totoo talaga ang kasabihan na "we are always after what we don't have. and when we finally get it, we always seem to be wanting something else." grabe. i've been so busy these past few weeks na nakalimutan ko na yata kung papano ang magpahinga. it has been 5 days of rest and now, my body seems to be missing stress! haha. akalain mo yun? well, proven naman na kailangan din ng stressors sa buhay ng isang tao but i always thought that i have had enough stress to last me a whole year. pero hindi rin pala. as much as i hate to admit it, namimiss ko rin talaga ang school. i miss doing papers, the long hours of studying at ang mga nakaka-iyak na exams ng mga prof na hindi mo alam kung saan nila pinag-kukuha. it has been five days since my vacation started pero bakit sa tingin ko, i've had enough? at dahil matagal-tagal na rin ako hindi nagku-kuwento ng mahaba-haba, pagbigyan niyo na ako. umihi na mga ineng. kumuha na ng chips mga parekoy. heto na ang isa nanamang "nobela."
nung unang araw ng bakasyon ko, sabado yun, i went to san fabian with two friends/orgmates para i-check yung lugar para sa fr kinabukasan. siyempre pinili namin ang pinaka-dulo para walang istorbo. lubog na ang araw nung matapos kami. pauwi na sana kami kaso meron din pala kaming org mate na malapit lang dun sa beach na naghihintay ng mga kasama niya para sa kanilang consti reading(i'm not sure kung allowed akong sabihin pero di naman niya mababasa to, hehe) dahil meron silang new set of officers sa student council. since wala pa ang mga kasama niya, we decided na maghintay sa mga kasamahan niya. buti na lang at may videoke dun at puro musikero(ahem) kami kaya solve na kami. nang maubusan kami ng limang piso(ang mahal pala! limang piso kada isang kanta), naka-kanta na lang kami sa kabilang cottage. pag nagpapatugtog sila, sinasabayan nalang namin! haha. iyan ang tinatawag na wais, in other words, no more coins! haha. nang magsidatingan ang kasamahan ng orgmate namin, siyempre umalis na rin kami. at talagang naghapi-hapi pa kami at sa likod ng truck kami sumakay pauwi! naghanap pa kami ng bukas na kainan dahil sarado na halos lahat ng kainan nung mga oras na yun. nang matapos kami kumain sa jobee(naalala ko tuloy mga kwento ni pareng drake), nakipag-kulitan pa kami sa isa pa naming kaibigan na papunta na ng states na sobrang maganda, mabait at hulog ng langit(halata bang madami akong pinag-bilin? haha). madaling umaga na nang maka-balik ako ng bahay, may kasama pang barkada dahil gusto daw niyang makusap(in other words, maka-landian) ang kanyang ex via internet. haha. kasi naman, kung mahal mo balikan mo! oops, buti na lang di niya nababasa to. just in case, peace tayo brother! haha.
photo taken from http://www.psychologytoday.com/files/u45/Internet_addiction.jpg
nung pangalawang araw naman, mas naging busy ang dakilang nightcrawler. araw na ng fr kaya siyempre, todo ang mga gawain namin ng araw na yun. siyempre, kahit na gaano kadaldal ang nightcrawler, di ko pwedeng sabihin sa inyo ang mga pinaggagagawa namin. bawal yun no!(pilitin niyo muna ako, hehe). anyway, congrats pala sa apat na bagong miyembro ng org namin. sana'y mahalin ang org at wag pasakitin ang ulo ko ha? teka, bakit nga ba ako nagmemessage sa inyo dito? wahaha. pagkatapos nun, pumunta pa kami ng birthday ng isa naming orgmate at nagliw-aliw pa kami sa ibang lugar. masaya talaga pag may dalang sasakyan, basta hindi lang iyo. mahirap maglinis! wahaha. masaya na sana ang tapos ng araw kaso bigla ako tinawagan ni mama. nasa ospital pala si uncle kaya kinailangan kong pumunta ng ospital para tignan ang kanyang kalagayan. -update: naka-uwi na siya. medyo nangayayat pero atleast, maayos na siya.
nung ikatlong araw naman, natulog lang ako ng buong araw. bukod sa pagtulog, nanuod ako ng showtime at ang paborito ng ate ko na wowowee. haha. puwede bang tanggalin na si willie? mukhang di na rin siya nageenjoy sa ginagawa niya eh. hehe. nagbasa rin ako ng kaunti(ok, this is a lie, ayoko lang isipin niyo na patabaing baboy ako! haha) at nag-check ng mga emails. ito na siguro yung pahingang tinatawag nila. haha
nung ika-apat na araw, dito ko na talaga naramdaman ang pagka-bagot. sobra nang nasanay sa routine at stress ng paghiging estudyante ang katawan ko kaya medyo nahihirapan na rin ako na puro pahinga(pwede palang mangyari to? haha) kaya ang ginawa ko, ikinain ko na lang ang frustrations ko. iyon talaga ng ayaw ok sa sarili ko, kapag frustrated ako, kumakain ako o natutulog. ang kaibahan nga lang, nung di pa tapos ang sem, walang panahon para kumain at matulo dahil hindi pa tapos ang isang problema, may kasunod na agad. ngayon naman, ang problema ko ay walang pinoprublema! haha
kanina, ika-limang araw ng bakasyon ko, di na rin ako naka-tiis. i had to get out of the house kaya nanuod kami ni ate ng pelikulang how to train your dragon. maganda naman ang pelikula, although it lacked the disney touch. hindi kasi character driven ang story, mejo hindi masiyado na-establish kung papaano naging close si hiccup(bidang lalake) at toothless(dragon). but the visuals were great, in par with the previous dreamworks movies, even good enough to be compared with the other disney/pixar films. over-all, i'm giving it a B+. pagkatapos naming manuod ng movie, umattend kami ng birthday celebration ng pinsan ko. another reunion of our clan ang naganap at nagbabalak pa silang magpagudpod bukas kaso di kami sasama. may iba yatang plano sina mama. i'm hoping for tagaytay. please, kahit saan wag lang baguio! utang na loob. di talaga ako sasama. magkukulong na lang ako sa bahay. haha
photo taken from http://4.bp.blogspot.com
grabe, ito na yata ang pinaka-mahaba kong post, parang kasing haba na to ng mga posts ni parang drake ah. hehe. peace tayo. anyway, madami pa akong kuwento sa inyo pero sa susunod na. di ko pa kasi magamit ang laptop ko, naiwan ko kasi sa boarding house iyong charger(excited kasi umuwi eh. hehe) ilan sa mga iku-kuwento ko pa sa inyo ay isang milestone sa aking "career," awards night, isang nakakadiring kuwento at kuwentong puyatan.
3.5 try
2 days ago
Grabe nga pareng crawler ubod ng haba ang mala teleserye mong kwento. At salamat nga pala sa pagkakasingit mo sa aking gwapong pangalan.hahaha
ReplyDeleteSo ano ba yang org mo na yan?huhulaan ko budol budol yan noh at ikaw ang lider! Joke!hahahaha
mukhang kinakarir ang pakikipaglandian ah, at mukhang nagpapalaki ka lang ng betlog ngayong bakasyon mo ah!
Oo nga pala parekoy hidni ka man lang nilibre ni Pareng Jag nung umuwi sya? Hayaan mo pwamis pag-uwi ko inuman tayo!lakas mo sa akin pre eh!ingat
happy april fools day! hoi! fyi, d ko favorite ang wowowee.. adik kang talaga bitch! lol
ReplyDeletesa dami ng pinost mo di ko tuloy alam ang ikokoment ko!
ReplyDeletehapi holy week na lang sa u parekoy! :D
uu nga ang dami di ko alam kung san makakpagcomment..manonood din ako nung how to train.. ung san fabian ba eh sa sanfabian beach sa pangasinan un?
ReplyDeleteteka..... ang haba naman nito parekoy ahehehe... di mo nga pala sinabi kung ano ang org mo....
ReplyDelete@drake haha. marami na kasi akong utang na kuwento kaya pinagkasya ko na sa isang post yung ilan. madami na ba yan parekoy? maghintay ka lang... madami pa ako niyan! haha. oo nga, di man lang nagsabi yang japayuking yan(peace tayo pareng jag) haha. sabi mo yan parekoy ah. cheers!
ReplyDelete@fatlady at talagang nahanap mo tong blog ko ah. wahaha. umamin ka na kasi na favorite mo ang wowowee. hehe.
@vonfire haha. ganun talaga parekoy. parang di ka na nasanay sa akin. mas mahaba pa diyan ang mga susunod! hhaha. happy holy week din sayo :P
ReplyDelete@ricodebuco sori na. maikli pa nga yan eh. hehe. yup, beach nga yon parekoy. maganda dun kaso madaming tao. manuod ka nung movie ha? astig yun
@saulkrisna ganun talaga parekoy. sikreto yun. haha. congrats nga pala sa no-smoking policy mo ha? healthy living dapat tayo parekoy :P
ReplyDeleteMukhang solb na solb ka dun sa pagvideoke ah? hehehe...
ReplyDeleteAko nga namiss ko n ang magschool din kaso can't make it this time...gusto ko uling mag aral kaso imposible na lalo na sa nature ng work ko hayz!
Akala ko nga mahaba haba ang pagbabakasyon ko eh un pla may trabaho pa rin palang aatupagin dito hayz!
Ganun lang siguro ang buhay. U cant have everything u want...
teka. inggit ako ah. pasali naman dyan sa org ng mga puyat at mga gala!hehehe jk!
ReplyDeletebuti ka pa, andami mong rest. oki yan./ makanuod nga ng dragon chuva na yan. hehe
@jag talaga? namimiss mo school? ayos ah. wag kang magalala, pag pumunta ka dito, magbibideoke din tayo parekoy. sino ba yang boss mo? gusto mo patambangan natin? haha
ReplyDelete@manik_reigun haha. pwede namang sumali parekoy. papahirapan ka namin. wahaha. nuod ka nung dragon, feeling ko kamukha mo yung dragon! haha. biro lang. peace tayo :
iv been hearing great reviews abt this movie...
ReplyDeletekelangan i-chek uot ko nga ito..
nanibago ako dito sa post mo... ang haba nga hahahah
di nakaksawang basahin pards! nakaka-aliw! parang may gumigiling!
ReplyDeletebravo!
@chingoy haha. ganun talaga parekoy. para maiba naman :P
ReplyDelete@ever at talagang kailangan may gumigiling? haha. sige na nga... may kailangan ka no? kaya ka sumisipsip! haha. biro lang parekoy.
Ouch! Nagka-head-ache ako sa kwento mo lolz. Saan kaya ako magco-comment? Diko rin gusto ang wowowee. Kasi kapag may ayaw si willy nakikita mo mismo sa set nya.
ReplyDeleteJules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
Haha buti na lang matchaga akong magbasa ng mga entries mo parekoy haha ^o^
ReplyDeletetalagang super busy ka these past days ha :)
Walang kwentang maghost si willie ng show nya... ibigay na lang nya kaya kina Pokwang, Valerie at Marielle ang trono... tuwing kakanta siya ng walang kamatayang mga songs nya, naku parang walang kabuhay-buhay at puro lip-synch lang amf! Plastik ni Willie lols.
@jules sorry na. pwede naman commentan mo lahat parekoy. nyahaha.
ReplyDelete@fielkun medyo lang parekoy. that and i'm sick. ilang araw na nga ako di makatulog eh. hay naku. buti na lang masipag ka magbasa parekoy. apir tayo :P