May 26, 2010

panakip butas...



Kahapon, nakita ko siyang naglalakad...
malungkot, nagiisa,
walang kasabay sa daang tinatahak.
Lumapit ako at nagtanong, "may problema?"
Bigla siyang ngumiti, sabay sabi ng
"masama lang ang araw ko."

Kanina, muli kaming nagtagpo,
tumabi ako at siya'y muling sinabayan.
Nakangiti na siya!
Sabi ko, "mukhang di na masama ang araw mo."
Lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti, sabay sabi ng..
"Hindi na, nandito ka na eh. Di na ako malungkot, di na nagiisa."
____________________________

In one point or another, you'll need someone in your life... not only for comfort in trying times but you'll need someone who you can share your happiness with.

ps. huwag niyo nang masyadong pansinin ang kadramahan nitong post ko. Ang totoo niyan, matagal ko nang naisulat yan at gusto ko lang talagang takpan yung huli kong post na puro paa! hahaha. Speaking of paa, belated happy birthday sa aking ate. Hindi naman sa sinasabi kong mukha kang paa, amoy lang! hahaha. joke. Lambing ko lang sayo yan. Love you :P

photo from: http://i110.photobucket.com/albums/n94/snavenel
/istockphoto_798931_walking_together.jpg

14 comments:

  1. keso. masarap kaya 'yung crispy feet skin.

    pero seriously, mas masarap ang may kasama. siyempre naman.

    ReplyDelete
  2. ako, nag-iisa, kelan kaya makakahanap ng makakasama? :)

    ReplyDelete
  3. i agree, masarap ang may kasama...

    -Mervs
    http://mymervin.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. hahaha kala ko naman kung ano ng PANAKIP BUTAS... hehehe hai... kala ko pa naman makakarelate ako... well, naka-relate ren naman ako... hehehe

    ReplyDelete
  5. with all the possibilities in this world, why is it that i cant find the ONE? :(

    ReplyDelete
  6. @nobenta haha.. naku, ikaw lang ata nagkagusto dun sa crispy feet! wahaha.

    @shienadale in God's time... and when you find that person, it will be all worth the wait... whoa. nagiging cheesy na nkaya tama na. hehe

    ReplyDelete
  7. @mervin oo naman... no man is an island sabi nga nila.

    @aileenverzosa kaanu-ano mo si gardo? nyee... haha. ang corny ko. haha... panakip lang dun sa previous entry ko para hindi masyado pangit tignan! baka wala nang bumalik dito. hahaha.

    @vonfire those who wait are those who are rewarded(imbento ko lang yan, hehe) just hang in there... you'll see, it will be worth the wait :P

    ReplyDelete
  8. nice lumalove life hihihii

    ReplyDelete
  9. @jepoy wla akong lovelife! haha. baka ikaw.. ang sweet nga nung post mo dati eh. nyahaha.

    ReplyDelete
  10. uyyy!!! binata na si mr.nightcrawler maruniong ng mainlab hehehehe...

    happy bday sa paa este sa ate mo pla peace ate!(at nakiki ate pa ako nyahaha FC) hehe...

    malamng isa sa handa sa bday niya ung crispy feet skin yum yum yum...hehehe...

    ReplyDelete
  11. grabe, nakita ko yung paa sa baba. LOL. wala lang..hehe...

    ReplyDelete
  12. @jag hoy! di pa ako inlab no.. bata pa kaya ako. haha. pa-tweetums? hahaha. kadiri ka talaga parekoy.. ano kaya lasa ng feet skin?

    @karenanne haha. buti naman at hindi bumaliktad ang sikmura mo nung makita mo yung nasa baba. haha. peace :P

    ReplyDelete
  13. Ewan ko sau ikaw kaya naghanda ng crispy feet skin n yan hahaha ewness! hahaha...

    ReplyDelete
  14. @jag hoy... di ko naman sinabing yan yung handa niya no. siguro naka-tikim ka na no... aminin. hehe. at bakit parang puro lakwatsa mo ang nakikita ko sa blog mo? grabe naman... isama mo naman ako minsan. haha.

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!