Dec 2, 2009

sagutin mo na ako please?

*Update: deadline of entries will be until tomorrow, december 7, 5 pm. winner/s will be announced at around 9 pm the same day. maraming salamat sa lahat ng respondents...

mga parekoy... hihingi ako ng tulong sa inyo. maliit na pabor lang naman galing sa nightcrawler. kailangan ko kasi para sa project ko, at para mas masaya, gagawin na rin natinpa-contest. i need atleast 10 respondents para sa project ko, 5 male and 5 female respondents. ang tanong...

sino sa mga presidential candidates ang iboboto mo sa darating na halalan?(2010)

a. gilbert teodoro
b. noynoy aquino
c. joseph estrada
d. eddie villanueva
e. bayani fernando
f. manny villar
g. francis escudero
f. other(state name)

at bakit siya ang iboboto mo? kahit maikli lang ang sagot basta may sense... o siya, kahit wala nang sense basta sagutin mo na, ok?

at para mas ganahan kang bumoto, may premyo ang may pinaka-magandang sagot. ang mapipiling sagot ay paparangalan ng P100 load at mafe-feature sa susunod kong post. o ayan ha, wala ka nang dahilan para di sumagot sa survey ko. sikat ka na, may load ka pa. hehe. winner/s will be announced on december 7. salamat mga parekoy... aantayin ko ang inyong mga scholarly insights. naks naman. ayos!
_________________________

nga pala, maraming salamat din pala kay pareng scofield jr. para sa napaka-gandang award na ibinahagi niya sa dakilang nightcrawler. the badge is proudly displayed right there :P


"when you wake up in the morning and all you could think of is write, then you are writer! don't let others make you think otherwise." - whoopi goldberg

32 comments:

  1. Base ako.

    Siyempre "NoyNoy Aquino".

    For me, he is the most qualified among the aspiring candidates, no need to mentioned for his qualifications but i think Filipino knows already. one thing for sure for Noynoy, he is not corrupt.

    Other candidates?.. there are only 2 things why they are aiming the highest political position. "Money and Power".

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Okay matino dapat ako dito (Drake...transform)

    Ako si Bayani Fernando

    Naniniwala ako na ang bansang disiplinado ay ang bansang maunlad. Matatalino at magagaling tayong mga Pilipino kaya nga namamayagpag tayo sa ibang bansa iyon nga lang kulang tayo sa disiplina. At kailangan natin ng taong didisplina sa atin at magpapatupad ng istriktong batas. At sa lahat, si Bayani Fernando ang nakikita kong may ganyang katangian. Kung paano nyang napaunlad at napaganda ang Marikina (mula sa ubod na panget na kalalagayan nito noon) alam kong magagawa nya yun sa bansa natin. Kung papaanong nag-improve ang MMDA naniniwala ako na maiimprove din nya ang sitwasyon ng bansa.

    Yun lang ang sa akin. Ayoko ko na sa mga pulitikong puro salita kulang sa gawa.

    Ingat

    ReplyDelete
  4. @ Drake, naku drake, pupulutin lang siya sa kangkungan.. he he he

    joke lang parekoy.

    Parang ayaw ko kasi ke Bayani.. dahil madalas akong biktima ng pangongotong ng mga MMDA sa lansangan, kahit walang violation.. and since si bayani ang chairman parang nasasalamin sa kanya ang asal ng kanyang mga tauhan.

    papaano naman niya maayos ang bansa kung mismong mga tauhan niya ay hindi niya maayos?..

    peace tayo pareng drake, ang sa akin lang naman eh opinion at kuro-kuro.

    ReplyDelete
  5. Speaking of salamin ng pagkatao, alam natin ang kabayanihan na ginawa ng mga yumaong mga magulang si senador Noynoy aquino.

    Isang kadakilaan at kabayanihan ang ginawa ng dating Sen. Benigno Aquino na nag buwis ng buhay upang mapalaya tayo sa 20 taon na rehimeng marcos,sa tanikala ng pagsikil sa kalayaan ng buong mamayang pilipino. sa pamamagitan ng kanyang pagiging matatag at tapang upang labanan ang diktadoryang marcos naibalik sa atin ang demokrasya.. at iyon ay ipagpatuloy naman ng yumaong Tita Cory.

    Kung kaya nasasalamin din kay Noynoy ang katiwasayan na iyon dahil naniniwala ako na kung anong puno ay siya rin ang magiging bunga.

    Ang binhi na may tamang pag-aalaga at pag aaruga hanggang ito'y maitanim, tiyak na uusbong at lalago at magbubunga ng siksik at liglig. mabubusog ang sinumang nagtanim.

    kaya, tayo ng itanim ang binhing iyon sa katauhan ni NOYNOY sa bakuran ng malakanyang, upang pagsapit ng takdang araw ang buong sambayanan ay aani ng malagong bunga ng kaunlaran at kasaganaan.

    ReplyDelete
  6. Para sakin si Noynoy Aquino ang karapat-dapat na maging susunod na pangulo ng Pilipinas. Galing siya sa prominenteng pamilya ng mga pulitiko. Ang kanyang mga magulang ang lumaban sa diktadurya upang makamtan natin ang tinatamasa nating demokrasya sa ngayon. Si Noynoy ay hindi corrupt at hindi sabik sa kapangyarihan at higit sa lahat galing sa pamilyang may takot at pagmamahal sa Diyos. Hindi siya gagawa ng ikasisira ng pangalan ng kanyang mga magulang na sina Ninoy at Cory.

    Noynoy for President!

    ReplyDelete
  7. Dati kay Escudero ako pero ngaun kay Noynoy na. After watching him sa isang forum, nakita ko ang pagiging humble at sensible man niya. Sabi nila, wala siyang alam at walang leadership skills, pero ngaun iba na. He can now able to enunciates his own ideas, replies to questions in control, confident at straight to the point.

    One thing more, sya lang ung presidential aspirant na hindi atat maupo sa malacanang!

    ReplyDelete
  8. eddie villanueva..

    oo,gulat kayo siguro dahil siya binoto ko. hindi dahil karelgion ko siya kaya ko siya ibinoto. pero sa mga paanhon ngayon kailangan ng bansa natin ang lider na takot sa diyos. di naman makakaila sa ating laaht ang kaliwat kanan na korapsyon at ibat iba pang mga talamak na gawain sa bansa. A prayer can a lot miracles. Hindi ko sinasabi na ang gagawin ni villanueva ay magprayer rally nalang to the highest level pero ang punto ko eh how can a country become righteous kung hindi righteous ang lider nito..

    halos lhat puro sariling intensyon lang ang hangad.mga ganid! talipandas(huminahon ka rico hehehe)kaya sa laaht kahit isa siya sa mga dehado sakanya ang boto ko.

    ps. makikita mo rin sa bible ang nangyari sa mga kahariang mahina ang spirituality ng isang lider and it still happens until now.

    ReplyDelete
  9. aun lang pasensya na maraming typo mabilisan kasi pagttpye ko...ehhehe

    ReplyDelete
  10. hmmm.. at talagang may discussions pa ha? so far so good. i've been getting a lot of insights from my dear blogger friends. ayos yan. keep those thinking caps on...

    ReplyDelete
  11. dati kay escudero ako..kaso nagdecline siya to run for presidency so gang ngayon eh wala pa rin akong napipisil para iboto..hehe im choosing between villar and teodoro..o baka wala akong iboto sa kanila..^__^ ayoko naman kasing maglagay lang ng pangalan para lang may maiboto..sayang ang puntos kapag anun ang ginawa ko..

    ReplyDelete
  12. I'd go for Noy. His accomplishments is evident enough to continue the legacy of the Aquino's.Maalala nyo yung ZTE scam? Isa siya sa mga active na nag-participate during the hearing to increase the transparency and the accountability in the disbursal of the taxpayer's money. In relation to that may house bill kasi siyang ipinasa para maiwasan ang misuse ng kaban ng bayan ng mga executive officials na yan. I Forgot the bill no. Aside from that marami pa xang naipasang bills sa senado. But anyways, isang proof na yan na hindi nga siya corrupt na leader kasi transparent xa. And that kind of leader is what we need now lalo pa't naghihikahos na ang ating bansa. He is a true representative of the people who dedicate his life in public service. FILIPINOS deserve him. GO NOYNOY!

    ReplyDelete
  13. Di na sasakit ulo ko sa kakaisip kasi di ako boboto! yehey! jijijijiji

    ReplyDelete
  14. Hindi ko iboboto
    sina,
    Escudero-magaling lang sa salita. kulang sa gawa.

    Teodoro-hindi ko sya ganun kakilala.

    Villanueva-hindi kase dapat pagsamahin ang politika at relihyon. kumbaga, north and south. Magkaibang dereksyon.

    I will go for noynoy.
    siguro naman, its about time para madugtungan ang pamamahala ni Cory nuon. naniniwala kase ako na kaya naghihirap ang bansa dahil may hindi pa nangyayaring pagpapatawad mula sa dalawang magkatunggaling Pamilya ng mga makasaysayang Lider ng ating Bansa. ang Aquino at Marcos.
    tingin ko, makakaahon lang ang Pinas kapag nagkaroon na ng katahimikan ang mga multo ng nakaraan.

    Pwede ko ring iboto si Villar. Nakakaengganyo kase ang kanyang mala-fairytale na kwento. Mula sa hirap papunta sa yaman!!!! astig di ba?

    depende. basta kung sino ang masmalakas ang hatak sa akin sa araw ng botohan eh syang iboboto ko.


    *************

    amin na Load ko...lols
    Kahit hindi mo na ko i-feature sa blog mo ayus lang...hehe

    jokeness

    ReplyDelete
  15. hmm.. so far so good. teka, napansin ko lang... puro mga parekoy ang sumasagot ah. nasaan na ang mga mare natin jan? come on ladies... let me hear your thoughts. ayos :P

    ReplyDelete
  16. ako ke noynoy... kasi......




    takot ako ke kris, baka umiyak (nye!)

    seriously, noy and mar OR bayani.
    dati ping ako, i want Pinoys to be intimidated, sa tingin ko, para magtanda at umunlad.

    ReplyDelete
  17. Saying that you dont know someone means you are not an informed voter. Besides being a popularity contest (in its strictest sense), presidency is a responsibility that needs something more than popularity.

    That being said, Gibo Teodoro is a runaway winner. I'm still not sure if I will vote for him but chances are 50% (25% is reserved for his cousin and Villar). His credentials are comparable to those of Marcos and Ramos (just research on it, ok?). He has a clean track record (same as Cory) and has executive capabilities being a presidnt of a corporation before. he's been a congressman in tarlac too for 3 terms (9yrs) the same as noy.i think i've said enough. isnt that reasons enough to vote for him?

    Gibo said he will play the ground clean and fair...that being said I will do the mudthrowing for him.. :-)

    Let's talk about what people above has said about Noy. Corruption. Has there been any issue link to Gibo yet or any of his relatives? None. How about Hacienda Luisita? Gibo's mom is a Cojuangco but his family has no share whatsoever in that property. Noy on the other hand represent 4% something. CARP was a law signed by his mother pero hindi ito nag-take effect sa mga lupain nila sa Tarlac. Gibo? wala. Kino-connect lang ng tao si Gibo kay Gloria. As if naman magkamag-anak sila.

    Someone says about Continuing Cory's legacy... of what? Okay, thanks for the Democracy Tita Cory but after that brownouts, coup deta'ts followed. economy was worst than marcos'. so i think continuing that "legacy" is not good at all. remember, Tita Cory was not alone during the overturn of the Marcos admin. Ramos, Enrile and the Filipino people were to do it.

    Hindi atat umupo sa posisyon? How come he accepted the bid to run knowing he's not that qualified yet? Wala pa nga siyang napapatunayan eh. Mar is way better- economic and executive wise. Pero dahil sikat si Tita Cory at si Kris, people went to him to run as president. Kawawang Mar, nilaglag ng Liberal para i-advance ang interest nila thru Noynoy.

    People think. Wag magpadala sa bugso ng damdamin. Ramdam ko na hindi natutuwa si Tita Cory dahil nagagamit ang kanyang kamatayan para sa kasikatan ng kanyang anak. Pati si Erap, ginamit na rin ang pagsorry ni Tita Cory para maki-agaw sa boto ni Noynoy.

    I have a lot of things to say pa sana kaso I have a work to do pa. But beofre i end this I want all of you (and your friends, family and others) to know this:

    GIBO is not GLORIA. The same as NOYNOY is not CORY, much more he's not even close to being a NINOY despite being his son.

    also

    Being in the same party/group does not mean you share the same values with all of your partymate. Think: a lot of LAKAS members (Gibo) transfered to LIBERAL party (Noy). If you will consider LAKAS as the evil doer, then LIBERAL has just turned into another evil party as they accomodate ex-LAKAS members.

    Beat that!

    P.S.
    P100 load ko, wag mo kalimutan. hehe

    ReplyDelete
  18. hay, kapagod... anyway, baka hindi na lang din ako bumoto sa election. ang hirap eh.

    ReplyDelete
  19. guys, panoorin sa youtube ang ISANG TANONG at ANC Forums para magkaliwanagan.

    Be an informed voter. Responsibility natin yan.

    ReplyDelete
  20. I go for Noynoy... hindi naman natin kailangan ng taong sobrang talino o yung taong may kredibilidad na manuno..ang kailangan natin yung pagbabago..isang pinunong kayang gawin at maiayos ang Pilipinas.

    ReplyDelete
  21. interesting insights guys... so far quota na ako sa project ko, although kulang pa ako ng babaeng respondents(ang gulo ko.)hehe. mahihirapan atang mag-decide ang nightcrawler ah.

    ReplyDelete
  22. awww

    gusto ko sumali, kaya lang nasa australia ako :P

    paano yung load>??? dollars ba :D

    ReplyDelete
  23. Parang la nmn ako mapili sa mga candidate ngayon eh. Nag-iisip pa ako. Sayang pa nmn at may load. Di ako makasagot ngayun wuaaaaaaaa...


    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    ReplyDelete
  24. Wow! Contest, load at special feature sa blog moh! Lolz ;D Anywayz, cguro di nmn lingid sa ating lahat na halos mga tumatakbong presidente sa susunod na taon eh pawang mga may dumi ng nakatatak, maging ang dugo ni noynoy ay meron nring dungis. Pero para sa akin eh di ako tumitingin sa mga duming natatak o naukit na sa kanilang mga imahe. Tumitingin ako sa mgaa bagay na nagawa na nila sa ating bayan at sa ating mga mamamayan. Para sa akin, sa akin lang nmn. Mas iboboto ko si Villar para sa presidente, oo nga't halos ng mga lupa nya ay may mga eskandalong nakakabit. At halos napakaraming inaakusa sa kanya. Ngunit para sa akin, kahit na may ibinubulsa sya sa mga pera ng bayan ay nagsisikap naman itong ibalik sa mga mamamayang pilipino sa pamamagitan ng pamimigay ng mga bahay at lupa. At yun ang aking nagustuhan, alam kong halos nmn lahat ng nasa pusisyon ngayon sa gobyerno ay mga kawatan at nakikinabang sa di pinagpapaguran. So anong pipiliin ko ang nagbubulsa na di marunong magbalik? O ang taong nagbubulsa pero may planong binabalik sa bayan ang lahat na nakukuha. Onw opinion lang nmn. Naku ang haba ng post ko haha. ;D

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Chronicles of a Hermit
    Mom on the Run

    ReplyDelete
  25. Wow! Contest, load at special feature sa blog moh! Lolz ;D Anywayz, cguro di nmn lingid sa ating lahat na halos mga tumatakbong presidente sa susunod na taon eh pawang mga may dumi ng nakatatak, maging ang dugo ni noynoy ay meron nring dungis. Pero para sa akin eh di ako tumitingin sa mga duming natatak o naukit na sa kanilang mga imahe. Tumitingin ako sa mgaa bagay na nagawa na nila sa ating bayan at sa ating mga mamamayan. Para sa akin, sa akin lang nmn. Mas iboboto ko si Villar para sa presidente, oo nga't halos ng mga lupa nya ay may mga eskandalong nakakabit. At halos napakaraming inaakusa sa kanya. Ngunit para sa akin, kahit na may ibinubulsa sya sa mga pera ng bayan ay nagsisikap naman itong ibalik sa mga mamamayang pilipino sa pamamagitan ng pamimigay ng mga bahay at lupa. At yun ang aking nagustuhan, alam kong halos nmn lahat ng nasa pusisyon ngayon sa gobyerno ay mga kawatan at nakikinabang sa di pinagpapaguran. So anong pipiliin ko ang nagbubulsa na di marunong magbalik? O ang taong nagbubulsa pero may planong binabalik sa bayan ang lahat na nakukuha. Onw opinion lang nmn. Naku ang haba ng post ko haha. ;D

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Chronicles of a Hermit
    Mom on the Run

    ReplyDelete
  26. Regarding this, the same way I trust my guts when it comes to someone I barely knew, I would go for Gibo.

    When news announced that Gibo was running, my initial statement was, "who is Gibo" after several research on his achievements and his records, It seemed that what he carry is a future hope(well atleast I have a positive disposition on him)

    Nonetheless, Other candidates are so traditional in a way that they always promise to change what we used to have but even if I tried so hard to make myself believe that planet earth turns slowly, ay kanta na pala un, basta its so hard for me to believe on what they say.

    ReplyDelete
  27. hmmm... dun sa nagtatanong kung pwede sumali mga nasa ibang bansa, oo naman. kaso peso lang hindi dollars. nyahaha. lapit na deadline mga parekoy... send in your thoughts :P

    ReplyDelete
  28. ako ay si Joseph Estrada pa rin kasi mabuti naman siya..ang nagpasama lang sa kanya ay ang kanyang mga naging alipores..ang mga nakapaligid sa kanya..na ngayon ang mga tao na nagpabagsak sa kanya at kumampi kay GMA ay nagsisisi na..kasi ang sinuportahan nilang si GMA ay hindi pala mabuti..ng maluklok siya ang daming iskandalo na nangyari na involve ang pamilya niya..ang mga nagreretire na mga heneral ay binibigyan agad ng puwang sa kanyang cabinete..ang iba masaya na nagkaroon ng edsa dos..eh ngayon ano ang napala nila..nagdusa ang bayan mula ng matanggal si Erap..ang mga bilihin ay nagmahal..noong presidente pa si Erap ang gasolina ay hindi yata umaabot ng 20 pesos pero ngayon ay magkano na..kasi ang pangulo natin ngayon parang naiimpluwensiyahan ng mga malalaking negosyante..parang wala siyang nagagawa para maging mura uli ang mga bilihin..ngayon ay tatakbo siya bilang kongresista para makaiwas sa puwedeng ikaso sa kanya pagkatapos ng kanyang termino..lahat na nagpabagsak kay Erap noon ngayon ay nagsisisi na..tingnan mo na lang ang lotto..ngayon ang draw sa martes at huwebes ay dalawa na..sa martes ay may 6/42 at 6/49..ganun din sa huwebes may 6/42 at 6/49..bakit pa ginawa iyon..para sa akin ginawa iyon na dalawang draw para madaming malikom na pera ang gobyerno..bakit di na lang gawing legal ang jueting..eh sa lotto ay parang sugal na rin iyon..kasi game of chance..magulo na ang bansang pilipinas..kaya dapat ibalik si Erap dahil di na iyon uulit sa dati niyang nagawa kasi magtatanda na..

    ReplyDelete
  29. halos lahat na nagpumilit noon na si Erap ay ma impeach ngayon ay nagsisisi na kung bakit sinuportahan nila si GMA..ang dami talagang balimbing sa mga politiko..si Erap ay nadala na sa nangyari sa kanya kaya hindi na iyon gagawa ng alam niyang ikasisira niya..mula ng maupos si GMA ang daming rally ang nangyayari sa mga kalsada diyan sa manila..ng maging presidente siya ay lalong lumubo ang utang ng ating bansa..

    ang mabuting pangulo ay isang mabuting halimbawa..sinusunod siya hindi dahil sa kanyang popularidad kundi dahil may kakayahan siya at galing para magpatakbo bilang isang lider..

    ReplyDelete
  30. naku puede pa bang humabol ??..di nako nagkumento noon sigurado naman akong di mananalo :) . pero ayos tong blog survey mo ah...o sige na nga dahil natutuwa ako sayo, eto naman ang "patas" kong sagot.

    madali naman akong kausap eh, kaya lahat gusko sanang iboto..

    1.GT: veri dignified..intimidating ang profile! ..shows competence and know how.

    2.noynoy: kahit nagbubutas ng bangko sa senado sure namang di bubutasan ang kaban ng bayan.

    3.si erap: para ipakulong nya rin si gma at first gentleman and their corruption-buddies.

    4.eddie villanueva: so he could prove that god is not being abused and misused. at mabaptized ang mga TRAPOs.

    5.bayani:para mas dumami ang public urinals sa pinas..at di na makikitang nageempty ng bladder sa pader ang mga lasenggo..

    6.manny villar: para malipat sa mga subdivision nya ang mga squatters at di napopolute ang pasig river.

    7.francis: para mapatunayan nya iyong mga gusto nyang patunayan.

    others: kay mirriam parin talaga ako eh.
    (Sensya na parekoy eto ang kinalabasan...).. (kain tayo):D

    ReplyDelete
  31. tick tock tick tock! nine o'clock na...

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!