Dec 30, 2010

mahirap bang sagutin ang mga tanong sa Beauty Pageants?


naging ringtone ng bayan din ang tawa niya! haha

who could forget the infamous answer of then Binibining Pilipinas World 2008 winner Janina San Miguel to the question, "what role did your family play to you as candidate to Binibining Pilinas?" the video remains to be one of my guilty pleasures and although it is cringe worthy, walang panahong hindi ako napatawa nito. Simple lang ang tanong kung tutuusin kung kaya madami ang nagtaka kung bakit hindi niya nasagot ito ng tama. was it nerves? or was the noice too much for her to think clearly? ewan...

My friends and I attended a modeling pageant called Mr. and Ms. Fashionista to support this guy who is an ex of a friend(long story... but they could be back together as of this writing). Anyway, he showed strength at the start of the pageant but his lack of experience showed in the succeeding rounds. Needless to say, he didn't make it. watching the pageant made me realize that events like these aren't only showcase of beauty and brains, but also... ewan. basta nakakatawa! bwahaha. lahat seryoso sa pagpalakpak pero kami ng mga kaibigan ko, tawa ng tawa. may mga contestants na mukhang busog, may mga mukhang bagong hasa ang baba, may nagmamadali kasi baka hinihintay ng taxi, at may contestant na parang bold star kasi lahat, mula creative, sportswear, casual, at swimwear ay naka trunks lang... siguro kung may trunks na pang-formal baka may pulmunya na yun. bwahaha. pero walang tatalo sa question and answer portion. madaming magaganda at pogi pero pumalya dahil dito at ang the best talaga ay ito:

Q: what would you rather have? beauty or talent?
A: talent!
Q: good answer. why?
A: uhm... YES!
(ano daw? bwahaha)

pero siempre, nakakatawa din ang mga hosts!

host1: let's give them a big HANDS!
h1: a big THANK to our sponsors...
(i swear, consistent siya! bwahaha. )
host2: tatagalugin ko ang tanong... if you were given a chance(haha. tatagalugin daw?)

ok.. so ano ang point ng kwento? wala naman. nakakatawa lang talaga. hehe. seriously... if we think about it, madali lang naman ang mga tinatanong sa mga pageants. minsan, natatanong din natin ang mga yun sa ating mga sarili... but then again, aren't the easiest questions the hardest to answer? naalala ko dati, natanong ako ng, "are you happy?" hindi ko nasagot. ang hirap. kaya i suggest na imbes na "what is your purpose in life?" ang tanong, mas maganda siguro kung "what is the capital of the Philippines?" nalang ang tanong para pag sinagot ka ng "ang capital po ng Philippines ay letter P!" legal na ang batuhin siya ng kamatis!

photo taken from http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQHhOVBtyvj-Gn2Ft_NBRD5FNjPRrp15pqBuaMMpqPpqUD7ufGq

10 comments:

  1. Ikaw na laitero!hahaha!

    bakit mahirap sagutin ang simpleng tanong isa lang ang dahilan, dahil ayaw nating ito sagutin ng simpleng sagot! Gusto natin kasi kakaiba, gusto natin gawing kumplikado lahat.

    At kaya minsan tayo sumasablay dahil mismo sa sarili natin hindi tayo naging totoo sa mga sinasagot natin.

    Yun lang yon brod!

    Ingat pre at happy new year

    ReplyDelete
  2. Sa tingin ko, mahirap talaga. Sa pressure at sa tense siguro, kaya minsan, palpak mga sagot kahit sa mga tanung na feeling natin eh ang dali-dali. =)

    Pero malay ko naman, hindi naman ako beauty queen. =p

    ReplyDelete
  3. hahaha benta to o.. hahaha ... bakit nga ba ano the simplest questions eh mahirap sagutin.. hahaha

    ReplyDelete
  4. kahit sa school lang namin ang beauty contest dati kaabang-abang talaga ang Q and A portion in a major major way. hehe!kahit anong ganda ng contestant at sablay sa answer,parang nakakawala ng poise. hahah

    ReplyDelete
  5. tama ka parekoy, ang simplest questions ang hardest to answer. lalo na siguro kung isang milyong katao ang naghihintay sa sagot mo.

    happy new year! \m/

    ReplyDelete
  6. hahaha tsk sarap manuod ng beauty contest para makapanlait joke!hehehe mahirap sumagot ng mga tanong lalo na kapag kabado ka kaya di mo rin sila masisisi pero may mga tao talagang sadyang maganda lang hehehe

    ReplyDelete
  7. @drake hoy... hindi ako laitero. observant lang ako. hehe

    @tsina yeah.... siguro pinaghalu-halong kaba at pressure kaya ganun.

    ReplyDelete
  8. @kikomaxxx ewan ko... mahirap talaga. hhe. astig naman pic mo... naalala ko kabastusan ni tsintsan. hehe

    @krn uuuyyyy... sumasali ka ata dati ha? pictures?

    ReplyDelete
  9. @nobenta parang si janina san miguel lang no? hehe. da best :P

    @superjaid tama ka... masarap talaga manlait sa mga beauty contests kasi legal kang manlait dun. hehe

    ReplyDelete
  10. for sure nilalait mo din mga blogs namin hahaha...ikaw n! hahaha...pero ako kung nagkataong nasa eksena ako ng pageant na iyon buhakhak to the max talaga ako for sure hehehe...

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!