Jun 19, 2010

Estudyante Blues at ang cute na bata...


http://www.bbc.co.uk/switch/surgery/advice/
images/all/art_failed.jpg


asar talaga... marunong talagang magparusa ang mundo. sabi nga nila, kung ano ang ibinahagi mo, iyon din ang ibabalik sayo. kaya kayo, wag niyo akong gagayahin ha?

we were given a concept paper due two days after the assignment was given. grabe, sobrang sakit na ng neurons ko sa subject na to, to think na dalawang linggo pa lang ang klase. since medyo tinamad at sobrang bilib sa sarili, i decided to do the paper the night before the submission, since paniwalang-paniwala ako na mas lumalabas ang creative juices ng utak ko kapag napi-pressure ako... wrong move! walang lumabas, kahit pa-utot lang na sentence, wala! kaya ang ending, hindi nanaman ako natulog. haaay... i was hoping na matatapos ko yung paper before the class starts pero hindi ako umabot sa oras kaya tuloy nagkaruon na ako ng absent mark ngayong sem. p*kening naman oh. Since nasasayangan ako dahil nag-effort din naman ako sa paper, kahit na bigyan na ng malaking deduction ang paper ko basta tanggapin lang niya, ayos na sa akin. guess what i found out? Pwede pa palang mag-pass ng paper even after class hours. Asar! kung alam ko lang, nakapasok pa sana ako at nagawa ko pa ng mas maayos ang paper ko. ay sus! grabe naman ang world! binato ko lang ng bato, in-armalite na ako. huhu. kaya kayo, wag niyo na hintayin ang deadline bago gawin ang papers ha? at siguraduhing nakikinig sa instructions para kapag pasahan na ay hindi ka nangangamot ng puwet(lalo na kung hindi mo naman puwet yun!)

__________________________

habang kumakain ako ng isaw sa may kanto, narinig ko mula sa isang maliit na cute na batang babae, "papa, isuot mo na itong jacket ko para hindi ka magkasakit." awww.... parang gusto ko tuloy pakyawin lahat ng tinda sa isawan para ibigay sa sweet at cute na bata. ang swerte naman nung tatay, at bilib ako sa kanya at maganda ang pagpapalaki sa bata. karapat-dapat siyang i-clap-clap! ang hindi dapat i-clap-clap? yung mga magulang nung bata sa India na hinayaang malulong ang cute na cute din nilang 2-year old baby sa sigarilyo. haayyy... sila ay dapat i-slap-slap! bad yun!!!

http://www.edupics.com/father-and-daughter-t10753.jpg

sa lahat ng mga tatay diyan, happy father's day sa inyo :P

20 comments:

  1. nangyari sa akin ng madalas yan noong nag-aaral pa ako. ang masaklap, dahil nga malufet ang mundo, ay nangyayari siya sa akin kahit ngayong nagtatrabaho na ako! papagawain ka ng boss mo ng sangkatutak na reports tapos kapag isa-submit mo na ay wala naman siya o kaya ay parang wala lang!

    nakakaasar yung ganun. ang moral ng story, dapat maging teacher at boss tayo para tayo nalang ang nagpapahirap sa buhay ng ibang tao! lols.

    ReplyDelete
  2. nakakarelate...cramming=creative juices-epektibo sakin. pero naman, talagang mas creative pa siguro if pinaglaaanan ng time aT passion ano? haha. pero sa totoo lang , siguro 80% ng mga requirements ko in my entire college were overdue! haha...at parang eventually alam ko na ang techniques at tamang excuses para lang makasubmit wahaha...dapat tayong i clap clap haha

    ReplyDelete
  3. nakakarelate...cramming=creative juices-epektibo sakin. pero naman, talagang mas creative pa siguro if pinaglaaanan ng time aT passion ano? haha. pero sa totoo lang , siguro 80% ng mga requirements ko in my entire college were overdue! haha...at parang eventually alam ko na ang techniques at tamang excuses para lang makasubmit wahaha...dapat tayong i clap clap haha

    ReplyDelete
  4. Naku 11th hour na din ako kung gumawa ng projects at assignments noon hahaha pero sa awa ng Diyos nakahabol pa rin nmn hehehe...

    Goodluck sa studies mo parekoy!

    Dapat mo din pla i-clap clap ang tatay ko kasi mabait ako nyahahaha...

    sa wakas sumulpot n din ang kabute sa tagal ng pagkakawala dito hehehe...Yeah I'm back! hehehe...

    ReplyDelete
  5. ako din, majority of my papers were beating the last minute! exciting!HAHA, pero haggard, at minsan talaga stressful, pero still ended up exceptional! joke! hindi naman lahat. We're just mayabang!haha

    ReplyDelete
  6. Advance Happy Father's to your father and to all the fathers out there... May God give them more blessings in the coming years...

    ReplyDelete
  7. @nobenta haha. gusto ko yan parekoy. can't wait to be my own boss! haha. when i have my own restaurant, lagot sila sa akn. haha

    @sendo haha. grabe naman parekoy. 80%? turuan mo naman kami ng technique mo parekoy para masubukan kung talagang effective! hahaha

    ReplyDelete
  8. @jag haha. mabait ka nga ba talaga parekoy? naku, parang di naman ata masyadong halata! hahaha. sige na nga, pwede na rin. happy father's day to your pop :P

    @alf wow... napadpad ka dito idol! naku, first time na may celebrity na nag-comment dito. haha. thanks idol. buti naman at balik-blogging ka na idol. at hindi ako nagtataka kung bakit exceptional mga works mo. haha.

    ReplyDelete
  9. @aileeverzosa hmmm... salamat kaso hindi ko alam kung asaan siya eh. sabihin ko pag nakita ko na siya ha? hehe. happy father's day to you father :P

    ReplyDelete
  10. Okay lang yan brod bawi ka na lang uli sa susunod ganyan talaga may mga pagkakataong wala tayong mapiga sa utak natin kaya hayaan mo na lang ,ako madalas ko yang maranasan!hahaha!

    Happy Father's Day sa iyong Tatay!

    ingat

    ReplyDelete
  11. Naku ugali ko rin yang kung kelan last minute saka ako nagpapasa lols... pero minsan umaabot naman, pero kadalasan hindi haha XD

    ang cute ng story mo tungkol sa mabait na bata ^_^ tamang tama sa fathers day :)

    ReplyDelete
  12. hmmm moral lesson wag huhugasan ang pwet lalo n kung hindi mo pwet yun..tama b?

    haha

    wag n kasi crammming. mahirap yan. gawain ko rin yan dati..joke..hnd ako gumagawa ng assignments eh

    happy fathers day sa tatay mo

    ReplyDelete
  13. @drake haha... wala kasing mapiga sa neurons ko talaga. haay... sabi nga nila, dapat mahal mo ang ginagawa mo para mahalin ka rin nito :(

    @fielkun nakakatakotno? kaya nga ayoko nang gumawa ng paper na late eh. hehe. dapat styudious na para walang hassle :P

    ReplyDelete
  14. @kikilabotz haha... kairi ka pareng kiki(haha. ampanget na nickname) hindi naman yun ang sinasabi ko. hugasan mo naman baka magka-impeksyon ka! haha... ayoko nang mag-cramming. haaayy... happy father's day sa papa mo :P

    ReplyDelete
  15. crammer ka pala
    hehe
    ayos yan
    ako din, eh
    nyahaha

    ReplyDelete
  16. promise totoo!!! ewan haha...iba iba lang kasi un sa tao hehe..

    ReplyDelete
  17. ok ah, ganadang post!!!

    ReplyDelete
  18. Offtopic lng! Belated Happy Father's Day sa tatay mo parekoy!!!

    ReplyDelete
  19. @raft3r naku... bakit parang puro crammer lahat ng bloggers? ahhh... alam ko na... masyado kasing busy sa mga blogs kaya wait muna ang reports? hahaha

    @@sendo oo nga eh. asar yung iba. mas magaling kahit hindi naghahanda. not fair! hmpft...

    ReplyDelete
  20. @g4strainer ows? binasa mo? haha. anyway... welcome pa rin sa aking blog :P

    @mokong salamat parekoy. happy father's day to your pop as well :P

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!