Aug 28, 2012

Samu't Saring Kwento 10: Ayos!

I just counted. I now have more than 100 posts since I started blogging... 102 to be exact. Looking at that number, I'm realizing things...

1)  Ang tamad ko palang mag-blog. May mga buwan na wala akong entries at yung iba, pa-utot na entries lang. Haay...

2) Ang lakas maka-emo ng mga nauna kong mga entries. Kung saka-sakaling may naligaw ditong suicidal, malamang natuluyan na yun pagkabasa ng mga posts ko.(wala naman sana)

3) Masarap magbasa ng mga nakakataba ng pusong mga comments. May mga mangilan-ngilang epal pero ayos lang din. Sa sobrang taba na ng puso ko, kasya kayo lahat, kahit mga balahura. hehe.

4) Ilang beses na pala ako nangakong magbabago na ng pananaw sa buhay at mas magiging positive. Ewan ko ba. Bakit naman kasi andaming nagkalat na kampon ng masasamang elemento? pero, pangako na talaga... mas aayusin ko na ang buhay ko. Promise! Ulit!

5) I survived! Marami na akong mga kasabayang bloggers na huminto na sa pagbablog. Nawalan ng gana? Inspirasyon? Aaminin ko, naranasan ko na rin ang mga yan pero heto't pabalik-balik ako. Parang singaw lang. hehe.

Sa iba, wala lang siguro ang numerong iyan pero para sa akin, kasabay ng paglaki ng numerong iyan ang paghubog ng pagkatao ko sa nakalipas na tatlong taon. Minsan masaya. Minsan malungkot. Minsan wala lang. Kahit ano pa man, tuloy-tuloy pa rin tayo. Sabay kayo ha? Iisa lang naman ang komunidad natin eh... komunidad ng mga pogi at maganda! Haha.

Next week, opisyal na 3rd year anniversary na ng blog ko. Ayos!
__________________

22 things to do while I'm 22 Update

number 20: Start my own business/Get a part time job

Isa sa mga hindi alam ng marami ay bukod sa pagiging estudyante ko sa umaga, isa din akong teacher sa gabi! O ha? estudyante na, teacher pa. Anong klaseng teacher? Teacher po ako ng English online. Opo. Online. Sa mga napagsasabihan ko ng raket na to, marami sa kanila ang nagsasabi na madali lang to gawin! Excuse me po!!

Madali bang ngumiti sa estudyante kahit na sa totoo ay bwisit na bwisit ka na?
Madali bang magpasensya sa mga estudyanteng mahilig magtantrums habang nagkaklase?
Madali bang pigilin ang tawag ng kalikasan habang nakikipagbolahan ka sa estudyante?
Madali bang pigilin ang mga estudyanteng kinikilig sa kanilang mga guro?

Hindi di ba? Kailangan ng matinding pasensya, pang-unawa, talino, at kakaibang charms para makatagal. Haay. Buti na lang meron ako lahat niyan. hehe. Pero lahat ng iyan kaya mong tiisin kapag nasahuran ka ng maayos at masabihan ng, "I don't want to reserve any other teacher. You're my favorite. You're the best." 

O di ba? Kumita ka na, nabola ka pa!


Hard at work.

16 comments:

  1. buti ka nga naka 100+ post na, ako wala pang 90 posts hehe.

    I can say na I survived the blogging world as well... although, matagal din akong nawala sa sirkulasyon pero muli naman akong nakaahon.

    at Advance Happy Anniversary sa iyong blog parekoy!

    (talking with braces at mejo may pagka slang)
    So you're a teacher at night huh? That's nice bro!

    hihi!

    ReplyDelete
  2. Natry ko na rin magpart-time english teacher sa koreans. Kelangan mo talaga ng matinding pasensya at sandamukal na kapogihan! haha.

    Advance anniversary din. Kudos brader! Rawr!

    ReplyDelete
  3. Mantakin mo magtatatlong taon na pala ang blog mo hehe...Blog ko? Forget it haha!Busy kasi ako sa mga bagay bagay at tama ka kulang ng inspirasyon hehe...pero base sa latest photo mo hindi lang puso mo ang tumaba eh haha pizawt parekoy hehe...

    ReplyDelete
  4. @fiel-kun haha. eh paano ba naman, parehas tayong lulubog at lilitaw sa mga blogs natin! haha.

    @gord naku. masama ang experience ko sa mga koreans. mas magalang ang mga Japanese. buti nga sandamukal talaga supply natin ng kapogihan. hehe. maraming salamat sa pagbati. :)

    ReplyDelete
  5. @jag HOOOOOOY! ganyan ba ang tamang pagbati? hindi na dapat pinapansin ang pagtaba! hehehe. halika dito at bibigyan kita ng inspirasyon... isang tadyak sa tagiliran! bwahahaha.

    ReplyDelete
  6. wow nmn sana umabot din ako sa numerong yan at hindi pa din magsasawang magblog

    ReplyDelete
  7. Haha dami kong tawa dito haha!Adik!In fairview sinisipag ka ha...keep it up!

    ReplyDelete
  8. @kulapitot keep the fire burning. aabot ka rin po.. baka higit pa :)

    @jag sinasabi ko na nga ba at hindi mo rin matitiis na hindi magblog! bwahahaha. me and my powers of persuasion. :)

    ReplyDelete
  9. hehehe, buti hindi ako napadpad noong emo-emohan ako. waokokokok.

    hopefully magpatuloy ang blog-energy! :D

    ReplyDelete
  10. wow galing magtatatlong taon ka na sa blogosphere sana makatagal din ako ng ganyan at mas tumagal pa hehe.. congrats at dumadami na ang update mo sa 22 things before 22..keep it up :)

    ReplyDelete
  11. happy anniversary ser! ang puge a! :))

    ReplyDelete
  12. Huwaw! Teacher din si sir. Cheers sa mga guro. Pinangarap ko dati yan. happy Blogsary :) Ang layo na ng narating mo sa pagboblog ah. Dati narin akong nagblog pero huminto. pero ngaun nagsisimula ulit.

    ReplyDelete
  13. Antagal na pala ng blog mo, haha, hindi pa ko nakapagbackread dito e.. next week naman 6 months na blog ko, sana tumagal din ng 3 or more years pa ng hindi ako tinatamad, haha..

    English teacher online? Mukhang haggard nga yan, haha..

    ReplyDelete
  14. @khantotantra buti na lang. hehe.

    @pinkline kaya mo yan... higit pa dapat sa tatlong taon ang abutin ng blog mo. kailangan ko na ring apurahin yung listahan ko kasi mahigit isang buwan na lang ang deadline.

    @overthinkerpalaboy haha. sige na nga... maniniwala na ako.

    @archieviner good for you. tuloy-tuloy lang parekoy. :)

    @joanne nice start. pasasaan ba't aabot ka rin ng 3 year... o higit pa. :)

    ReplyDelete
  15. advance happy 3rd year sa blog mo! tama naka survive ka, kaya keep on blogging :)


    good luck sa plans mo, sana matuloy ang business na yan! :)

    ReplyDelete
  16. @zaizai maraming salamat. sana magdilang anghel ka pareng zaizai :)

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!