Sep 23, 2012

Samu't Saring Kwento 15: Baguio

Pagsakay ko ng van, may umupo sa bandang harapan na magkuya.

"kuya, bili ako ng makakain natin."
"O sige. Punta ka dun sa tabing tindahan. Bili ka kahit ano." Sabay abot ng 50 pesos.
"Sige kuya. Balik ako agad. I love you."

"Kuya, anong gusto mo dito sa dalawa?"
"Kahit ano na lang."
"Ito na lang kuya. Di ba favorite mo to? Hati na lang tayo."

"Kuya, malapit na ba tayo?"
"Medyo malayo pa ading. Bakit?"
"Gisingin mo ako pag andun na tayo ha? Goodnight." Sabay halik sa pisngi.

This is unfair! Pahingi ng baby brother!
________________

Lumabas kami ng mga kaibigan para magdinner. Isa dun, kaibigan lang talaga pero nililink sa akin.
Habang kumakain...

"Kuya, nakilala mo na ba boyfriend ni ate?"
"Hindi pa nga. Hon(tawag ko sa friend na nililink sakin), pakilala mo sa akin."
"Dadaan daw siya dito mamaya."

Pagkakilala kay boyfriend...
"Kuya, wag kang magalala, lamang ka naman dun."
"Asus."
"Oo promise! Lamang lang siya sayo ng isang paligo..." sumasama sa pageant ang mokong "... pero lamang ka naman sa height!"
"Di nga?"
"Oo. Saka sa Tiyan. Saka sa baba. Pag tag-gutom, pwede nating isigang iyan!"
"Buset!"

Haha. Nakakatuwa na nakakabanas kapag kasama ang barkada.
________________

22 Things to do while I'm 22 Update

Number 9 : Meet at least 2 bloggers in person

Bilang paakyat ako ng Baguio to see some old friends at paakyat ng Baguio si pareng Asiong to start working, napagpasyahan naming magkita. Konting kwentuhan lang sana kung saan namin iwawala si pareng Denggoy sa aming hometown pero, SURPRISE! Umakyat din pala si pareng Denggoy! Napaaga tuloy ang meet-up. After dinner sa 50's diner, inuman sa... saan na nga ba ulit yun? Di ko na matandaan sa kalilipat namin. hehe. At konting paglalandi ni pareng Asiong sa receptionist ng hotel, naghiwa-hiwalay na kami. Kung nagtataka kayo kung bakit walang pictures, bigla daw nacamera-shy ang dalawa. Iyong isa, photographer at iyong isa may dalang digicam... camera-shy? haha. Di bale. Kapag sa hometown ko na, kailangan may pics. See you again soon. Sa mga ibang bloggers na malapit lang sa Dagupan, open din po ang invitation sa inyo. :)

Nga pala. Fail ang attempt ko na humiga sa gitna ng Session Road. Akalain mo ba namang sumabay pa ang ulan sa pagakyat ko. Ayoko naman magmukhang basang sisiw. Next Time na lang. :)




50 comments:

  1. Hahaha. I was about to ask you about the session road thingy. Fail pala.

    Are you back in Manila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku pareng palaboy. Hindi po ako based sa Manila. Dakilang probinsiyano po ang nightcrawler. Pagnapadaan ako diyan, magpapatour ako sayo. hehe

      Delete
    2. haha. hindi ako marunong sa manila tour. bahay work lang ako lagi :P

      akala ko base ka sa manila. sorry.

      Delete
    3. Haha. No problem. Pero dapat magaling ka magtour. di ba, kung saan saan napupunta ang mga palaboy?

      Delete
    4. usually sa mga kulungan ako nakabase. gusto mo magtour sa mga jail?

      Delete
  2. aw hinintay ko pa naman yung paghiga mo sa session road..

    masaya talaga maka-meet ng ibang bloggers :)
    sayang walang picture hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga eh. Sa susunod, kailagan may picture na. Professional photography pa para masaya. hehe

      Delete
  3. hahaha, ako mas gusto kong magkaroon ng older brother pero cute din kung may mas bunso pa sa akin. bwahahahah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sawa na ako kasi maging bunso kaya gusto ko naman magkaruon ng baby brother.

      Delete
  4. sa digicam ko na lobat at nakalimutan dalhin ang charger... ahaha! ako lang me picture e, nung lumalamon sa 50's diner. ehe.

    ReplyDelete
  5. Ayung may EB sila... T.T Ipost na ang picture pa camera shy pa ah... Ang sweet nung magkuya... Si gord diba taga Baguio... imeet na :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga. Nakalimutan kong taga-Baguio pala si mokong. Sayang. Nabasa ko sa last entry niya na pababa na siya eh. Ikaw? Sama ka rin. Pa-book ka na ng flight. now na. hehe

      Delete
  6. Sweet naman ng mag brother na yun. yung akin puro "kuya bili mo ko nun bili mo ko nyan!" pag sinabihan ko, aba obligasyon ko daw na bilan ko sya. buti na lang love ko yun.


    Saya naman ng bloggers meet up! sana tinuloy mo na ang paghiga sa Session road, dedma na sa basang sisiw look. Sabayan na lang ng Aegis na kanta haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareng Zai. Nababasa ko nga sa blog mo. Kung anu-ano binibigay mo kay Ge. Inggit mode lang ako parati. huhu.

      Hindi ko abot boses ng Aegis. Pwede bang Michael Buble na lang? hehe

      Delete
  7. Ganyan talaga ang tropa. Tatadtarin ka ng nagdamukal na panglalait! Haha. At least napasaya ka nila.

    Waah! Sayang talaga! Nameet ko sana kayo! Hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka diyan! hehe. Di bale pareng Gord. Marami pa namang pagkakataon. Good luck sa tinatahak na career. :)

      Delete
  8. masaya yung trip pag barkada yung kasama. hehehe. will be back here. kwenta kapa

    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
  9. gusto ko din mameet si asiong hehehe pati ikaw siyempre :D

    ReplyDelete
  10. Na-miss ko biglang kumain sa 50's Diner sa Baguio. :P~

    ReplyDelete
    Replies
    1. The best talaga ang 50's diner. Hindi pwedeng hindi ako kumain diyan kapag nasa baguio ako. :)

      Delete
  11. ayus eb, antagal ko nang walang nami-meet, ay nong isang araw pala nakita ko si Salbe sa Galleria, stalker mode lang ako dahil di nya ko kilala, kaya gulat sya nung in-approach ko sila hihi :) teka sana kilala mo si salbe hihi :) sensya na dito pa ko nagkwento!

    salamat sa dalaw sa lungga ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napadaan na ako sa blog niya. naku... kailangan siyan balaan at m,ukhang may stalker na siya. hehe :)

      Delete
  12. sayang naman wala ako sa pangasinan now. anyway..ay fail ang paghiga sa session road. next time na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nga eh. di bale... babalik ako ulit sa Baguio. magdadala na ako ng kapote :)

      Delete
  13. mejo late na response...

    looks like super enjoy ka jan sa bakasyon mo sa Baguio parekoy :) basta ang pasalubong, don't forget hahaha!

    ReplyDelete
  14. Bakit ako, may 2 kuya naman, bakit hindi sila ganun ka-sweet saken nun bata pa ko, hmp!

    Ang taray naman, nali-link pa lang sayo, may terms of endearment na agad na hon!

    San ba yung Dagupan? haha.. keri sana ang eb, kaya lang wala kaming sense of direction ni Zai

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga. sweet ako eh :) Tara na dito. Isang bu ride lang iyan. Itotour ko kayo saka ko kayo iwalala! bwahaha

      Delete
  15. wow. taga-dagupan ka sir? malapit lang bahay namin dyan. kaso laguna pa ko. XD

    ReplyDelete
  16. "This is unfair! Pahingi ng baby brother!" - I SO LIKE THIS! :)

    ReplyDelete
  17. taga dagupan ka pala kuya, eh jan sinilang si jessica (ako pala un) hehe... pero lumaki sa bundok. hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow. kababayan ka pala eh. Next time mapadaan ako baguio, kitakits :)

      Delete
  18. mahiyain ata tlga c asiong... lolz

    sana may lil bro din ako :p

    ReplyDelete
  19. Wala ka pala eh hindi mo naisakatuparan ang paghiga sa session road...

    ikaw na ang umi-eb...lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Ikaw na! Di bale... babalik ako dun! Makikita mo!

      Delete
  20. haha.. the first story is very sweet and the second one is hilarious! well, it's a good thing here in Manila maraming bloggers so you get to see them in person.. :D

    Cheers~!

    - Justin -
    The World According To Me

    ReplyDelete
  21. Minsan talaga iba't iba ang trip ng magkakapatid. I have a sister and I tell her to her face that I hate her, she's ugly, and she's like a noisy can.

    Pero wag ka, I hated her so much I bought her an iPhone 4. hahahaha!

    Typical conversation:

    Me: Why are you wearing that b*tch?
    Sis: None of your business a**hole.

    Pero ganon talaga kami. OTher times kami lang nagkukwentuhan eh todo pa kami magtawanan na akala mo eh hindi kami araw-araw naka homicidal mode. hahaha!

    And as for girls, minsan naman may mga kakaiba silang panlasa. I know someone na naghubad na sa harap niya ang isang super hunk, pero parang nakatulala lang daw siya sa pader. Kapag natatabihan ng isang stocky at medyo healthy na guy eh parang dog in heat. Hahaha!

    Dami na rin akong nababasa na mga EB ng bloggers. Maybe I'll see you guys next year, kung hindi ako aabutan ng hiya. Hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku pareng tripster! I'm looking forward to that! Sabihan mo lang ako at luluwas ako ng manila. hehe. basta pasalubong :)

      Delete
  22. Taga Baguio pala sila Asiong at Denggoy tuwing aakyat ako dun wala man lang akong nakikilalang ibang bloggers eh good for you

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup. Tara na. Balik tayo ng Baguio. Nakakamiss agad ang lamig.

      Delete
  23. hahaha! I also hate my sister! pag nagkikita kmi tawag ko sa knya katulong...she is not like me di nag aayos pupunta pa naman kmi ng mall naka pang bahay pero cary lang kc feln ko my PA ako...hahaha...but she love me most! sympre ako nag pa aral but really she really support me in everything I do she always make sure na happy ako:)

    na sad ao di mo nagawa yong pag higa mo sa session road:(

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako rin na-sad. di bale, marami pa namang pagkakataon. I'll be back. :)

      Delete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!