Dec 26, 2009

babala... masiyadong mahaba!

bago ang kung ano pa man, gusto kitang batiin ng maligayang pasko. sana'y nadama mo ang saya ng araw na ito at sana'y hindi mo nakalimutan kung ano ang sinisimbulo nito. ok... back to the hard part. haay... ang hirap talaga pag ang tagal mong nawala sa pagba-blog kasi di mo alam kung saan mo sisimulan ang pagku-kuwento. ang dami nang nangyari sa loob ng halos isang buwan kong pagiging ulirang estudyante at modelong mamayan ng lipunan. at dahil diyan, naisipan kong gumawa na lamang ng listahan para naman organized(sana) at wala akong makalimutang mahalagang kaganapan sa buhay ko. ok, heto na. ladies and gentlemen, mga parekoy, i-off na ang mga cell phones, patayin muna ang tv, maghanda ng merienda, at mag-cr na muna... dahil sa susunod na mga minuto ay inyo nang mababasa ang buhay at adventures ni nightcrawler sa buwan ng disyembre!

1. Acads... heto na ang malupit. sa loob ng mahigit isang buwan na pagbabalik ko sa klase ay mahigit isang buwan din akong walang tulog! haaay... maswerte na ang tatlong oras na pag-pikit na mga mata ko sa isang araw. sh*t na malagkit!(ano daw?) hehe. ang dami kasing mga propesor na galit sa mga buhay nila kaya kami ang napag-buntunan. ang dami kong sinulat na papers, ang daming long quiz sa iba't ibang subjects, may ilang mga exams na tapos na at may ilan namang exams ang salubong sa aming pagbabalik eskwela sa susunod na taon. o di ba? kung hindi ba naman torture ang tawag diyan ay ewan ko na lang. haha. nga pala, hindi ko pa alam iyong grade ko doon sa survey namin... next year ko pa malalaman. salamat ulit sa mga tumugon sa aking survey. i'm so touched(with matching tears pa yan ha.) siguro kung ire-rate ko ang performance ko sa klase sa nakalipas na isang buwan, above average siguro. uy, mataas na yun ha. di pa ako nale-late pero dalawa na ang absent ko. hehe. for those who know me well, alam kong pinapalakpakan niyo na ako dahil nagawa kong hindi ma-late sa mahigit na isang buwan ng klase. achievement yan! haha.


2. Pasiklaban... i was suppose to blog this earlier kaso ang daming kinailangang gawin eh(in short, tinamad! haha.) for those of you who are unfamiliar with pasiklaban, annual event siya sa school na ginaganap bago magbakasyon for christmas. from the name itself, nagpapasiklaban hindi lang mga estudyante kundi pati ang mga profs din. anyway, itong taon yata ang pinaka-boring na event in recent years. nothing exciting, lahat expected na kaya pagkatapos ng oblation run ay madami na rin ang umalis. my friends and i went to a restaurant where they serve the biggest chicken i have ever seen. mukha talaga siyang genetically modified. ganun kalaki. pagkatapos, tumambay na lang kami sa isang bahay at nagpa-kornihan at nagtakutan hanggang madaling araw. fyi, oblation run is the ultimate expression of freedom. and speaking of freedom... here i am at my free-est moment

(first pic) in the middle (second pic) left

3. Organization... i've been a part of this organization for the past two years at masasabi kong napaka-fulfilling ang maging parte nito. it's a regional org catering to the people of pangasinan. what we do is give service(quiz bees, out-reach programs, book drives, clean-up operations, etc...) to our kabaleyans. anyway, two weeks ago, we had a surprise election for the new set of officers. guess who won as the new president? kung kontra-bida ka, malamang na inisip mong hindi ako, pero dahil alam kong bida ka... tama ka, ako nga! and my first official project as the new president is... caroling. o di ba? siyempre may eksplenasyon yan. first, we need funds to supplement our outreach program(dec. 29) and for that one night of caroling alone, naka-kalap kami ng P8000. not bad huh? hindi lang ang outreach program namin ang magbe-benefit ng perang yun kundi pati na rin ang future projects namin. second, i needed an event to be a venue of connecting with the new and younger members of the organization. siyempre, sa dami ba naman ng bahay na kinantahan namin at pagkaing pina-lamon sa amin, nagkaroon na kami ng pagkakataon na magkakilanlan at magkaroon ng koneksyon(at kabag?) haha. needless to say, my first proposed project is a major success. next up, outreach program! ipagdasal niyo kami ha?

4. alam niyo ba na...
a) nasira nanaman ang aking phone? madami sana akong ipo-post na pics kaso nabura lahat. third time this year that it happened kaya pinag-iisipan ko nang bumili ng bagong phone. is samsung any good? sony erikson kaya?
b) anim na christmas party ang aking pinuntahan? kaya heto, bundat na bundat ang nightcrawler. i really need to go on a diet if i want my pants to fit again.
c) natutuwa talaga ako kapag nakakatanggap ako ng unexpected gifts? salamat sa mga nagbigay ng kanilang mga munting regalo. at dun sa nagbigay ng mini planner, don't worry, i'm using it now. salamat :P
d) magpo-post sana ako ng voice recording? kaso nasira nga ang phone ko kaya next time na lang. sayang... maririnig niyo na sana ako kumanta. hehe. next time na lang.
e) i cook a mean pasta alfredo? yup. it was the first food to be out-of-stock during one of the parties i went to. siyempre secret ang aking "magic" ingredient. hehe.
f) hindi talaga ako yung naka-hubad sa picture? haha. got'cha!

Dec 18, 2009

sandali na lang

i'm gonna make this real quick. sorry mga parekoy kung missing in action ako sa blogosperyo. ang dami kasing nangyayari sa school kaya halos wala akong time na gumawa ng matinong post or makipag-kwentuhan ng maayos. mahigit isang buwan na rin akong walang tulog! haayy... ginusto ko 'to, eh di panindigan! anyway... vacation starts this saturday. bear with me some more, a'ayt? talk to you soon :P

ps. para naman makabawi ako sa inyo, magpo-post ako ng pics ng pasiklaban, event yun bukas. familiar with the oblation run? abangan...

Dec 7, 2009

panalo ka


And the winner for best sagot sa tanong ni nightcrawler is... oops, teka muna... bibitinin ko muna kayo. siyempre magi-ispeech muna ako. una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang lahat ng nag-bigay ng oras para pagbigyan ang maliit na pabor ni nightcrawler. sabi ko na nga ba at hindi pahuhuli sa katalinuhan ang ating mga blogger friends jan(yihee). at sa sobrang pagka-henyo ninyo ay talagang nahirapan akong pumili ng winner para sa contest na ito. wala naman kasing maling sagot sa aking tanong, dahil ang tinatanong ko ay ang inyong opinyon. sa kadahilanang yan, binase ko ang aking pagdedesisyon(criteria ika nga) sa isang bagay lamang, iyon ay ang kaalaman ninyo sa taong iboboto ninyo. ang tema kasi ng aking research ay tungkol sa awareness ng tao sa mga issues na kailangang pagtuunan ng pansin... mga bagay na dapat ikonsidera sa pagpili ng karapat-dapat na mahalal sa darating na eleksyon.

mula sa 20 respondents, ikaw ang pinaka-tsismoso... este keen observer pala(hehe), ikaw ang panalo, johnonline!

para sa kanyang panalong sagot, i-click mo ito:
https://www.blogger.com/comment.g?blogID=8516319160825236525&postID=193627106034682332&isPopup=true

*load will be sent through your e-mail account on or before december 12. kaya siguraduhing valid ang nakalagay na e-mail address sa iyong profile, ok? or if you want it through autoload, let me know.


maging mapanuri at kritikal sa susunod na halalan. tandaan, ang hindi bumoto ay walang karapatang mag-reklamo... be an informed voter and let's make our country live up to its true potential! kayang kaya basta pinoy!

Dec 6, 2009

under the mistletoe

haaay... malapit nanaman ang Christmas. excited nanaman ang lahat.
gusto ko lang pasalamatan lahat ng taong naging bahagi ng buhay ko at walang sawang umagapay sa akin sa nakalipas na taon. sinubukan ako ng Big Boss sa taas at gusto kong isipin na pagkatapos ng lahat ng yun ay lumabas akong mas malakas, mas matalino at mas mapag-halaga sa kung ano ang meron ako ngayon. sa iyo kaibigan, salamat at di mo ako iniwan. you stood by me at my worst, and i hope you stay long enough to witness me at my best. at dahil di naman nila alam ang existence ng aking blog, ite-text ko na lang sa kanila to. hehe. at sa lahat ng parekoy na walang sawang nagbasa ng aking mga posts, may kuwenta man o wala, sa nakalipas na tatlong buwan, taos-puso akong nagpapasalamat sa'yo. sana'y higit pa tayong magkakilala. cheers to a long-lasting friendship.

at para sa mga parekoy nating nasa ibang bansa, wag niyong isiping nakalimutan ko kayo. i have the biggest respect and admiration for the brave, hard-working people like you. at dahil alam kong miss niyo na ang 'pinas, para sa inyo ito...

musikero sundays
is proud to present an all-time opm classic, featuring various artists. let us all welcome christmas spirit with sa araw ng pasko.


sa araw ng pasko

'di ba't kay ganda sa atin ng pasko
Naiiba ang pagdiriwang dito
Pasko sa ati'y hahanap-hanapin mo
Walang katulad dito ang pasko

Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Sa ibang bansa'y 'di mo makikita
Ang ngiti sa labi ng bawat isa
Alam naming hindi n'yo nais malayo
Paskong pinoy pa rin sa ating puso

Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Dito'y mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo...

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Dec 2, 2009

sagutin mo na ako please?

*Update: deadline of entries will be until tomorrow, december 7, 5 pm. winner/s will be announced at around 9 pm the same day. maraming salamat sa lahat ng respondents...

mga parekoy... hihingi ako ng tulong sa inyo. maliit na pabor lang naman galing sa nightcrawler. kailangan ko kasi para sa project ko, at para mas masaya, gagawin na rin natinpa-contest. i need atleast 10 respondents para sa project ko, 5 male and 5 female respondents. ang tanong...

sino sa mga presidential candidates ang iboboto mo sa darating na halalan?(2010)

a. gilbert teodoro
b. noynoy aquino
c. joseph estrada
d. eddie villanueva
e. bayani fernando
f. manny villar
g. francis escudero
f. other(state name)

at bakit siya ang iboboto mo? kahit maikli lang ang sagot basta may sense... o siya, kahit wala nang sense basta sagutin mo na, ok?

at para mas ganahan kang bumoto, may premyo ang may pinaka-magandang sagot. ang mapipiling sagot ay paparangalan ng P100 load at mafe-feature sa susunod kong post. o ayan ha, wala ka nang dahilan para di sumagot sa survey ko. sikat ka na, may load ka pa. hehe. winner/s will be announced on december 7. salamat mga parekoy... aantayin ko ang inyong mga scholarly insights. naks naman. ayos!
_________________________

nga pala, maraming salamat din pala kay pareng scofield jr. para sa napaka-gandang award na ibinahagi niya sa dakilang nightcrawler. the badge is proudly displayed right there :P


"when you wake up in the morning and all you could think of is write, then you are writer! don't let others make you think otherwise." - whoopi goldberg

Nov 28, 2009

random acts of rudeness



i don't know why but for the past week, i've been surrounded with different kinds of rudeness. the more i try to avoid them, the more that they find their way to annoy me even more. in fact, another one occurs as i write this... damn the inconsiderate. shame on the thick-faced. let's not tolerate these random acts of rudeness!

we have the most inconsiderate neighbors, hands down. 2 weeks ago, i couldn't sleep because of all the noise, of all the singing! everytime they would stay up all night with that f*ckin'(excuse the term) videoke, so would we. no, not sing videoke, but stay up later than usual. no matter how much we try, we just couldn't tune-out the noise. now, here they are again, singing their lungs out like they are performing in araneta. i mean i just got home from a week of stress, hoping to get some rest, but rest is impossible to do when neighbors are loud and drunk. is it too hard for them to ask the neighbors if it would be ok for them to do that? ofcourse i would have said no but still, it would be nice to be asked. i asked my mom if we should report them, she said no for the sake of "pakikisama." i tell her, aren't we suppose to expect the same from them?

i have the most opinionated housemate. i know, there's nothing wrong in speaking one's mind but what if one's mind has a mouth dirtier than a mountain of garbage? i mean he only sees the bad in people. he keeps saying how ugly one's friend is or how bad one's writing is, and etc. i have never met someone speak so ill of others, and sometimes it gets to you even if you're not the one involved. one time i heard him say, while watching a movie, "ang pangit naman ng hitsura niyan!" one of our housemates gave the best response, "eh kamukha mo lang yan eh!" haha. he was speechless.

______________________________

on a totally different note, definitely not an act of rudeness.. rather, an act of friendship. thank you roanne for the lovely badge. it is proudly displayed right there :P



and thanks to pareng drake for his appreciation for the night crawler on his last post. kahit na madami kaming umangal sa ranking. hehe. oo na, hindi na in order yun. peace :P

Nov 20, 2009

school, love, and unfortunate event called haircut

good evening Philippines and hello to the rest of the world. kumusta naman ang inyong linggo? o, huwag madamot at i-share niyo naman ang mga kaganapan sa inyong makulay na buhay, para fair di ba? hehe. na-miss ko kayo mga parekoy. at dahil marunong akong tumupad sa usapan, heto na ang kuwento ng inyong lingkod na nightcrawler sa nakalipas na linggo.

nightcrawler goes back to school...
ilang araw ko din kayong tiniis para naman mapag-handaan ko ng maigi ang aking pagbabalik-eskwela. so far, so good. hindi pa ako nale-late(major achievement ito kaya shush...), maaga akong naka-kuha ng readings, at highest ako sa first quiz ko for this sem. not bad huh? palakpakan naman diyan. tenk yu, tenk yu! at kabaligtaran ng una kong inakala, things actually went smoothly for me. nagawan ko ng paraan ang pagiging insomniac ko(alas dos na ang pinaka-late na natulog ako this week.. o ha?), nagawan ko ng paraan ang pagiging tamad ko(may himala) at nagawan ko ng paraang ayusin ang buhok ko(more on this later). kung meron mang isang bagay na nahirapang gawin, yun ay ang hindi pag-silip sa mundo ng blogosperyo. believe me, it took a lot of will-power para lang iwasang basahin ang mga blogs niyo kasi alam kong pag nasimulan ko na... aabutin ako ng siyam-siyam. hehe. at dahil uliran na ulit akong estudyante... magbabasa ako ulit pagkatapos kong isulat itong entry ko. ay bukas na pala... magbabasa muna ako ng mga paborito kong blogs. bukas na lang ako magaaral, pramis!

nightcrawler gets mushy...
nagkaroon na ba kayo ng experience na isang tingin mo palang eh alam mo nang siya na ang gusto mo? na hindi ka mahihiyang ipag-mayabang siya sa iba? na kaya mong protektahan, ni ga-bigas na alikabok eh ayaw mong padapuan? na ni tumingin sa iba'y hindi mo na magawa dahil pakiramdam mo'y nagtataksil ka? ang sarap ng feeling di ba? it was love at first sight for me... when i first saw her, i just knew i had to have her... to spend my special days with... and the not so special ones. kahit mas mahal siya ng doble kaysa mga dati ko... i don't mind. she's here to stay. friends... here she is :P



ang ganda niya no? saka na yung totoong lovelife... makakapag-hintay yan. hehe.

nightcrawler gets a haircut...
siyempre pag bagong-buhay, dapat bago din ang gupit. since my long vacation(5 months), di ako nagpa-putol ng buhok kaya mahaba-haba rin.. sabi ng marami ay hindi raw bagay sa akin ang mahabang buhok, and i agree. mukha daw akong taong grasa. haha. ibinagay ko lang naman ang buhok ko sa aking state of mind and since lumiwanag na ulit ang buhay ko... i just had to have my hair cut. laking pagsisisi ko lang dahil sa mga kaibigan kong mahilig mang-trip nagpagupit. hay. ginawa ba naman akong loughing stock ng araw na yun. kaya pala ang mga ugok ay panay ang ngisi, akala ko naman dahil maganda ang gupit, yun pala ay dahil pigil ang pagtawa. siyempre, di ko naman matitiis na magpakita ng matagal sa tao na ang buhok eh parang imbes na shampo ang pinang-hugas eh clorox pala. hehe. dahil jan, pumunta ako kay manong barbero at voila! new look :P



tenk u kay manong gupit for a job well done. para kang magician!
at since ilang araw din akong deprived sa mga blogs ninyo... mag-iikot muna ako ha? ready... GO!

Nov 17, 2009

little time for quickie

another quick post from the nightcrawler.
naka-singit lang ng oras mula sa aking busy schedule para naman kamustahin kayo mga parekoy. the nightcrawler is no longer bored... rather, tired! haha. balik eskwela ang inyong lingkod kaya wala pa ako sa tamang ulirat para maka-pagpost ng matinong entry. bibigyan ko muna kayo ng preview ng susunod kong "nobela."

1. night crawler goes back to school!
2. night crawler is in-love!(pinag-iisipan ko pa kung magpo-post ako ng pic. hehe)
3. night crawler gets a haircut! (oh man! definitely no pics for this.)

see you on friday mga parekoy... miss ko na magbasa ng mga blogs niyo.

Nov 13, 2009

blOOdy finger


magiging busy na ulit ang dakilang night crawler. noon excited ako pero habang palapit na ang araw na iyon ay unti-unti akong kinakabahan. kinakabahan dahil ilang buwan din akong namahinga... paano kung di na sanay ang katawan ko sa mabigat na ekspektasyon ng unibersidad? paano kung di ko pa pala kayang harapin ang iniwan kong nakaraan? haay... tama nga siguro ang sabi nila... "what we fear most is fear itself." i guess the right thing to do is to not care at all. 'cause if i don't give a f*ck about it, why should they, right? kung si katrina halili nga, naka-hanap pa ng lakas-ng-loob para humarap sa kamera matapos ang scandal niya, ako pa kaya?(wag muna mag-isip ng berde. wala akong sex scandal... wala pa. hehe.)

___________________________________

ilang beses niyo na sigurong narinig ang linyang "dugo't pawis ang nilabas ko makuha lang iyan." ako, talagang literal na dugo't pawis ang nilabas ko nitong enrolment. unang lumabas sa akin ay ang dugo. habang ako'y nasa canteen, akalain mo ba namang nasagi pa ng kamay ko ang salamin ng lamesa. ayun, parang gripo ng dugo ang daliri ko. sabi nga nung nurse sa clinic, konting laki pa ng sugat ko, tatahiin na. haay... salamat sa Diyos at di na umabot dun. at dahil masipag(?) ang dakilang nightcrawler... itinuloy pa rin ang enrolment kahit sugatan. hay. siguro ay isang baldeng pawis ang nawala sa akin dahil sa pagpapahirap ng mga propesor! aren't teachers suppose to help their students succeed? bakit parang mas masaya silang nahihirapan kami? haayyy. lalo na iyong isang propesor ko. akalain mo ba namang muntik na akong di maka-enrol dahil ayaw niyang pirmahan ang tp form ko at iyong subject lang niya ang kailangan ko para kumpleto na ang units ko!?! buti na lang at nakahanap ako ng iba at dahil mabait akong nilalang.. di ako bitter kay ma'am. oo nga pala ma'am... palagi kayong magdala ng payong baka kasi ulanin kayo ng ihi ng aso. saka, parati kayong magdala ng first-aid kit kasi baka madapa kayo sa hallway. at wag kayong kakain ng pagkaing di niyo alam kung sino ang nagpadala, baka magka-diarrhea kayo. buti na lang di ako bitter at pina-alalahanan ko kayo.

__________________________________

cool fact about friday the 13th : there's actually less violence, lower crime rates and fewer accidents during this day. why? 'cause people are more careful during friday the 13th because of all the myths surrounding it. makes you want to wish for more friday the 13th huh?

Nov 8, 2009

taksil, BOW!

tanong lang...
bakit pag ang lalake ang nangaliwa, ok lang na ipahiya siya ng mahal niya at ang tawag dun ay justice?
pero pag ang lalake naman ang ginoyo at subukang gumanti, ang tawag dun ay inconsiderate at ungentlemanly?
talk about double standard right? am i right guys or are you wrong? haha

*you ever wonder why so many couples break up? maybe because sorry is the hardest thing to say and the word that everyone dreads to hear...
or maybe because when you really are sorry, the right words to say are,"i won't do it again." and if you love the person enough... you'll believe it.

musikero sundays
is proud to present another pinoy talent, a big hit waiting to happen. i'm sure he wants our applause for this: give it up for gabe bondoc.


Take a Bow(response) Lyrics

Don’t want a round of applause
Don’t want that standing ovation
I look so dumb right now
Standing outside your house
I’m trying to apologize
I’m sorry I made u cry please won't you come out
I say that I’m sorry you say not
Babe cause you think I’m only sorry I got caught

But I put on quite a show
Thought I had you going
Now you're trying to go
The curtain can’t be closing
This is not a show
Not at all I’m not playing
Can’t be over now
Don’t wanna take my bow
All my clothes on this lawn
And you turned the sprinklers on
Girl I love you you’re the one I mess 'em up all at once
Please don’t throw me out
I say that I’m sorry you say not
Babe cause you think I’m only sorry I got caught
But I put on quite a show
Thought I had you going
Now is time to go
Curtains finally closing
This is not a show
Babe I’m not playing
This cant be over now
Don’t wanna take my bow
Was there a reward for just telling the truth
Babe wont you believe that a man like me could be faithful to you
Lets keep this speech out
How bout a round of applause
Don’t want that round of applause
And I put on quite a show
I though that I had you going
Now your trying to go
But the curtain cant be closing
This is not a show
Babe I’m not playing
It can’t be over now
Don’t wanna take my bow

Nov 5, 2009

mahabang kwento


as promised, heto na ang aking mahabang kwento(nobela daw ayon sa isang mokong jan. haha)

chapter 1 : Undas 2009
heto nanaman. i am not really fond of this day cause for some odd reason, i always end up being sick after visiting our deceased love ones. and this year is no different, i am still sick as i write this. haay. but you know what really pisses me off? it's the fact that people seem to have forgotten what this day is suppose to mean and who it is for. mabibilang mo na lang sa kamay mo kung ilan na lang ang nagdadasal para sa mga namayapa na. ganun pa man, there are still a lot to be admired sa ating mga kabayan at isa na jan ang pagiging maka-pamilya natin. who else could turn a supposedly gloomy afternoon into a family reunion? i swear, kahit saan ako tumingin nun, mapagkakamalang picnic ang meron! haha. anyway, napag-usapan na rin lang ang picnic sa undas, i just made my very first contribution. gumawa ako ng pinaka-masarap na deremen(kung alam mo kung ano ito, malamang sa isang probinsya tayo. hehe)

chapter 2 : Panaginip
Matapos ang undas, inimbita ako ng mga pinsan ko to spend the night over sa bahay nila. we rented movies, we stayed up all night playing computer games, and the next day we went to the beach to have some fun. bago kami matulog ng gabing yun, we were talking about our cousin who passed away last year. we were really tight, practically brothers. at ng gabi ding yun, dinalaw niya ako sa panaginip. sa pelikula, kapag dinadalaw ang isang tao sa panaginip, nagbibigay ito ng magandang mensahe o kaya'y naghahabilin ng mga bagay-bagay. hanep din ang pinsan kong to. dumalaw na nga sa panaginip ko, inututan pa ako. iba kasi ang bonding naming magpipinsan. kung ang iba ay naglalaro ng taguan, kami naman ay naglalaro ng ututan at parati kong partner ang pinsan kong yun. paggising ko, i realized maybe he was giving me a message na bisitahin ko ang puntod niya. di kasi ako nakasama nung bumisita ang iba kung pinsan sa kaniya... that day, after our stroll to the beach, we went to see him and i prayed for him. i told him that i never forgot him at ipag-reserba niya ako ng pwesto sa langit(mahirap na, hehe) i miss you brother... there is not a day na hindi ko hiniling sa Diyos na sana ay kasama ka pa rin namin dito...

chapter 3 : the Beach
isa sa mga weird na bagay sa akin ay ang hindi ko pagka-gusto sa beach o swimming pool. parati ko kasing naiisip ang nangyari sa akin nung bata ako. ilang beses na akong muntik malunod at nasaksihan ko rin ang karumal-dumal na pag-ihi ng isang matandang lalaki sa swimming pool(binbangunot pa rin ako minsan) kaya hindi ko nakahiligan ang paglangoy. sa kabila nito, hindi ko pa rin mapa-hindian ang mga nagiimbita sa akin sa beach. bakit? kahit kasi hindi ko gustong magswimming, when you love the people you're with... makakalimutan mo na ang mga bagay na di mo gusto. kaya nung araw na yun, hindi ang maduming tubig ang naalala ko kundi ang pabilisan namin sa paglangoy, hindi ang mainit na buhangin kundi ang mga bakas na aming iniwan, at hindi ang init ng araw kundi ang warmth na bigay ng mga tao sa paligid mo.

meron pa sana akong ikukwento kaso alam kong di kayo masipag mag-basa ng mahabang kwento kaya next time na lang yun, a'ayt? enjoy the rest of your vacation mga parekoy and i can't wait to be busy again(can't believe i just said that! haha)

Nov 4, 2009

quick post

kumusta ang undas mga parekoy? marami akong ikukwento sa inyo pero di muna ngayon ha? may pupuntahan pa kasi ako ngayon at gagawin ko pa iyong paper kong ilang linggo nang late. haha. patikim lang ng mga ikukwento ko sa inyo:

1. siyempre ang Undas 2009
2. ang dumalaw sa panaginip ko
3. ang pagpunta ko sa beach
4. at iyong lakad na rin namin mamaya.

o ha? ang lakas niyo talaga sa akin. nagparamdam lang sa inyo mga parekoy. talk to you soon , ' )

Oct 31, 2009

the hunger artist connection


alam niyo ba ang kwento ng hunger artist? kung hindi pa, makinig ka. at kung alamo mo naman... kunwari na lang hindi mo pa alam... pramis! mas magaling ako magkwento. hehe.

may isang artist ang naging pamoso dahil sa kakaibang atake nito sa larangan ng sining. isa siya sa pinaka-sikat na alagad ng arts at bawat obra niya ay talagang ikinaka-mangha ng bawat mapa-titig dito. minsan, naisip niya ang isang bagay na hindi lamang ikinamangha ng tao kundi talaga namang pinag-usapan ng buong madla. ng dahil sa kaartehan ng artist, sinabi nitong hindi siya kakain hanggang hindi ihain sa kanya ang pinaka masarap na pagkain sa mundo. at dahil nga siya ay isang artist, pinaki-usapan niya ang isang namamahala sa isang circus upang ilagay siya sa isang kulungan upang mapanuod ng mga tao ang kanyang art(ito marahil ang tinatawag nilang performance art.. although performance is a bit of a stretch kasi wala naman siyang ibang ginawa sa kulungan kundi ang maghintay.) siyempre, na-curius ang mga tao at pinilahan ang nasabing art. bawat araw ay naghain ang mga tao ng iba't-ibang putahe ngunit ni tikim ay hindi ginawa ng artist... lumipas ang mga araw at unti-unting napagod ang mga tao at tuluyan ng nakalimutan ang artist. matapos ang isang buwan... habang pinapasok ang isang bagong hayop sa kulungan upang maging bagong kagigiliwan ng mga tao, natagpuan ang artist... patay sa gutom at limot ng madla.

bakit nga ba ako nag-aksaya ng oras para-ibahagi sa iyo ang kuwentong ito? siguro dahil sa tingin ko ay katulad ako ng hunger artist. masiyadong bilib sa sarili, na pwedeng paghintayin ang mundo basta't sabihin ko lang. sa mga naka-lipas na panahon, naghintay lang ako para sa pinaka-masarap na putahe ngunit ako'y nabigo. then i realized what i was doing wrong... i never took a bite. bakit ba hindi nahanap ng artist ang pinaka-masarap na putahe sa mundo? dahil hindi niya tinikman ang mga nakahaing putahe. how will someone know the taste of the most delicious food when he have not tasted the worst? well, since then, i have had my fair share of disgustingly unedible foods and yesterday... i just had my bite of the best.

moral of the story... don't be afraid to bite. ikaw? kailan ka huling tumikim?(lahat ng berde ang isip ngumiti! hahaha)


Oct 27, 2009

tulang kay pait


kumusta mga parekoy? inyo sanang pagpasensyahan ang ilang araw kong pagkawala sa mundo ng pagbablog. naging busy kasi ang inyong lingkod sa mga sumusunod na mga bagay:
1. pagsasa-ayos ng mga bagay sa bahay(epekto ni pepeng)
2. paggawa ng assignment(late rin lang naman ang bagsak. haay)
3. pagbabasa na mga libro: for one more day ni mitch albom. ang paboritong libro ni hudas at alamat ng gubat ni bob ong. maynila sa kuko ng liwanag(not suitable for kids po ito mga ineng) ni lualhati bautista
4. pagrereflek sa gusto kong mangyari sa aking buhay(ka-dramahan ko lang po ito sa buhay)

at dahil mejo natuhan na ako sa aking pagmumuni-muni at dilat nanaman ang mga matang dapat ay pikit na, gusto kong bumawi sa inyo. meron akong gustong ibahagi sa inyong isang tula na aking isinulat ilang taon na ang nakakaraan. kung hindi ako nagkakamali, sa isang klase ko ito sinulat habang naglelektyur ang propesor namin noon. ugali ko na kasi noon pa man na isulat ang aking mga saluobin upang pagtawanan pagkalipas na panahon. ngunit iba ito. simula ng muli ko itong masilayan noong isang linggo, muling nagbalik ang isang bangungot na ayoko na ulit mangyari sa akin... natuto na ako. ayoko na. ito po ang aking tulang pinamagatang...

"In and Out"

gustuhin ko man ay hindi ko magawa
hanggang saan ba ako tatakbo?
hanggang kailan magtitiis?
upang sa isipa'y tuluyang maalis

ayaw ko na, pagod na ako
sawa na ako sa iyong bangungot
kailan ba matatapos ang pagpapahirap mo?
hindi mo ba ramdam ang aking takot?

malapit na, hindi ko na kaya
panalo ka na, heto na ako
dahan-dahang kakatok, isa, dalawa, tatlo
ngunit sa aking pag-pasok, ika'y biglang naglaho

hindi kita maintindihan!
iniwan ko ang lahat para sa'yo
sa susunod, hindi na ako palilinlang sa'yo!
ang hirap kaya maghanap ng banyo!

*kaya ngayon... di ako umaalis ng bahay na hindi nakikipag-meeting kay doro. mahirap na ang magka-ruon ng emergency call. nyahaha.

Oct 18, 2009

laughter and music

tawa tayo. isa pa... sige pa... last na... o, tama na! OA na eh.
hindi ba masayang tumawa? samahan mo pa ng musika, kumpleto rekado na.
kaya para sa linggong ito, bibigyan ko kayo ng masarap na putahe.
sana'y mabusog ko kayo sa tawa at sa musika.

musikero sundays is proud to present the music of MAYONNAISE(pa'no nangyari yon?)
*paalala, mas nakakatawa ito pag alam niyo ang mga music videos na ini-ispoof nila kaya wag na violent reaction, ok? tawa na lang ulit! mwahaha.



ps. the kitchie nadal spoof in the end is priceless :P

Oct 14, 2009

pepeng experience

there will always be that one occurrence that will forever change one's perspective in life. i should know... i just had mine last week. the pepeng experience(i would have called it by another name so you would have to blame it on PAG-ASA)

i have always hated typhoons. i hate it when it rains so hard that it makes me remember my tears will never fill a river. i hate it when the wind gets extra strong that it makes me forget that we live in a home with concrete walls. i hate it when it gets so chilly that it reminds me of the fact that the right side of my bed is vacant. and i hate it most especially when the electricity suddenly goes out when all i want to do is blog, catch my favorite show on tv, and make some hot choco(fine, this i can do even without electricity). yup... i am a city boy and i can be that shallow.

friday. strong winds and heavy rains have finally taken its toll. for the first time in our more than fourteen years of residence in our subdivision, flood reached our home.we were quick to move as we have heard of frightening stories about flood rising in a blink of an eye(i could be exaggerating. but still, at a fast rate). by noon, first floor was flooded, electricity was gone and we were stuck upstairs with minimum food and the rest of our drinking water. it was horrible. i was restless. there was nothing to do. i started reading but then night came so that was a bust. it's official, pepeng s*cks!

saturday. it was more frustrating for me that day 'cause it was my birthday. yup, you guessed it. no fancy dinner, no expensive gifts, no big time blowout. instead, we shared noodles and packed some clothes to give to those who have suffered much more than we have. we are doing something noble and yet all i can think of was how unfair it is for me to see my family getting all busy to prepare for other people when they don't even have a second to give me a quick peck on the cheek and... hey, don't give me that look. i'm all up for charity but it's my birthday. i'm allowed to be a little unreasonable right?

sunday. i've reached my tipping point. all clothes were packed, all books have been read, all food have been eaten, i can't go out and my phone's out of order. i'm miserable. and i smell... not the kind of smell that we call "man stink" that we use to disgust our sisters with, but the kind that would send off even the smelliest dog. i was going nuts so i decided i to stay in bed... trying to avoid doing nasty things(*wink*) and i tried to sleep off all of my frustrations. then i woke up. surprise, surprise!

monday. i woke up with a smile on my face. i can't believe that the sight of light from that energy-saving lightbulb could give me so much joy. i got up and did the first thing i thought of, i took a dump. a big massive dump. finally, i got my life back. all is fair again. i switched the tv on, only to be surprised with how "fair" lost its meaning.

fair would have been people having enough food to eat while waiting to be rescued. fair would have been having enough boats to save more people and reduce casualties. fair would have been having more people concerned for the victims than their political gains. fair would have been... then i realized, that's just it. it's always "would have been," it was never "is." i feel like fair never even existed and i have never felt so useless and dumb.

i thought of my pepeng experience and i realized i was looking at it the wrong way. i frowned at the fact that my phone was dead when i should be thankful of the personal talks i had with my family. i was sad that i wasn't able to watch my shows when i should be happy that i finally finished reading my books. i was ungreatful of those noodles for my birthday when i should be glad i had something to eat with my family. i was pissed with my temporarily disturbed life when i should celebrate the fact that i am alive. now i've realized, positive things are seen by people who seek to see the good even in the bad.

i don't want to expound on my new found out-look in life because i don't want to be one of those people who i used to hate. i don't want to turn into one of those know-it-all authors who writes self-help books. i'm not oprah! got to stop this now before i turn into dr. phil. thank God electricity's back!

Oct 4, 2009

hindi na ako virgin

that's right! you heard me. di na ako virgin!
i just had my very first... DOWNLOAD!(green kasi ng utak eh) haha
ngayon lang ako natutong mag-download ng video, pathetic huh?
anyway, for my debut download, here's one of my favorite songs
covered by a youtube sensation.

ladies and gentlemen, musikero sundays proudly presents:
The man who can't be moved by airto


Sep 30, 2009

give me sunshine

I’m back. Mahigit isang linggo din ako nanahimik at namahinga sa mundo ng pagba-blog. Ang gulo kasi ng isip ko. Minsan nga nagdududa pa ako kung may makikita pa bang utak sa pagitan ng aking mga tenga. Sa mga oras na ganito ko inaalala ang isang sikat na linya sa pelikula, “it’s like the wind. I can’t see it, but I can feel it.” O diba? Ayos!


Bago ako magkuwento ng mga bagay-bagay, meron lamang akong gustong linawin. Hindi ako emo, hindi patapon ang buhay ko(atleast not totally) at wala akong suicidal tendencies. Nagkataon lang na nang magsimula akong mag-blog ay tapat naman sa bahagi ng buhay ko na pinaka-masalimuot(di ako emo, pramis!). at dahil jan, scrap ko muna ang usual na “I hate the world” posts. Instead, this entry would focus more on the brighter side of things. The positive in the negative.


Negative:

Nasanay kami ng ate ko na steady lang sa bahay. We got too comfortable na di namin napansin na nagmumukha na palang palengke ang bahay. Sa lahat pa naman ng ayaw ni mama ay iyong maruming bahay kaya ayun, napagalitan(understatement) kami. Para kaming mga batang paslit na nahuling nangungupit.

Positive:

Spotless na po ang bahay namin, lalo na ang kusina na pinagmulan ng outburst ni mama. Kahit si mickeymouse ay mahihiyang tumambay dun eh. Wag ka lang titingin sa kuwarto ko, ibang usapan na yun.


Negative:

Last week, nag-away kami ni kuya. It was a pretty stupid fight from two emotionally wrecked people. Stressed si kuya sa board exams at ako naman, emotionally disturbed. Eh itong si kuya ay makulit at gustong mag-usisa at ako naman ay ayaw magsabi ng details kasi ako yung klase ng tao na hindi magsasalita kung talagang ayaw. Ayun, minura ako. I felt it was uncalled for kaya uminit din ulo ko.

Positive:

Naintindihan ni kuya na hindi lahat ng bagay ay naayon sakanya. Importanteng malaman ng isang tao kung kelan dapat at hindi dapat maki-alam sa buhay ng isang tao. Expectator lang ang papel natin sa circus na buhay ng bawat isa at hindi tayo ang magdedesisyon kung kailan nila gustong tumawid sa alambre at baka ma-kain pa sila ng leon.


Negative:

I was devastated nang malaman ko ang mga epekto ng bagyo sa iba’t ibang parte ng bansa. Marami ang namatay at maraming nasirang mga kabahayan at kabuhayan. Ang iba pa nga ay hindi pa nahahanap. My sympathy, prayers and condolences goes to the victims of this tragic incident.

Positive:

Kung meron man magandang naidulot ang sakunang ito, iyon ay ang pagkakaisa ng bawat Pilipino sa panahong ito. Ramdam natin ang suporta ng gobiyerno, kilalang personalidad, at kahit ang mga simpleng mamayan. Kahit nga ang mga pa-cute na mga presidentiables ay umeepal na. well, wala naman tayo sa posisyon para tumanggi sa tulong kaya salamat na rin.


Negative:

Heto na ang pinaka-asar sa lahat. Sa bawat makakakita sa akin ngayon, halos isa lang ang sinasabi nila, “papayat ka na, tumataba ka na eh, pero guwapo pa rin.” Ano yun, paconsuelo? Hay, sino ba kasi ang nagpa-uso ng mga skinny jeans na yan at mga hapit na t-shirts? At sino rin ba ang nagsabi na pag-payat ka eh mas maayos kang tignan? Hindi lahat ng payat ay masaya at hindi lahat ng “healthy” ay nagaambisyong pumayat! Basta ang importante, gusto mo ang sarili mo. Be comfortable in your own skin. Pero dahil masikip na mga pantalon ko, babawas na ako ng timbang. Babay muna sa jollibee!

Positive:

Atleast, kahit nilalait na mataba, pogi pa rin! Wahaha. Masaklap naman kung mataba ka na nga, pangit ka pa. haha. Biro lang. meron pa namang inner beauty, don’t worry.


O hayan ah. Siguro naman bawi na ako sa mahigit isang linggo kong pagiging missing in action. Salamat sa muling pakikinig sa akin mga parekoy. Isang linggo na lang, di na ako bata. Haha.

Sep 21, 2009

observe and report

masiyado akong nawili sa pagbabasa ng ibang blogs kaya di ko napansin na isang linggo na palang walang bago sa blog ko. nakakalibang naman kasi. iba't-iba ang style ng mga bloggero para ma-hook ang mga mambabasa nila. merong maangas na style, merong nakakatawa, meron din naman gumamit ng mga stick pigures at sangkatutak na litrato. dahil jan, napag-isipan kong gumawa ng listahan ng mga cute, fresh, or bulok na mga istyle sa mundo ng blogosphere. walang mapipikon ah. just remember, "bato-bato sa langit, ang tamaan, sorry!" haha

1. kapag may bagong post ang isang bloggero, asahan mo na maglilibot na yan sa sandamakmak na blogs para mag-promote. magko-komento sa entries at magsusulat sa chatbox ng "i smiled at you, please smile back" (uuuy, nakarelate:P). daig pa si john lloyd sa pagpromote ng pelikula. at dahil may bago akong entry, abangan niyo na ako sa mga blogs niyo. for details and schedule, log on to www.borednightcrawler.blogspot.com or see posters and print ads for details.


2. wala na talagang libre ngayon, kahit dito sa mundo ng blog. kahit nga ang pagpapa-link ngayon ay exchange deal ang kalakaran. "i'll link u if u link me!" o ha! wais!

3. kapag walang pumapansin sayo, mang-away ka ng sikat na blogger. wag mong tigilan hanggang mabanas at mag-post siya sa sarili niyang blog ng pagka-irita sayo. instant exposure yan. humanda ka nga lang sa hate mails na darating sayo. good publicity or bad publicity is still publicity, ika nga sa showbiz.

4. sex sells. mag-post ka ng kahit ano basta may picture ng babaeng naka two-piece at nakataas ang kili-kili, tiyak na patok yan. am i right or are u wrong?

5. sa bandang huli, kahit anong pakulo o pa-cute na style ang gamitin mo, it all boils down to content. nakapag-pangiti ka ba ng sumilip sa blog mo? nakapag-palaganap ka ba ng kamulatan sa mga taong naguguluhan? nakapagpa-libog(excuse the term) ka ba sa mga tagong manyak? o nakapag-bahagi ka ba ng sarili mo sa iyong publiko? i guess what i'm trying to say is serve your purpose. kung entertainment blog ka, be updated sa bagong music, movie, at chismis. kung inspirational blog ang meron ka, preach what you practice. kung maka-mundong blog ang trip mo, keep it dirty man! at kung personal na blog ang sa'yo, eh di ibuyanyang mo na lahat! wahaha. at dahil personal na blog ang akin, i'll give you something personal... lapit na bday ko :P