Oct 26, 2012

Pareng Archie :P

okay. hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto. pagkabasa ko kasi sa award, ang sabi, "The award recognizes new and upcoming bloggers..." teka lang. new and upcoming blogger? ako? 3 years sa blogging community tapos new and upcomming? at hindi pa nakontento... heto pa, "...with less than 200 followers..." ay grabe makapang-lait itong archieviner na ito! Ang sama talaga ng ugali netong baguhang to. dapat dito, bino-boycott ang blog eh.

Pero dahil binigay na rin lang at hindi masama ang ugali ko... sasagutan ko na rin lang. kahit masama sa loob ko. Haaayy.


In order to accept this prestigious award, one must abide by the list of rules which are: 
1. Each person must list 11 things about themselves. 
2. Answer the 11 questions that the tagger has set for you PLUS you must create 11 questions of your own for the 11 people you will nominate with this award. 
3. Choose up to 11 bloggers linking them to your post. 
4. Go to their page and inform them of the nomination 
5. Absolutely NO tags back. Remember to ONLY tag bloggers with less than 200 followers. 

11 Things About Me

1. Frustrated writer ako. May nobela akong nasulat kaso ayaw ko pang ipakita sa iba hanggat hindi ako satisfied. May mga napost akong short stories pero iba para sa akin ang nobela. Feeling ko kasi lalaitin lang. Ayokong mapahiya kapag nabasa ni Sidney Sheldon ang una kong libro. Padalhan ko siya ng kopya sa langit. 

2. Frustrated Singer ako. Maganda ang boses ko. I swear.

3. Sa mga taga-Baguio, baka napakinggan niyo na ang boses ko sa radyo. Sa mga taga-Pangasinan, baka nakita niyo na ako sa tv. May isang beses na nakita ako sa Mel and Joey at Rated K pero parehas na dumaan lang ako kaya hindi counted iyon. hehe.

4. I hate politics. Marami ang nagsasabi sa akin na pwede akong pulitiko kasi gusto kong tumulong sa kapwa. Kaso... first hand kong nakita kung gaano karumi sa pulitika. Di bale... hindi naman kailangan ng posisyon sa gobiyerno para tumulong. Malinis pa ang konsensiya ko.

5. Mahilig ako manuod ng mga pelikula. Minsan, naglaro kami nung barkada ko sa phone niya nung scratch and guess... huhulaan mo yung pelikula or character sa pelikula gamit lang ang isang picture ng eksena sa movie. I swear... halos nasagot ko lahat. Bilib nga sila sa akin eh. Kung meron lang sigurong game show na puro trivia sa movies lang ang  kailagan, baka milyonaryo na ako.

6. Mahilig ako magbasa ng suspense-thriller na novels. Favorite ko si Sidney Sheldon, Joy Fielding and recently, I discovered Fern Michaels. Pero siyempre, may mga favorites din ako from other genres like Mitch Albom and Bob Ong.

7. I spend at least 6 hours a night on my laptop. Paano ba naman, I work, edit videos, write articles, do projects, and blog. Goodbye 20/20 vision. 

8.  Varied din ang taste ko sa tv shows. Favorite ko ang Friends, Boy Meets World at How I Met Your Mother, pero gusto ko rin ang Alias at Fringe. Paborito ko rin ang Avatar: the Legend of Aang at The Legend of Korra. Recently, nadagdag sa listahan ang The Walking Dead at Modern Family. Hindi ko lang talaga na-gets yung Breaking Bad. 

9. Matipid ako sa sarili ko pero magastos ako sa mga kaibigan ko.

10. Halos wala ng laman ang ATM ko. (see number 9)

11. Mahilig akong matulog! Alam na ng mga friends ko kapag ang tagal kong magreply o di sumasagot sa mga tawag. Parating nagha-hibernate.

At heto naman ang mga tanong galing sa Sadistang si Archieviner...

1. What is your most-liked entry in your blog?
-Talagang hinanap ko pa. Kung sa views- ito yun(2200 views) Kontrobersyal to kasi may naoffend ako. pinalitan ko tuloy title. haha. Kung sa comments- ito yata. Basta. ang hirap kaya maghanap. Magback-read ka na lang. More than 100 posts pa lang naman :)

2.What is the secret behind your blog name?
-I was bored and insomniac nung simulan ko ang blog na to. Ngayon, hindi na ako bored pero insomniac pa rin. 

3. If you have one question to any blogger, what is it?
-Bakit ang epal mo? At dahil di mo tinanong kung kaninong blogger ko itatanong, hindi ko na sasabihin kung sino. hehe.

4. What do you wish you had more time for?
-Mag-sulat. Sana, mabigyan ako ng time na mapagtuunan ng pansin iyong pagsusulat ko. Gusto ko pang matuto at magsulat ng magsulat.

5. How old did you wish you were?
- Sana 19 na lang ako ulit. I think I skipped this part of my life kasi sobra akong depressed. I have isolated myself from my friends and family. Sayang ang ilang buwang pagmumukmok. 

6. What do you enjoy doing when you're bored?
-Read books. Watch movies. Write. Eat Food. Boring Ako.

7. What's the most daring thing you've done?
- Pwede bang second most daring na lang? Hindi ko pwede i-share yung most eh. When I was 6 or 7, natuto akong magbike without training wheels. Sa sobrang feeling ko na expert na ako, pumunta ako sa tukotok ng isang bridge para magbike pababa kaso may nakasalubong akong jeep. Nabangga ako. Pero ayos lang. Buhay pa naman ako at ang pakiramdam ko nun, buhay na buhay ako. :)

8. Would you rather be rich and unhappy, or poor and happy?
- Yung totoo? I'd rather be rich and unhappy. At least, I'd be unhappy in style. Bwahahaha. Ewan. mahirap to.

9.Who would you die for?
- My mom. No questions asked.

10. What would be your legacy?
- Gusto kong maging mahilig ang mga kabataang pinoy sa pagbabasa... at ang isa sa mga dahilan ng pagiging interesado nila sa pagbabasa ay ang mga librong nagawa ko. Ikasasaya ko talaga yun. 

11. Describe Archieviner in one word.
- Masipag?!!?

At dahil mas mabait ako (di tulad ng isang CPA na OFW diyan!), hindi ko na kayo pahihirapan. Hindi na ako magtatag... pero dahil magco-comment rin lang kayo... magtatanong na rin ako. 

Sino ang mas POGI?


Borednightcrawler?

bwahahaha. Peace tayo pareng Archie. :P



Oct 10, 2012

Birthday Boy's guide to eating dimsum

Kahit na gaano pa ako ka-busy... still found a way to celebrate my 23rd birthday. Very low-key, intimate dinner with my family.

At dahil gusto ko may matutunan kayo sa akin, ishe-share ko sa inyo ang blogger's way of eating dimsum!


 1. Umorder.

 2. Kuha. Mas sosyal tignan pag naka-chopsticks.

 3. Mix sauce. Kunwari kapapansin lang na pinipicturan.

 4. Take a bite. Take note: bite lang. Wag magmukhang patay-gutom. Magpaka-sosyal kahit sa picture lang.

 5. Take another bite. Kahit na kayang lunukin ang dimsum ng minsanan, pigilin ang sarili. Bukod sa kailangan ng poise, kailangan ding patagalin ang pagkain para hindi paalisin sa mamahaling restawran.

 6. Smile for the camera. Steady lang para hindi mahulog ang kinakain. Sayang. Mahal.

 7. Matagal pa ba? Kontrolin pa ang facial muscles habang humahanap ng matinong angulo ang kumukuha ng pictures.

 8. Kapag nakuha na ang desired pictures... magpakatotoo na. Isang lagok. Solve.

 9. Isa pa!

 10. Then Smile. Be proud. 

Happy 23rd birthday to me! 

Oct 8, 2012

Busy lang talaga.

Sobrang busy ng nightcrawler. Parang gusto ko na ngang palitan iyong header ko from "Stories from a bored nightcrawler" to "Stories from a stressed nightcrawler." Ito... Ito ang salarin!


Sa mga nakatira sa Pangasinan, may chance na makikita niyo ako sa tv dahil eere daw ito sa isang regional channel. Naku po. Goodluck sa akin. Di ko na sasabihin kung kelan. Minsan lang to kaya sana wag ako magkalat.

Bukod pa diyan, I'm still busy with my thesis(chapters 1,2, and 3), ojt, PR event, and work. Kumusta naman daw yun? Sabi nga ng ilang friends ko I'm on their suicide watch! My goodness. Tatapusin ko lang tong dalawang linggo... konti na lang makakahinga na ako.

PS. Yup. Nightcrawler's name is Lou. And yup... ganyan na ako kalaki. Uunahan ko na kayo bago niyo ako laitin. Ay, bawal niyo na pala ako laitin! Ayon sa ipinasang cybercrime act, pwede ko kayo idemanda at ipakulong ng up to 12 years kapag nilait niyo ako. bwahahaha.