kumusta mga parekoy? inyo sanang pagpasensyahan ang ilang araw kong pagkawala sa mundo ng pagbablog. naging busy kasi ang inyong lingkod sa mga sumusunod na mga bagay:
1. pagsasa-ayos ng mga bagay sa bahay(epekto ni pepeng)
2. paggawa ng assignment(late rin lang naman ang bagsak. haay)
3. pagbabasa na mga libro: for one more day ni mitch albom. ang paboritong libro ni hudas at alamat ng gubat ni bob ong. maynila sa kuko ng liwanag(not suitable for kids po ito mga ineng) ni lualhati bautista
4. pagrereflek sa gusto kong mangyari sa aking buhay(ka-dramahan ko lang po ito sa buhay)
at dahil mejo natuhan na ako sa aking pagmumuni-muni at dilat nanaman ang mga matang dapat ay pikit na, gusto kong bumawi sa inyo. meron akong gustong ibahagi sa inyong isang tula na aking isinulat ilang taon na ang nakakaraan. kung hindi ako nagkakamali, sa isang klase ko ito sinulat habang naglelektyur ang propesor namin noon. ugali ko na kasi noon pa man na isulat ang aking mga saluobin upang pagtawanan pagkalipas na panahon. ngunit iba ito. simula ng muli ko itong masilayan noong isang linggo, muling nagbalik ang isang bangungot na ayoko na ulit mangyari sa akin... natuto na ako. ayoko na. ito po ang aking tulang pinamagatang...
"In and Out"
gustuhin ko man ay hindi ko magawa
hanggang saan ba ako tatakbo?
hanggang kailan magtitiis?
upang sa isipa'y tuluyang maalis
ayaw ko na, pagod na ako
sawa na ako sa iyong bangungot
kailan ba matatapos ang pagpapahirap mo?
hindi mo ba ramdam ang aking takot?
malapit na, hindi ko na kaya
panalo ka na, heto na ako
dahan-dahang kakatok, isa, dalawa, tatlo
ngunit sa aking pag-pasok, ika'y biglang naglaho
hindi kita maintindihan!
iniwan ko ang lahat para sa'yo
sa susunod, hindi na ako palilinlang sa'yo!
ang hirap kaya maghanap ng banyo!
*kaya ngayon... di ako umaalis ng bahay na hindi nakikipag-meeting kay doro. mahirap na ang magka-ruon ng emergency call. nyahaha.
harharhar...nawala ka rin pala sa blog ng ilang arawssss...well kagaya mo din ako nagwala este nawala din ng ilang arawss..welcome back sa atin parekoy!
ReplyDeletehahaha may ganyang mga araw din ako... hanggang ngayon!!!
ReplyDeletesalamat nga pala parekoy sa pagbisita sa aking tahanan.
taga north ka kaya na-apektuhan ka ng bagyo? ok na ba kayo jan?
ReplyDeletegusto ko din mag-soulsearching para magmuni muni. ;D
ha ha ha ayos ang tula mo kapatid.
ReplyDeletewen manong gimasen!
naks... halata ang may mga insomniac na katulad ko! nyahaha. at bakit gising pa kayo mga parekoy?
ReplyDelete@kablogie oh yes. welcome back sa atin. may mensahe ako sayo sa blog mo ah.. remember, color black or white ang gusto ko. nyahaha :P
@engel ayos... kaya dapat maglabas muna ng "sama ng loob" bago lumabas ng bahay! hahaha
@chyng di ko alam kung soul-searching nga ang matatawag dun pero pwede na rin. hehe. i want to go somewhere na di ako kilala para malaman ko talaga kung ano ang purpose ng buhay ko. wow, lalim nun ah. hehe
@alkapon uy, naka-relate ka ba parekoy? di ko naintindihan huli mong sinabi.. ano yun? pa-translate. hehe
MEGANUN! gumaganun ka parekoy! Buti naman at nakabalik ka akala ko talaga tinangay ka ni Ondoy, nilipad ni Pepeng at inanod ni Ramil
ReplyDeleteWelcome back parekoy!Iba talaga ang gwapo binabalik ng kalikasan!heheh
uuy welcome back! namiz kita kaya pakiss nga!...TSUUUUP! (mwah!):D
ReplyDeleteeniwey, makapag reflect na nga rin para kc malapit na rin kc akong matuluyan!!!
haha! ayos na tula yan.. :)
ReplyDeletetaga-norte ka ba?! haha
subukan mung kumain ng sushi..yung konti lng ang seaweed wrap..haha! nasusuka din ako dun eh.. :)
@drake iyan naman ang gusto ko sayo parekoy eh. hindi ka marunong magsinungaling! hahaha.
ReplyDelete@vonfire naka-isa ka ah. nyahaha. tama yan, reflect tayong lahat :P
@christine haha. oo nga pala, norte lang ang nasalanta ng pepeng. opo, taga-norte po ang dakilang night crawler. hehe. i am yet to find sushi na di ko susukahan. haha
tama yan tol, itula mo na lang!..
ReplyDeleteps: kmsta na kayo dyan?..hope makarecover na kayong lahat sooner para masaya ang pasko.:)
Naks! wui naapektuhan pala kau sa bagyo well sana ok na kau... saka hmmm... nagkainterest tuloy ako basahin yung kay luwalhati bautista... jijijijijiji... college ako nung huli kong nabasa yung dekada 70 niya eh... ahahahhahaha... ala lang... jijijijiji... anyway nung nabasa ko ang tula buti hindi yung nasa utak ko ang nangyari... jijijijii... wholesome pa din! jijijiji... Ingats parekoy!
ReplyDeletevery poetic!
ReplyDeleteMas malala ako sau parekoy kasi dati buwanan ako kung mawala sa blogging jijijiji pro ngaun bumabawi n ako atleast may update isang beses sa isang linggo jijijiji...welkambak! Ang kulit ng tula mo... hindi ba umabot? sori un ang pagkakaintindi ko eh hahahahaha...
ReplyDelete@aj sa awa ng Diyos, ayos naman kami. di naman kasing-grabe nung ilang bahay na nakita sa tv. buti nalang mejo mataas yung lugar namin. salamat parekoy :P
ReplyDelete@xprosaic hay naku... pwedeng-pwede talaga sayo yun parekoy. ang laswa nun. nyahaha. ppero ayos naman, malaswa ka rin naman eh. nyahaha. joke only.
@chubskulit salamat sa pagdalaw. ang cute ng picture , ' )
@jag salamat parekoy. pansin ko nga sa blog mo na once in a blue moon ka lang kung mag-update. nyahaha. pero ayos ang pictures mo ah. kung saan saan ka gumagala ah. hehe. at por yor impormeysyon, umabot pero di rin natuloy. nahiya ata. nyahahaha.
haha... pu3 na banyo yan! naala-ala ko tuloy ang mga banyo moments ko... hahaha.
ReplyDelete(salamat sa dalaw sa munting taguan ko.)
nagiging makata talaga pag-najejebs ka!ehehe
ReplyDelete@tagabundok haha. may mga memories talaga tayong ganyan. ayos yan.
ReplyDelete@iya_khin uuyyy... naka-relate. wahaha. ayos yan :P
Naks Naman' Keep on Bloggin!
ReplyDeleteHahaha. I like it so much. ganda hehe. ;D
ReplyDeleteSolo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
May tama ka!
ReplyDeleteHirap kapag inabutan ka sa kalagitnaan ng nowhere.
Hehe
http://ijap1012-darkangel.blogspot.com/
ReplyDeletekuya can u be folowers of my blog i followed your blog
@wait will do :P
ReplyDelete@solo good to know :P
@timberboy tama ka parekoy... kaya dapat prepared. nyahaha
@ijap1012 hmmm... ?
magandang umaga sa lahat. start your day with a smile. ayos?
wait wait wait.
ReplyDeletedid you wash your hands already before blogging?cuz, you know?
(sorry nadistract ako sa something. lols)
wb!
napadaan lang.....
ReplyDeletePatama ba sakin to hehehe (joke) nakarelate lang ng konti sa tula.
ingat!
nice one..
ReplyDeleteNYOG | Not Your Ordinary Guy
@manikreigun opkors! sabi nga ng safeguard... para ang germs ay bye-bye. haha
ReplyDelete@leonpv hindi naman parekoy... pero pwede rin. hehe.
@nyog thanks :P
Nyahahaha!! okay tula mo ah, parang tula ng mister ko,,
ReplyDelete" here i sit,
all broken hearted,
tried to shit,
but only farted ".. hahaha!
P.S... translation dun kay alkapon,, oo kuya, masarap...