bago ang kung ano pa man, gusto kitang batiin ng maligayang pasko. sana'y nadama mo ang saya ng araw na ito at sana'y hindi mo nakalimutan kung ano ang sinisimbulo nito. ok... back to the hard part. haay... ang hirap talaga pag ang tagal mong nawala sa pagba-blog kasi di mo alam kung saan mo sisimulan ang pagku-kuwento. ang dami nang nangyari sa loob ng halos isang buwan kong pagiging ulirang estudyante at modelong mamayan ng lipunan. at dahil diyan, naisipan kong gumawa na lamang ng listahan para naman organized(sana) at wala akong makalimutang mahalagang kaganapan sa buhay ko. ok, heto na. ladies and gentlemen, mga parekoy, i-off na ang mga cell phones, patayin muna ang tv, maghanda ng merienda, at mag-cr na muna... dahil sa susunod na mga minuto ay inyo nang mababasa ang buhay at adventures ni nightcrawler sa buwan ng disyembre!
1. Acads... heto na ang malupit. sa loob ng mahigit isang buwan na pagbabalik ko sa klase ay mahigit isang buwan din akong walang tulog! haaay... maswerte na ang tatlong oras na pag-pikit na mga mata ko sa isang araw. sh*t na malagkit!(ano daw?) hehe. ang dami kasing mga propesor na galit sa mga buhay nila kaya kami ang napag-buntunan. ang dami kong sinulat na papers, ang daming long quiz sa iba't ibang subjects, may ilang mga exams na tapos na at may ilan namang exams ang salubong sa aming pagbabalik eskwela sa susunod na taon. o di ba? kung hindi ba naman torture ang tawag diyan ay ewan ko na lang. haha. nga pala, hindi ko pa alam iyong grade ko doon sa survey namin... next year ko pa malalaman. salamat ulit sa mga tumugon sa aking survey. i'm so touched(with matching tears pa yan ha.) siguro kung ire-rate ko ang performance ko sa klase sa nakalipas na isang buwan, above average siguro. uy, mataas na yun ha. di pa ako nale-late pero dalawa na ang absent ko. hehe. for those who know me well, alam kong pinapalakpakan niyo na ako dahil nagawa kong hindi ma-late sa mahigit na isang buwan ng klase. achievement yan! haha.
2. Pasiklaban... i was suppose to blog this earlier kaso ang daming kinailangang gawin eh(in short, tinamad! haha.) for those of you who are unfamiliar with pasiklaban, annual event siya sa school na ginaganap bago magbakasyon for christmas. from the name itself, nagpapasiklaban hindi lang mga estudyante kundi pati ang mga profs din. anyway, itong taon yata ang pinaka-boring na event in recent years. nothing exciting, lahat expected na kaya pagkatapos ng oblation run ay madami na rin ang umalis. my friends and i went to a restaurant where they serve the biggest chicken i have ever seen. mukha talaga siyang genetically modified. ganun kalaki. pagkatapos, tumambay na lang kami sa isang bahay at nagpa-kornihan at nagtakutan hanggang madaling araw. fyi, oblation run is the ultimate expression of freedom. and speaking of freedom... here i am at my free-est moment
(first pic) in the middle (second pic) left
3. Organization... i've been a part of this organization for the past two years at masasabi kong napaka-fulfilling ang maging parte nito. it's a regional org catering to the people of pangasinan. what we do is give service(quiz bees, out-reach programs, book drives, clean-up operations, etc...) to our kabaleyans. anyway, two weeks ago, we had a surprise election for the new set of officers. guess who won as the new president? kung kontra-bida ka, malamang na inisip mong hindi ako, pero dahil alam kong bida ka... tama ka, ako nga! and my first official project as the new president is... caroling. o di ba? siyempre may eksplenasyon yan. first, we need funds to supplement our outreach program(dec. 29) and for that one night of caroling alone, naka-kalap kami ng P8000. not bad huh? hindi lang ang outreach program namin ang magbe-benefit ng perang yun kundi pati na rin ang future projects namin. second, i needed an event to be a venue of connecting with the new and younger members of the organization. siyempre, sa dami ba naman ng bahay na kinantahan namin at pagkaing pina-lamon sa amin, nagkaroon na kami ng pagkakataon na magkakilanlan at magkaroon ng koneksyon(at kabag?) haha. needless to say, my first proposed project is a major success. next up, outreach program! ipagdasal niyo kami ha?
4. alam niyo ba na...
a) nasira nanaman ang aking phone? madami sana akong ipo-post na pics kaso nabura lahat. third time this year that it happened kaya pinag-iisipan ko nang bumili ng bagong phone. is samsung any good? sony erikson kaya?
b) anim na christmas party ang aking pinuntahan? kaya heto, bundat na bundat ang nightcrawler. i really need to go on a diet if i want my pants to fit again.
c) natutuwa talaga ako kapag nakakatanggap ako ng unexpected gifts? salamat sa mga nagbigay ng kanilang mga munting regalo. at dun sa nagbigay ng mini planner, don't worry, i'm using it now. salamat :P
d) magpo-post sana ako ng voice recording? kaso nasira nga ang phone ko kaya next time na lang. sayang... maririnig niyo na sana ako kumanta. hehe. next time na lang.
e) i cook a mean pasta alfredo? yup. it was the first food to be out-of-stock during one of the parties i went to. siyempre secret ang aking "magic" ingredient. hehe.
f) hindi talaga ako yung naka-hubad sa picture? haha. got'cha!
3.5 try
2 days ago
Base muna! jijijijiji
ReplyDeleteNaks! ulirang estudyante! jejejejejeje... Naku miss ko na ang pasiklaban sa UP... jejejejeje... muntik na akong maniwala na nagoblation ka... jejejejeje... so member ka ng APO?! jijijijiji...
ReplyDelete@xprosaic haha. baka patayin ako ng nanay ko! no,no,no! hehe. nakakamiss mag-blog at mag-basa ng blog. at dahil jan... magbabasa na ulit ako ng mga paborito kong blogs. antayin mo ako sa blog mo parekoy...
ReplyDeletemusta? ngayon lang ulit ako nakadalaw dito...namiss ko ang pagbasa ng post mop...Happy new year tol...
ReplyDeleteWow parekoy..ang dami ng achievement mo..sana mahawa ako sayo at magiging ulirang estudyante din..este employee pala..Keep up the best in you bro..Life is so short..Merry Christmas to you and to your family..
ReplyDeleteang galeng galeng naman!!! mabuhay ang mga ISKO!!!!
ReplyDelete@mokong hay naku. dalasan mo kasi ang pagdalaw para di mo ma-miss ang pagbasa ng mga posts ko. happy new year din sayo. ingat sa paputok ah.
ReplyDelete@ruph grabe... it really is nice to hear from you again. mejo matagal ka ding nawala ha. buti naman at di mo talaga kami matiis. hehe. salamat parekoy at alam ko rin na isa kang ulirang employee, at dahil jan, let's party! pagbalik mo na lang pala ng 'pinas, wala ako pamasahe papunta jan eh. teka, sa'n ng apala yan? sa mars? haha. merry christmas and happy new year to you :P
@chingoy Amen. hehe. apir tayo jan!
Dahil jan, karapat-dapat kang makatanggap ng isang natatanging "Ulirang Student Award" ^_^
ReplyDeleteNauna yung Oblation run diba then ilang days after yung Lantern Parade naman ayt?
Hope you had a grand Christmas celebration :)
1.) Naks! Magaling na eschudent pala itong si parekoy! Keep it up!Amfrawd!
ReplyDelete2.)Hindi kaya turkey yung inorder nyo kaya malaki? hehehe...kunwari ka pa ikaw ung nagtatatakbo doon o? hehehe..
3.)Is your Org called Rotaract? Under siya ng Rotary Club. Same objective- community service. Dati akong aktibong opisyal eh jijiji...Nice fund-raising!
4.) Itapon mo n yang cp mo papunta dito hehehe palitan u ng bagong samsung jijiji...we want to hear your good singing voice kaya magdownload ka ng AUDACITY program. Pwede ka magrecord doon. Pwede kitang turuang gamitin un if ur interested hehehehe...so APO member k nga? di nga?
Napahaba ako sa pagcomment ah jijiji...xa dito na lang! Salamat sa pagdalaw. Dalaw ka n lng ulet jijiji...
Kurisumasu Omedetto Gozaimashita!
@fiel-kun iba atang campus yang sinasabi mo. hehe. pero salamat sayo parekoy :P
ReplyDelete@jag muntik mo nang ginawang nobela ah. hehe. at dahil jan.. sasagutin din kita ng punto-por-punto
1)tenk you po 'tay. hehe
2)chiken talaga yun. grabe. ang laki talaga. promise. kasing laki ng batang turkey. i swear. hehe
3)hindi eh. secret muna para may suspense. haha
4)hay naku. bigyan mo ako ng pambili! sige, ma-download nga yan. madali lang ba gamitin? turuan mo ako ah. kaso di ko kaya magwhistle ala mariah tulad mo. hehe. joke nga lang, hindi ako tumakbo ng hubo. ako kumuha ng pics.
o ayan ha, parang nobela na rin! hehehe.
Magdownload k n ng audacity pra marinig n namin ang iyong nkakapanindig balahibong boses sa next entry mo jijiji...madali lng nmn xang gamitin...
ReplyDeleteHappy New Year to you and to your family.
ReplyDeleteMay 2010 bring you more blessings and happiness!
@jag hoy... wag naman masiyado ang expectations parekoy... nakaka-pressure ka! hahaha.
ReplyDelete@aileeverzosa salamat. i'm hoping the same for you and your family :P
Hahaha pressured k b? hahaha...
ReplyDeleteHappy New Year Parekoy!