__________________
August 6
umuulan na naman sa Baguio. naaasar ako tuwing umuulan dito, bukod kasi sa wala akong payong(andami ko daw pambili ng pagkain pero wala akong pera pambili ng payong?!) ay parati rin kasing nasisira ang mga sapatos ko. naalala ko tuloy nung first year pa lang ako. bago mag-pasukan, bumili ako ng mga mamahalin at orig(take note of mamahalin. hehe) na sapatos para naman maganda ang salubong sa akin ng una kong semestre sa unibersidad. P*kening! hindi pa man tapos ang unang semestre, lumuluwa na at naghihingalo ang mga sapatos ko. haay... sayang ang pera kaya simula nun, madalas na akong mag-tsinelas papuntang schoool, tutal naman ay ok lang ang pumasok nang naka-tsinelas. minsan pa nga, may pumasok na ang suot ay pajama, with matching umuusok na kape at sabog ang buhok ha?!Teka, bakit nga ba ako naghahalungkat ng ala-ala mula sa baul? Eh kasi naman, nakaka-senti ang ulan! saka wala akong mapuntahang iba dito sa school dahil hiniaram yung id ko(hindi tuloy ako makapasok ng library) at basa naman ang tambayan! ayaw ko namang tumambay sa canteen at baka matukso pa akong lumamon kaya ang ending, hindi ko man ginusto, andito ako sa piling ng una kong minahal. whops, wag kang excited! hindi ex ang tinutukoy ko, kundi ay ang lugar na bumuo sa ilan sa mga maliligayang taon ko sa unibersidad, ang Guidance Councilor's Office. whops! teka lang ulit, hindi ako pasaway kaya ako lagi dun. doon kasi ang tambayan ng grupong sinalihan ko. noong ikalawang taon ko sa kolehiyo, naging parte ako ng Peer Facilitator's group, kung saan naging layunin namin ang tumulong sa mga "bagong salta" sa unibersidad. haay... nakaka-miss. may mga bagay talaga na kahit sobrang mahal mo, kailangan mong pakawalan dahil hindi na kayo makahinga nang magkasama. ganun pa man, mananatili ang mga ala-ala at layuning inukit nito sa aking pagkatao, lalo na ang mga taong minahal ko kasama ng samahan. P*kening! sobrang kadramahan na to! tama na nga, tutal tumigil na rin ang ulan. sabi nga nila, "masarap ang umiyak tuwing umuulan dahil naikukubli ng mga patak ng ulan ang patak ng kalungkutan." dahil tumila na ang ulan, masaya na dapat ulit. dapat...
_________________
i just realized, mas masarap pala ang pasta pag hindi na mainit. yumyum. hehe. saka, ilang araw na lang pala, isang taon na ang aking blog. wow, halos isang taon na pala akong nagba-blog. akala ko hindi na ako aabot ng anim na buwan eh. hehe. any ideas for a blogaversary?(i know, totally corny. but still...)
photo taken from http://member.mibba.com/155542/
namiss ko ulit ang bagyo lalo na pag umuulan. ang dalas kasi umulan dyan. haaayy, parang pati ako napasenti na rin, haha :)
ReplyDeletewoahw, happy blogaversary. more blogaversaries to come :)
Ayaw ko ng ulan, ang gloomy...
ReplyDeleteHappy anniversary :) kanta ka na lang! Haha
Happy Anniversary Par!
ReplyDeleteAko naman gusto ko ulan at bagyo lalo na pag nasa bahay lang, masarap matulog at minsan mag movie marathon kasama si wifey!!!
Hays ang ulan talaga kung ano-anong kasentihan ang ibinibigay sa tao LOL...ayaw ko pag gloomy ang panahon di ako makagala LOL...
ReplyDeletePero in fairview, namiss ko na ang Baguio hehehe...
Congrats sa blog mo...keep writing!Kung ano ang magandang gawin sa anniversary mo? uhmmm...magpamudmod ka ng limpak limpak na papremyo sa amin waokokoks...
ReplyDeleteHahahahhaha same pala tayo kasama sa peer groups kaso di ako tumatambay dun kasi kinakahiya ko sarili ko na nandun ako kasi isa akong unconventional sa grupo dahil lahat sila mababait at ako sobrang pasaway... at iba rin ang ideas ko... lolz... Lapit na anniv ha! naks! congrats parekoy!
ReplyDeletenakanakanaks. taga baguio pala you. minsan nga makapunta dyan ay huhuntingin ko si nightcrawler, bibigyan ko ng payong at rubber rainshoes. lol
ReplyDeletepag nag rarain tlaga, big effect sa emotional part ng katawan natin ano po?
@karenanne salamat sayo. panu nga ba magcelebrate ng blogaversary? hehe.
ReplyDelete@roanne minsan, masarap din pag umuulan lalo na pag maalinsangan. hehe. kumanta? hmmm... i'll think about it :P hehe
@mokong salamat parekoy. gusto ko ng ulan pero ayaw ko ng baguio... especially dahil dun sa experience ko nung birthday ko last year...
ReplyDelete@jag salat parekoy. gift ko? hehe. dumalaw ka kasi sa baguio para naman malibre mo ako sa countryclub. hehe. at saka, ikaw dapat magpamudmod ng pera kasi ikaw ang mayaman sa ating dalawa. hehe.
@xprosaic haha. sometimes, maganda rin na maiba tayo sa karamihan. it's nothing to be ashamed of parekoy. salamat sa pagbati :P
ReplyDelete@tong-tong sige, punta ka dito at aasahan ko yang mga pasalubong mo. hehe. saka, tama ka. iba talaga ang epekto ng ulan... nakaka-emo! hahaha
Naku feeling mayaman lang ako pero isa rin akong timawa parekoy pramis!hehe...
ReplyDeleteMabuhay ang mga bampira! LOL.
naku, kung timawa ka, ano na lang ako? patay-gutom? grabe! haha. tama ka! mabuhay mga bampira! let's drink to that! blood? haha
ReplyDeletenaiiisip ko ang kanta ng APO. pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay.
ReplyDeletehumanda ka na night crawler! ako si wolverine mag tutuos tayo! ching!!
haller haller neybor! ahahahaha... ka-begyowwwww citehhh pala kita hahaha..
ReplyDeleteheypi berdey sa blog mo.. keep on writing... :D
gusto ko ang uan, kasi maganda mag fashion show.. heheheheheheehhe
ReplyDeleteWow taga-Baguio ka pala, ako rin dati, sa SLU ako nag-aral.
ReplyDelete@tong-tong ikaw si wolverine? wala yan sa akin. ako si nightcrawler! laban ka? daig ko pa ang call center agents sa puyatan! nyahaha.
ReplyDelete@yanah yup. dito ako "nagaaral." ayaw ko na ngang iwan ang baguio eh. ang lamig kasi. nyahaha. salamat :P
@tim hindi ako makakapag-fashion show dito kasi tuwing umuulan, sira agad suot ko. nyahaha.
ReplyDelete@glentot talaga? madami ako kaibigan dun. ano year ka gumradweyt?
sanay ka pala sa malamig. pwedeng pwede ka sa mga bansang merong snow
ReplyDelete:-)
Wuy parekoy! first off, Happy First Year Anniversary sa blog mo ^_^
ReplyDeleteWow, emo sa panahon ng tag-ulan hehe... gawain ko din yan lols. Yung tipong nakadungaw sa bintana, nakatanaw sa kawalan habang pumapatak ang ulan haha... with matching mainit na kape or choco at sopas. Sarap!
ay nakupo, naalala ko un estudyante ko, bawat semestre e nagpapalit ng sapatos, sb ko, "ay bota kya ang iyong dalin", hehe
ReplyDeletenkatsinelas pumasok??? haha, parang alam ko na kung saang UNIBERSIDAD ka.
ReplyDelete@abou exactly... canada is my dream place.
ReplyDelete@fielkun haha. talagang naka-dungaw sa labas? parang pelikula lang ha? gusto ko, may kasamang champorado. hehe.
@imriz haha. bota? ang bigat naman nun. saka, malak ang paa ko kaya walang size na kakasya sa akin. buti na yung tsinelas, magaan. hehe.