Simple lang naman talaga akong tao kahit madalas ako masabihang konyo dahil sa pananalita ko.
Remember: Madalas na sosyal ang tingin sayo ng mga tao kapag magaling ka magsalita ng Ingles. Kapag may
slight American accent ka pa, ikaw na talaga.
Pero ganunpaman, hindi naman talaga ako sosyal. Madalas kapag nagagawi kami ng mga kaibigan o di kaya naman ay mga bagong kakilala sa 7-11, nawiwirduhan sila sa akin. Habang sila ay busy sa pagdampot ng mga mamahaling tsitsirya at inumin, ako sa istante ng mga babasahin pumupunta. Opo. Jologs kung jologs pero trip ko po talagang magbasa ng mga mumurahing
JOKE BOOKS.
Isipin mo, sa halagang bente pesos, makakabasa ka ng mga istorya, anecdota, ideya, at mga pangyayaring huhubog sa kakayahan mong maging kritikal sa pagiisip. Hindi critical thinking ha? Sasayad ang utak mo.
Halimbawa:
Guro: Juan, pumunta ka dito sa harap at basahin mo ang ginawa mong essay. Dapat hindi bababa sa 1000 salita yan ha kundi may minus ang grade mo.
Juan: Opo ma'am. Sa katunayan, dinagdagan ko pa at ginawang 2000 salita ang ginawa kong essay.
Guro: (tuwang-tuwa si titser) Aba, magaling. Sige nga Juan. Basahin mo na.
Juan: Ang pamagat po ng aking tula ay
Muning.
Muning
Ako ay may alaga. Muning ang pangalan niya. Kagabi ay bigla siyang nawala. Hinanap ko siya. Muning... Muning... Muning-ning... Muning... Muning... Muning... Muning... Muning... Muning...Muning...Muning...(2000x)
Hahaha. Lakas lang ng tawa ko diyan. Heto pa:
Knock2x
Whose there?
Nanay mo...
Nanay mo who?
Tarantado ka Pedro! Nanay mo to. Buksan mo tong pinto!
Bwahahaha. At ang pinakamabenta sa akin:
Tatlong Presidente ng Pilipinas, hinahabol ng killer. Napapadpad sa madilim na basement ang tatlong Presidente at nakakita ng tatlong sako na siya nilang ginamit upang magtago.
Killer: Nasaan na kaya yung mga yun. (Biglang tingin sa sako). Hmmmmmm. Sipain ko kaya tong sako?
Gloria: (Pagkasipa) Meow. Meow.
Killer: Ano ba yan. Pusa lang pala. Ito kayang isa?
Fidel: (Pagkasipa) Aw. Aw.
Killer: Ay aso lang pala!
Erap: Naku lagot... ako na susunod.
Killer: Ito kayang isa pang sako?
Erap: (Pagkasipa) ... ... ... ...
Killer: *sipa lang ng sipa
Erap: Ano ba? Wala talagang tunog. Sako ng patatas kaya ako!
Hahaha. Corny na kung corny pero mabenta talaga sa akin ang mga ganyang patawa. Kung sino man ang nagsabing hindi nabibili ang kaligayahan, malamang hindi pa siya nagagawi ng 7-11. Bente pesos lang, happy na ako. :)
*disclaimer: This entry is not paid for by 7-11 or the publishing company of the joke book. :)