Sep 5, 2012

3 years of Boredom

It's official. Tatlong taon na ang lumipas mula nung una akong magpost ng entry dito sa aking blog. Wow. Tatlong taon. Kung baby lang ang blog ko, malamang nagsasalita na iyan. Kung girlfriend, baka engaged na kami. Kung asawa, malamang divorced na kami. hehe.

Binalikan ko iyong pinaka-una kong post... Nakakatawa lang. Heto ang pahapyaw:

1. I'm not inspiring at all. If anything, i am a bit on the rough edge. hindi lang halata 'cause i have a unique way of carrying myself. so if that's what you're looking for, find it somewhere else.
2. I don't have naked pics or vids of myself... yet. haha, just teasin'. I'm not that bored!
3. I'm an insomniac so expect that most of the updates will occur during night time or early morning. 

Tatlong taon matapos kong isulat iyan, hindi pa rin naman pala ako masyadong nagbago. Una, hindi pa rin ako inspiring. Kung meron mang mangilan-ngilang nabola, tsamba lang yun. Pangalawa, wala pa rin akong mga hubad na litrato o mga video na malaswa... wala pa!(sana huwag lumabas) Pangatlo, Insomniac pa rin ako! Certified Zombie.

Sa lahat ng mga natuwa, nakitawa, naki-iyak, at... sige na nga, mga na-inspire, maraming salamat sa tatlong taon ninyong pagsubaybay sa buhay ng puyat na nightcrawler. 

Sa lahat ng mga bagong kaibigan, ka-blogger, ka-usyoso, at mga parekoy, sana'y mas matagal pa ang pagsamahan natin at mas sipagin pa tayo sa pag-update ng ating mga blogs.

Sa lahat ng mga nabanas, nainis, at nakornihan, ayos lang. Kanya-kanyang trip lang iyan.

Sa lahat ng mga tuwang-tuwa sa kababasa pero di naman nagapaparamdam... huy! Mag-comment ka naman. Walang bayad. Promise. 

Happy 3rd Year Anniversary to my virtual home - stories from a bored nightcrawler

cheers

22 comments:

  1. 3 years na nga! CHEERS!! party party na! yahoo... Happy anniversary.

    ReplyDelete
  2. @khantotantra,Bino,&jessica Maraming salamat po sa pagbati. Cheers :)

    ReplyDelete
  3. Nkas. Happy 3 years parekoy! isa ako sa mga naininspire sayo. lol Tara party na tayo :P

    ReplyDelete
  4. rock on! happy anniversary tol! kampay! ;)

    ReplyDelete
  5. maligayang tatlong taon ser! naway mas madami pang malikhang kwento at kung ano ano pang shiz! :)))))

    ReplyDelete
  6. Three is a perfect number. In the biblical context, there are many references to the number three which means complete.

    Who knows, these three years may mean that you've been through the silent period, di ba?

    Maybe this time, you'll be inspiring. Maybe this time, you'll get your sex video leaked to someone else creating a scandal which would torment you and make you notorious for the rest of your life. Maybe this time you'll be a sleep-blogging, pulling out the best and the creepiest thoughts and sentiments and weave them all in stats-hitting posts.

    Di ba? Who knows? You know? I don't know? Me know? No. No? Ano? Ewan!

    I just want to comment (hindi pa pala comment yung mga naunang paragraphs no? hahaha!) on that part when you said, "I'm not inspiring at all."

    Akala lang siguro natin na hindi tayo inspiring. Ang mga hind inspiring ay yung walang ginagawang creative or productive. Those people who don't pursue their passion, or their belief.

    I believe that anybody can be an inspiration. And it's good to aspire to become an inspiring person, because your saying that in some ways you would like to become a leader, a responsible person who knows what he's doing and who knows what he's saying. A person who wants to be an inspiration to others is a person who is ready to set an example and pursue his goal and be responsible to the outcomes of his actions in the lives of others.

    Marami kasing icon, lalu na yung mga posers sa Facebook at kung anu-ano pang mga social media, pero kakaunti lang ang nagiging inspiration sa iba.

    So keep on going. Don't just settle for being a blogger for three years. There will be more to come, and aspire for better things, aim for greater goals, aim to be more creative and productive, whether it is in your virtual home or in your real life.

    I keep on forgetting na hindi ko pala ito blog. Epal ko no?

    Hahaha! Happy anniversary!

    P.S.

    Oo, huli na ito. Most relationships (like mine) last for two years. The 3rd year is already a great step. Now you have to make a leap.

    Ciao!

    ReplyDelete
  7. happy 3rd! :)

    kelan kaya lalabas ang mga hubad na larawan?joke! grabe naman, pag sa asawa pala after 3 yrs e divorce na agad agad?haha,dinibdib ko naman masyado!

    ReplyDelete
  8. Haha, happy 3rd anniversary sa iyong blog parekoy. tara inuman na!!!

    ReplyDelete
  9. @shenanigans yup. 3 years and counting...

    @archiviner sige na nga. papabola na ako.salamat parekoy.

    @denggoy maraming salamat! kampay!

    @overthinkerpalaboy salamat po. Will do :)

    @joanne meron talaga akong hubad na larawan. kaso baka masuka kayo kasi puro taba ngayon eh. hehe

    @fiel-kun sure. basta sagot mo inumin... akin ang pulutan. hehe

    ReplyDelete
  10. @mr.tripster dahil ikaw nanaman ang longest comment, kailangan separate ang reply ko sayo. hehe.

    Unang-una, tama ka! Hindi mo ito blog kaya maghunus dili ka naman sa paggawa ng mala-nobelang comment sa comment section! bwahaha. joke lang. I actually enjoy your comments. Para akong nagbabasa ng ibang blog sa comment section. hehe.

    Buti ka pa, umaabot ng dalawang taon mga relasyon mo. ako, mahaba na ang ten months... at panahon pa ni kopong-kopong yung last ko. Haaay... Na-trauma na nga ata ako.

    Salamat sa parating pagbisita parekoy. Alam ko, matagal-tagal pa tayong magbabanasan sa mundo ng pagba-blog. Cheers! :)

    ReplyDelete
  11. Makikibati parekoy! Isipin mo 3 years na pala si nightcrawler and still alive and kicking LOLZ...wala bang vid jan or yung kumakanta man lang? LOL...sa lovelife naman right timing lang, siguro sa ngayon wla ka muna pero malay mo pag umarangkada na uli ang kakirehan mo este yang puso mo ikakasal k na pala agad hehe...yung mga sexy photos ko try ko ipost sa blog ko para mainspire ka at magpost ka din dito wahahaha joke!by Nov. pala me and my friends are planning to go to hundred islands uhmm...who knows finally makikita ko na ang damulag este pogi kong parekoy jan sa Pangasinan pag natuloy ako at panghahawakan ko talaga ang sinabi mong ililibre mo ako haha...keep on writing about anything naaliw mo naman kami kahit papano :) Congrats sa bahay mo at buhay until now, mine? is...dying haha!

    Ingat!

    ReplyDelete
  12. @kulapitot maraming salamat parekoy. Kampay :)

    @virkkymums maraming salamat po.

    @jag Uuuuuuuyyy. sume-second honor ka kay mr.tripster sa haba ng comment. hehe. Iyang video na iyan, matagal ko na ring pinagiisipan iyan eh kaso baka laitin mo lang ako. hmpft. Huy, balitaan mo ako pag matuloy ka sa hundred islands. Ililibre kita ng milk tea.

    ReplyDelete
  13. Pareng zombie! Belated 3rd anniversary sa blog mo!

    Wala bang pakain dyan kahit milk tea lang? XD

    ReplyDelete
  14. @gord maraming salamat parekoy kahit late ka na. pag bumisita ka dito, sagot ko ang milk tea mo. Promise. :)

    ReplyDelete
  15. aba parang gusto ko rin ng libreng milk tea!

    ReplyDelete
  16. @overthinkerpalaboy kapag napadpad ka dito, sabihan mo lang ako. Ililibre kita ng milk tea. :)

    ReplyDelete
  17. Cheers sir!! Congrast! Tatlong taon na pagsusulat at pag-iisip. Tindi ng talent ng mga ganyan. :)

    - nga pala ser. nilagay ko na kayo sa blogroll ko. hehe- rocknroll yong blog mo pagnaka-lagay na sa roll ko yan. hehe.

    CHEERS!!

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!