Jun 21, 2010

none at all?!

i have always hated father's day because while everyone is celebrating, it always reminds me of the fact that i have no one to celebrate it with. all those texts i receive each year, greeting my father and congratulating him for teaching me to be a good person, just makes me cringe a little. last night, a good friend texted me and said, "you know what insan(he has nicknames for his friends), your parents did a great job in raising a fine gentleman that you are. So happy father's day to your dad..." i was so heartbroken when i received the message, not because he was not around but because no one was around. i have no father, atleast not in the truest sense of the word. each time a friend asks me how i feel about him, no one would believe me that I don't miss him. In fact, i am almost positive that i don't feel anything for him at all. is that mean? i don't know...

i was suppose to post a funny video today but apparently, Blogger is broken, or maybe it's my laptop... but i'll just assume it's Blogger's fault. haha. I'll be gone for a while to focus on my studies(it's harder to focus when you have no passion for what you do) and our upcoming projects for the org(this i have a passion for :P)... but knowing how i love blogging and reading my fave blogs, it will be hard for me to stay away from all these. in fact, I'll give it a week before i crack. until then... ingat :P


my favorite picture...
this is the most powerful i have ever felt,
like I'm on top of the world.
this is still from my Mt. Kabuyao adventure...

Jun 19, 2010

Estudyante Blues at ang cute na bata...


http://www.bbc.co.uk/switch/surgery/advice/
images/all/art_failed.jpg


asar talaga... marunong talagang magparusa ang mundo. sabi nga nila, kung ano ang ibinahagi mo, iyon din ang ibabalik sayo. kaya kayo, wag niyo akong gagayahin ha?

we were given a concept paper due two days after the assignment was given. grabe, sobrang sakit na ng neurons ko sa subject na to, to think na dalawang linggo pa lang ang klase. since medyo tinamad at sobrang bilib sa sarili, i decided to do the paper the night before the submission, since paniwalang-paniwala ako na mas lumalabas ang creative juices ng utak ko kapag napi-pressure ako... wrong move! walang lumabas, kahit pa-utot lang na sentence, wala! kaya ang ending, hindi nanaman ako natulog. haaay... i was hoping na matatapos ko yung paper before the class starts pero hindi ako umabot sa oras kaya tuloy nagkaruon na ako ng absent mark ngayong sem. p*kening naman oh. Since nasasayangan ako dahil nag-effort din naman ako sa paper, kahit na bigyan na ng malaking deduction ang paper ko basta tanggapin lang niya, ayos na sa akin. guess what i found out? Pwede pa palang mag-pass ng paper even after class hours. Asar! kung alam ko lang, nakapasok pa sana ako at nagawa ko pa ng mas maayos ang paper ko. ay sus! grabe naman ang world! binato ko lang ng bato, in-armalite na ako. huhu. kaya kayo, wag niyo na hintayin ang deadline bago gawin ang papers ha? at siguraduhing nakikinig sa instructions para kapag pasahan na ay hindi ka nangangamot ng puwet(lalo na kung hindi mo naman puwet yun!)

__________________________

habang kumakain ako ng isaw sa may kanto, narinig ko mula sa isang maliit na cute na batang babae, "papa, isuot mo na itong jacket ko para hindi ka magkasakit." awww.... parang gusto ko tuloy pakyawin lahat ng tinda sa isawan para ibigay sa sweet at cute na bata. ang swerte naman nung tatay, at bilib ako sa kanya at maganda ang pagpapalaki sa bata. karapat-dapat siyang i-clap-clap! ang hindi dapat i-clap-clap? yung mga magulang nung bata sa India na hinayaang malulong ang cute na cute din nilang 2-year old baby sa sigarilyo. haayyy... sila ay dapat i-slap-slap! bad yun!!!

http://www.edupics.com/father-and-daughter-t10753.jpg

sa lahat ng mga tatay diyan, happy father's day sa inyo :P

Jun 14, 2010

1 inch bigger


a random picture of the majestic view i've experienced
during my adventure in Mt. Kabuyao.


it has been a week since my last post. kung last week, emotionally exhausted ako, ngayon naman ay physically and mentally strained na ako. walang patawad ang mga profs. usually, tinatamad pa ang mga profs during the first week pero ngayon parang naghahabol sila ng oras. na-bwis*t kaya sila sa mga feedback namin sa kanila sa evaluation namin last sem? parang pinagsisihan ko tuloy na binagsak ko ang karamihan sa kanila sa evaluation. ayan tuloy, hindi na lang sila mabagsik na profs... mga monsters na sila gayon. haaayyy... Na-sampolan na nga ako agad ng isang prof sa pre-thesis course ko eh. Bilib daw siya sa napili kong topic kaso sobra daw akong excited dahil masyado na daw detailed ang sinulat ko. eh panu ba naman kasi sir, minimum of four pages ang hinihingi mo at ang instruction mo eh ibigay lang ang meaning ng topic na gusto mo. Paano kaya yun? Ayusin mo buhay mo ah. PS. kung sakaling blogger ka din pala sir, joke lang to ah. wag ka masyado seryoso, sige ka, lalo kang mapapanot niyan. hahaha. peace :P

Siyempre, hindi naman lahat ng back-to-school happenings sa akin ay puro p*kening. i got to see my friends again, i was excited about that. yung iba pa nga na mga sosyal na galing pa ng san francisco(pronounce it with a twang) namigay pa ng mga pasalubong. AYOS ang keychain at snickers bar, parang walang ganito sa Pinas. nyahaha. pero teka, parang ang laki ng snickers na gawa sa tate. nagulat nga ako eh, atleast an inch na mas malaki ang kanila kesa sa mga binibenta dito. asar naman mga ka-toto, talo nanaman tayo pagdating sa inches. wahaha.

too yummy to share

Another thing that we were ecstatic about was our friend being appointed as the new head of their fraternity. Ayos ah. Bigla nga ang mga pangyayari. Kaya pala hindi nagrereply ang talimutak(may term bang ganito?) nung araw na yun kasi hinahalal na pala siyang bagong head. Nung malaman namin, instant party agad sa bahay. siyempre, halos wala nang tulugan yun, buti na lang madami siyang gamit sa bahay, kulang na lang eh brip niya at para na siyang boarder sa bahay. hahaha. Congrats brother, talagang mapaninindigan na natin na hebigats ang barkada natin. Isa ang Sk chairman. Isa ang head ng Org. Isa ang head ng frat. at isa ang Lawyer. i am so proud of us guys...(parang tatay?) wahaha. Speaking of the lawyer, maraming salamat sa iyong libreng dinner nung isang araw. konting tiis na lang kuya, may bago ka na ring tsikot. pahiram ha?

Salamat sa lahat ng mga parekoy na patuloy na bumabalik at nakikibasa sa mga pangyayari sa buhay ng isang nightcrawler. malapit na palang mag-isang taon ang aking munting blog. what started out as a product of severe boredom has now become a part of my being. salamat sa pagiging parte ng buhay ko. ayos :P