Oct 10, 2012

Birthday Boy's guide to eating dimsum

Kahit na gaano pa ako ka-busy... still found a way to celebrate my 23rd birthday. Very low-key, intimate dinner with my family.

At dahil gusto ko may matutunan kayo sa akin, ishe-share ko sa inyo ang blogger's way of eating dimsum!


 1. Umorder.

 2. Kuha. Mas sosyal tignan pag naka-chopsticks.

 3. Mix sauce. Kunwari kapapansin lang na pinipicturan.

 4. Take a bite. Take note: bite lang. Wag magmukhang patay-gutom. Magpaka-sosyal kahit sa picture lang.

 5. Take another bite. Kahit na kayang lunukin ang dimsum ng minsanan, pigilin ang sarili. Bukod sa kailangan ng poise, kailangan ding patagalin ang pagkain para hindi paalisin sa mamahaling restawran.

 6. Smile for the camera. Steady lang para hindi mahulog ang kinakain. Sayang. Mahal.

 7. Matagal pa ba? Kontrolin pa ang facial muscles habang humahanap ng matinong angulo ang kumukuha ng pictures.

 8. Kapag nakuha na ang desired pictures... magpakatotoo na. Isang lagok. Solve.

 9. Isa pa!

 10. Then Smile. Be proud. 

Happy 23rd birthday to me! 

49 comments:

  1. heypibirthday sa iyow! ang susyalans ng pagdidimsum!

    ReplyDelete
  2. hapi bertdey! pa-share naman ng dimsum na yan!

    ReplyDelete
  3. wahahaha, what a very nice way to celebrate your birthday!!!

    pengeng dimsum!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama... isa ka pa! wala na. bilhan kita yung tigsasampung piso sa may kanto. hehe

      Delete
  4. hey heypi birthday..at dahil birthday mo magpadimsum ka naman...

    ReplyDelete
  5. happy beerday! mas matanda ka pa pala sa akin?! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. HOY! Hindi ako naniniwala! Mas matanda ka kaya sa akin! Behh. :)

      Delete
  6. happy birthday seyo! ansabi ng dimsum??? hehe! totyal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naks naman. Kinilig naman ako ng bahagya. Salamat Jessica. :)

      Delete
  7. Wala ng pademure dapat! Isang lunok lang yang dimsum eh!

    Happy birthday pare! may you have more blogpost to come! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you parekoy. Yung mga sumunod, isang lagok lang talaga. hehe

      Delete
  8. Happy birthday parekoy :P Ang sosyal ng 23rd birthday mo. Libre mo naman ako jan kahit isang bite lang ako :P Gusto ko rin magcelbe ng bday dyan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. HOOOOY! Excuse me! Mas matanda kaya kayo sa akin. Hmpft. Kung makapag-claim lang kayo ah! bwahahaha. Punta ka dito, treat kita. :)

      Delete
  9. ser, san ka nagcelebrate ng birthday mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa isang restawran dito sa Dagupan. Baka ikaw pala may-ari nito ha. Syang. Humingi sana ako ng discount. hehe.

      Delete
    2. baka nga yan yung sa amin. pamilyar ang background. ikaw e hindi mo ako tinimbrehan.

      Delete
  10. Wow!! Happy Birthday Nightcrawler! More happy years and dimsum to come! :)

    ReplyDelete
  11. Nice! Happy birthday! May tutorial na rin pala ngayon ang mga ganyan. hahaha!

    Why did I deprive myself of luxury nung birthday ko? And don't be busy on your day. Araw mo na nga eepal pa ang trabaho.

    Napatawa naman ako tungkol sa chopsticks. Kelangan talaga yan kung paninindigan ang pakikipagsosyalan, kahit na pulitakin ang mga daliri at kamay sa paghawak ng mga sticks. hahaha!

    Sige, enjoy mo yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga. guide para sa mga bloggers. hehe.at aminin mo... mas sosyal talaga tignan pag nakachopsticks! hehe.Thank you tripster :)

      Delete
  12. ayos! happy birthday sa yo! :D

    ReplyDelete
  13. belated happy birthday pow kuya. mmmmmm, mukhang magkabirthday pa pow tayong dalawa ah. your 10-10 din po ba kuya.

    how cute you are on those pictures. habang pinapanood ko ang mga pictures na ito napapangiti na ako, hehehehehe. so cute talaga.

    C0TT0N-L0VE.BLOGSPOT.COM

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku.. ang sabi nila magaganda daw ang lahi ng mga pinanganak sa araw na yan eh. hehe. maraming salamat sa pagbisita at sa konting bola. bibisita rin ako sa blog mo. :)

      Delete
  14. Happy Birthday Kuya Lou! bwahahaha!

    ReplyDelete
  15. ano bang lasa nung dimsum? di ko pa na-try yan e. hahaha. anyway, happy birthday po! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hayaan mo... imbitahin kita sa susunod kong birthday at puro dimsum lang ang ihahain ko.

      Delete
  16. Happy happy birthday oy! Hindi mo ba ko ilibre ng dimsum! Ang cute mo sa pics, hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit po sa personal, cute din po ako. hehe. maraming salamat joanne. :)

      Delete
  17. hapi hapi bday .. anlaki ng subo hahaha

    ReplyDelete
  18. I can't see any difference between photo 6 and 7 ganun ka-tagal ang pag-hold mo sa sarili? Amazing! Haha!

    This made me realize na PG ako kasi hindi ko kaya ang mag-bite sa dimsum kasi lamon ang ginagawa ko everytime kumakain ako nito hehe...ikaw na ang sossy! LOL...

    Anyways, happy natal day buddy! Kahit di mo kami niyaya amfufu! LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun talaga. talent yan. hehe. kahit na PG ka, ayos lang yan. hahawaan kita ng pagkasossy ko. TY pareng Jag.

      Delete
  19. happy birthday!anong name ng sosyal na resto? haha nakakatuwa yung mga caption sa pictures. gawain ko din yan kunwari sosyal kahit na gustong gusto mo ng isubo ng buo yung buong dimsum wahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. gawin mo na para maramdaman mo rin kung papaano maging sosyal! hehe

      Delete
  20. Replies
    1. Ano yun? teka lang... feeling ko madami na akong namiss. balikan ko lang mga posts mo para malaman kung ano to. hehe. mahaba-habang back-reading nanaman ito. :)

      Delete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!