Sep 13, 2010

a trip down memory lane

nakaka-pagod maglinis ng kuwarto! it took me the whole day para lang magmukhang disente ulit at kaiga-igaya ang kuwartong ito. haay.. atleast hindi na siya mukhang gubat. medyo na-sorpresa nga ako sa dami ng mga gamit at basurang nakatambak sa mga sulok... ngayon napapa-isip ako kung papaano akong nakatagal ng ganito sa kuwartong ito. sobrang linis na ng kuwarto ko, nakaka-panibago. normally, hindi naman talaga ako mahilig mag-linis ng kuwarto.. it's just that i felt like i needed to do this to sink my teeth on the reality that i am moving back in really soon... para hindi na ako mag-dalawang isip! haha.

anyway... hindi lang naman ako basta naglinis. it was actually an interesting experience because it gave me the chance to reminisce about the ancient days. for example, i found these recognition cards and medals that i got when i was a lot younger. wow... nakakatuwa naman. most cheerful. most responsible. most helpful. poetry writing champion. math olympics champion. kung iisa-isahan ko lahat, parang nakakalula. it was great seeing all these achievements from my childhood pero parang napa-isip din ako.. nasaan na kaya yung batang yun? yung batang puno ng abisyon, ng pangarap. masaya kaya siya si kinahinatnan ng buhay niya ngayon? kapag nakaharap ko kaya siya, sasabihin ba niyang "good job?" haayy... ang daming what ifs. i don't know. i'm not sure anymore. that kid is long gone... nothing but a distant memory.


i found my old guitar. naalala ko tuloy when i was in high school. i so wanted a guitar of my own and when my mom finally gave in, i made sure that i had the coolest, most expensive acoustic guitar i could find. i used to love playing this thing. everyday akong nagpa-praktis nuon para lang matugtog yung paborito kung kanta na "more than words." haayyy... it's been a long time. i got so busy na nakalimutan ko ang passion ko sa pagtugtog at pagkanta. nung mahawakan ko ulit ang gitara, i was surprised kasi marunong pa pala ako. tama nga ang sabi nila, para lang daw pag-ba-bike yan na kapag natuto ka na ay hindi mo na makakalimutan kung papaano gawin. so, kung may magrerequest, game ako kahit anong kanta!
ps. leaving on a jetplane, crazy for you, jeepney, at your love na lang ang kaya kung tugtugin ng buo kaya dun lang kayo pumili ok? hahaha.


ang pinakanagustuhan ko sa mga lahat ng mga nahalungkat ko ngayon ay ang mga sulat. yup... i have always loved receiving letters from family and friends at ngayong nabasa ko ulit, parang bumalik ulit yung mga alaala nung natanggap ko yung mga yun. tulad nung isang letter na galing dun sa kaibigan ko. may nakasulat na lyrics ng isang cheesy na kanta at cheesy rin na mensahe. it reminded me na once in my life, i was a mushy kind of guy! haha. too bad konti na lang ang sumusulat ngayon... wait... it gave me an idea. next time na manliligaw ako, idadaan ko sa sulat! haha. i find it romantic, don't you?


hindi ko talaga alam kung saan patungo tong post ko. i'm not thinking very clearly right now... all i know is that i have to capture this feeling that i'm experiencing right now. a sense of comfort, of familiarity, of home. it's been a long time since i have felt this way... i guess all i had to do was clean up my closet, keep the things that made me believe, and throw away the things that made me doubtful. if only life is always this easy...

17 comments:

  1. but the thing is.. life is really never easy.. it isnt easy as it seems to be.. :D

    "i was a mushy kind of guy!"
    -meaning hindi na ngaun?

    naks naman.. ang dami mong most-most na yan hahahaha... mukhang mabait kang nilalang nung kabataan mo.. :D

    ReplyDelete
  2. ang sarap talaga magbasa ng mga sulat noh?

    romantic love letters sa panliligaw, why not? ;)

    ReplyDelete
  3. @yanah haha. hindi na masyado. wala pa kasi akong pagkaka-mushyhan eh. hehe. mabait naman talaga ako eh.. hanggang ngayon. hehe.

    @karenanne una, at bakit may pa-myeterious effect ka dyan? hehe. you know my name? hmmm.... kapag ikaw ba ang niligawan ng love letters, dagdag pogi points ba yun? meron pa bang nakaka-appreciate nun ngayon?

    ReplyDelete
  4. Ikaw na ang matalino! Naks first place at laging honor!Galing ah!

    Asan na yung collection mo ng PLAYBOY magazines?hahaha

    Ingat brod

    ReplyDelete
  5. Naks! ikaw na nga! lol... tama si drake... hahahahhahaha....so nasan nga yung mga P*RN?!...lol

    ReplyDelete
  6. Naalala ko ang post na ito nung kabataan ko err bata pa rin nmn ako now. LOL. Feeling ko napariwara ako ngayon. LOL. Bibong bata pala itong si Antonio hehehe...Parang gusto ko uling bumili ng gitra ah...nakakamiss tuumugtog...

    Parang magandang ideya nga yung love letter na yan sa panliligaw mas maappreciate yan ng babae parekoy at baka sagutin ka nyang bgla hahaha...

    ReplyDelete
  7. @drake oo. ako na talaga ang bibo at matalino! yahaha. ngek, sory, wala akong playboy magazine eh. mahirap na ang magkaruon ng hard evidence kaya sa internet na lang! nyahaha.

    @xprosaic hay naku.. kung meron man, hindi ko ipapakita sa inyo no... inaalagaan ko ang aking reputasyon! haha!

    @jag grabe. kung bata ka pa, ano na lang ako? sanggol? hahaha. grabe, napariwara ka na sa lagay na yan eh ang yaman-yaman mo? hay naku...

    ReplyDelete
  8. pareho na tayong magulo ang kwarto. pagkatapos mo dyan dito naman pakiayos. joke

    sa gitara takte, tinuturuan ako ng kapatid ko pero di ako matuto tuto.

    jeepney madalas din naming ijamming ako na lang tiga kanta..

    naalala ko din pers labletter ko ay ginawa ko nung grade 5. hohohohoo

    ReplyDelete
  9. wow ang astig nung math Olympiad medal!!!! Asteg!

    Baket biglang naging emo much sa dulo?! But you have a point, if only life is always as easy as throwing what you don't want to have edi laging masaya ang buhay walang emo ek ek...

    Ingat kaw koya!

    ReplyDelete
  10. @jasonhamster demanding ka? haha. sige, saan ba yang kuwarto mo at nang madis-infect na. hehe. ang bata mo palang lumandi parekoy. ako grade four! nyahaha

    @jepoy idol! tnx so much. dati love ko ang math, break na kami ngayon. haha. idol, emo naman talaga ako eh kaya ayos lang yan! nyahaha.

    ReplyDelete
  11. ednas school/ Diba sa pangasinan to?haha

    ReplyDelete
  12. @imriz oo naman. i'm a pretty sentimental guy :P

    @drei haha. yup. how did you know?

    ReplyDelete
  13. Naku parekoy, buti ka pa buhay pa yang mga old souvenirs mo ng pagkabata mo. Mahilig din akong mag-ipon ng mga bagay-bagay mula nung bata pa ako, eh ang kaso walang hiyang Ondoy yan, nilubog lahat sa baha.. haha, basa at putikan... kaya ayun, wala akong nagawa kundi itapon na lang silang lahat... *sad* pero yung mga lumang medals and pics ko buhay pa naman hehe... hindi sya nalubog sa baha lols.

    ReplyDelete
  14. Hey! Long time no look, hehehe.. musta na ading.. huh, tagal ko ng absent, pano na-busy nako lately.. anyway, napadaan ako't naalala kita kanina, may nakita kasi kong kahawig mo rito.. oh wag mo nang itanong if sinong mas pogi kasi mas pogi yun, nyahahaha!

    Teka, medyo emote ka yata again ha... But you're right sarap balikan mga memories of long ago. Kailan lang I just found myself looking at some of my old photos way back nasa Pinas pa ko. Pics with my family,friends & classmates.. Nakaka-miss talaga, as in I feel like I wanna go back to that time... Hay naku, ayan nahawa tuloy ako hahaha! Anyway, glad to be here again.. So see you on my next rounds :)

    Ps. Still waiting 4 your address. You don't think I'm serious do you? But I am. I will send you some FUDGE! :p

    ReplyDelete
  15. @ilocana hay naku.. ang tagal mo ngang di nagawi dito. saka, sigurado akong mas pogi ako dun sa sinasabi mong kahawig ko! nyahaha. saka, wag ka na mag-reklamo sa ka-emohan ko... it wouldn't be me kung hindi ka-emohan ang post ko. hehe. hmmm.... sige ate. sinasabi ko sayo, mageexpect talaga ako. my sister makes the best fudge brownies so you better bring it! haha... i'll be keeping in touch :)

    ReplyDelete
  16. "...and throw away the things that made me doubtful. If only life is always this easy."

    Well, I believe that doubt is part of every journey. Though I find it odd but it also is, in most cases, controllable. And life, as I see it, was laid out easy. Tao lang naman nagpapacomplicate ng things eh.

    BTW, courting through letters look soo years ago but soo plus points. To me, at least.

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!