"uhmm..."
"yes?"
"alam ko may utang pa ako sayo pero magbabakasakali lang ako... mapapahiram mo ba ako ulit?"
Alam na. Nawala sa isip ko. Andami palang may utang sa akin. Matapos ang mahaba-habang kalkulasyon, mahigit 12,000 pesos pala ang pera kong napautang! Oh my gulay. Bakit ba kasi malambot ang puso ko sa mga nangangailangan? Medyo matagal-tagal na rin ang iba dun ah. Grabe. Ako na ang may ginintuang puso... pwede kayang isanla?
Sadly, hindi ko siya pinautang. Meron ba akong pera? Meron. Kaso, tiwala naman yata ang naubos.
__________________
Sobra akong stressed nitong mga nakaraang linggo. Stressed sa eskwela, sa trabaho, sa mga problema. Kung meron mang isang bagay na nakakapag-relax sa akin ngayon, ito ay Milk Tea. Opo. Milk Tea. Masarap. Masustansya. Mahal.
Minsan, sa sobrang tagal ng mga hinihintay ko, naka-order ako ng dalawang extra large at isang small na milk tea. Nasira ang tiyan ko kinagabihan. hehe. Eh ano? Kung yung iba nga eh dinadaan sa alak at sigarilyo ang pagrerelax, eh di hamak na mas maayos pa ang paraan ko hindi ba? Free Wifi pa. hehe. Kaya kung mapadaan kayo sa mga milk tea shops dito sa may amin, hanapin niyo lang ako at sabihan ng, "Tama na yan. Ang baboy mo na kaya!" Pasuntok muna saka kita ililibre ng milk tea. Ayos?
__________________
22 Things to do while I'm 22 Update
number 12: Stay awake for 25 hours straight
Hindi ko alam kung bakit nasama pa to sa listahan. Sa totoo lang, ang record ko talaga ng pinaka-mahabang oras na walang tulugan ay 46 hours. Kaya itong challenge na ito... chiken! Bwahahahahahahhahahaha. This is my 26th hour. Strong. Astig. Zombie.
3 Down. 19 Left. 41 Days to finish. Good luck to me. Hayahay!
.jpg)




.jpg)