Mar 11, 2010

there will be BLOOD

nightcrawler donates blood...


teka, di ako yan. that's my good buddy jk, na sobrang tumaas ang blood pressure dahil kinabahan sa pag-donate ng dugo(haha, buti na lang di niya alam na nilalaglag ko siya!)

kung nagtataka kayo, yup, i've always been afraid of needles. halos magback-out pa nga ako sa sobrang nerbiyos(pero di ako nagpahalata siyempre. hehe) what convinced me to finally do it is yung nurse. litanyahan ka ba naman nang "kapalit ng ilang segundong sakit ng karayom ay ang ginhawa ng isang taong ilang buwan o taon nang naghihirap. ilang minuto ka lang magsasakripsisyo kapalit ng karagdagang taon na maidadagdag sa buhay ng ibang tao..." Aba siyempre, may puso naman ang nightcrawler no. kahit halos mamutla na ako sa nerbiyos eh nagfill-up na ako ng form, nagpatimbang(ang bigat ko na pala), at nagpa-turok na. siyempre, naka-tulong din na mala-diwata ang nurse. hehe. kaya ang ending...



siyempre di na ako nagpa-pic kasama ang dugong dinonate ko, mukha daw kasi akong tinakasan ng kulay pagkatapos. haha. di rin naka-tulong na naka-ilang tusok muna sila sa akin bago nila mahanap ang nagtatago kong vein. haha

donate blood and save a life... sakay na... este tara na at magdonate :P

o
mas gusto mong
siya
ang makinabang sa
dugo mo?

photo taken from photos.travellerspoint.com

11 comments:

  1. nagdonate na ako dati, pero matagal tagal na rin. healthy daw ito sabi nila.

    ReplyDelete
  2. Di daw kasi ako pwede magdonate eh.... kaya di pwede... jijijijijiji

    ReplyDelete
  3. @chingoy yup. healthy daw, we don't need too much iron sa body natin e. yun ata yung explanation, i could be wrong though :P hehe

    @xprosaic di ka pwede? hmmm... napa-isip tuloy ang night-crawler! haha. peace :P

    ReplyDelete
  4. hahahaha, akala ko naman, yung movie na there will be blood. hehehehe, di pla..

    anyway, good job sa ginawa mo.. I salute you on that heroic act..

    ReplyDelete
  5. @tim haha... sabi ko na eh. salamat sa iyong papuri.. maliit na bagay lamang para sa mga kababayan natin :P donate ka na din :P

    ReplyDelete
  6. aah hmmn pag-isipan ko pa, takot ako sa karayum e hehee!...cash na lang cguro! (chuz!)...:D

    ReplyDelete
  7. May bayad ba yan?Magkano?(Tange, donate nga eh!)

    Eh kung pwedeng pagkakitaan yan, sabihin mo sa akin, magbibigay ako ng dugo.

    Paano kung type AB?Mas mahal ba yun?

    AB ako bro, rare type daw yan! Kaya ibig sabihin ako ay RARE SPECIES!hahaha!

    Ingat

    ReplyDelete
  8. @? uhm... ok. 'nuff said :P

    @vonfire aba, pwde rin namang cash parekoy. they also accept all major credit cards, check, or cod! haha.

    ReplyDelete
  9. @drake haha, grabe naman parekoy. di mo na kailangan ng pera, madami ka na niyan :P tama ka, kasama ka sa rare species tulad ko, mg species ng mga cute. haha. walang aangal :P

    ReplyDelete
  10. pag nagdonate ako ng dugo ano n matitira sa akin? pwde sperm n lng idonate ko? maganda nmn lahi ko eh lol!

    isa kang bayani parekoy! kapuri puri!

    ReplyDelete
  11. ilang beses ko na din akong nag volunteer mag donate ng dugo pero di talaga ako makapasa pasa..anemic kasi akong tao e..

    nakakatuwa ang mga taong tulad mo na nagbibigay ng dugo para makadugtong ng buhay ng ibang tao.;)

    nakibasa lang po at dumaan;)

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!