Mar 30, 2010

why i hate politics

just found out that the ampatuans' case of rebellion was trashed. in my recollection, there are only two times i was ashamed of being a Filipino. First, when the ampatuans were charged of rebellion instead of murder. the second time, just now. this just proves that justice doesn't exist in our country. oh wait, it does... if you are affiliated with the first family. no wonder you see ghosts in your cell mr. ampatuan. ghosts of your lies, of your victims.

hindi ako aktibista. isa akong mamamayang sukang-suka sa bulok na sistema(kuno) ng pamahalaan. ang rason nila kung bakit na-dismiss ang kaso? lack of evidence. that's crap! ano pa ba ang ebidensyang kailangan nila? bato na lang ang hindi masuka sa karumal-dumal na hitsura ng mga pinaslang. hindi bobo ang mga tao.

sa darating na eleksyon, wag natin hayaang maulit ang mga pagkakamali natin. maging mapanuri, maging kritikal. it may be our last chance for change...

Mar 18, 2010

stripped down

kung ikaw ang tatanungin, are you willing to let go of the one thing that you worked hard for, for so many years, to get the one thing that you know will finally make you genuinely happy? minsan kasi, napapa-isip ako kung tama ba tong ginagawa ko? am i making myself happy as much as i am making them? ayokong dumating sa panahon na mare-realize ko na lang na maraming panahon na pala ang nasayang sa kaiisip ng sagot. pagod na kasi ako. i'm tired of pleasing people, of trying to be strong for everyone when the truth is, i'm the one who is breaking down. when time comes na hindi ko na talaga kaya, meron kayang sasalo sa akin?

pasensiya na sa kadramahan...

Mar 16, 2010

on eviction and new beginnings...

nanunuod ka ba ng pbb? parating inaabangan ang araw ng eviction. marami ang nagtatalo kung sino ba ang karapat-dapat na umalis o manatili sa bahay. isipin mo ang feeling ng mga housemates sa tuwing binibitin sila ni toni sa resulta ng botohan... nakakatakot hindi ba? idagdag mo pa diyan ang ma-awtoridad na boses ni Big Brother, complete torture ang tawag dun. hehe. kaya ayaw ko talagang manuod ng mga ganyang palabas, nakaka-stress. kaya laking gulat ko nang may maganap na eviction dito sa sarili naming boarding house.kulang na lang ng maraming cameras sa bahay at parang big brother na talaga. the similarities are uncanny... 16 housemates, one house, a rule book, and big brother(in our case, a big, domineering landlady.) kinausap ba naman kami nang masinsinan at sinabing kailangan na naming umalis ng bahay kasi di na niya kami kayang lahat. naku po... talo pa niya si big brother... atleast si kuya, pa-isa-isa ang eviction. sa land-lady namin, one time, Big time! at forced eviction pa. sa totoo lang, we shouldn't be surprised kasi mejo matagal na ring hindi maganda ang relasyon naming mga boarders sa kanya. it's better to leave when we still have respect for each other... kaysa umalis kaming nagmumurahan. hay buhay... sabi nga nila... good or bad, it's better to have imparted something on someone 'coz it means you exist.

heto pa ang malupit na kuwento... sa tingin ko talaga ay may sa-pusa ako. muntik nanaman kasi ako mamatay noong nakaraang linggo. habang ako ay palabas ng eskuwelahan at patawid na ng kalsada, biglang may humarurot na sasakayan. kaunti na lang, deds na sana ako. mabuti na lang at alerto ang kaibigan kong si jk(siya rin yung takot mag-donate ng dugo, hehe) at tinulak niya ako para maka-iwas sa sasakyan. handa na sana kaming rumesbak sa nagmamaneho ng sasakyan kaso nagulat na lang kami ng babae pala yung may hawak ng manebela... at hindi lang basta babae kundi magandang babae. siyempre, gumana naman ang pagka-gentleman namin at sinabihan ang magandang binibini na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na at nasa tama naman kaming tawiran. hay... buti na lang talaga at malakas ako sa itaas at hindi ako pinababayaan. kaya ang lesson diyan, don't talk when your mouth is full... este live today as if it is your last pala. hehe...

naku po... parang di na talaga magagamot itong insomnia ko mga parekoy... may sarili na nga raw comforter ang eyebags ko eh. hehe. subukan ko na munang matulog at may pasok pa ako mamaya. pasensya na at mejo wala sa tamang ulirat ang dakilang nightcrawler. good morning sa lahat, ingat!(ala john lloyd!)

photo taken from http://i250.photobucket.com/albums/gg246/inchapie/ingat%20comments/ingat2.jpg

Mar 11, 2010

there will be BLOOD

nightcrawler donates blood...


teka, di ako yan. that's my good buddy jk, na sobrang tumaas ang blood pressure dahil kinabahan sa pag-donate ng dugo(haha, buti na lang di niya alam na nilalaglag ko siya!)

kung nagtataka kayo, yup, i've always been afraid of needles. halos magback-out pa nga ako sa sobrang nerbiyos(pero di ako nagpahalata siyempre. hehe) what convinced me to finally do it is yung nurse. litanyahan ka ba naman nang "kapalit ng ilang segundong sakit ng karayom ay ang ginhawa ng isang taong ilang buwan o taon nang naghihirap. ilang minuto ka lang magsasakripsisyo kapalit ng karagdagang taon na maidadagdag sa buhay ng ibang tao..." Aba siyempre, may puso naman ang nightcrawler no. kahit halos mamutla na ako sa nerbiyos eh nagfill-up na ako ng form, nagpatimbang(ang bigat ko na pala), at nagpa-turok na. siyempre, naka-tulong din na mala-diwata ang nurse. hehe. kaya ang ending...



siyempre di na ako nagpa-pic kasama ang dugong dinonate ko, mukha daw kasi akong tinakasan ng kulay pagkatapos. haha. di rin naka-tulong na naka-ilang tusok muna sila sa akin bago nila mahanap ang nagtatago kong vein. haha

donate blood and save a life... sakay na... este tara na at magdonate :P

o
mas gusto mong
siya
ang makinabang sa
dugo mo?

photo taken from photos.travellerspoint.com

Mar 8, 2010

are we seeing another arnel pineda?

what the? i've been searching for cool covers on youtube and i found this video of a contestant from Pilinas Got talent. i saw this particular performance on tv and i was amazed with the raw natural talent he has. i even made a prediction that he'll be the next arnel pineda. seems like i got one right as this video has reached a million views on youtube. are we seeing the next youtube sensation? come on ellen, come on oprah! you want talent? this kid definitely got the talent.

by the way, his humility makes me want to root for him more. but no excuses, this kid is the one to beat. mga parekoy, all ears on Jovit Baldivino...


is Queen still looking for a vocalist?

Mar 7, 2010

numb3rs

i've been reading the magazine part of Philippine Daily Inquirer at na-aliw ako dun sa numbers thing, the one where a particular number denotes a year of an important event or number of times you have farted in a day. Dahil likas na sa akin ang maging gaya-gaya at inggitero, I've decided to make one of my own. may konting pagkaka-iba naman para di masiyadong makasalanan ang nightcrawler! haha.


numb3rs:
10 the number of years i gave myself to live life before settling down
9 number of times i've been asked if i was a virgin and they didn't believe me
8 number of "monays" i want to have in my abs(only seven more to go! haha.)
7 the record number of days i went on without a bath
6 the number of phones i lost/have broken(apparently, i repel technology)
5 times i change my shirt before i leave the house
4 number of times in a week that a stranger comes up to me to tell me I look like someone they know(apparently, i have a very generic face... this s*cks)
3 the least number of lies we tell in a day(according to reader's digest)
2 number of girls that have broken my heart(the last one doesn't count... i broke hers T_T)
1 the surprise you'll get from the nightcrawler before the month ends. Abangan...

*photo taken from www.westga.edu

Mar 2, 2010

the Happenings


Nope, it's not a review of the film directed by m.night Shyamalan, which sucked by the way. haha. gusto ko lang ikuwento sa inyo ang mga weird happenings sa akin lately. don't worry, hindi pa ito nobela. saka ko na kayo ibo-bore sa mga sangkatutak kong kuwento. patikim muna...

Naniniwala ba kayo sa mga anghel? marami na kasi akong naririning na mga kuwento na ang bawat isang tao ay may anghel de la guwardya(tama ba spelling ko?) ako kasi, parang may anghel na tumulong sa akin kaninang madaling araw. i didn't really see an actual angel(wish ko lang) but i think nagparamdam siya sa panaginip ko. you see, i was suppose to pass this paper on ecological ethics last friday... ang kaso, hindi ko siya magawa. don't get me wrong, i tried. i mean, i have all the resources- books and internet sources, pero parang wala talagang ma-process utak ko. i really needed that paper dahil hanging by two fingers ako sa subject na yun. haha. anyway... kaninang madaling araw, i tried to do it pero wala pa rin talaga. tapos, nka-idlip ako. nung paggising ko, bigla na lang alam ko na ang gagawin and i clearly remember na sa panaginip ko eh ganun na ganun ang ginagawa ko. the way i see it, it could only be two things... either i'm making too much of nothing or i'm right on the money. eh sa gusto kong may nakita akong anghel eh, bakit ba? wahaha. AMEN!

heto pa ang isang hapening na hindi ko kinaya. it happened last week. you'll be amazed with how technology can be really fascinating. i was bored kaya tinype ko ang buo kong pangalan, Policarpio Macatangay(not my real name. hehe) sa google and found some fascinating stuff. apparently, everyone who was named Policarpio Macatangay is an achiever. May award winning director, actor, lawyer, and celebrated writer(ano daw? haha) anyway, hindi naman talaga tungkol dun ang kuwento ko... nagbibigay lang ako ng proof na lahat talaga ng taong may pangalang Policarpio Macatangay ay may patutunguhan. haha. yung totoong kuwento ko kasi ay may halong discovery... naks. may kakilala kasi ako sa school na tuwing itinutukso sa akin ay kulang na lang eh tumirik ang mata sa pagtanggi. well apparently, she owns a blog na nadiscover ko nga recently dahil sa pag-tipa ng pangalan ko sa google. haha. bakit nag-appear ang blog niya? eh kasi naman, madalas pala akong topic sa posts niya. wahaha. and apparently, she has a crush on me. haha. kaya recently, pagnagkaka-salubong kami... i always have a smile on my face. not only because natural na sa akin yun(asus) kundi may hawak na akong alas sa kanya. wahaha. what do you think? should i be naughty?...