Bago ako magkuwento ng mga bagay-bagay, meron lamang akong gustong linawin. Hindi ako emo, hindi patapon ang buhay ko(atleast not totally) at wala akong suicidal tendencies. Nagkataon lang na nang magsimula akong mag-blog ay tapat naman sa bahagi ng buhay ko na pinaka-masalimuot(di ako emo, pramis!). at dahil jan, scrap ko muna ang usual na “I hate the world” posts. Instead, this entry would focus more on the brighter side of things. The positive in the negative.
Negative:
Nasanay kami ng ate ko na steady lang sa bahay. We got too comfortable na di namin napansin na nagmumukha na palang palengke ang bahay. Sa lahat pa naman ng ayaw ni mama ay iyong maruming bahay kaya ayun, napagalitan(understatement) kami.
Positive:
Spotless na po ang bahay namin, lalo na ang kusina na pinagmulan ng outburst ni mama. Kahit si mickeymouse ay mahihiyang tumambay dun eh. Wag ka lang titingin sa kuwarto ko, ibang usapan na yun.
Negative:
Last week, nag-away kami ni kuya. It was a pretty stupid fight from two emotionally wrecked people. Stressed si kuya sa board exams at ako naman, emotionally disturbed. Eh itong si kuya ay makulit at gustong mag-usisa at ako naman ay ayaw magsabi ng details kasi ako yung klase ng tao na hindi magsasalita kung talagang ayaw. Ayun, minura ako. I felt it was uncalled for kaya uminit din ulo ko.
Positive:
Naintindihan ni kuya na hindi lahat ng bagay ay naayon sakanya. Importanteng malaman ng isang tao kung kelan dapat at hindi dapat maki-alam sa buhay ng isang tao. Expectator lang ang papel natin sa circus na buhay ng bawat isa at hindi tayo ang magdedesisyon kung kailan nila gustong tumawid sa alambre at baka ma-kain pa sila ng
Negative:
I was devastated nang malaman ko ang mga epekto ng bagyo sa iba’t ibang parte ng bansa. Marami ang namatay at maraming nasirang mga kabahayan at kabuhayan. Ang iba pa nga ay hindi pa nahahanap. My sympathy, prayers and condolences goes to the victims of this tragic incident.
Kung meron man magandang naidulot ang sakunang ito, iyon ay ang pagkakaisa ng bawat Pilipino sa panahong ito. Ramdam natin ang suporta ng gobiyerno, kilalang personalidad, at kahit ang mga simpleng mamayan. Kahit nga ang mga pa-cute na mga presidentiables ay umeepal na. well, wala naman tayo sa posisyon para tumanggi sa tulong kaya salamat na rin.
Negative:
Heto na ang pinaka-asar sa lahat. Sa bawat makakakita sa akin ngayon, halos isa lang ang sinasabi nila, “papayat ka na, tumataba ka na eh, pero guwapo pa rin.” Ano yun, paconsuelo? Hay, sino ba kasi ang nagpa-uso ng mga skinny jeans na yan at mga hapit na t-shirts? At sino rin ba ang nagsabi na pag-payat ka eh mas maayos kang tignan? Hindi lahat ng payat ay masaya at hindi lahat ng “healthy” ay nagaambisyong pumayat! Basta ang importante, gusto mo ang sarili mo. Be comfortable in your own skin. Pero dahil masikip na mga pantalon ko, babawas na ako ng timbang. Babay muna sa jollibee!
Positive:
Atleast, kahit nilalait na mataba, pogi pa rin! Wahaha. Masaklap naman kung mataba ka na nga, pangit ka pa. haha. Biro lang. meron pa namang inner beauty, don’t worry.
O hayan ah. Siguro naman bawi na ako sa mahigit isang linggo kong pagiging missing in action. Salamat sa muling pakikinig sa akin mga parekoy. Isang linggo na lang, di na ako bata. Haha.