i just got back from my dentist's office. do you remember how some people calls news reporters the "boogeyman with a teleprompter?" well, my dentist is the boogeyman with perfectly white teeth. ayoko ng bumalik dun. para akong nagbabayad ng tao para saktan ako.. kung yun rin lang ang gusto ko, ate ko na ang lalapitan ko! free na, unlimited pa! bwahaha.
speaking of pain... i talked to one of my Kuyas. i felt bad kasi ang tagal na naming di nag-usap tapos masamang bagay pa yung mga nasabi ko sa kanya. andami ko na kasing hinanakit sa kanya... akala ko simpleng tampo lang, hindi pala.
ok... backstory muna para klaro ang istorya... anyone who is close to me knows that my biggest frustration is not having a kuya. naiinggit talaga ako kapag nakakakita ng mga kuyang inaalagaan yung mga kapatid nila, o kahit mga nagaaway nga eh kinaiinggitan ko pa rin. Yung una ko pang iniyakan na eksena sa tv ay yung eksena ni John Lloyd at Diether sa swimming pool. nakakuha ng award nun si john Lloyd pero hindi naappreciate ng parents niya kaya tinapon niya sa pool. si Diet naman na kuya niya, nilangoy yung pool para kunin yung medal tapos sabi niya, "sa akin importante to!" tapos, flashback ng mga eksena nila nung mga bata pa sila. p*kening. iniyakan ko talaga to. sobra akong nainggit.
camera-whore si kuya. nahawa tuloy ako...
Anyway, ayun nga, sobra talaga akong naghanap ng kuya kaya ng makilala ko si Kuya, sobra ko talagang pinahalagahan yung pagkakaibigan namin. Sobrang naging malapit kami to the point na nakikitulog na ako sa kwarto nila para lang mangistorbo at manuod ng mga pelikula. hehe. He was the one who tried to talk me out of joining a fraternity and that intervention was one of the reasons why i tried to back out(this is another story). we've been through a lot kaya it was hard for me nung malapit na ang graduation ni Kuya. we promised to keep in touch pero wala pang isang taon, nakalimot na siya. I remember nung graduation week niya, we were suppose to meet kaso busy siya sa ibang friends niya kaya sabi ko sa graduation ko na lang siya ico-congratulate. dumating yung graduation niya, nagpaiwan pa ako kasi last day ata ng summer classes para lang i-congratulate siya kaso natapos na ang ceremony hindi siya nagtext at nagpakita. habang sakay ako ng van pabalik sa amin, umiiyak ako na parang batang inagawan ng candy... parang t*nga lang.
pag ngumiti, kita ang gilagid!
fast-forward to present day, nag-message siya sa fb. hayun, nangangamusta. i told him everything... my frustrations and disappointments sa kanya. sabi ko na buong buhay ko, parati nalang akong iniiwan ng mga taong malapit sa akin... and each time, it gets a bit more painful than the last time at iyon din ang ginawa niya. at the end of our conversation, sabi niya speechless na siya... sabi ko, "it's ok. you've been speechless since your graduation." ewan ko ba... I should be immuned by now pero hindi ako matauhan. siguro tama rin yung isang kaibigan ko. i expect and give too much kaya parang parati akong lugi. when will I ever learn?
______________
On a lighter note, sa lahat ng nanalo sa PEBA, congratulations lalo na kay Xprosaic na nanalong most popular blog at kay pareng Jag na naka-vest at siyang tumanggap ng award ni xprosaic. hehe. Advance Merry Christmas to you all...
Japan dream came true
3 months ago
prostration ko din yan.. yung magkaroon man lang ng kapatid na lalaki o ng kuya.. kaya ayun binubuhos ko nalang sa mga pagkakataon na yan sa mga pinsan at estudyante kong mga lalaki... tinuturing ko silang mga maliliit na kapatid... hay buhay...
ReplyDeleteteka hulaan ko yung iniyakan mo
ReplyDeleteikaw ang lahat sa akin?
hahha :D eniwey, gusto mo sayo na lang kuya ko?
Ako may apat akong kuya...pero sa panganay ako pinakamalapit...sa knya ako nagsasabi ng mga probs ko...iba tlga ang may kuya mas nakakaintindi sayo kesa ate...cguro batang sipunin ka kasi batang iyakin ka hahaha Peace parekoy! tahan na hehehe...
ReplyDeleteat aba isipisyal mention pa ako hahaha...
Merry xmas!
at ikaw na ang naka braces...sakit sa ulo niyan hahaha...
ReplyDelete@kikomaxxx naks... swerte naman ng mga estudyante mo. siguro puro uno mga grades ng mga yun sayo no? hehe.
ReplyDelete@mots tumpak. yun ata yun. hehe. galing mo ah? saka parang ayaw ko yang kuya mo... pinamimigay mo eh! baka may diperensya! bwahaha
@jag buti ka pa... i wish i have a brother. saka tama ka.. although medyo malapit na kami ni ate ngayon, meron pa ring mga baga na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na pwede lang sabihin sa isang kuya. Haaay... saka... iyakin man ako, ero hindi ako uhugin na katulad mo! bwahahaha. wala na ang braces ko parekoy... pero andami pa ring kailangang trabahuin! bwisit na ngipin to... ilang taon na akong pinahihirapan!
ReplyDeleteps. sa ssunod na concert... isama mo naman ako para duet tayo. gusto ko yung "the renegades" para astig. hehe
Kaya pla hindi mo kamukha dahil mo pala tlaga kuya yun! Pero bakit parang magsingtanda lang kayo?
ReplyDeleteAniweys,mahirap makatagpo ng kapatid lalo pat hindi mo naman kadugo, hehehe!
Wala naman permanente sa mundo eh, lahat ay nagbabago, kahit ang mga taong makakasama mo, hindi pwedeng maksama mo sila habambuhay!hehehe
Ingat bro, tahan na!hehehe
Huwaw! nanginig buong katawan ko nung nabasa ko ang huli! di ko inasahan yun ah! maraming salamat ah! hehehhehehehe nahiya naman ako biglang may special mention! saka nakavest talaga siya! ahahahahhaha siya na!lol... ahahahahhaha.... Swerte ko lang at malapit kami lahat sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko an rin na minsan kung umasta eh kapamilya na rin! Pero ganun talaga minsan... kahit magkasamaan man kayo ng loob minsan maaayos at maaayos niyo pa rin yan... ganyan naman ang tunay na pagkakaibigan lalo na kung marami kayong pinagsamahan...hehehehhehehe
ReplyDeleteI can relate. Not in having a kuya. I actually have. Lol.
ReplyDeleteIt's just that, we are alike, we get too attached easily, that's why its hard for us to let people go.
Its unfair naman tlaga kase, you put them first, but they always put someone else first. Its so hard to be apathetic. Thats why at the end we are always the losers.
apat kaming mga barako at ako ang panganay. pangarap ko rin dati magkaroon ng kuya kaso mas masarap maging kuya dahil ikaw ang nasusunod! hehehe.
ReplyDeletesana mabasa rin ito ng iyong equally-poging kuya.. nakakatuwa naman kayong dalawa. i misd my one and only bro too. we did not grew closer together, now he lives far away from us. you're blessed to have him still around, im sure you got lots to share and to discover pa, may u have more bonding time..
ReplyDeletetxs for your unwavering visit BRO, you made me inspire to continue writing, realizing that i still have a loyal reader in u.. :) MC!
gusto ko ring magkaroon ng kuya kaso wala eh panganay ako at puro pa kami babae kaya siguro naging mas malapit ako sa mga lalake
ReplyDeletemerry christmas!
Minsan ganun talaga, people come and go. They do not have any idea hoe much they affect their lives. So as a consolation, just be glad that once in your life, may nakilala ka like them. The sooner you realize that the better you'll feel.
ReplyDelete@drake oo... mas pogi ako sa kanya eh. hehe. advance merry christmas parekoy :P
ReplyDelete@xprosaic aba siyempre, dapat talaga special mention ka... astig yung award mo eh saka si jag astig naman vest niya. hehe. congrats ulit parekoy :P
@ceedee i guess it's about time for us to learn huh? advance merry christmas to you :P
ReplyDelete@nobenta power-tripper ka pala eh.hehe. ako, pag ako ang kuya... siguradong spoiled ang mga kapatid ko sa akin :P
@aj hindi niya mababasa to dahil hindi nila alam na nagbablog ako. hehe. saka.. talagang fan ako ng blog mo kaya talagang loyal reader mo ako eh. hehe. cheers para sayo parekoy. advance merry christmas.
ReplyDelete@glentot yeah... i know. but wanting something all your life and finally getting that and losing it is a lot harder than it seems. haay... advance merry christmas pareng komikero.hehe. taa na muna ang porn ha? hehe.
@superjaid ayos lang yu. cherish what you have. advance merry christmas to you and you family :P