Nov 13, 2009

blOOdy finger


magiging busy na ulit ang dakilang night crawler. noon excited ako pero habang palapit na ang araw na iyon ay unti-unti akong kinakabahan. kinakabahan dahil ilang buwan din akong namahinga... paano kung di na sanay ang katawan ko sa mabigat na ekspektasyon ng unibersidad? paano kung di ko pa pala kayang harapin ang iniwan kong nakaraan? haay... tama nga siguro ang sabi nila... "what we fear most is fear itself." i guess the right thing to do is to not care at all. 'cause if i don't give a f*ck about it, why should they, right? kung si katrina halili nga, naka-hanap pa ng lakas-ng-loob para humarap sa kamera matapos ang scandal niya, ako pa kaya?(wag muna mag-isip ng berde. wala akong sex scandal... wala pa. hehe.)

___________________________________

ilang beses niyo na sigurong narinig ang linyang "dugo't pawis ang nilabas ko makuha lang iyan." ako, talagang literal na dugo't pawis ang nilabas ko nitong enrolment. unang lumabas sa akin ay ang dugo. habang ako'y nasa canteen, akalain mo ba namang nasagi pa ng kamay ko ang salamin ng lamesa. ayun, parang gripo ng dugo ang daliri ko. sabi nga nung nurse sa clinic, konting laki pa ng sugat ko, tatahiin na. haay... salamat sa Diyos at di na umabot dun. at dahil masipag(?) ang dakilang nightcrawler... itinuloy pa rin ang enrolment kahit sugatan. hay. siguro ay isang baldeng pawis ang nawala sa akin dahil sa pagpapahirap ng mga propesor! aren't teachers suppose to help their students succeed? bakit parang mas masaya silang nahihirapan kami? haayyy. lalo na iyong isang propesor ko. akalain mo ba namang muntik na akong di maka-enrol dahil ayaw niyang pirmahan ang tp form ko at iyong subject lang niya ang kailangan ko para kumpleto na ang units ko!?! buti na lang at nakahanap ako ng iba at dahil mabait akong nilalang.. di ako bitter kay ma'am. oo nga pala ma'am... palagi kayong magdala ng payong baka kasi ulanin kayo ng ihi ng aso. saka, parati kayong magdala ng first-aid kit kasi baka madapa kayo sa hallway. at wag kayong kakain ng pagkaing di niyo alam kung sino ang nagpadala, baka magka-diarrhea kayo. buti na lang di ako bitter at pina-alalahanan ko kayo.

__________________________________

cool fact about friday the 13th : there's actually less violence, lower crime rates and fewer accidents during this day. why? 'cause people are more careful during friday the 13th because of all the myths surrounding it. makes you want to wish for more friday the 13th huh?

21 comments:

  1. mamaya ako mag basa at comment.. base muna..he he he

    ReplyDelete
  2. @alkapon at kailangan talagang bumase? ha? haha. ok payn. magbasa ka na!

    ReplyDelete
  3. uy balik iskul ka na pala then gud for u! Iba kaya ang buhay estudyante no?..Ako nga e kung pwede ko lang isingit mag-aaral ulit ako lalo pa nga't I have the means na! (I have the means daw o! hehee!)

    Eniwey, gud luck sa pag-aaral.Wag lang kalimutan rumunda-ronda sa gabi para mas madami pa maipost! :D

    ReplyDelete
  4. @vonfire salamat parekoy. naks naman, congrats. feeling ko mayaman ka na. haha. pwede pa naman eh, enrol ka para masaya. and don't worry... magpopost pa rin ako dito... at makikinig pa rin ako sa mga musika mo.

    ps... di kita kinukompetensya ah. minsan lang ako magpost ng music kaya pagbigyan mo na parekoy! hehehe

    ReplyDelete
  5. Dapat lang na ipuhunan mo ang iyong dugo't pawis sa iyong pag aaral para balang araw eh magkakaroon ka ng silbi sa lipunan, hindi yung pakalat-kalat ka na lang sa kanto na wala namang pakinabang. at higit sa lahat para matuwa naman ang iyong magulang sa Dugo't pawis din na pagpapalaki sayu, mula sinapupunan hanggang paglaki mo,at hanggang natuto ka ng mag jakol.

    hindi ako galit, ganyan lang talaga ako mag bigay ng advise sa mga kaibigan..buset.

    he he he he

    ReplyDelete
  6. aw mukang apekTODO ka ng friday the thirteen ah.. nako.

    buti na lang hindi tatahiinm buti na lang.
    naalaa ko tuloy yung bata sa KNOWING ung napudpod daliri tapos dumudugo.

    ReplyDelete
  7. nakow.ingatingat kasi sa paggamit ng pinger..nakakakuwan yan..

    yoko maging friday the 13th palagi.. (di kasi aabot sa bertdey ko eh, malas naman ako. hekhek)

    ReplyDelete
  8. ganyan talaga tol ang buhay para mabuhay...full of stress...
    sabi nga nila noong unang panahon panahon ng mga katutubo.. hindi uso ang stress... ang stress lang nila noon ay sa twing lalabas sila ng kweba para manghuli ng hayop na kanilang kakainin.

    ReplyDelete
  9. estudyante ka pa pala, akala ko nagtatrabaho ka na!

    Dapat sinipsip mo na lang yung daliri mo para tumigil ang dugo, sige ka may lalabas na kabayong potro dyan!whahaha

    ingat

    ReplyDelete
  10. @alkapon at talagang di ka pa galit sa lagay na yan ah? hay naku. at dahil friends na tayo... bwiset ka rin! hahaha. salamat sa payo, 'tay.

    @jasonhamster kadiri naman yung eksenang yun parekoy. mas maganda naman tignan daliri ko dun. hehe

    @manikreigun palibhasa ekspert ka sa kaka-finger... ng nose. hehe. uy, lapit na ba bday mo parekoy?

    ReplyDelete
  11. @mokong ang buhay ko ay punong-puno ng stress! haha. grabe... buti at mejo guminhawa ng konti. kaya smile tayong lahat :P

    @drake excuse me. estudyante pa po ako. hehe. kaya nga wala akong pampunta ng japan di katulad ni pareng jag. hehe. i hate you. tinakot mo pa ako. wala na, magaling na sugat ko.

    ReplyDelete
  12. I think I made a mistake, commenting here...
    waah, paki delete po nung isang comment ko... di ko alam baket sa inyo napunta yun... sorry sorry...

    ----
    ----
    ok back to topic
    > anung year ka na po ba sa college? may propesor talaga na mahilig magpahirap ng mga estudyante... naranasan ko din yan... naranasan kong maghabol at galugarin ang buong university para lang makita ang isang pa espesyal na prof. lols.

    buti at ok na yung sugat mo hehe. sa susunod ingat!

    about friday the 13th, di ako naniniwala na malas ang araw na ito. wala namang malas na araw at numero.

    ReplyDelete
  13. Oo nga naman.. kung mas nag-iingat ang mga tao pag Friday the 13th, less nga ang accidents and lower ang crime rates. Makes sense.^^

    Good luck sa pag-aaral, sa pagbabalik.

    ReplyDelete
  14. Ahahahah special mention mo pa ako ha.Pero ang pagpunta ko dito sa Japan ay libre hehehehe...Nag-aaral din ako dito jijijiji... Naks! Balik aral na siya uli jijijiji...Hindi halatang bitter ka sa prof. mo wahahahahaha...ang tanga ng salamin, di niya nakita ang kamay mo ahahahahaha...

    ReplyDelete
  15. @fiel-kun basta malapit na ako matapos parekoy! haha. salamat, magaling na ang sugat ko parekoy :P

    @sashindoubutsu ang hirap naman banggitin ang pangalan mo. hehe. welcome sa blog ko.

    @jag nakaka-inggit ka naman. gusto ko rin mag-aral sa ibang bansa kaso gusto ko sa canada. di talaga ako bitter sa prof kong yun. hehe. nga pala... songer ka pala eh. manang-mana ka sa akin. hehe

    ReplyDelete
  16. Naku darating din ang time mo, after mong magtapos jan mag-apply ka ng scholarship abroad...sa ngayon tapusin mo muna pag-aaral mo... Naks! Biglang nagpayo hahahahah...

    Nabitin ka ba sa whistle? jijijiji...next time pag ginanahan uling kumanta ahahahaha itodo ko na hahahaha...sana kumanta ka din dito sa blog mo dba nga mana ako sau ahahahaha...

    Teecee!

    ReplyDelete
  17. mabuti ka pa @ may pahabol pang "holloween" post..natutuwa ako at masipag kang magsulat..i misd my old self.

    txs sa "not to b-published" email ad. :)

    ReplyDelete
  18. @jag naks naman ang payo... parang tatay lang ah. opo tay... magaaral po akong mabuti para makapunta din ako jan! haha. backup-an mo ako ako ah. hehe. pag tinopak ako... ipaparinig ko sa inyo ang aking malamig na boses. naks naman! hahaha

    @aj hay naku.. porke't may dugo, halloween post na? haha. ok payn. oo nga, magsulat ka nga ng mas madalas para madami naman akong mabasa. at tama ka, iilan lang ang binibigyan ko ng emailadd ko kaya dapat secret lang yun. hehe. para sa mga parekoy lang yun. pasalubong ah.

    ReplyDelete
  19. Basta ako maswerte ako sa 13... ewan pero sa tuwing natatapat ako o may # 13 swerte ako lagi... jejejejejejeje... nakakamiss na ulit ang enrollment kaso saka na ulit ako kukuha ng batong iuumpog sa ulo ko... jijijijiji... next time ulit! jejejejejeje

    ReplyDelete
  20. Oh no! Nasugat ka na muntik ng matahi? Buti nalang at di na lumaki pa. ;D Ingat sa susunod. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    ReplyDelete
  21. @xprosaic oo na. swerte ka na sa lahat ng araw! haha.

    @solo maraming salamat parekoy. magaling na ang aking boo-boo.

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!