Aug 30, 2012

Samu't Saring Kwento 11: Zombie

Hindi ko alam kung bakit sa sobrang tipid ko ay malaki pa rin ang nababawas sa savings ko. Simula kasi ng magpart-time job ako a year ago, hindi na ako humihingi ng pang-gastos ko. Biglang may nagtext...

"uhmm..."
"yes?"
"alam ko may utang pa ako sayo pero magbabakasakali lang ako... mapapahiram mo ba ako ulit?"

Alam na. Nawala sa isip ko. Andami palang may utang sa akin. Matapos ang mahaba-habang kalkulasyon, mahigit 12,000 pesos pala ang pera kong napautang! Oh my gulay. Bakit ba kasi malambot ang puso ko sa mga nangangailangan? Medyo matagal-tagal na rin ang iba dun ah. Grabe. Ako na ang may ginintuang puso... pwede kayang isanla

Sadly, hindi ko siya pinautang. Meron ba akong pera? Meron. Kaso, tiwala naman yata ang naubos.
__________________

Sobra akong stressed nitong mga nakaraang linggo. Stressed sa eskwela, sa trabaho, sa mga problema. Kung meron mang isang bagay na nakakapag-relax sa akin ngayon, ito ay Milk Tea. Opo. Milk Tea. Masarap. Masustansya. Mahal.


Minsan, sa sobrang tagal ng mga hinihintay ko, naka-order ako ng dalawang extra large at isang small na milk tea. Nasira ang tiyan ko kinagabihan. hehe. Eh ano? Kung yung iba nga eh dinadaan sa alak at sigarilyo ang pagrerelax, eh di hamak na mas maayos pa ang paraan ko hindi ba? Free Wifi pa. hehe. Kaya kung mapadaan kayo sa mga milk tea shops dito sa may amin, hanapin niyo lang ako at sabihan ng, "Tama na yan. Ang baboy mo na kaya!" Pasuntok muna saka kita ililibre ng milk tea. Ayos?
__________________

22 Things to do while I'm 22 Update

number 12: Stay awake for 25 hours straight

Hindi ko alam kung bakit nasama pa to sa listahan. Sa totoo lang, ang record ko talaga ng pinaka-mahabang oras na walang tulugan ay 46 hours. Kaya itong challenge na ito... chiken! Bwahahahahahahhahahaha. This is my 26th hour. Strong. Astig. Zombie. 

3 Down. 19 Left. 41 Days to finish. Good luck to me. Hayahay!

13 comments:

  1. naku nakaka adik ang milk tea, sayang nga lang at medyo pricey! baon ko na sa isang araw ang presyo ng isang baso.

    pautang naman pag wala na akong pang milk tea ha? hahaha

    congrats sa pagbuo ng awake for 25 hours challenge! :)

    ReplyDelete
  2. hey pareng zombie, pautang naman! XD

    natry ko na 26 hours na mulat, pero 46 hours?! buhay ka pa nun?

    ReplyDelete
  3. hang bait mo naman..pautang pwede? hehe.. di pa ko nakakatikim ng milktea haha..na-curious ako, matikman nga yan kaso baka ma-adik ako wag na lang kaya..

    sana matapos mo lahat yung natitirang 19 goodluck :)

    ReplyDelete
  4. @zaizai maraming salamat parekoy. gising pa rin ako hanggang ngayon. hehe

    @gord hindi. gulay na ko nun. nakatulog nga ako sa bus eh. tatlong oras daw ako naghilik sa bus. nakakahiya para dun sa kasama ko. hehe

    @pinkline try mo... baka magustuhan mo din. salamat... ita-try ko talagang tapusin. kaya lang, parang di ako aabot dun sa iba. hehe

    ReplyDelete
  5. Minumulto yata ako ng Milk Tea. Nahomesick ako bigla. Nasa mga bagay na hinahanap hanap ko yan. Re. utang. Pareho tau ng sitwasyon dami ko ring pautang. kahapon may friend akong na ngungutang. di ko rin pinautang. May utang parin yun. :)

    ReplyDelete
  6. masarap, true. mahal, mas true. x) pero nakakaadik nga talaga ang milk teaS... at epektib anti-stress. ^__^

    ReplyDelete
  7. parang gusto ko na din tuloy mag milk tea. seriously, hindi pa ako nakakatikim ng milk tea lolols :D

    ReplyDelete
  8. Napadaaan para mangutang. :P

    Salamat sa pagpasyal.

    Inuman na!

    ...ng milk tea. HAHA!

    ReplyDelete
  9. @archieviner be wiser na lang tayo sa pagpapautang.

    @happyvic agreed. milk tea. sarap.

    @fiel-kun naku... subukan mo na parekoy. masarap yan. baka maadik ka.

    @kuri haha. tara. punta ka dito. ittreat ko kayo ng milk tea. :)

    ReplyDelete
  10. Walang masama sa magpautang, but just make sure na ipinaunawa mo sa kanila na may obligation silang magbayad. It's not being madamot. They have to be responsible and at the same time, HINDI TAYO NAGTATAE O NAGSUSUKA NG PERA. Shet! Nagtatrabaho din tayo no!

    Hinay-hinay lang sa Milk Tea...

    ReplyDelete
  11. @mr.tripster tama lahat ng sinabi mo. Although, ang cool siguro kung pwede talagang tumae ng pera no? Wala na sigurong mahirap ngayon. hehe

    ReplyDelete
  12. di ako mahilig sa milk tea kasi may milk.... may lacto-something kasi me kaya sirain ang tyan ko sa ganyan. pero kung SB frap... ibang usapan, kahit masira ang tyan. lols

    ReplyDelete
  13. @khantotantra ikaw na ang may sosyal na tiyan! ikaw na!

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!