Apr 27, 2010

samu't saring kuwento

kumusta mga parekoy? bago pa ako atakehin ng katamaran, magkukwento na ako. ang dami ko kasi appointments(aka lakwatsa) nitong mga huling araw kaya medyo nawala ako ng panandalian sa mundo ng blogosperyo. sa dami ng mga nangyari, parang ang hirap balikan lahat ah kaya ninilay-nilayin ko na lang ng bahagya hanggang sa maalala ko lahat. kaya sa mga naka-miss at na-bw*sit sa mga mala-"nobela" kong mga kuwento, heto na ako ulit... heto na ang mga samu't saring kuwento
___________________________

mahilig ba kayong magbasa ng mga horoscopes? hindi ba madalas pa ngang ginagawang segments yun sa mga programa sa tv? nakaka-mangha nga kung minsan kasi parang totoong-totoo yung mga nakalagay sa horoscopes na napapanuod ko sa tv... kumbaga eh parang tinitignan pa nila ang mga bitwin, pinagaaralang mabuti kung ano ang epekto nito sa takbo ng buhay ng mga tao. p*kening! wala palang katotohanan lahat yan. paano ko nalaman? eh kasi naman, nagi-intern yung kaibigan ko sa isang programa at siya ang inatasang gumawa ng horoscope para i-ere kinabukasan. take note, "gumawa!" ibig sabihin, ka ek-ekan lang pala nila ang mga yun. wahaha... kung trip nilang sabihin na yayaman ka ngayong araw, eh di maniniwala ka naman! at heto pa ang matindi, tinulungan ko pang gumawa ang kaibigan ko ng mga horoscope na yan. at dahil pagkakataon ko nang makaganti.. este makapagsulat ng kapalaran ng tao, ginalingan ko na. at ito ang the best: LIBRA- su-swertehin ka ngayong araw sa iyong buhay pag-ibig. Ipagpatuloy lang ang magandang despusisyon sa buhay at tuloy-tuloy ang pagpasok ng suwerte sa iyong buhay. Magandang magsimula ng negosyo bago matapos ang linggo at tiyak na magtatagumpay ito. kaya sa lahat ng mga librans jan, you. are. welcome. hehe


this used to be my fave thing in the boarding house.. ang sabi, umikot ng isang beses at ituro ang kapalaran! kaso na-realize ko na baka ka ek-ekan rin lang to ng sinong bugoy jan kaya wa epek na sa akin... hmpft...
____________________________

few days ago, lumabas kmi ng mga barkada ko mula pa nung highschool. Konti lang kaming nagpunta, lima lang pero ayos pa rin. nag take-out kami ng pagkain sa Jobee(hayup yung isang blogger jan... naalala ko tuloy mga kuwento niya tungkol sa jobee) at dumiretso ng beach. P*kening ulit, feeling ko naging drayber ako nung araw na yun, hindi lang dahil ako yung nagda-drayb kundi dahil magkarelasyon pa tong mga kasama ko. at kailan pa naging batas na magdala ng ka-relasyon sa reunion? haha. Anyway, ang saraaaaaaaap mag-picninc sa beach lalo na pag gabi kasi ang sarap ng hangin. pagkatapos naming lumamon at lumibot sa beach, nag-kalesa muna kami at pumunta kami ng coffeeshop para magkape. weird thing was meron ding grupo na nagre-reunion dun... naisip namin, would we be like those people 25 years from now? they seem successful and well cultured... basta ang akin lang... wag lang ako mapanot ok na ako! haha.


ang mahal ng nachos sa coffeehouse.. mura lang naman ang tinadtad na kamatis at eden cheese ah... hay naku, harapang hold-upan na yan!
___________________________

isa sa mga bagay na natutunan ko sa buhay kolehiyo ay ang katotohanan na hindi lahat ng natutunan mo sa hayskul ay puwede mong i-apply sa college. for example, sa hayskul, kapag sinabi mong may group study ka dahil kailangan mong magreview para sa exam kinabukasan, almost 100% ay talagang totoo yun. sa kolehiyo kapag sinabi mong may group study ka, ibig sabihin nun ay mag happy-happy at bahala na si batman sa exam kinabukasan. haha... mga &*%#& ang study group ko.. tinulugan ako! at dahil mabait akong nilalang, hinayaan ko na sila...


o di ba? siyempre kailangan maka-ganti kahit papano.. wahahaha!
___________________________

nakaka-miss talagang magsulat lalo na ang magbasa ng mga blogs ng mga paborito kong mga echosero.. este manunulat pala diyan. simple lang naman nagpapangiti sa akin dito... ang makapag-sulat, makapag-basa, at maka-hanap ng mga litratong kagaya nito


haha... akalain mo yun, magkamag-anak pala sila?

Apr 14, 2010

iskul bukol


kumusta mga parekoy? haha. di ko ata mapanindigan na magsulat ng marami ngayong summer ah. alam ko marami pa akong mga utang na kwento sa inyo pero sa susunod na lang muna ang mga yun ha? kapag naproseso na ng utak ko ang ilang mga pangyayari(in short, pag sinipag. hehe) sa ngayon, i'm taking a summer class. it's a little weird that i'm actually excited for school. hay... mas mabuti na siguro yun kesa mabagot sa bahay. hehe. nakalipat na nga pala ako ng boarding house and i'm having a blast with my new housemates. we cook, we play cards, we have dvd marathons.. and the best part is, tinuruan nila akong mag-BullSh*t! hehe. at dahil mejo hindi naman ganun ka-busy ang schedule namin sa school, my buddy and i decided to go back into taekwondo training. actually kanina lang yun so this is actually a big day for us. una, kasi it's our first day back in training. pangalawa, kasi baka ito na rin yung huli. tinamaan ba naman yung "kaligayahan" ko at bali pa yata ang buto ko as of this moment. hehe. at dahil jan, kailangan ko na sigurong matulog ng maaga dahil may pasok pa ako bukas. pagpasensyahan niyo na muna ang nightcrawler kung medyo matipid ako ngayon sa kuwento ha? babawi ako sa susunod, promise! kahit ilang nobela pa! hehe.

Apr 7, 2010

Kwentong de Papel

kumusta mga parekoy? isang linggo din akong hindi nakapag-sulat. ewan ko nga ba kung bakit. maraming beses kong sinubukan na magsulat ng bagong entry nitong mga nakaraang araw pero wala talaga eh. Hanggang titig na lang ako sa monitor. siguro talagang nasanay lang ako na sa laptop ko ako gumagawa ng mga entries ko. hindi rin nakatulong na ilang araw na akong may sakit(nagpapa-awa?) kaya halos puro tulog, kain, at pagbabasa(totoo na ito, promise!) ang inatupag ko nitong mga huling araw. siyempre, tulad ng dati, pinaka na-enjoy ko ang libro ni Bob Ong.

photo taken from http://4.bp.blogspot.com/

I'm assuming na kilala niyo si Bob Ong dahil kung hindi... Friendship OVER! joke lang. Hindi ko alam kung ano ang meron si Bob(close kami?). Kung babasahin mo kasi ang kanyang mga likha, mapapansin mong hindi siya masyadong magaling sa aspetong teknikal na tagalay ng ibang mga tanyag na manunulat. Hindi rin naman siya magaling mag-english at kung papansining maigi, magulo siya kung magkwento. walang continuity kumbaga. pero sa likod ng mga kakulangang ito, marami ang mga humahanga sa kanyang mga likha. marami ang nakitawa sa mga kapalpakan niya, naki-simpatya sa mga kadramahan "kuno" niya, at marami rin ang natakot kay ms. Tigang(kung di mo siya kilala, huwag mo na siyang kilalanin! haha). Bakit nga ba? Bakit sa dinami-rami ng mga magagaling na manunulat ay siya ang isa sa naging peyborit ko? Siguro dahil sa tuwing binabasa ko ang mga sinulat niya, nakakaramdam ako ng sense of familiarity. ang kanyang mga kwento ay kwento ng isang ordinaryong "Juan" na puwedeng mangyari sa iyo o sa akin. Ipinapa-alala niya sa atin ang tunay na halaga ng pagsulat, at iyon ay ang maipa-abot sa malawak na sektor ng lipunan, ke mayaman o mahirap, na sa bawat sulok na maaabot ng tanaw ng ating mga mata ay may kwento. Kwentong maaring kapulutan ng aral, saya, at iba't iba pang emosyon na hindi kayang ilabas ng diploma sa eskuwelahan o ang kakayahang teknikal ng isang manunulat(Siya lang ata ang kilala kong manunulat na kayang maka-buo ng isang libro gamit ang mga pakikipagsapalaran niya sa mga ipis, marvn at jolina, at kay ms. Tigang. o ha?). ang kanyang pinaka mabisang sandata? PUSO! Ipinapapaalala niya na ang bawat isa sa atin ay may kakayahang maging manunulat. Kung paggising mo sa umaga ay wala kang ibang nais gawin kundi ang sumulat, isa kang manunulat. Kung masaya ka sa pagbabahagi ng saluobin mo sa pamamagitan ng tinta ng bolpen o pagtipa sa computer, manunulat ka. At kung sa bawat armchair, dingding, lamesa, pader, at pintuan ay hindi mo mapigilang sumulat, isa kang Vandal! pasaway na mamayan! pero writer pa rin! hehe.

Bakit kwentong de papel ang title ng post na ito? Eh kasi sinulat ko muna sa papel bago ko tinipa sa computer ang post na ito. hehe. walang basagan ng trip , ' )

photo taken from http://comps.fotosearch.com/comp/
GLW/GLW112/side-profile-boy_~gwil11301.jpg

Apr 1, 2010

nakaka-miss din pala. akalain mo?

totoo talaga ang kasabihan na "we are always after what we don't have. and when we finally get it, we always seem to be wanting something else." grabe. i've been so busy these past few weeks na nakalimutan ko na yata kung papano ang magpahinga. it has been 5 days of rest and now, my body seems to be missing stress! haha. akalain mo yun? well, proven naman na kailangan din ng stressors sa buhay ng isang tao but i always thought that i have had enough stress to last me a whole year. pero hindi rin pala. as much as i hate to admit it, namimiss ko rin talaga ang school. i miss doing papers, the long hours of studying at ang mga nakaka-iyak na exams ng mga prof na hindi mo alam kung saan nila pinag-kukuha. it has been five days since my vacation started pero bakit sa tingin ko, i've had enough? at dahil matagal-tagal na rin ako hindi nagku-kuwento ng mahaba-haba, pagbigyan niyo na ako. umihi na mga ineng. kumuha na ng chips mga parekoy. heto na ang isa nanamang "nobela."

nung unang araw ng bakasyon ko, sabado yun, i went to san fabian with two friends/orgmates para i-check yung lugar para sa fr kinabukasan. siyempre pinili namin ang pinaka-dulo para walang istorbo. lubog na ang araw nung matapos kami. pauwi na sana kami kaso meron din pala kaming org mate na malapit lang dun sa beach na naghihintay ng mga kasama niya para sa kanilang consti reading(i'm not sure kung allowed akong sabihin pero di naman niya mababasa to, hehe) dahil meron silang new set of officers sa student council. since wala pa ang mga kasama niya, we decided na maghintay sa mga kasamahan niya. buti na lang at may videoke dun at puro musikero(ahem) kami kaya solve na kami. nang maubusan kami ng limang piso(ang mahal pala! limang piso kada isang kanta), naka-kanta na lang kami sa kabilang cottage. pag nagpapatugtog sila, sinasabayan nalang namin! haha. iyan ang tinatawag na wais, in other words, no more coins! haha. nang magsidatingan ang kasamahan ng orgmate namin, siyempre umalis na rin kami. at talagang naghapi-hapi pa kami at sa likod ng truck kami sumakay pauwi! naghanap pa kami ng bukas na kainan dahil sarado na halos lahat ng kainan nung mga oras na yun. nang matapos kami kumain sa jobee(naalala ko tuloy mga kwento ni pareng drake), nakipag-kulitan pa kami sa isa pa naming kaibigan na papunta na ng states na sobrang maganda, mabait at hulog ng langit(halata bang madami akong pinag-bilin? haha). madaling umaga na nang maka-balik ako ng bahay, may kasama pang barkada dahil gusto daw niyang makusap(in other words, maka-landian) ang kanyang ex via internet. haha. kasi naman, kung mahal mo balikan mo! oops, buti na lang di niya nababasa to. just in case, peace tayo brother! haha.

photo taken from http://www.psychologytoday.com/files/u45/Internet_addiction.jpg


nung pangalawang araw naman, mas naging busy ang dakilang nightcrawler. araw na ng fr kaya siyempre, todo ang mga gawain namin ng araw na yun. siyempre, kahit na gaano kadaldal ang nightcrawler, di ko pwedeng sabihin sa inyo ang mga pinaggagagawa namin. bawal yun no!(pilitin niyo muna ako, hehe). anyway, congrats pala sa apat na bagong miyembro ng org namin. sana'y mahalin ang org at wag pasakitin ang ulo ko ha? teka, bakit nga ba ako nagmemessage sa inyo dito? wahaha. pagkatapos nun, pumunta pa kami ng birthday ng isa naming orgmate at nagliw-aliw pa kami sa ibang lugar. masaya talaga pag may dalang sasakyan, basta hindi lang iyo. mahirap maglinis! wahaha. masaya na sana ang tapos ng araw kaso bigla ako tinawagan ni mama. nasa ospital pala si uncle kaya kinailangan kong pumunta ng ospital para tignan ang kanyang kalagayan. -update: naka-uwi na siya. medyo nangayayat pero atleast, maayos na siya.

nung ikatlong araw naman, natulog lang ako ng buong araw. bukod sa pagtulog, nanuod ako ng showtime at ang paborito ng ate ko na wowowee. haha. puwede bang tanggalin na si willie? mukhang di na rin siya nageenjoy sa ginagawa niya eh. hehe. nagbasa rin ako ng kaunti(ok, this is a lie, ayoko lang isipin niyo na patabaing baboy ako! haha) at nag-check ng mga emails. ito na siguro yung pahingang tinatawag nila. haha

nung ika-apat na araw, dito ko na talaga naramdaman ang pagka-bagot. sobra nang nasanay sa routine at stress ng paghiging estudyante ang katawan ko kaya medyo nahihirapan na rin ako na puro pahinga(pwede palang mangyari to? haha) kaya ang ginawa ko, ikinain ko na lang ang frustrations ko. iyon talaga ng ayaw ok sa sarili ko, kapag frustrated ako, kumakain ako o natutulog. ang kaibahan nga lang, nung di pa tapos ang sem, walang panahon para kumain at matulo dahil hindi pa tapos ang isang problema, may kasunod na agad. ngayon naman, ang problema ko ay walang pinoprublema! haha

kanina, ika-limang araw ng bakasyon ko, di na rin ako naka-tiis. i had to get out of the house kaya nanuod kami ni ate ng pelikulang how to train your dragon. maganda naman ang pelikula, although it lacked the disney touch. hindi kasi character driven ang story, mejo hindi masiyado na-establish kung papaano naging close si hiccup(bidang lalake) at toothless(dragon). but the visuals were great, in par with the previous dreamworks movies, even good enough to be compared with the other disney/pixar films. over-all, i'm giving it a B+. pagkatapos naming manuod ng movie, umattend kami ng birthday celebration ng pinsan ko. another reunion of our clan ang naganap at nagbabalak pa silang magpagudpod bukas kaso di kami sasama. may iba yatang plano sina mama. i'm hoping for tagaytay. please, kahit saan wag lang baguio! utang na loob. di talaga ako sasama. magkukulong na lang ako sa bahay. haha

photo taken from http://4.bp.blogspot.com

grabe, ito na yata ang pinaka-mahaba kong post, parang kasing haba na to ng mga posts ni parang drake ah. hehe. peace tayo. anyway, madami pa akong kuwento sa inyo pero sa susunod na. di ko pa kasi magamit ang laptop ko, naiwan ko kasi sa boarding house iyong charger(excited kasi umuwi eh. hehe) ilan sa mga iku-kuwento ko pa sa inyo ay isang milestone sa aking "career," awards night, isang nakakadiring kuwento at kuwentong puyatan.