alam niyo ba ang kwento ng hunger artist? kung hindi pa, makinig ka. at kung alamo mo naman... kunwari na lang hindi mo pa alam... pramis! mas magaling ako magkwento. hehe.
may isang artist ang naging pamoso dahil sa kakaibang atake nito sa larangan ng sining. isa siya sa pinaka-sikat na alagad ng arts at bawat obra niya ay talagang ikinaka-mangha ng bawat mapa-titig dito. minsan, naisip niya ang isang bagay na hindi lamang ikinamangha ng tao kundi talaga namang pinag-usapan ng buong madla. ng dahil sa kaartehan ng artist, sinabi nitong hindi siya kakain hanggang hindi ihain sa kanya ang pinaka masarap na pagkain sa mundo. at dahil nga siya ay isang artist, pinaki-usapan niya ang isang namamahala sa isang circus upang ilagay siya sa isang kulungan upang mapanuod ng mga tao ang kanyang art(ito marahil ang tinatawag nilang performance art.. although performance is a bit of a stretch kasi wala naman siyang ibang ginawa sa kulungan kundi ang maghintay.) siyempre, na-curius ang mga tao at pinilahan ang nasabing art. bawat araw ay naghain ang mga tao ng iba't-ibang putahe ngunit ni tikim ay hindi ginawa ng artist... lumipas ang mga araw at unti-unting napagod ang mga tao at tuluyan ng nakalimutan ang artist. matapos ang isang buwan... habang pinapasok ang isang bagong hayop sa kulungan upang maging bagong kagigiliwan ng mga tao, natagpuan ang artist... patay sa gutom at limot ng madla.
bakit nga ba ako nag-aksaya ng oras para-ibahagi sa iyo ang kuwentong ito? siguro dahil sa tingin ko ay katulad ako ng hunger artist. masiyadong bilib sa sarili, na pwedeng paghintayin ang mundo basta't sabihin ko lang. sa mga naka-lipas na panahon, naghintay lang ako para sa pinaka-masarap na putahe ngunit ako'y nabigo. then i realized what i was doing wrong... i never took a bite. bakit ba hindi nahanap ng artist ang pinaka-masarap na putahe sa mundo? dahil hindi niya tinikman ang mga nakahaing putahe. how will someone know the taste of the most delicious food when he have not tasted the worst? well, since then, i have had my fair share of disgustingly unedible foods and yesterday... i just had my bite of the best.
moral of the story... don't be afraid to bite. ikaw? kailan ka huling tumikim?(lahat ng berde ang isip ngumiti! hahaha)