Maga-alas tres na ng madaling araw. gising nanaman ako, tulog nanaman ang lahat. Isa yan sa mga dahilan kung bakit malungkot ang mga oras na ganito para sa mga tulad kong insoniac. walang kausap, walang kakwentuhan. madalas nasa harapan lang ng monitor. Nag-iisip. Nag-aabang. Naghihintay. Zombie.
___________________
Napatingin ako bigla sa dalawang maliit na aparador dito. punong-puno ng mga figurine, souvenir, stuffed toys. Parang itong baboy lang na may pink na ribbon sa ulo. naalala ko, bigay ko to kay mama para sa birthday niya. elementary pa ako noon... ilang araw kong pinag-ipunan para maibigay ko sa kanya sa kaarawan niya... ang ending, hindi nagustuhan. hayun, inaamag sa cabinet. malamang na pag nakita niya ulit ito, hindi niya maaalalang binigay ko sa kanya to. hindi pala uso ang "it's the thought that counts."
___________________
andito rin lang sa may lamesa sa sala ang mga photo albums at yearbooks na wala namang nagbubuklat. Diyan ako nagtatago ng mga bold cd's ko nung bata pa ako kaso minsan nahanap ng pinsan ko. siyempre di ako umamin... sabi ko sa tito ko. tapos ang usapan. haha.
___________________
andito rin lang nakakalat ang mga dancepads. isa sa amin, isa iniwan ng pinsan ko dito. malay ko ba dun. parang nagpapahiwatig ata. pinabibilis yata ang pagpapapayat ko. matagal na kasi ang usapan naming magpapayat ako. haaay. nagsawa na ata ang mokong sa pangako ko. hindi na niya mahanap yung damit na gusto ko isuot kapag payat na ako. ganun na katagal. haha.
___________________
wala naman talagang konek ang mga istoryang yan. parang ako lang yan tuwing madaling araw... SABUG! gusto ko lang magsulat... yun bang wala lang. masabi lang na gising ako. mission accomplished.
3.5 try
2 days ago
sentimental blog....all sad memories...how's ur bucket list nightcrwlr? (can u remove the word verif request? thanks)
ReplyDeletehahaha buti ka pa nga kuya kahit random ang kwento mo eh nakapagsulat ka pa ri ako kahit gusto kong magsulat wala akong maisulat hihihi
ReplyDeleteayoko ng mga photo albums..
ReplyDeleteako ung tipo ng tao na wala masyadong magagandang memories nung kabataan kaya ayoko ng mga nagbbrown na photo albums. ayoko rin silang nakikitang pakalat-kalat sa bahay lol
i-add mo ko sa YM at ng magwentuhan tayo ng bongga sa madaling araw.
oi neybor amisyu na! hahaha
Sumisentimyento ikaw kapatid! hehehe...tulad mo may insomnia din ako ewan hays!
ReplyDeleteay apir mga insomniac... hehehe
ReplyDelete