"how on earth do you stay positive?"
Tanong sa akin ng kaibigan nang maka-usap ko kamakailan sa facebook. Recently lang kasi niya nalaman ang trahedyang bumalot sa katauhan ng mabuting bata. Why stay positive? Bakit nga ba? Considering all of the things I've been through, hindi kataka-taka kung hindi sila maniwalang ayos lang ako. AYOS ako. Kahit naputukan ako sa braso, kahit asar sa mga taong mapansamantala, kahit lalo akong lumulobo, kahit wala akong lablayp(by choice naman), at kahit halos ubos na ang savings ko, AYOS pa rin ako. I'm okay because I choose to be okay. Wala rin namang magagawa ang pagmumokmok para maresolba ang mga problema ko. Sabi nga sa pelikula ni John Lloyd, "Hindi umiikot sa'yo ang mundo at hindi titigiil ito kahit mawala ka pa!" Kung magaling man mangumbinsi si John Lloyd o idol ko lang siyang talaga, hindi yun ang punto. Ang importante dun ay tama siya. Tuloy lang ang buhay. Kung ano man ang ginagawa ko nuon ay siya pa ring ipagpapatuloy ko.
Pumapasok pa rin ako...
Lecture with one of my favorite documentarists, Raffy Tima.
Nagkakawang-gawa...
children of Ama ng Kalinga foundation
Lumalamon?!?
my famous pasta alfredo. yummy :)
Sabi nga nila sa Ingles eh Business as usual. Tandaan na lang natin na ang problema ay hindi ang totoong problema dahil ang totoong problema ay kung papaano mo maipagsasabay ang BUHAY at PROBLEMA. Kung hindi mo naintindihan ang sinabi ko, problema mo na yun. hehe
Blogger mode: ACTIVATED!
3.5 try
1 day ago