I just counted. I now have more than 100 posts since I started blogging...
102 to be exact. Looking at that number, I'm realizing things...
1) Ang tamad ko palang mag-blog. May mga buwan na wala akong entries at yung iba, pa-utot na entries lang. Haay...
2) Ang lakas maka-emo ng mga nauna kong mga entries. Kung saka-sakaling may naligaw ditong suicidal, malamang natuluyan na yun pagkabasa ng mga posts ko.(wala naman sana)
3) Masarap magbasa ng mga nakakataba ng pusong mga comments. May mga mangilan-ngilang epal pero ayos lang din.
Sa sobrang taba na ng puso ko, kasya kayo lahat,
kahit mga balahura. hehe.
4) Ilang beses na pala ako nangakong magbabago na ng pananaw sa buhay at mas magiging positive. Ewan ko ba. Bakit naman kasi andaming nagkalat na kampon ng masasamang elemento? pero, pangako na talaga... mas aayusin ko na ang buhay ko.
Promise! Ulit!
5)
I survived! Marami na akong mga kasabayang bloggers na huminto na sa pagbablog. Nawalan ng gana? Inspirasyon? Aaminin ko, naranasan ko na rin ang mga yan pero heto't pabalik-balik ako. Parang singaw lang. hehe.
Sa iba, wala lang siguro ang numerong iyan pero para sa akin, kasabay ng paglaki ng numerong iyan ang paghubog ng pagkatao ko sa nakalipas na tatlong taon. Minsan masaya. Minsan malungkot. Minsan wala lang. Kahit ano pa man, tuloy-tuloy pa rin tayo. Sabay kayo ha? Iisa lang naman ang komunidad natin eh... komunidad ng mga pogi at maganda! Haha.
Next week, opisyal na
3rd year anniversary na ng blog ko. Ayos!
__________________
22 things to do while I'm 22
Update
number 20: Start my own business/Get a part time job
Isa sa mga hindi alam ng marami ay bukod sa pagiging estudyante ko sa umaga, isa din akong teacher sa gabi! O ha? estudyante na, teacher pa. Anong klaseng teacher? Teacher po ako ng English online. Opo. Online. Sa mga napagsasabihan ko ng raket na to, marami sa kanila ang nagsasabi na madali lang to gawin! Excuse me po!!
Madali bang ngumiti sa estudyante kahit na sa totoo ay bwisit na bwisit ka na?
Madali bang magpasensya sa mga estudyanteng mahilig magtantrums habang nagkaklase?
Madali bang pigilin ang tawag ng kalikasan habang nakikipagbolahan ka sa estudyante?
Madali bang pigilin ang mga estudyanteng kinikilig sa kanilang mga guro?
Hindi di ba? Kailangan ng matinding pasensya, pang-unawa, talino, at
kakaibang charms para makatagal. Haay. Buti na lang meron ako lahat niyan. hehe. Pero lahat ng iyan kaya mong tiisin kapag nasahuran ka ng maayos at masabihan ng,
"I don't want to reserve any other teacher. You're my favorite. You're the best."
O di ba? Kumita ka na, nabola ka pa!
Hard at work.