Katatapos lang ng ilang oras ng trabaho. Pagod at hindi makatulog. Sa totoo lang, walang kinalaman ang trabaho sa pagod. In fact, I enjoy doing my job(well... most of the time). Nakakapagod kasi instant reunion nanaman kanina at bilang isa sa mga nakatatandang pinsan ay kinailangan kong maging tagabantay ng mga bulilit kong pinsan. Hindi naman ako nagkocomplain. In fact, I enjoy being around little kids which is why I came up with the conclusion that when time comes, I'll enjoy fatherhood. Anyway, as I was saying, I enjoy being around them pero ayaw ko yung pagod after. haha. I know it doesn't make much sense so just humor me, ok? Madaling araw na kaya.
Nung bata ako, parati akong natatakot manuod ng palabas sa telebisyon tuwing sasapit ang mga araw ng patay. Paano ba namang hindi ka matatakot kung ang mga palabas sa tv ay mga Shake,Rattle&Role movies nung time na nakakatakot pa talaga ang franchise na yan (lalo na yung episode ni manilyn reynes na ihahain siyang putahe ng mga aswang para sa fiesta nila). Siyempre tuwing Sabado, hindi magpapatalo ang Magandang Gabi Bayan na kung first time mong panuorin yun ay para ka lang nanunuod ng Verum Est o Nginiig(Solid Kapamilya?). Anyway, fast forward ngayon, hindi naman na ako natatakot sa mga ganyan. In fact, nakahiligan ko nang magmovie marathon kasama ng mga pinsan o friends ng mga horror movies. Ang nakakalungkot lang ay pagbukas mo ng tv, puro patayan ang ibabalita sayo. Parang balik ang paranoia ko nung bata pa ako. Hindi na nga lang mga kwento sa pelikula ang kinatatakutan ko kundi mga kwento sa balita. Mas nakakatakot ang horror ng tunay na buhay.
PS. kumusta naman ang paggamit ko ng "in fact" sa post na to? I need new phrases.
Japan dream came true
3 months ago
haay, buti na lang hindi nakakatakot ito. haha. in fact, balak ko sa umaga na basahin, ako na duwag, in fact. lol :D
ReplyDeletehahaha... ako din mas namiss ko din noon ang Magandang Gabi Bayan.. In FACT nanood ako last sunday niyan nung si kabayan ang naghost... hehehe
ReplyDeleteAko naman news na lang pinapanood ko ngayon, tumatanda na ata ako. In fact!
ReplyDeleteHi Tim I just stumble upon from other blog and want to have a connection through blog hopping. I ask permission from you that I am leaving a link/s here in my your comment box for my back-link. By the way I have joined your GFollow, you can guest post or post an article/s in my blog and I will provide a back-link for you directly to your blog/site my blog is just new with PR2 feel free to visit me soon.
ReplyDeleteIN FACT, bigla ko rin naalala ang mga shows na yan ha. Those were the days. At talagang Verum Est talaga ha. ;) Nice entry. Nakakarelax.
ReplyDelete