__________________
August 6
umuulan na naman sa Baguio. naaasar ako tuwing umuulan dito, bukod kasi sa wala akong payong(andami ko daw pambili ng pagkain pero wala akong pera pambili ng payong?!) ay parati rin kasing nasisira ang mga sapatos ko. naalala ko tuloy nung first year pa lang ako. bago mag-pasukan, bumili ako ng mga mamahalin at orig(take note of mamahalin. hehe) na sapatos para naman maganda ang salubong sa akin ng una kong semestre sa unibersidad. P*kening! hindi pa man tapos ang unang semestre, lumuluwa na at naghihingalo ang mga sapatos ko. haay... sayang ang pera kaya simula nun, madalas na akong mag-tsinelas papuntang schoool, tutal naman ay ok lang ang pumasok nang naka-tsinelas. minsan pa nga, may pumasok na ang suot ay pajama, with matching umuusok na kape at sabog ang buhok ha?!Teka, bakit nga ba ako naghahalungkat ng ala-ala mula sa baul? Eh kasi naman, nakaka-senti ang ulan! saka wala akong mapuntahang iba dito sa school dahil hiniaram yung id ko(hindi tuloy ako makapasok ng library) at basa naman ang tambayan! ayaw ko namang tumambay sa canteen at baka matukso pa akong lumamon kaya ang ending, hindi ko man ginusto, andito ako sa piling ng una kong minahal. whops, wag kang excited! hindi ex ang tinutukoy ko, kundi ay ang lugar na bumuo sa ilan sa mga maliligayang taon ko sa unibersidad, ang Guidance Councilor's Office. whops! teka lang ulit, hindi ako pasaway kaya ako lagi dun. doon kasi ang tambayan ng grupong sinalihan ko. noong ikalawang taon ko sa kolehiyo, naging parte ako ng Peer Facilitator's group, kung saan naging layunin namin ang tumulong sa mga "bagong salta" sa unibersidad. haay... nakaka-miss. may mga bagay talaga na kahit sobrang mahal mo, kailangan mong pakawalan dahil hindi na kayo makahinga nang magkasama. ganun pa man, mananatili ang mga ala-ala at layuning inukit nito sa aking pagkatao, lalo na ang mga taong minahal ko kasama ng samahan. P*kening! sobrang kadramahan na to! tama na nga, tutal tumigil na rin ang ulan. sabi nga nila, "masarap ang umiyak tuwing umuulan dahil naikukubli ng mga patak ng ulan ang patak ng kalungkutan." dahil tumila na ang ulan, masaya na dapat ulit. dapat...
_________________
i just realized, mas masarap pala ang pasta pag hindi na mainit. yumyum. hehe. saka, ilang araw na lang pala, isang taon na ang aking blog. wow, halos isang taon na pala akong nagba-blog. akala ko hindi na ako aabot ng anim na buwan eh. hehe. any ideas for a blogaversary?(i know, totally corny. but still...)
photo taken from http://member.mibba.com/155542/