kumusta mga parekoy? isang linggo din akong hindi nakapag-sulat. ewan ko nga ba kung bakit. maraming beses kong sinubukan na magsulat ng bagong entry nitong mga nakaraang araw pero wala talaga eh. Hanggang titig na lang ako sa monitor. siguro talagang nasanay lang ako na sa laptop ko ako gumagawa ng mga entries ko. hindi rin nakatulong na ilang araw na akong may sakit(nagpapa-awa?) kaya halos puro tulog, kain, at pagbabasa(totoo na ito, promise!) ang inatupag ko nitong mga huling araw. siyempre, tulad ng dati, pinaka na-enjoy ko ang libro ni Bob Ong.
photo taken from http://4.bp.blogspot.com/
I'm assuming na kilala niyo si Bob Ong dahil kung hindi... Friendship OVER! joke lang. Hindi ko alam kung ano ang meron si Bob(close kami?). Kung babasahin mo kasi ang kanyang mga likha, mapapansin mong hindi siya masyadong magaling sa aspetong teknikal na tagalay ng ibang mga tanyag na manunulat. Hindi rin naman siya magaling mag-english at kung papansining maigi, magulo siya kung magkwento. walang continuity kumbaga. pero sa likod ng mga kakulangang ito, marami ang mga humahanga sa kanyang mga likha. marami ang nakitawa sa mga kapalpakan niya, naki-simpatya sa mga kadramahan "kuno" niya, at marami rin ang natakot kay ms. Tigang(kung di mo siya kilala, huwag mo na siyang kilalanin! haha). Bakit nga ba? Bakit sa dinami-rami ng mga magagaling na manunulat ay siya ang isa sa naging peyborit ko? Siguro dahil sa tuwing binabasa ko ang mga sinulat niya, nakakaramdam ako ng sense of familiarity. ang kanyang mga kwento ay kwento ng isang ordinaryong "Juan" na puwedeng mangyari sa iyo o sa akin. Ipinapa-alala niya sa atin ang tunay na halaga ng pagsulat, at iyon ay ang maipa-abot sa malawak na sektor ng lipunan, ke mayaman o mahirap, na sa bawat sulok na maaabot ng tanaw ng ating mga mata ay may kwento. Kwentong maaring kapulutan ng aral, saya, at iba't iba pang emosyon na hindi kayang ilabas ng diploma sa eskuwelahan o ang kakayahang teknikal ng isang manunulat(Siya lang ata ang kilala kong manunulat na kayang maka-buo ng isang libro gamit ang mga pakikipagsapalaran niya sa mga ipis, marvn at jolina, at kay ms. Tigang. o ha?). ang kanyang pinaka mabisang sandata? PUSO! Ipinapapaalala niya na ang bawat isa sa atin ay may kakayahang maging manunulat. Kung paggising mo sa umaga ay wala kang ibang nais gawin kundi ang sumulat, isa kang manunulat. Kung masaya ka sa pagbabahagi ng saluobin mo sa pamamagitan ng tinta ng bolpen o pagtipa sa computer, manunulat ka. At kung sa bawat armchair, dingding, lamesa, pader, at pintuan ay hindi mo mapigilang sumulat, isa kang Vandal! pasaway na mamayan! pero writer pa rin! hehe.
Bakit kwentong de papel ang title ng post na ito? Eh kasi sinulat ko muna sa papel bago ko tinipa sa computer ang post na ito. hehe. walang basagan ng trip , ' )
photo taken from http://comps.fotosearch.com/comp/
GLW/GLW112/side-profile-boy_~gwil11301.jpg
Japan dream came true
3 months ago
favorite ko din si Bob Ong dati kaso ngayon medyo na lang!!! hehehe hindi ko na nabibili yung mga libro nya ngayon... tinatamad na ko...magbasa
ReplyDeleteHindi ko gaanong idol si Bob Ong, siguro 3 books pa lang ang nababasa ko sa kanya! At halos isang taon ko yun binasa.
ReplyDeleteGrabe ka Pare akalainmong isinusulat mo pa sa papel ang lahat bago mo itype sa computer. Ayos ah tyaga mo!
ako kasi isang pasadahan lang, isang sulatan sa computer. Kaya kung minsan mali mali ang spelling at mali-mali ang thoughts!hahah
Ingat parekoy!
Parekoy, gusto mo lang ba talagang magpagod sa pagasusulat?hehe Ingat lage bro and iwas sa sakit..
ReplyDelete@mokong hay naku... wag maging tamad sa pagbabasa... hindi na baleng hindi si bob ong ang basahin basta ipagpatuloy ang pagbabasa parekoy. tatay? hehe.
ReplyDelete@drake atleast nabasa mo pa rin parekoy. hehe. grabe ka naman.. ngayon ko lang naman ginawa yun, di kasi ako sanay na hindi sa laptop gumawa ng entries. hehe.
@ruph hindi naman parekoy... hindi talaga ako makapagsulat eh. ad apparently, effective pala pag isulat mo muna sa paper. hehe. opo, nagpapagaling na ako. salamat parekoy :P
ReplyDeleteisang libro pa lang ang nabasa ko kay bob ong... abnkkbsnplako? yun pa lang hehe, adik ka! pinpahirapan mo ung sarili mo, dapat piniktyuran mo nalang ung sinulat mo tapos pinost mo dito, para pahirapan mo magbasa ung readers mo... diba astig?
ReplyDeleteWooh! ikaw pla tong sakitin eh! Joke lng pre hehehe...
ReplyDeleteI have 3 Bob Ong Books at lahat ng iyon ay puro bigay sa akin hehehe...
Baka gusto mo din magbigay? hehehe...
@roanne haha. ganun talaga. kita mo... ganyan ko kayo ka-labs. hehe. pero... i'll think about that! haha.
ReplyDelete@jag oo parekoy... talagang sakitin ako. ewan ko ba... blue baby ata ako. at talagang nanghihingi ka pa ng libro ha? ang kuripot mo talaga. ikaw ang dapat magregalo sa akin ng libro dahil mas mayaman ka kesa sa akin! hha.
Ok sana si bob ong kaso parang normal lang sya na tao...pero kumikita sya dahil andaming bumibili ng libro nya hehe
ReplyDeleteayun bumisita ulet ako... kamusta na po kayo?! Bisitahin nyo naman ako parang awa nyo na LOL :) http://www.kumagcow.com
sorry tol, di ko kilala Bob Ong mo,but encounter ko sya sa fb., so friendship is over ba ikamo? sorry kana lang makulit ako eh, hehehe.. buti ka pa balik-tipa-sulat kana, me, medyo-medyo lang at busy sa fb, adik na ate mo eh,hahaha!
ReplyDeleteanyway, hope okay ka lang dyan. ingat,,,, ingat sila sayo, :)..
whao, thesame pla tayo.. hehehehehe..
ReplyDelete@kumagcow haha. di ka kasi nagkokoment kaya di ko alam na nagbabasa ka ng blog ko parekoy. hehe. at talagang may plugging na nagaganap? haha. sige, puntahan ko mamaya. ayos?
ReplyDelete@ilocana hay naku... puro na lang farmville inatupag mo ate.. blog muna bago fb. hehe. ang sarap kaya magsulat. tama? at talagang mag-ingat sila sa akin.. hehe
@tim ayos... at dahil gusto mo rin si bob ong.. karapat-dapat kang i-clap clap! apir tayo :P
ReplyDeleteSalamat ng marami nightcrawler =) hindi naman ako haligi LOL kasinlaki lang ng haligi LOL
ReplyDeletePagdumadaan kasi ako sa chatbox lang ako nagpopost kaya di napansin hehe
dapat sa comments para rock! LOL
disipolo din ako ni bob ong...Ive read most of his books..
ReplyDeleteAhahahahahhaha wala talagang basagan ng trip! ang tindi mo naman! talagang kung masulat eh may draft pa ika nga! jejejejejeje
ReplyDelete@kumagcow haha. ok. oo nga, di masiyado napapansin kasi parati akong puyat kaya ng dapat ay sa coments section para alam namin na nagbabasa kayo talaga. hehe. apir tayo parekoy :P
ReplyDelete@ghienoxs haha. ayos yan. magsasamasama tayong mga disipolo ni bob ong. hehe.
@xprosaic haha. ganun talaga parekoy :P walang basagan ng trip di ba? at masaya din ang may draft... napaka old-school. hehe
ReplyDeleteuy pareho pala tayo,, iba kasi sya magsulat. parang adik lang. meron ako lahat ng libro nya kaya mas adik pala ako,,
ReplyDeleteUiy wow! Look interesting. Makabili nga ng book na yan. ;D
ReplyDeleteSaka naku, bawal magkasakit ngayon ah.
April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
5 books na ni Bob Ong nababasa ko...maraming pagkakataon na natatawa talaga ako sa pagkwekwento nya...may mga parts naman na parang ewan lang...haha
ReplyDeleteGod bless! :)
I heard so much about this book. Maybe i should try to look for it. =D
ReplyDeleteJules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
@stupidient grabe... kumpleto mo? pahiram naman nung iba! hehe. dahil jan.. parekoy na tayo. hehe.
ReplyDelete@april tama.. bawal magkasakit ngayon :P bili ka madami books ah tapos sabihin mo kay bob ong na ako ang nagrekomenda para bigyan niya ako ng libreng kopya! hehe
@chie haha. ganun talaga siguro style niya. parang kausap mo lang yung tambay sa kanto! hehe
ReplyDelete@jules tama. pero baka di mo trip ah.. mukha ka kasing kagalang-galang(may konek?) haha. baka puro kasosyalan binabasa mo eh. hehe peace tayo :P
paborito ko rin si bob ong! sobra! haha...sa kanya ko naramdaman na pinoy ako hahaha...ang galing..nakakanostalgia nga ung abnkkbsnplako eh haha... magaling siyang magtawa at uber uber rin imagination niya haha..satirical yung style niya
ReplyDeleteayos ..sinulat po pa sa papel ah hehe
idol ko rin si Bob Ong. I still remember nung binasa ko yung ABNKKBSNPLAKO sa LRT Line 1, pinagtitinginan ako ng ibang mga pasahero kasi tawa ako ng tawa mag-isa.
ReplyDelete