Oct 31, 2009

the hunger artist connection


alam niyo ba ang kwento ng hunger artist? kung hindi pa, makinig ka. at kung alamo mo naman... kunwari na lang hindi mo pa alam... pramis! mas magaling ako magkwento. hehe.

may isang artist ang naging pamoso dahil sa kakaibang atake nito sa larangan ng sining. isa siya sa pinaka-sikat na alagad ng arts at bawat obra niya ay talagang ikinaka-mangha ng bawat mapa-titig dito. minsan, naisip niya ang isang bagay na hindi lamang ikinamangha ng tao kundi talaga namang pinag-usapan ng buong madla. ng dahil sa kaartehan ng artist, sinabi nitong hindi siya kakain hanggang hindi ihain sa kanya ang pinaka masarap na pagkain sa mundo. at dahil nga siya ay isang artist, pinaki-usapan niya ang isang namamahala sa isang circus upang ilagay siya sa isang kulungan upang mapanuod ng mga tao ang kanyang art(ito marahil ang tinatawag nilang performance art.. although performance is a bit of a stretch kasi wala naman siyang ibang ginawa sa kulungan kundi ang maghintay.) siyempre, na-curius ang mga tao at pinilahan ang nasabing art. bawat araw ay naghain ang mga tao ng iba't-ibang putahe ngunit ni tikim ay hindi ginawa ng artist... lumipas ang mga araw at unti-unting napagod ang mga tao at tuluyan ng nakalimutan ang artist. matapos ang isang buwan... habang pinapasok ang isang bagong hayop sa kulungan upang maging bagong kagigiliwan ng mga tao, natagpuan ang artist... patay sa gutom at limot ng madla.

bakit nga ba ako nag-aksaya ng oras para-ibahagi sa iyo ang kuwentong ito? siguro dahil sa tingin ko ay katulad ako ng hunger artist. masiyadong bilib sa sarili, na pwedeng paghintayin ang mundo basta't sabihin ko lang. sa mga naka-lipas na panahon, naghintay lang ako para sa pinaka-masarap na putahe ngunit ako'y nabigo. then i realized what i was doing wrong... i never took a bite. bakit ba hindi nahanap ng artist ang pinaka-masarap na putahe sa mundo? dahil hindi niya tinikman ang mga nakahaing putahe. how will someone know the taste of the most delicious food when he have not tasted the worst? well, since then, i have had my fair share of disgustingly unedible foods and yesterday... i just had my bite of the best.

moral of the story... don't be afraid to bite. ikaw? kailan ka huling tumikim?(lahat ng berde ang isip ngumiti! hahaha)


15 comments:

  1. walang masama sa pagkagat o pagtikim sa mga bagay-bagay sa buhay. Mabuti na ung malaman mo kung matamis, malansa, mapait o kung anik anik pa.

    kaya nga ako kagat lang kagat with matching bilaok pa! :D

    ReplyDelete
  2. masyadong sineryoso ng artist yung performance art nya. haha

    dont be afraid to bite...dont be afraid to take risks. nice :)

    hav a blessed day!

    ReplyDelete
  3. “He who risks and fails can be forgiven. He who never risks and never fails is a failure in his whole being.”

    Kaya tira... Kagat lang kagat!

    Peroibang usapan yung mga chope sa pag-ibig ha? Hehehe...

    ReplyDelete
  4. @vonfire haha. tama yun parekoy. pero hinay lang.. baka mabilaukan :P

    @ch!e ganun talga kaming mga artists(nakisalai) haha. have a bleed day too.

    @timberboy ok na sana parekoy kaso binawi mo rin sa huli! haha. hay naku... sige ka, baka maunahan ka diyan! haha. huwag masiyado iwas kay kupido at baka magtampo yun di ka na balikan :P

    ReplyDelete
  5. Ah yun pala yun, akala ko ang moral lesson eh wag maginarte sa pagkain!

    Kaya sabi ko rin nun pa, paano mararanasan ang tagumpay kung hindi ka naman nabibigo, at paano mo mararamdaman ang kasiyahan kung hindi ka naging nalulungkot.

    Ingat lagi pre

    ReplyDelete
  6. naks ang galeng ng story...minsan kase sobrang nagiinarte tayo sa buhay, pili ng pili pero ayaw namang sumubok...hintay ng hintay ng tamang pagkakataon na hindi naman dumarating...

    ReplyDelete
  7. @drake maraming salamat parekoy... i'm so tats.

    @deth tama. ayos :P

    ReplyDelete
  8. i just really wonder kung ang kwentong ito'y non-fiction o fiction...whatever, mainam talga ang "tumikim"..pero mas mainam sigurong magobserba muna at paunahin iyong iba..

    we dont' really know what we are missing :) hapi H bro!

    ReplyDelete
  9. at ako`y napangiti sa huling statement hahaha...go lng ng go! paano nga nmn mlalaman kung hindi titikim db? jijijijiji...

    ReplyDelete
  10. So ganun na pala ikaw ngaun? Meron ng moral story na nalalaman ha! Akala ko puro kabulastugan lang laman ng blog mo hahahahaha...

    Ayos yan bro!

    ReplyDelete
  11. happy haloween sa lahat ng bumibisita. nagbabalik ang night crawler mula bakasyon :P kumusta ka kaibigan?

    @aj maraming salamat sayo parekoy. tama, tikim lang ng tikim. hehe

    @ilocana oo naman. hehe. belated happy anniversary sa inyo :P

    @jag ayos yan. smile lang ng smile. tikim rin lang ng tikim. hehe.

    @kablogie hoy! good boy at heart pa rin ito no. at natural lang sa akin ang pagiging good, kahit itanong mo pa kay papa Jesus. hehe.

    ReplyDelete
  12. di ako mapili sa pagkain,
    hindi rin ako perfectionist.

    yung mga mspaint ko ba pwede nang mging art collection? hehe

    ganda ng story may moral lesson.

    apir!!

    ReplyDelete
  13. Ikokonek ko na lamang sa pagsusulat dito sa blog ang artikulo mo, tutal dito naman umiikot ang ating mundo kapag nakaharap tayo sa kompyuter at tumitipa ng kung ano-ano.

    Hindi masamang magbasa ng mga sinulat ng iba, kaya nga nandito tayong lahat ay para magpapansin,oo kung magsusulat ka at ayaw mong ipabasa sa iba, mag diary ka na lamang, may susi pa.
    Gusto natin ng appreciation, ng longing...na kahit sa virtual world gusto natin magkaroon ng connection..ng makakausap.

    Pinaniniwalaan ko na ang bawat isa ay may kaniya kaniyang kakayahang inihahahain at handang ipatikim pero katulad ng gutom na panlasang dila..mayroong matabang, maalat, matamis sobrang tamis..at hindi maipaliwanag na panlasang mga sulatin.

    Mula doon, doon na tayo natutong umakma sa sapat na timpla na hinahanap ng mga mambabasa.

    Kung may isang blogger na nagsasabing napakagaling niya, paniwalaan mo, pero kung may blogger na nagsabing 'nice article' ,magduda ka malamang hindi yon tumikim, gusto lamang nong magpapampam.

    Magandang araw sayo. Tulog ka pa ba?

    ReplyDelete
  14. @jason oo pwede na yun parekoy! work of art na yun! hehe

    @jkulisap isangh malaki na Amen! gising na po ang puyat pa ring night crawler! haha

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!