Oct 29, 2011

samu't saring kwento 8: Masaya

Masaya lang ako. Problems are nothing when you have friends who are with you through the good, the bad, and the worst. If I'm being narcissistic, I'd say that they're lucky to have me. If I were to be honest, I think I'm the lucky one.
_______________

Noon, kain kahit saan.
Ngayon, kung saan-saan na lang kumakain.
Noon, nagtitipid para may pang-gimik.
Ngayon, nagtitipid para may panggastos.

Totoo nga pala talaga ang sinasabi nila... matututo kang magtipid kapag ikaw na mismo ang kumakayod para sa sarili mong pera. At totoo rin na mas masarap gastusin ang perang pinagpaguran kesa perang inabot lang sayo. Isa na lang siguro ang mas sasarap pa dun... kapag nasabi mo na sa nanay mo na, "ma, ako naman ang bahala sayo."
_______________

Sino ba ang hindi nakararanas ng problema? Wala. Kaya kung nagtataka ka kung bakit may taong malungkot at may taong masaya, isa lang ang sagot diyan... may mga taong dinadaanan lang ang problema at may mga taong tumatambay sa problema. Are you willing to admit defeat? or... Are you willing to say, "Bring it on!" The choice is yours...

2 comments:

  1. kaya ko to,... kaya ko lahat ng problema ko...

    ReplyDelete
  2. naku, kaya mo yan parekoy. Pasensya ka na at may pagka-emo ang blog ko. dinadamay ko pa kayo. hehe.

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!