Bakit ganun? Ang hirap maging mabuting kaibigan.
Siguro mahirap dahil iba't iba ang interpretasyo natin sa salitang "MABUTI."
-Mabuti ka kapag sumang-ayon ka sa lahat ng nais gawin ng kaibigan, ngunit masama ka kapag sumalungat ka... kahit pa ito ay para sa ikabubuti niya.
-Mabuti kang kaibigan kapag kaya mo siyang pagtakpan sa kanyang mga pagkakamali ngunit masama naman kapag gusto mo siyang ituwid sa tama.
-Mabuti kang kaibigan kapag ginawa mo ang lahat para mapasaya siya, pero ang masakit nun, masama ka pa rin kung ang lahat mo ay kulang pa rin sa kanya.
Minsan, nakakapagod ang maging mabuting kaibigan... siguro dahil gusto nating ituro ang kung ano ang TAMA at hindi ang TAMA para lang sa kanya. sabihan na ako ng masama... pero hindi mo pwedeng itangging ako ay naging TOTOO.
________________
UTANG NA LUOB! pwede bang paki-explain sa akin kung papaanong ang pagpinta ko ng napakagandang painting na ito...
parang si fernando amorsolo lang ang nagpinta no?
... ay related sa Critical Research? haaay... andami talagang misteryo sa buhay... Kung mahulaan mo ng tama kung ano ang ipinapahiwatig ng ubod ng gandang painting ko, may prize ka sa akin :)
3.5 try
1 day ago
sa tingin ko ay ibon o pato yan na nakatingin sa isang bulaklak sa labas.. wahehhe
ReplyDeletehirap nga maging isang totoong kaibigan minsan namimisinterpret.. wahehhe
Huwaw! Ang piece of art ay.... uhhmm.... yung sa....
ReplyDeleteUy tama minsan mahirap timplahin ang pagiging mabuti... basta ako totoo lang ako masaktan na ang dapat masaktan... hehehehhehehe
Totoo, halos lahat yata ng tao ganyan ang idea ng "mabuting kaibigan".. Pero gaya mo I always try to be honest no matter what. Ilang close friends ko na rito ang nagtampo sa kin dahil lang I go against sa gusto o opinion nila. Nakakaloka..
ReplyDeleteYang great painting mo by the way eh di ko ma-imagine kung ano. But titigan ko ulit mamaya hahaha!
Ang isang mabuting kaibigan ay nandun lng palagi upang maging GABAY tungo sa ikabubuti ng isang kaibigan...nasa tao pa rin yun kung maniniwala o susundin niya ang payo ng isang kaibigan...
ReplyDeleteAt huwaaaaw!Napaka-critical ng art mo hahaha! Joke! Marxism? Tama ba?
Hindi ko lang msyadong maintindihan kung ano yung nakakadena (parang dinosaur na pato na ewan hahaha) pero parang may pino-project ang art mo about social problems? Hunger maybe? Kasi parang halaman (food)yung nasa kabilang side na hindi maabot ng isa pang figure sa kbilang side since nakakadena ito...
Ahoy! Parekoy! May date na ba tayo jan? Welkembek!Musta na ang nalechong pata este yung braso mo pala? Hehehe...
Ingats!
ang nagets ko lang yung kadena and.. and... uhmm... hehe. forgive me wala kasi akong alam sa mga critical reserach na yan eh. but very mysterious ang pagkakapaint mo. :)
ReplyDeletemabuti kang kaibigan kung ang hangad mo ay mga kabutihan lang para sa kanya. maaaring maging masama ang dating sa kanya pero maybe darating din ang oras na he'll realize na gusto mo lang siyang mapabuti. and you're right, mahalaga ikaw ay totoo. totoong kaibigan. :)
mabuting kaibigan ay di nagsisinungaling. hehe
ReplyDeleteteka sa drawing mo, nakakakita ako ng costume ng isang payaso/jester
@kikomaxxx wow... ang galing ko... di ko alam na marunong pala akong magdrawing ng ibon! hehe. pero, hindi eh. hehe.
ReplyDelete@xprosaic hay naku. natulala ka sa ganda ng artwork ko no? aminin mo! AMININ MO!
@Ilocana nice ate. ano, nahulaan mo na? kaya mo yan.
@jag hay grabe... hindi ko alam kung matutuwa ako o ano... at talagang napunta ka pa kay marx ha? bwahahaha. medyo hindi yun yung sagot... nice interpretation though. yan daw ang batayan ng isang nakamamanghang painting eh... maraming pwedeng interpretation. hehe.
ReplyDelete@krn haay... atleast tumama ka sa kadena. hehe.
@jezonhamster hay grabe. isa ka pa! atleast andaming interpretation ng gawa ko. hehe. galing ko talaga(?)
@ Lou: Bagong career ba yang pagpipinta mo? Ayos yan magandang pagkakakitaan yan hahaha!
ReplyDeleteAno b kasi ang sagot? Hindi maarok ng mura kong isipan eh ahaha...
Happy V-day!
well, all i can say, i see water, chained/locked, whatever,, new plants/new beginning???,, ah basta yan ang what I see.. :D
ReplyDeletepag mali, bigay ka namn ng clue>> :)