Aug 23, 2010

MASAYA


kung kaya ko lang liparin to, gagawin ko

it has been awhile since i poured my emotions in here. ganoon naman kasi talaga ako eh. i don't like talking about problems... gusto ko parating masaya kahit na minsan ay hindi na kaya. i feel like i have caused so much problem and pain to a lot of people na umabot na sa point na i feel so useless and that hiding behind a mask would make it all better, kahit para na lang sa kanila. madalas natatanong ko sa sarili ko kung bakit hinahayaan kong maging ganito ang buhay ko. may patutunguhan pa ba ako? para akong ibong hindi makawala sa hawla. gusto kong lumipad... pero hindi ko alam kung saan. minsan, nakakabaliw na talaga. gusto kong maging malaya sa lahat ng nagpapahirap sa akin ngunit paano? paano ko magagawang kumawala sa mga bagay na nagpapahirap sa akin kung sila din ang mga bagay na nagiging rason ng aking pagkabuhay? nakakatawa hindi ba? nakakatawa...

_________________

Marami tayong taong nakakasalamuha sa araw-araw. Minsan, may mga taong matagal mo ng kasama, matagal mo ng mahal, ngunit hindi mo pa pala lubusang nakikilala. Maaring nakaka-usap mo ang isang tao ngunit hindi kayo nagkaka-intindihan. Nahahawakan mo siya ngunit hindi mo siya maramdaman. nakikita mo siya pero ilusyon lang pala. Kagabi, nakilala ko ng lubusan ang aking ina. ilang taon ang lilipas, makakalimutan natin ang mga eksaktong bagay na sinabi natin sa isa't isa, ngunit hindi ang pakiramdam na sa unang pagkakataon, naintindihan kita. maaming salamat ma... mahal kita.

_________________

sa lahat ng nakakakwentuhan ko dito, salamat sa inyo. Hindi niyo lang alam kung gaano niyo napapagaan ang pakiramdam ko. halos isang taon na rin akong nagkukwento ng mga kadramahan, katakawan, katatawanan, at kung anu-ano pang kuwan tungkol sa buhay ko. salamat sa lahat.
ps. hindi naman ako tumigil sa pagba-blog, nagpahinga lang sandali. demanding ka? P*kening! hehe. joke lang.

13 comments:

  1. totally agree ako sa second paragraph...God bless sa inyong mag-ina!Yan nmn pla eh hangsweet po parekoy hehe...

    ReplyDelete
  2. kahit baguhan pa lang me d2, you can count me in as a friend.


    oks lang lahat yan

    ReplyDelete
  3. Andami na talagang nagtitime out sa blogworld... Madalas eh busy lang... lolz... Hanggang sa muling pagbabalik mo parekoy!

    ReplyDelete
  4. ganyan din ako minsan, i mean mostly. you can count me too :)

    ReplyDelete
  5. Kahit dito lang sa blog tay nagkakilala... you can count me too parekoy...

    ReplyDelete
  6. Whee! ang sweet mo naman parekoy haha! naku, mukhang medyo na guilty ako sa 2nd paragraph... pakiramdam ko di ko pa nagagawa yan sa nanay ko >_<

    ReplyDelete
  7. @jag ganun talaga... medyo nilalanggam na nga ako sa sobrang ka-sweetan eh. hehe.andami ko nang hindi nababasang post mo parekoy ah... babasahin ko lahat yun promise!

    @tong-tong salamat sayo parekoy. new friends are always welcome. pahinging doughnut. hehe

    ReplyDelete
  8. @xprosaic haha. medyo tapos na ang aking hibernation parekoy. hehe. salamat.

    @karenanne maraming salamat sayo. i appreciate it :P

    ReplyDelete
  9. @mokong naku ha. maiiyak na ako nyan. haha. salamat sayo parekoy. ang laswa ng picture mo! dahil dyan... gagayahin ko yang post mo! hahaha.

    @fielkun it's never too late parekoy. pwede pa naman eh. grab the opportunity while you still can :P

    ReplyDelete
  10. see you later...hahaha....

    napadaan lang.....

    yngats lagi....

    ReplyDelete
  11. kung pupunta ka dito sa davao, just buzz me up.. will tour you around..

    ReplyDelete
  12. hello! medyo baguhan ako rito sa mundong ito and your post made me feel comfortable to post. :-) im happy for u and your mom!

    ReplyDelete
  13. @passingby ok. you too...

    @tim haha. sige. sasabihan kita pag pupunta ako ng davao. free accomodations saka food ah, pwede pati pamasahe? hahaha

    @cc welcome sa mundo ng pagba-blog. it's good to know na may kwenta pala ang mga sinusulat ko sa iba. hehe. keep on blogging, a'ayt?

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!