalo akong book from you ;)

    madalang makapayat ang puyat at stress proven ko na yan hehe..

    ReplyDelete
  6. anu ba yan may typo error na naman ako.. i mean "madaling" makapayat ang puyat at stress..

    ReplyDelete
  7. ako aminado ala hilig magbasa ng books mas gusto ko manood ng movies haha

    ReplyDelete
  8. Libro din ang paboritong ipangregalo parang iba kasi and dating pag iyun ang binigay mo. Ui napansin ko 100 na ang followers mo. Congrats :P

    ReplyDelete
  9. @khantotantra haha. try it. you might like it. :)

    @pinkline hindi ako naniniwala diyan! mula elementary pa ako insomniac pero hindi naman ako pumapayat. sira na metabolism ko. hehe

    @maccallister minsan... may mga movies na mas maganda pa sa book counterpart nila :)

    @archieviner Tama! At masaya kaya pag iyon ang binigay mo. Food for the mind. :)

    ReplyDelete
  10. Sana sa birthday ko bigyan mo ko ng book, magiging maligaya ako nun, hehe..

    Nun highschool ako, more basa ako ng sidney sheldon books, ngayon wala na ko maalala ni isa, memory gap lang, haha

    ReplyDelete
  11. libro din ang madalas kung iregalo. At para sigurado akong type nila yung libro tumitingin muna ako sa FB o dati friendster account nila para malaman ko kung anong genre ang gusto nilang basahin.

    ReplyDelete
  12. Ako gustong gusto ko makatanggap ng libro pero wala nagreregalo. Iba binibigay kahit books ang suggestion ko. :(

    ReplyDelete
  13. speaking of reading, matagal tagal na din pala nung huli akong nakapagbasa ng isang libro. Harry Potter DH pa ata yun hehe :)

    ReplyDelete
  14. Mraming beses na din ako nakatanggap ng books as gifts...nakakatuwa lang akala nila mahilig ako magbasa ng book (kasi mukhang genius daw LOL) pero trip trip lang pala ako kung magbasa hehe...

    BTW, spell goodluck? D-I-E-T...

    ReplyDelete
  15. @joanne haha. alalahanin mo. naku... nakumpleto mo ba? 12 pa lang yung nababasa ko... kulang pa ako ng 6. nakakaadik naman kasi mga libro ni Sidney Sheldon :)

    @jessica Salamat. kakayanin. :)

    @romz good tip. kaso talagang karamihan sa mga kaibigan ko ang ayaw ng libro na iregalo sa kanila. hehe

    @thebookworm naku. bad sila. hindi sila makuha sa subtle hints. sabihin mo na aksi ng diretso para alam na nila next time. hehe

    @fielkun wow. never akong nakabasa ng harry potter book. Lahat ng movies napanuod ko na. weird ba?

    @jag ikaw na! mukhang genius? sige na nga... for the sake of brotherhood. pero ikaw... talagang napakasupportive mo sa pagpapapayat ko no?

    ReplyDelete
  16. Okay din si Luis Joaquin Katigbak bilang writer :)

    ReplyDelete
  17. i love reading. but i don't have the patience. if i am to read a book, it's either i have no choice since sobrang walang magawa or i find the topic really, really interesting.

    kung may magreregalo sa'ken, imbes na book, magpainom na lang siya sa birthday ko. mas ayus yon. =)

    ReplyDelete
  18. haha! ako, regaluhan mo ng libro. dadagdagan natin ang reaksyon sa listahan mo:

    waaaaw! ang galing! nahulaan mo ang gusto kong regalo! (tuwang-tuwa kasi mahilig talaga magbasa ng libro. pero higit pa dun, tuwang-tuwa kasi nakatipid na, nakauto pa! LOL)

    ReplyDelete
  19. @overthinkerpalaboy ikaw ba yun? hehe.

    @denggoy actually, iyan din ang mas prefer ng ibang barkada ko!

    @pepe haha. Hayup.

    ReplyDelete
  20. wooh! good luck sa diet! diet mode din ako, at ito na ata ang pinaka mahirap gawin haha..

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!