And I....eyai... Will Always Love you... hohohohoahhh... I will always love you.... ohhhhhh
Utang na luob. Ilang araw ng nagkoconcert ang kapitbahay. Perwisyo sa trabaho at pahinga. Gusto ko nang ipabarangay kaso sabi dito sa bahay, pakisamahan ko na lang. Grabe, sobrang pakikisama na nga. Sila ata ang walang konsepto nun eh. Haayy.
Anyway, speaking of concert, I watched Vice Ganda's concert here in the province. Everyone was excited, puno ang venue. Siyempre, front row kami... dahil sa complimentary ticket! haha. May kasamang free dinner kaya dumating kami ng mas maaga. Pagdating ng venue, wow. Ang tabang ng pagkain. Hindi na nga masarap, parang takot na takot pa silang maubusan ng supply sa sobrang tipid ng portions. I would have been dismayed pero pinaalala ko sa sarili ko... "complimentary lang ang ticket mo. wag magreklamo!" Ok fine. Diretso na sa concert. Hiyawan pagkalabas ni Vice. Konting patawa lang, benta na. Kaso habang pagitna na ang performance nila sa panglalait portion, it struck me. Napanuod ko na to dati. Same old routine from Showtime promo. As in binalikan ko pa talaga yung video sa youtube to confirm. Ayun na nga, halos walang binago. Haayyy. Hindi ko naman sinasabing hindi sila nakakatawa pero sana nag-effort man lang na mag-isip ng bagong material. Pagkatapos ng concert, hati ang mga tao. nabwisit ang mga taong nag-ipon at nagbayad ng ticket, at sobrang tuwa naman ng mga may complimentary tickets! Sabagay, sino ba naman ang matutuwang magbayad ng P2500 para lang panuorin ang palabas na pwede mo naman palang panuorin sa youtube ng libre?
Through the fire, through whatever come what maaaaaaaaaaayyyyy... For a chance of loving you I'd take it AAAAAAAALLLLLLLLLLLLL the way! Naku... ayaw talagang paawat ng kapitbahay!
3.5 try
1 day ago