nanunuod ka ba ng pbb? parating inaabangan ang araw ng eviction. marami ang nagtatalo kung sino ba ang karapat-dapat na umalis o manatili sa bahay. isipin mo ang feeling ng mga housemates sa tuwing binibitin sila ni toni sa resulta ng botohan... nakakatakot hindi ba? idagdag mo pa diyan ang ma-awtoridad na boses ni Big Brother, complete torture ang tawag dun. hehe. kaya ayaw ko talagang manuod ng mga ganyang palabas, nakaka-stress. kaya laking gulat ko nang may maganap na eviction dito sa sarili naming boarding house.kulang na lang ng maraming cameras sa bahay at parang big brother na talaga. the similarities are uncanny... 16 housemates, one house, a rule book, and big brother(in our case, a big, domineering landlady.) kinausap ba naman kami nang masinsinan at sinabing kailangan na naming umalis ng bahay kasi di na niya kami kayang lahat. naku po... talo pa niya si big brother... atleast si kuya, pa-isa-isa ang eviction. sa land-lady namin, one time, Big time! at forced eviction pa. sa totoo lang, we shouldn't be surprised kasi mejo matagal na ring hindi maganda ang relasyon naming mga boarders sa kanya. it's better to leave when we still have respect for each other... kaysa umalis kaming nagmumurahan. hay buhay... sabi nga nila... good or bad, it's better to have imparted something on someone 'coz it means you exist.
heto pa ang malupit na kuwento... sa tingin ko talaga ay may sa-pusa ako. muntik nanaman kasi ako mamatay noong nakaraang linggo. habang ako ay palabas ng eskuwelahan at patawid na ng kalsada, biglang may humarurot na sasakayan. kaunti na lang, deds na sana ako. mabuti na lang at alerto ang kaibigan kong si jk(siya rin yung takot mag-donate ng dugo, hehe) at tinulak niya ako para maka-iwas sa sasakyan. handa na sana kaming rumesbak sa nagmamaneho ng sasakyan kaso nagulat na lang kami ng babae pala yung may hawak ng manebela... at hindi lang basta babae kundi magandang babae. siyempre, gumana naman ang pagka-gentleman namin at sinabihan ang magandang binibini na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na at nasa tama naman kaming tawiran. hay... buti na lang talaga at malakas ako sa itaas at hindi ako pinababayaan. kaya ang lesson diyan, don't talk when your mouth is full... este live today as if it is your last pala. hehe...
naku po... parang di na talaga magagamot itong insomnia ko mga parekoy... may sarili na nga raw comforter ang eyebags ko eh. hehe. subukan ko na munang matulog at may pasok pa ako mamaya. pasensya na at mejo wala sa tamang ulirat ang dakilang nightcrawler. good morning sa lahat, ingat!(ala john lloyd!)
photo taken from http://i250.photobucket.com/albums/gg246/inchapie/ingat%20comments/ingat2.jpg
3.5 try
1 day ago
wag mo kasing dibdibin ang panonood ng TV hehehe...ok n din un pinaalis kau na patapos na ang S.Y. mabait pa rin an landlady nu hehehe...
ReplyDeletenaku parekoy mag-ingat ka...bakit ba malapit ka sa aksidente? may balat ka ata sa puwet eh lol.
tama ka, bro, ingat lang lagi. tsaka yung prayers (ako nga ito! hehehe)
ReplyDeleteMay balat ka ba sa pwet pare?hahhaa Joke lang!
ReplyDeleteTungkol sa magandang chick, dapat nagdrama ka ng konti, kunwari nahimatay ka, tapos dadalhin ka sa ospital! Tapos sabihin mo kailangan ng mag-aalaga sa iyo then saka mo kukunin yung number nya!
Sayang ang chance pre!hahah
@jag hoy! wala akong balat sa puwet, ata. hehe. makinis po yan, parang puwet ng baby! nyahaha...
ReplyDelete@chingoy naku po... medyo banal tayo ngayon parekoy ah. hehe. apir tayo jan :P
@drake uulitin ko para sayo, wala akong balat sa puwet! Che! haha. makinis ang aking puwet na parang puwet ng baby! hahaha. saka, ayos lang yun parekoy... madami pang magandang chiks jan, di pa ako sasagasaan! hahaha
ReplyDeleteUU nga naman... tama si drake... nagdrama ka sana ng kaunti sa chicks... sayang din yun... jijijijiji... ingat na lang parekoy... jijijijiji
ReplyDelete@xprosaic hay naku... mga gawain niyo! haha. good boy ako eh... madalas! nyahaha
ReplyDeleteang bait mo naman, muntik ka na mamatay, yun lang sinabi mo...
ReplyDelete@roanne haha. ok lang yun. i'm just thankful at walang masamang nangyari :P
ReplyDelete